Home / Romance / Paid To Become The Billionaire's Wife / CHAPTER 6: EMPLOYMENT CONTRACT

Share

CHAPTER 6: EMPLOYMENT CONTRACT

Author: JEREMEYA
last update Last Updated: 2024-10-24 01:18:44

“Oo, at wala din akong masabi.” Kakalabas lang ni Elisia sa trabaho. Matapos tanggihan ang imbitasyon ni Jake. Naglalakad siya sa gilid ng kalsada habang kausap sa cellphone ang matalik na kaibigan na si Danica. 

“Okay, hintayin na lang kita dito. Oh, nakita na kita.” Saktong nawala ang boses ni Danica ay natanaw niya ang puting kotse nito. Nakangiting sumakay siya sa passenger seat ng kotse. 

“Ang masasabi ko lang sa’yo, kaibigan, ang malas mo!” pang-aasar nito sa kaniya ng makaayos ng upo. 

Nakasuot ito ng light gray hip-wrapped long skirt, ang itim na kulot na buhok nito ay maayos ang pagkakalugay. Napakaganda ng features ng mukha nito bukod pa doon ay napakabango din nito. 

Nang maalala si Kyle ay muling bumalik ang inis niya. 

“Wala talagang kwenta yang si Kyle. Siya at ang nanay niyang nangmamaliit ng kapwa. Kung matinong tao lang yang Rain Samonte na yan paniguradong sooner or later ay iiwan din niyan si Kyle. Kung hindi naman ang masasabi ko na lang ay mukhang pareho silang dalawa ni Kyle ng taste at bagay sa isa't isa.”

Nang marinig ang sinabi ni Danica ay gumaan ang pakiramdam niya.

Si Danica at siya ay magkaibigan na simula pagkabata. Noong college sila ay nag-umpisa itong mag self-media. Dahil sa mala-reyna ang itsura nito at pranka kung magsalita ay mabilis nitong nakuha ang atensyon ng maraming fans sa internet. 

“Tara, saan mo gustong kumain? Libre kita.” Nginitian siya nito, napakaganda talaga nito kung ngumiti. “Celebrate mo ang unang araw mo sa trabaho.” 

Silang dalawa ay nagtungo sa isang barbeque restaurant na pamilyar sa kanila. Nagbukas sila ng dalawang bote ng beer at sinamahan ng inihaw na karne. 

“Dani, may gusto akong sabihin sa’yo.” Matapos maubos ang isang bote ng beer ay ramdam na ni Elisia na medyo nalalasing na siya. Nang tignan ang kaibigan ay hindi niya naiwasang makonsensya.

“Anong problema?” Nang makita ni Danica ang kaseryosohan sa ekspresyon ng mukha ni Elisia ay agad niyang ibinaba chopsticks na hawak.

“Kasal na ako,” mabilis na saad niya.

“Ah?” 

Sa kabila ng gulat na ekspresyon ni Danica ay ipinaliwanag niya dito ang dahilan at kapalit ng pagpapakasal niya kay Nathan.

Hindi pa katagalan ng malaman niyang may cancer si Jace ay desperado niyang ipinasa ang mga drawings niya at naghanap ng iba't ibang impormasyon sa internet sa pag-asang makakahanap siya ng pwedeng pagkakitaan para maipagamot ang kapatid. Nang makita ang recruitment information na galing kay Nathan Lucero ay inakala niyang coincidence lamang iyon. 

Sa panahon ba naman ngayon sino na lang tatambay sa Tieba ng alas-kwatro ng umaga? Lalo pa’t maraming tao na ang nakakalimot sa kung ano ang Tieba.

‘Looking for a girlfriend, one-year contract, generous remuneration.’

Ang labing dalawang salita na iyan na mukhang scam ang pumukaw sa atensiyon ni Elisia para mag-send ng message sa Tieba account ni Nathan Lucero ng alas-kwatro ng umaga. 

Pagkatapos ay nagpa-appointment din siya dito ng sumunod na araw. Pagkatapos no'n ay nag-chat silang dalawa patungkol sa cooperation, sa bayad at pagkuha ng marriage certificate.

Sa totoo lang, paggising niya nang umagang iyon ay medyo nagsisi siya ng kaunti. Pero ng binuksan niya ang E-wallet niya ay may nakita siyang bagong pasok na pera. Katulad iyon ng sinabi sa kaniya ni Nathan sa Tieba.

‘Para mapatunayan kong seryoso ako. I will transfer 100,000 pesos to you first.’

100,000 pesos, ang ganung halaga ay hindi kayang kitain ng ordinaryong manggagawa sa loob lamang ng dalawang taon. Samantalang ang lalaking ito ay sinasabi na papadalhan siya. 

Sa pag-iisip sa laki ng gastusin para sa pagpapagamot ng kapatid, mas pinili ni Elisia na pumayag sa kasunduan.

“Wala kang pera, bakit hindi ka nagsabi sa’kin?” Tinignan siya ni Danica ng may pagkabahala sa mukha. 

“Katatapos lang ng operasyon ni mommy at hindi ko pa alam kung paano ako magsisimula ulit.”

Bagama’t mukhang carefree si Danica ay ang pinagmulan naman nitong pamilya ay hindi masaya. Noong bata pa lamang sila, hindi niya lang isang beses nakita kung paanong ingudngod ng tatay nito sa lupa ang nanay ni Danica. Pagkatapos ay susuntukin. Noong mga panahon na iyon ay napakabata pa nila ni Danica at walang lakas para umawat. Nang minsang biglang lumapit si Danica ay pati ito ay pinagsusuntok ng ama. 

Hindi lang ilang beses sinabihan ni Danica ang nanay nitong iwan na ang mapang-abusong ama. Ngunit hindi kaya ng ina nito dahil sa takot na baka mabaliw ito at saktan si Danica.

Kaya naman, gumawa ng paraan si Danica para magkapera sa sariling abilidad. Live-streaming sa umaga at gabi, magtrabaho bilang part-time worker at mag-shoot ng mga videos. Pagkatapos ay binigyan nito ng malaking pera ang ama para pumayag na i-divorce ang ina. 

Ngunit ng sa wakas ay maialis na nito ang ina sa paghihirap ay na-diagnose naman ito sa isang sakit at ginamit ni Danica ang huling savings nito pampagamot.

Nang malaman niya ang patungkol sa sakit ni Jace ay kasama niya si Danica sa labas ng operating room kung saan inooperahan ang nanay nito. Sa gano’ng sitwasyon, paano siya magsasabi dito?

“Kung meron ka pang ibang problema, sabihin mo kaagad sa akin.” 

Dahil hindi sanay si Elisia sa seryosong paligid at pag-uusap sa pagitan nila Danica ay tinapik na lamang niya ang balikat ng kaibigan.

“Okay, okay, sasabihin ko sa’yo. My husband is handsome and generous. Hindi siya scammer. Isang taon lang naman,” paniniguro niya dito.

“Maswerte ka lang ngayon.” Alam niyang inis pa rin si Danica sa kaniya. Kahit na hindi na ito galit, hindi pa rin nito napigilan ang sariling sermunan siya.

Silang dalawa ay uminom pa ng dalawang bote ng wine hanggang sa maramdaman na nilang medyo nalalasing na sila.

Akmang magbabayad na sila bago umalis ng matanaw nila ang isang matabang lalaki na palapit sa table nila. Ang malaking mukha nito ay namumula at halatang lasing na.

“Ganda, pwede ko bang hingiin ang contact number ninyo? Ako na ang bahalang magbayad sa ininom niyo.”

Parang gustong masuka ni Danica at Elisia sa mga padulas ng lalaki. “Hindi na kailangan, may pera kami.” 

Pagkatapos no'n ay akmang aalis na silang dalawa ng agresibong humarang ang lalaki sa daraanan nila at bigla na lang sinampal si Danica. Ramdam ni Elisia ang biglang galit na naramdaman, agad niyang hinawakan ang braso ng lalaki gamit ang dalawang kamay, gamit ang buong lakas ay hinagis niya ito. 

Sa tingin niya ay nasa 200 pounds ang timbang ng lalaki. Nang ihagis ito ni Elisia ay gulat na napatingin sa kanila ang mga tao sa restaurant. Ang kasama ng lalaking bumastos sa kanila ay bigla na lang lumapit sa kanila at tinulak-tulak sila ni Danica. 

Ang lalaking hinagis niya ay tumayo mula sa sahig at dinuro si Elisia habang hindi matigil sa pagmumura.

Nang makita tensyon na nangyayari ay mas lalong dumami ang taong nakapaligid sa kanila.

“Hoy! Anong dinuduro-duro mo? Mga lalaki kayo pero binu-bully niyo ang mga babaeng ‘to?” saad ng matangkad na lalaki. Bigla na lamang itong sumulpot sa tabi nila Danica at Elisia. Nakasuot ito ng mask. Hindi gaanong aninag ang mukha nito, ngunit dahil nakatayo ito sa pagitan nila ni Danica ay tila ang kaninang walang magawang pakiramdam ay napalitan ng paghanga.

“Sinasabi ko sa’yo, huwag kang makialam dito!” Ang lalaking humagis kanina ay dinuro ang mukha ng lalaking tumutulong sa kanila habang may bugoy na ekspresyon sa mukha.

“Bakit ba napaka-arogante ninyo? You are the one who sexually harrassed us. Hindi pa ba sapat iyon para depensahan namin ang sarili namin?” Hindi natatakot si Elisia sa lalaki. Lumapit siya sa mga ito at sinabi, “Lumapit kayo at ako ang subukan niyo! Sinasabi ko sa inyo, tatawag ako ng pulis ngayon na! Tignan natin kung sino ang dapat na matakot, what the hell? May surveillance camera at mga tao dito ang nakakita. Isa kayong mga bastardo at kayo pa ang may ganang maging arogante? Come on, say it to me again!” 

Ang lalaking tumulong sa kanila ay hindi naiwasang magulat dahil hindi nito inaasahan na ang maliit na babaeng nasa likod niya ay may malakas na boses. Kung titignan ito maging ang malakas na boses nito ay halatang hindi man lang ito natatakot.

Ang kasama ng lalaki kanina ay hinila ito at binalaan na huwag magpadalos-dalos. Ang may-ari ng restaurant ay agad na lumapit sa kanila. Ang matabang lalaki ay akmang aalis na matapos makumbinse ng mga tao sa paligid nito ng biglang dumating ang mga police.

“Police, siya iyon. It's sexual harassment!” Turo niya sa aroganteng lalaki na nambastos at nanakit sa kanila. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 102: IMBESTIGASYON

    “Okay ka na ba? Kamusta ang pakiramdam mo?” Nang sandaling lumapit si Jake ay mabilis ring lumapit si Nathan sa tabi niya. Walang salitang namutawi sa bibig ni Nathan, tinignan lang siya nito nang may pag-aalala sa mga mata. “Mas mabuti na.” Palaging naiisip ni Elisia na hindi naman ito malaking bagay. Kumpara sa mga sugat niya, mas nag-aalala siya sa mga gamit nila. “Kamusta naman? Maayos ba’ng nakuhanan ang materials natin?” tinanong ni Elisia si Jake. “Hindi na masama.” Ngumiti si Jake at sinabi, “Na-edit ko na ang paunang version ng report video. Pwede mong tignan pagkatapos ay ayusin na lang ulit natin.” “Buti naman, hayaan mo akong makita agad.” Gusto lang ni Elisia na makita ang resulta ng pinaghirapan niya, kaya nang sandaling iyon ay panandalian niyang nakalimutan ang presensya ni Nathan sa tabi niya. Hindi galit si Nathan, ngunit nanatili lang siyang tahimik sa gilid. Nang dalhin ni Jake ang laptop nito, naupo siya sa tabi ni Elisia at pinanood iyon kasabay nito. Hal

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 101: TENSYON

    Matagal nang nagsisilbi si Simon kay Nathan, pero ito ang unang beses na nakita niya itong wala sa sarili.Ang amo niya na napaka-elegante tuwing weekdays, ngayon ay nakasuot ng marumi at magulong damit sa unang pagkakataon. Ang damit nito ay nabahiran ng pulang mantsa ng dugo. Labis na ikinagulat iyon ni Simon. Ang tauhan sa ambulansya na nasa tabi niya ay agad na umabante at kinuha si Elisia at Nathan mula sa sasakyan patungo sa ambulansya. May propesyunal na doctor rin sa loob no'n.Hindi katagalan simula ng makapasok sa ambulansya at makaalis sina Nathan at Elisia, si Mike kasama ang mga tauhan ng manager ng tindahan na nakaitim ay nagmaneho sa bahaging iyon, ngunit bago pa man sila makababa sa sasakyan para harapin ang isa’t isa, biglang dumating ang mga pulis at pinaligiran sila. Sa kabilang banda, natatakot si Elisia sa reaksyon ni Nathan. Ang sugat na nasa braso niya ay mukhang nakakatakot, ngunit nararamdaman niya na wala namang natamaan sa buto niya. Dahil kapag nasugata

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 100: OKAY LANG AKO

    Natural na naagaw ng kilos ni Elisia ang atensyon ni Nathan. Ikinagulat niya ang ginawa nitong pakikipagharap sa dalawang lalaking nasa harapan nito.Sa kabilang banda, ang bagay na iyon ay normal na para kay Elisia. Matapos ang lahat, noong bata pa siya, madalas siyang makipag-away kasama si Danica laban sa mga lalaking nang-aapi sa kanila. Ayos lang iyon noong bata pa siya, pero nang tumanda na siya, ang pisikal na kaibahan sa pagitan ng lalaki at babae ay nakikita na. Nang oras na iyon, alam ni Elisia na hindi siya mananalo kung aasa lang siya sa pisikal na lakas. Kaya naman sa tuwing nagkakaproblema siya, naghahanda siya ng maliliit na kagamitan. Bago bumaba, hindi kinalimutan ni Elisia na ibaba muna ang bag niya. Upang masiguro na ang mga gamit niya ay hindi mawawala. Sa bahaging iyon, hindi na sumagot pa si Elisia sa mensahe ni Jake. Dahilan para maisip ni Jake na may masama ng nangyari. Kaya naman agad niyang pinagana ang kotse at plano niyang sunduin si Elisia at Nathan. M

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 99: NAHULI

    “Tina, bakit pakiramdam ko ang wirdo ng mga nangyayari.” Si Mike at ang store manager ay lumabas ng kwarto at pinaalis ang mga taong nasa paligid nila. Lumapit si Mike sa manager at sinabi rito ang pagdududa niya. “Anong problema?” Hindi pa rin ito gaanong maintindihan ng manager.“Sabihin mo, talaga ba na ang dalawang taong iyon ay si Mr. Lucero at Mrs. Lucero?” Tinignan ni Mike ang manager ng may mahinahong ekspresyon sa mukha. “Sa pagkakaalam ko, si Nathan Lucero lang ang nag-iisang tagapagmana ng Lucero's Group. Ang matandang Lucero ay isang taong hindi nagbabago ng isip. Sa tingin mo ba, papayag ang matandang Lucero na ang apo niya ay naghahanap ng taong magdadala ng items para sa kanya? At kasal na siya, bakit kailangan pa niya ng taong magdadala ng items para sa kanya?”“Marahil dahil naaawa siya sa sakit na mararamdaman ng asawa niya sa panganganak. Normal naman iyon,” saad ng manager, “Marami tayong mayayamang asawang babae noon na pumunta sa'tin dahil nag-aalala sila na maw

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 98: SALAMAT MR. LUCERO

    Nakaupo si Elisia sa tabi nito, bahagyang nalula siya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya ay maling gamot ang nainom nito ngayon. Sa huli, dalawang beses lang siyang naubo, hindi na siya kumibo pa at tahimik na lang na naupo sa tabi nito.Ikinalma ni Jake ang sarili at inobserbahan ang estado ng dalawang tao sa likuran niya sa rearview mirror. Matapos magmaneho ng mahigit kalahating oras, ang senaryo sa paligid nila ay mas lalong umonti. At sa wakas, ang kotse ng store manager ay huminto sa puting building.“Mr. Lucero, Mrs. Lucero.” Pagkaparada ng sasakyan, tumakbo palabas ng kotse ang store manager at magalang na sinalubong sila Nathan at Elisia.Ang dalawa ay nagkasundo sa loob ng kotse. Dahil handa siyang tulungan ni Nathan, sisiguraduhin ni Elisia na gagamitin niya ito ng tama. Kaya naman ng makababa sa kotse, natural na kinuha niya ang mga braso nito.Naglakad silang apat papalapit sa gate. Nang makita nila ang puting building sa harap nila, hindi pa rin maiwasang magulat ni E

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 97: HANDA AKONG MAGBIGAY

    Matapos dumating ni Nathan, mas lalong naging mapagbigay ito. Gumastos lang naman ito ng nagkakahalaga ng walong numero sa tindahan.Hindi niya alam kung ang paggastos nito ay para galitin si Jake o para tuluyang maalis ang pagdududa ng store manager. Ngunit ano man sa dalawa, ang paggastos na iyon ay talagang labis na ikinabahala ni Elisia.Okay, ang pera ba ng mayayaman ay hindi mabibilang na pera? Ang gano'n kalaking pera, gagastusin lang nito dahil sinabi nito?Sobrang nababahala si Elisia, ngunit sa kabila no'n ay hindi naman maitago ang ngiti sa mukha ng store manager. Matapos ang kalahating oras, matapos ang paalala ni Elisia, sa wakas ay opisyal na itong nailagay sa pang-araw-araw na routine. Ang store manager ang nagmamaneho sa unahan upang pangunahan ang daan. Sa likod naman nito ay si Jake, at si Nathan at Elisia ay nakaupo sa likurang upuan. Sinusundan nila ang kotse ng manager papunta sa destinasyon nila.“Bakit nandito ka? Wala ka bang gagawin ngayong hapon?” Medyo nasu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status