Share

KABANATA V

Penulis: Guronuii
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-02 22:56:52

“Bambi’s boyfriend.”

NAIILANG na nag-iwas ng tingin si Bambi sa nakakatunaw na titig sa kaniya ni Kayde habang sinasabi ang mga kataga na iyon. Hindi sa di niya kayang salubungin ang tingin ni Kayde kundi dahil sa malakas na kabog ng dibdib niya at kakaibang nararamdaman niya.

Kasinungalingan. Nagpapanggap lang kayo, Bambi, huwag ka magpadala sa lumalabas sa bibig niya. Suway sa sarili niya.

“Ha---hahaha! Don’t me, pare. Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. How come na ibinigay niya sa iyo ang ilang taon kong hiningi na hindi niya maibigay—” Nakakalokong tawa ang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa kanilang tatlo.

Huminga siya ng malalim bago sumagot. “He’s telling the truth,” sagot niya habang hinahawakan ang kamay na nasa bewang niya. “Ibinigay ko sa kaniya kahit hindi niya hiningi. Hindi naman masama ‘yons dahil boyfriend ko siya.”

“Boyfriend?” May talim ang boses nito na may hindi maipintang mukha. “Naging boyfriend mo ako ng mahigit apat na taon, Bambi!”

Natatawang binalingan
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Paid Pleasure   KABANATA V

    “Bambi’s boyfriend.”NAIILANG na nag-iwas ng tingin si Bambi sa nakakatunaw na titig sa kaniya ni Kayde habang sinasabi ang mga kataga na iyon. Hindi sa di niya kayang salubungin ang tingin ni Kayde kundi dahil sa malakas na kabog ng dibdib niya at kakaibang nararamdaman niya.Kasinungalingan. Nagpapanggap lang kayo, Bambi, huwag ka magpadala sa lumalabas sa bibig niya. Suway sa sarili niya.“Ha---hahaha! Don’t me, pare. Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. How come na ibinigay niya sa iyo ang ilang taon kong hiningi na hindi niya maibigay—” Nakakalokong tawa ang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa kanilang tatlo.Huminga siya ng malalim bago sumagot. “He’s telling the truth,” sagot niya habang hinahawakan ang kamay na nasa bewang niya. “Ibinigay ko sa kaniya kahit hindi niya hiningi. Hindi naman masama ‘yons dahil boyfriend ko siya.” “Boyfriend?” May talim ang boses nito na may hindi maipintang mukha. “Naging boyfriend mo ako ng mahigit apat na taon, Bambi!”Natatawang binalingan

  • Paid Pleasure   KABANATA IV.IV

    Muling bumalik sa isip niya ang mga alaala—ang mga pangyayari noong araw na 'yon—nang magtagpo ang mga mata nila. Masaya ang dalawa, lalo na si Tita Maria, dahil natupad ang plano nitong paghiwalayin silang dalawa."First warning," ani Lani sa tabi niya. "Ilang buwan na rin. Siguro ubos na ang luha mo para sa ingrown na 'yon.""Hindi ako iiyak," nakangiti niyang tugon habang pinatutuyo ang kamay.Pagkakita niya sa dalawang lalaking matagal na niyang iniiwasan sa iisang lugar, mabilis niyang hinila ang kaibigan papunta sa banyo para makatakas. Doon siya magaling—sa pagtakas."Good. Hayaan mo silang magsama. Hindi magtatagal, 'yung babaeng 'yon naman ang lolokohin ng kupal na 'yon." Tumirik pa ang mata ni Lani. "Tara na. Natanggal nga ang stress ko, pero ikaw naman ang na-stress."Mahinang natawa si Bambi sa sinabi nito. Hindi lang stress ang nararamdaman niya—pagod din mula sa buong maghapon.Paglabas nila, huminto si Lani sa harap ng arcade bench. "Nakalimutan ko 'yung isang paper bag

  • Paid Pleasure   KABANATA IV.III

    ITO ang unang beses na nagsabi ang Tita Maria na mag-uusap sila, sa tagal niya karelasyon ang anak nito ay ito rin ang unang pagkakaataon na inimbitahan siya nito. Pero sa hindi malaman na kadahilanan, kinakabahan siya maaring malaman o sabihin nito.“Huwag ka mag-aalala, andito ako.” Pinalalakas ni Lani ang loob ng kaibigan.Bumuga ng marahas si Bambi na nagtungo sa front desk, sa hindi malaman na kadahilanan ay ayaw silang pagbigyan ng una pero ng nagpakita na si Lani ay walang magawa ang babae kundi ang pumayag.Invasion of privacy pero hindi siya magpupunta dito kung hindi dahil sa sinabi ng ginang. Mas lalo tuloy kumakabog ang dibdib niya sa kaba.Humigpit ang hawak ni Bambi sa braso ng kaibigan ng makarating sa pinto ng kwarto. Wala siyang ibang ingay na ginawa, gamit ang susi na binigay sa kanila ay binuksan niya ang pinto na hindi umaagaw ng atensyon.Parang binuhusan siya ng malamig na tubig ng mabilis na bumugad sa kaniya ang kama, kung saan natagpuan ang nobyo na naliligo s

  • Paid Pleasure   KABANATA IV.II

    "Son, hindi maganda kung nandiyan ako. Naisip ko na mas makakapag-usap at mas makikilala niyo ang isa't isa kung kayong dalawa lang. So, enjoy, you tw—" Masaya at puno ng pananabik na ani Tita Maria sa kabilang linya."Mom, ang sabi mo ay pupunta ka kaya ako pumayag." Lumingon si Nathan kay Bambi, kinuha ang kamay nito at ilang beses na pinisil. "At kasama ko si Bambi to announce something important.""What?!" singhal ng ina. "Ano na ang sasabihin ni Steph kung isinama mo pa ang babaeng 'yan?!""'Ano ang iisipin ni Bambi kung makita niyang kasama ko si Steph.' That's the right word, Mom." Pagtatama ni Nathan saka sunod-sunod na bumuga ng marahas na buntong-hininga.Walang imik ang ginang sa kabilang linya, nanginginig sa inis at gusto sanang sugurin si Bambi. Kung hindi lang dahil sa anak, matagal na sana niya itong hinarap. 'Panira talaga ang babaeng 'yon.'"Hahayaan ko na lang ang nangyari ngayon, Mom. Pero huwag mo nang uulitin," ani Nathan nang mapansin na hindi na nagsasalita ang

  • Paid Pleasure   KABANATA IV

    KABANATA IVFlashbackPuno ng pag-aalinlangan ang mukha ni Bambi habang nakatitig sa salamin, nakatuon ang pansin sa repleksyon ng lalaking nasa kanyang likuran. Pinuntahan siya nito upang ayain na sumama sa kanilang pupuntahan.Nalaman niya mula kay Nathan na nag-aaya ang ina nitong kumain sa labas. Subalit, hindi lamang iyon ang dahilan. Kasama kasi ng ginang ang anak ng kanyang kumare—hindi para muling magkita, kundi upang ibugaw ang anak sa iba.Halos taon na rin ang binibilang nila bilang magkasintahan. Matagal na ring alam ng pamilya ni Nathan ang tungkol sa kanila, ngunit patuloy pa rin ang ina nito sa pagtatangka na ipares ang anak sa iba. Dahilan?Simple lang—hindi raw siya nababagay kay Nathan. Kung sa paningin ng iba ay parang langit si Nathan, si Bambi naman ang lupa. Mariing tutol ang pamilya, lalo na ang ginang, na walang tigil sa paggawa ng paraan upang masira ang relasyon nilang dalawa.Marahil ay dahil iyon sa pamilya at antas ng buhay na kinalakhan niya kaya't hindi

  • Paid Pleasure   KABANATA III

    KABANATA IIIWalang imik si Bambi habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Lani. Hinihintay niyang magsalita ito at mag-umpisang magtanong, pero wala siyang narinig mula rito. Ramdam niya ang panakaw na sulyap nito sa kaniya, para bang naghahanap ng tamang tiyempo upang magsalita.Tinignan niya ang café na kanilang nilabasan. Nakatayo pa roon ang lalaking pinagbayaran niya ng pagkain. My body and service are more than a hundred fifty pesos. Ibig sabihin, aminado rin itong isa nga siyang bayarang lalaki.Sayang, gwapo pa naman. Pero kung tutuusin, karamihan ay kakapit sa patalim para mapunan ang kumakalam na sikmura at masuportahan ang araw-araw na gastusin. Ang problema lang, hindi naman ito mukhang dukha para umabot sa ganoong sitwasyon."So, paano mo kilala 'yung fafa na kasama mo kanina?" tanong ni Lani, may halong malisyang pahiwatig ang boses.Binalingan niya ang kaibigan, saka ibinalik ang tingin sa harapan. "Hindi ko siya kilala. Naupo lang siya bigla roon," pagsisinunga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status