Share

CHAPTER 102: IMBESTIGASYON

Penulis: JEREMEYA
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-25 23:50:00

“Okay ka na ba? Kamusta ang pakiramdam mo?” Nang sandaling lumapit si Jake ay mabilis ring lumapit si Nathan sa tabi niya.

Walang salitang namutawi sa bibig ni Nathan, tinignan lang siya nito nang may pag-aalala sa mga mata.

“Mas mabuti na.” Palaging naiisip ni Elisia na hindi naman ito malaking bagay. Kumpara sa mga sugat niya, mas nag-aalala siya sa mga gamit nila.

“Kamusta naman? Maayos ba’ng nakuhanan ang materials natin?” tinanong ni Elisia si Jake.

“Hindi na masama.” Ngumiti si Jake at sinabi, “Na-edit ko na ang paunang version ng report video. Pwede mong tignan pagkatapos ay ayusin na lang ulit natin.”

“Buti naman, hayaan mo akong makita agad.”

Gusto lang ni Elisia na makita ang resulta ng pinaghirapan niya, kaya nang sandaling iyon ay panandalian niyang nakalimutan ang presensya ni Nathan sa tabi niya.

Hindi galit si Nathan, ngunit nanatili lang siyang tahimik sa gilid. Nang dalhin ni Jake ang laptop nito, naupo siya sa tabi ni Elisia at pinanood iyon kasabay nito.

Hal
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 102: IMBESTIGASYON

    “Okay ka na ba? Kamusta ang pakiramdam mo?” Nang sandaling lumapit si Jake ay mabilis ring lumapit si Nathan sa tabi niya. Walang salitang namutawi sa bibig ni Nathan, tinignan lang siya nito nang may pag-aalala sa mga mata. “Mas mabuti na.” Palaging naiisip ni Elisia na hindi naman ito malaking bagay. Kumpara sa mga sugat niya, mas nag-aalala siya sa mga gamit nila. “Kamusta naman? Maayos ba’ng nakuhanan ang materials natin?” tinanong ni Elisia si Jake. “Hindi na masama.” Ngumiti si Jake at sinabi, “Na-edit ko na ang paunang version ng report video. Pwede mong tignan pagkatapos ay ayusin na lang ulit natin.” “Buti naman, hayaan mo akong makita agad.” Gusto lang ni Elisia na makita ang resulta ng pinaghirapan niya, kaya nang sandaling iyon ay panandalian niyang nakalimutan ang presensya ni Nathan sa tabi niya. Hindi galit si Nathan, ngunit nanatili lang siyang tahimik sa gilid. Nang dalhin ni Jake ang laptop nito, naupo siya sa tabi ni Elisia at pinanood iyon kasabay nito. Hal

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 101: TENSYON

    Matagal nang nagsisilbi si Simon kay Nathan, pero ito ang unang beses na nakita niya itong wala sa sarili.Ang amo niya na napaka-elegante tuwing weekdays, ngayon ay nakasuot ng marumi at magulong damit sa unang pagkakataon. Ang damit nito ay nabahiran ng pulang mantsa ng dugo. Labis na ikinagulat iyon ni Simon. Ang tauhan sa ambulansya na nasa tabi niya ay agad na umabante at kinuha si Elisia at Nathan mula sa sasakyan patungo sa ambulansya. May propesyunal na doctor rin sa loob no'n.Hindi katagalan simula ng makapasok sa ambulansya at makaalis sina Nathan at Elisia, si Mike kasama ang mga tauhan ng manager ng tindahan na nakaitim ay nagmaneho sa bahaging iyon, ngunit bago pa man sila makababa sa sasakyan para harapin ang isa’t isa, biglang dumating ang mga pulis at pinaligiran sila. Sa kabilang banda, natatakot si Elisia sa reaksyon ni Nathan. Ang sugat na nasa braso niya ay mukhang nakakatakot, ngunit nararamdaman niya na wala namang natamaan sa buto niya. Dahil kapag nasugata

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 100: OKAY LANG AKO

    Natural na naagaw ng kilos ni Elisia ang atensyon ni Nathan. Ikinagulat niya ang ginawa nitong pakikipagharap sa dalawang lalaking nasa harapan nito.Sa kabilang banda, ang bagay na iyon ay normal na para kay Elisia. Matapos ang lahat, noong bata pa siya, madalas siyang makipag-away kasama si Danica laban sa mga lalaking nang-aapi sa kanila. Ayos lang iyon noong bata pa siya, pero nang tumanda na siya, ang pisikal na kaibahan sa pagitan ng lalaki at babae ay nakikita na. Nang oras na iyon, alam ni Elisia na hindi siya mananalo kung aasa lang siya sa pisikal na lakas. Kaya naman sa tuwing nagkakaproblema siya, naghahanda siya ng maliliit na kagamitan. Bago bumaba, hindi kinalimutan ni Elisia na ibaba muna ang bag niya. Upang masiguro na ang mga gamit niya ay hindi mawawala. Sa bahaging iyon, hindi na sumagot pa si Elisia sa mensahe ni Jake. Dahilan para maisip ni Jake na may masama ng nangyari. Kaya naman agad niyang pinagana ang kotse at plano niyang sunduin si Elisia at Nathan. M

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 99: NAHULI

    “Tina, bakit pakiramdam ko ang wirdo ng mga nangyayari.” Si Mike at ang store manager ay lumabas ng kwarto at pinaalis ang mga taong nasa paligid nila. Lumapit si Mike sa manager at sinabi rito ang pagdududa niya. “Anong problema?” Hindi pa rin ito gaanong maintindihan ng manager.“Sabihin mo, talaga ba na ang dalawang taong iyon ay si Mr. Lucero at Mrs. Lucero?” Tinignan ni Mike ang manager ng may mahinahong ekspresyon sa mukha. “Sa pagkakaalam ko, si Nathan Lucero lang ang nag-iisang tagapagmana ng Lucero's Group. Ang matandang Lucero ay isang taong hindi nagbabago ng isip. Sa tingin mo ba, papayag ang matandang Lucero na ang apo niya ay naghahanap ng taong magdadala ng items para sa kanya? At kasal na siya, bakit kailangan pa niya ng taong magdadala ng items para sa kanya?”“Marahil dahil naaawa siya sa sakit na mararamdaman ng asawa niya sa panganganak. Normal naman iyon,” saad ng manager, “Marami tayong mayayamang asawang babae noon na pumunta sa'tin dahil nag-aalala sila na maw

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 98: SALAMAT MR. LUCERO

    Nakaupo si Elisia sa tabi nito, bahagyang nalula siya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya ay maling gamot ang nainom nito ngayon. Sa huli, dalawang beses lang siyang naubo, hindi na siya kumibo pa at tahimik na lang na naupo sa tabi nito.Ikinalma ni Jake ang sarili at inobserbahan ang estado ng dalawang tao sa likuran niya sa rearview mirror. Matapos magmaneho ng mahigit kalahating oras, ang senaryo sa paligid nila ay mas lalong umonti. At sa wakas, ang kotse ng store manager ay huminto sa puting building.“Mr. Lucero, Mrs. Lucero.” Pagkaparada ng sasakyan, tumakbo palabas ng kotse ang store manager at magalang na sinalubong sila Nathan at Elisia.Ang dalawa ay nagkasundo sa loob ng kotse. Dahil handa siyang tulungan ni Nathan, sisiguraduhin ni Elisia na gagamitin niya ito ng tama. Kaya naman ng makababa sa kotse, natural na kinuha niya ang mga braso nito.Naglakad silang apat papalapit sa gate. Nang makita nila ang puting building sa harap nila, hindi pa rin maiwasang magulat ni E

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 97: HANDA AKONG MAGBIGAY

    Matapos dumating ni Nathan, mas lalong naging mapagbigay ito. Gumastos lang naman ito ng nagkakahalaga ng walong numero sa tindahan.Hindi niya alam kung ang paggastos nito ay para galitin si Jake o para tuluyang maalis ang pagdududa ng store manager. Ngunit ano man sa dalawa, ang paggastos na iyon ay talagang labis na ikinabahala ni Elisia.Okay, ang pera ba ng mayayaman ay hindi mabibilang na pera? Ang gano'n kalaking pera, gagastusin lang nito dahil sinabi nito?Sobrang nababahala si Elisia, ngunit sa kabila no'n ay hindi naman maitago ang ngiti sa mukha ng store manager. Matapos ang kalahating oras, matapos ang paalala ni Elisia, sa wakas ay opisyal na itong nailagay sa pang-araw-araw na routine. Ang store manager ang nagmamaneho sa unahan upang pangunahan ang daan. Sa likod naman nito ay si Jake, at si Nathan at Elisia ay nakaupo sa likurang upuan. Sinusundan nila ang kotse ng manager papunta sa destinasyon nila.“Bakit nandito ka? Wala ka bang gagawin ngayong hapon?” Medyo nasu

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status