Share

CHAPTER 5: START WORKING

Author: JEREMEYA
last update Last Updated: 2024-10-24 01:15:29

Unang araw ni Elisia sa trabaho, nang makarating sa TV station ay hindi niya naiwasang pagmasdan ang mataas na building nito. Dala ng excitement ay agad niyang inilabas ang cellphone at kinunan ito ng litrato para maipakita sa kapatid. 

Nang makapasok sa loob ay napansin niya ang dalawang hilera ng mga taong nakasuot ng itim na suit na tila may hinihintay sa hall. Sa gitna ay nakatayo ang isang lalaki na sa tingin niya ay nasa forties na ang edad halatang ito ang namumuno sa mga ito. 

Sa pag aakalang isa itong reception para sa isang bigating tao ay agad siyang gumilid at nagbigay daan. 

“Direk Ventura, tignan mo, iyon ba ang kotse ng asawa ni Mr. Lucero?”

Ang lalaking tinawag na director ay napatingin sa labas at halata sa mukha nito ang kalituhan. Ang tanging sinabi lang ni Mr. Lucero ay bata pa at papasok lamang ang asawa nito bilang intern. Wala na itong sinabing iba pa. Nagulat siya nang malamang wala ng iba pang nakakaalam sa labas ng tungkol sa pagpapakasal nito. Masaya siya na makuha ang pagkakataon na iyon. Hangga't kaya niya ay hindi niya sasayangin ang chance na mapaglingkuran ang asawa ng presidente. So, that with the Lucero's group as his back, makasisiguro siyang makakakuha ng investments in the future. 

Umaga pa lang ay dinala na niya ang mga tauhan niya sa unang palapag ng station para salubungin ito. Kagabi pa lang ay inalam na niya kung sino ang possibleng asawa ni Mr. Lucero. Sa lahat ng bagong graduates ng taon na ito ay si Rain Samonte ang may pinakamagandang pamilyang pinagmulan. Ang pamilya nito ay nasa clothing business. Nito lang ay nakipagkasundo ito sa Lucero's group para mag-produce ng mga damit for a certain animation. Bukod pa roon ay bagong graduate lamang ito. Nang tignan niya ang graduation pictures nito ay napansin niyang medyo hawig ito sa first love ni Mr. Lucero na si Kassandra Havier. 

“Okay, nasa station ako ngayon. I'll talk to you later.” Nagpadala ng mensahe si Rain kay Kyle habang hinihintay na pagbuksan siya ng driver ng pinto. Pagkatapos ay agad siyang lumabas suot ang mataas na takong na lagpas sampung sentimetro. 

Pagpasok pa lamang sa loob ay agad na bumungad sa kanila ang grupo ng mga taong sumalubong sa kanila. 

“Ikaw marahil si Ms. Rain Samonte.” Ang medyo may katandaan ng lalaki ay naglakad papunta sa unahan. May ngiti ito sa mga labi at mukhang madaling pakisamahan. “Ako ang director ng TV station na ito. Medyo matanda lamang ako ngunit pwede mo akong tawaging Uncle Cali.”

Suot ni Rain ang isang high-end dress na ipinasadya pa ang disenyo ng naaayon sa panahon. Ang kaniyang mahabang itim na buhok ay metikuloso ang pagkakaayos. Maging ang suot na bag sa katawan ay halos umabot sa libo ang halaga. Nang marinig ang pagpapakilala ng lalaki bilang director ng TV station, naisip ni Rain na marahil ay binanggit na siya ng ama dito. 

“Uncle Cali, napakabait po ninyo. Umaasa po ako na mabibigyan niyo ako ng payo sa hinaharap,” saad niya rito. 

Ang balitang si Rain Samonte ay asawa ng isang presidente ay agad na kumalat sa buong station sa unang araw nito. Ang sabi ay personal itong sinalubong ng director. 

Halatang ordinaryo lamang ang welcome ceremony nito ngunit lahat ng departamento ay nagbigay ng importansya dito kaya't nagmukha itong grande. 

Si Elisia maging ang mga bagong kasamahan nito ay ay naghintay sa opisina dahil iyon ang sabi sa notice na ibinigay sa kanila. Sa huli ay sinundan na lamang nila ang director kasama si Rain at ang grupo ng mga taong kasama nito. 

“Hey, nakita mo ba ‘yong babae sa unahan?” Ang nagsalita ay ang lalaking kasabayan lang ding pumasok ni Elisia. Nakasuot ito ng itim na suit, medyo kulot ang buhok at may suot na salamin. Sobrang cute nitong tignan. “Narinig ko na ‘yong babae sa unahan ay asawa ng isang presidente. Nakatanggap ng balita ang director natin kaya ito na mismo ang sumalubong dito. No'ng mga nakaraang taon ay hindi naman gaano kabongga ang welcoming ceremonies dito.” 

“Maagang nagpakasal?” Ramdam ni Elisia na kasing edad lamang nila si Rain Samonte. Kahit na hindi niya kilala ang mga brand ng damit nito ay masasabi niyang sa isang tingin pa lang ay mamahalin na ito. Hindi niya inaakalang ang katulad nitong mula sa magandang pamilya ay magpapakasal ng maaga.

“The best time is when it suits you,” saad ng lalaki bago lumapit kay Elisia, tila ba ang nararamdaman ng mga kasamahan ay walang kinalaman sa kanila. “My name is Jake, bagong empleyado lang ako katulad mo,” pakilala nito sa sarili. 

“Hello,” magalang na sagot ni Elisia. Ang dalawa ay agad na in-add ang isa't isa sa WeChat. 

Kung magsalita si Jake ay tila para itong walang ibang pinakikinggan. Sapagkat marami itong nais sabihin. 

“Narinig ko na biglang nag-message daw ang boss sa director. Nasa out of town ang director pero nagmadali itong bumalik kagabi para lang salubungin ang asawa ng presidente. Mukhang masyadong malaki ang pagkakakilanlan ng boss.” Lumapit si Jake kay Elisia para sabihin dito ang chismis na narinig niya. Hindi tuloy maiwasan ni Elisia ang mag-usisa. Sayang lang at maraming tao sa unahan at hindi niya makita ang mukha nito. Ramdam niyang medyo pamilyar sa kaniya ang babaeng nagngangalang Rain Samonte. 

Matapos ang tour nila sa station ay agad silang dinala ng Human resources manager sa office area.

Maliban kay Jake at Rain ay may lalaki at babae pang kasabayang pumasok si Elisia. Ang pangalan ng lalaki ay Jay at ang babae naman ay Winter. Lahat pare-pareho ang edad. 

“Jake and Elisia, dito kayo mauupo.” Gamit ang folder na hawak ni Team Leader Janna ay itinuro nito ang dalawang workstation sa tabi nito. Matapos ay itinuro nito ang dalawa pang upuan sa tabi nito. “Jay and Winter, dito kayo.” Agad namang sumunod ang dalawa.

Pagkatapos ay tumungin ito kay Rain, “Sumama ka sa’kin.” 

Si Rain ay inakay ng Team leader nila sa bukod na opisina. Sa pamamagitan ng transparent na dingding ay kita ng mga bagong empleyado ang ngiti ni Team leader Janna maging ang nakapaluwag na opisina. 

“No way, bakit may sarili siyang opisina?” hindi naiwasang tanong ni Jay. Mukha itong honest at base sa reaksiyon ng mukha nito ay marahil naguguluhan ito sa nakikita.

“Huwag mo ng tanungin ang hindi mo dapat tanungin. Gawin mo na lang ang dapat mong gawin.” 

Kapag may tao, may ilog at lawa. Sanay na si Elisia sa ganitong sitwasyon. Kung tutuusin ay lumaki siya na ang nakababatang kapatid lang niyang si Jace ang kasama. Marami na din siyang nakasalamuhang iba't ibang tao sa lipunan. 

Itinuon na lamang niya ang isip sa trabaho at hindi niya naiwasang mapangiti ng makita ang bagong work badge niya.

Bilang estudyante na nakatapos sa kursong Liberal arts major in journalism, napaka-swerte niya ng makatanggap ng offer mula sa isang TV station. Kanina ay kinunan niya ng litrato workstation niya at masayang pinost iyon sa kaniyang circle of friends. 

Ngunit hindi sinasadya, pagkatapos mag-post ay na-refresh niya ito at nakita ang updated circle of friends ni Kyle. 

Matapos ang nangyari sa kanila no'ng nakaraan ay hindi na niya nabigyan ng oras ang sariling burahin ito sa friends niya. Pipindutin na sana niya ang profile nito para burahin nang mapahinto siya ng makita ang laman ng post nito. 

Celebrate our Rain’s first day of work, ang pinakamagandang female anchor, superb!’ 

Ang picture na kasama nito ay kinunan mula sa mataas na lugar. 

Nang titigan ang larawan ay napagtanto niyang mula iyon sa opisina ni Rain. 

Doon na realize ni Elisia ang dahilan kung bakit pakiramdam niya ay tila pamilyar ang babae sa kaniya.

Ito ba ang mayamang babae na kasama ni Kyle? 

Hindi, ‘di ba’t napakaliit naman ng mundo?

Kung babalikan niya ang kaniyang alaala, no'ng mga oras na iyon, nagtungo siya sa bahay na nirerentahan ni Kyle para kuhanin ang computer niya. Ngunit hindi niya inaasahan na makita si Kyle kasama ang isang babae sa kama nito. 

Madilim ang kwarto nito at nakatayo sa unahan ng babae si Kyle kaya't hindi siya nabigyan ng pagkakataon na makita ang mukha ng babae. 

Ang tanging naaalala niya lang ay nang galit niyang kunin ang computer.

Pagkatapos ay narinig niya mismo sa nanay nito na nakahanap na ng bagong mayamang girlfriend si Kyle. 

Hindi niya inaasahang ang mayamang babae na iyon ay magiging kasamahan niya pa sa trabaho. 

Sabi nga na ang magkaaway ay nakatadhanang magkakilala. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 102: IMBESTIGASYON

    “Okay ka na ba? Kamusta ang pakiramdam mo?” Nang sandaling lumapit si Jake ay mabilis ring lumapit si Nathan sa tabi niya. Walang salitang namutawi sa bibig ni Nathan, tinignan lang siya nito nang may pag-aalala sa mga mata. “Mas mabuti na.” Palaging naiisip ni Elisia na hindi naman ito malaking bagay. Kumpara sa mga sugat niya, mas nag-aalala siya sa mga gamit nila. “Kamusta naman? Maayos ba’ng nakuhanan ang materials natin?” tinanong ni Elisia si Jake. “Hindi na masama.” Ngumiti si Jake at sinabi, “Na-edit ko na ang paunang version ng report video. Pwede mong tignan pagkatapos ay ayusin na lang ulit natin.” “Buti naman, hayaan mo akong makita agad.” Gusto lang ni Elisia na makita ang resulta ng pinaghirapan niya, kaya nang sandaling iyon ay panandalian niyang nakalimutan ang presensya ni Nathan sa tabi niya. Hindi galit si Nathan, ngunit nanatili lang siyang tahimik sa gilid. Nang dalhin ni Jake ang laptop nito, naupo siya sa tabi ni Elisia at pinanood iyon kasabay nito. Hal

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 101: TENSYON

    Matagal nang nagsisilbi si Simon kay Nathan, pero ito ang unang beses na nakita niya itong wala sa sarili.Ang amo niya na napaka-elegante tuwing weekdays, ngayon ay nakasuot ng marumi at magulong damit sa unang pagkakataon. Ang damit nito ay nabahiran ng pulang mantsa ng dugo. Labis na ikinagulat iyon ni Simon. Ang tauhan sa ambulansya na nasa tabi niya ay agad na umabante at kinuha si Elisia at Nathan mula sa sasakyan patungo sa ambulansya. May propesyunal na doctor rin sa loob no'n.Hindi katagalan simula ng makapasok sa ambulansya at makaalis sina Nathan at Elisia, si Mike kasama ang mga tauhan ng manager ng tindahan na nakaitim ay nagmaneho sa bahaging iyon, ngunit bago pa man sila makababa sa sasakyan para harapin ang isa’t isa, biglang dumating ang mga pulis at pinaligiran sila. Sa kabilang banda, natatakot si Elisia sa reaksyon ni Nathan. Ang sugat na nasa braso niya ay mukhang nakakatakot, ngunit nararamdaman niya na wala namang natamaan sa buto niya. Dahil kapag nasugata

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 100: OKAY LANG AKO

    Natural na naagaw ng kilos ni Elisia ang atensyon ni Nathan. Ikinagulat niya ang ginawa nitong pakikipagharap sa dalawang lalaking nasa harapan nito.Sa kabilang banda, ang bagay na iyon ay normal na para kay Elisia. Matapos ang lahat, noong bata pa siya, madalas siyang makipag-away kasama si Danica laban sa mga lalaking nang-aapi sa kanila. Ayos lang iyon noong bata pa siya, pero nang tumanda na siya, ang pisikal na kaibahan sa pagitan ng lalaki at babae ay nakikita na. Nang oras na iyon, alam ni Elisia na hindi siya mananalo kung aasa lang siya sa pisikal na lakas. Kaya naman sa tuwing nagkakaproblema siya, naghahanda siya ng maliliit na kagamitan. Bago bumaba, hindi kinalimutan ni Elisia na ibaba muna ang bag niya. Upang masiguro na ang mga gamit niya ay hindi mawawala. Sa bahaging iyon, hindi na sumagot pa si Elisia sa mensahe ni Jake. Dahilan para maisip ni Jake na may masama ng nangyari. Kaya naman agad niyang pinagana ang kotse at plano niyang sunduin si Elisia at Nathan. M

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 99: NAHULI

    “Tina, bakit pakiramdam ko ang wirdo ng mga nangyayari.” Si Mike at ang store manager ay lumabas ng kwarto at pinaalis ang mga taong nasa paligid nila. Lumapit si Mike sa manager at sinabi rito ang pagdududa niya. “Anong problema?” Hindi pa rin ito gaanong maintindihan ng manager.“Sabihin mo, talaga ba na ang dalawang taong iyon ay si Mr. Lucero at Mrs. Lucero?” Tinignan ni Mike ang manager ng may mahinahong ekspresyon sa mukha. “Sa pagkakaalam ko, si Nathan Lucero lang ang nag-iisang tagapagmana ng Lucero's Group. Ang matandang Lucero ay isang taong hindi nagbabago ng isip. Sa tingin mo ba, papayag ang matandang Lucero na ang apo niya ay naghahanap ng taong magdadala ng items para sa kanya? At kasal na siya, bakit kailangan pa niya ng taong magdadala ng items para sa kanya?”“Marahil dahil naaawa siya sa sakit na mararamdaman ng asawa niya sa panganganak. Normal naman iyon,” saad ng manager, “Marami tayong mayayamang asawang babae noon na pumunta sa'tin dahil nag-aalala sila na maw

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 98: SALAMAT MR. LUCERO

    Nakaupo si Elisia sa tabi nito, bahagyang nalula siya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya ay maling gamot ang nainom nito ngayon. Sa huli, dalawang beses lang siyang naubo, hindi na siya kumibo pa at tahimik na lang na naupo sa tabi nito.Ikinalma ni Jake ang sarili at inobserbahan ang estado ng dalawang tao sa likuran niya sa rearview mirror. Matapos magmaneho ng mahigit kalahating oras, ang senaryo sa paligid nila ay mas lalong umonti. At sa wakas, ang kotse ng store manager ay huminto sa puting building.“Mr. Lucero, Mrs. Lucero.” Pagkaparada ng sasakyan, tumakbo palabas ng kotse ang store manager at magalang na sinalubong sila Nathan at Elisia.Ang dalawa ay nagkasundo sa loob ng kotse. Dahil handa siyang tulungan ni Nathan, sisiguraduhin ni Elisia na gagamitin niya ito ng tama. Kaya naman ng makababa sa kotse, natural na kinuha niya ang mga braso nito.Naglakad silang apat papalapit sa gate. Nang makita nila ang puting building sa harap nila, hindi pa rin maiwasang magulat ni E

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 97: HANDA AKONG MAGBIGAY

    Matapos dumating ni Nathan, mas lalong naging mapagbigay ito. Gumastos lang naman ito ng nagkakahalaga ng walong numero sa tindahan.Hindi niya alam kung ang paggastos nito ay para galitin si Jake o para tuluyang maalis ang pagdududa ng store manager. Ngunit ano man sa dalawa, ang paggastos na iyon ay talagang labis na ikinabahala ni Elisia.Okay, ang pera ba ng mayayaman ay hindi mabibilang na pera? Ang gano'n kalaking pera, gagastusin lang nito dahil sinabi nito?Sobrang nababahala si Elisia, ngunit sa kabila no'n ay hindi naman maitago ang ngiti sa mukha ng store manager. Matapos ang kalahating oras, matapos ang paalala ni Elisia, sa wakas ay opisyal na itong nailagay sa pang-araw-araw na routine. Ang store manager ang nagmamaneho sa unahan upang pangunahan ang daan. Sa likod naman nito ay si Jake, at si Nathan at Elisia ay nakaupo sa likurang upuan. Sinusundan nila ang kotse ng manager papunta sa destinasyon nila.“Bakit nandito ka? Wala ka bang gagawin ngayong hapon?” Medyo nasu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status