KABANATA IIIWalang imik si Bambi habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Lani. Hinihintay niyang magsalita ito at mag-umpisang magtanong, pero wala siyang narinig mula rito. Ramdam niya ang panakaw na sulyap nito sa kaniya, para bang naghahanap ng tamang tiyempo upang magsalita.Tinignan niya ang café na kanilang nilabasan. Nakatayo pa roon ang lalaking pinagbayaran niya ng pagkain. My body and service are more than a hundred fifty pesos. Ibig sabihin, aminado rin itong isa nga siyang bayarang lalaki.Sayang, gwapo pa naman. Pero kung tutuusin, karamihan ay kakapit sa patalim para mapunan ang kumakalam na sikmura at masuportahan ang araw-araw na gastusin. Ang problema lang, hindi naman ito mukhang dukha para umabot sa ganoong sitwasyon."So, paano mo kilala 'yung fafa na kasama mo kanina?" tanong ni Lani, may halong malisyang pahiwatig ang boses.Binalingan niya ang kaibigan, saka ibinalik ang tingin sa harapan. "Hindi ko siya kilala. Naupo lang siya bigla roon," pagsisinunga
Terakhir Diperbarui : 2025-11-28 Baca selengkapnya