Share

Chapter 2: Zyair Amadeus Zapanta's P.O.V

Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa gilid ng higaan ko. Hindi pa man nakakalipas ang ilang segundo ng sinundan ito ng mga katok mula sa labas ng kwarto ko

"Sir Deus???? Gumising na po kayo sir!.. andito po ang lola loves nyo sirr...--"

Agad akong napabalikwas ng bangon ng bigla kong marinig ang sabi ng katulong ko.. 

Walang ano ano'y napatingin ako sa gawing ibaba ko na syang natatakpan ng kumot.

"Sh*t" inis na bulalas ko..

"Sirr... Pag hindi pa raw po kayo bumaba, ang lola loves nyo na raw po ang magpipilit na buksan ang kwarto nyo sir... " Natatarantang sabi ng katulong ko..

Dali dali akong bumangon ng bigla kong mahila ang kumot na nakatabon sa ibabang parte ng katawan ko..

"Ughh" rinig kong ungol mula sa kwarto...

Agad kong ipinulupot ang kumot sa ibabang parte ko at dali daling inilibot ang buong kwarto upang hanapin kung saan nang gagaling ang ungol na narinig ko..

"Aghh" inis na sigaw ko..

Sa kadali dali kase ay natakid ako..

Tumingin ako sa gawing ibaba ng kama ng may makita akong paa..

Agad ko itong hinila papalabas ng kama. 

"Teka. Hindi pa ba gising ang sir Deus mo?" Naiiritang rinig ko mula sa labas ng aking kwarto..

Ang lola loves.

Dahil dito ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Lalo akong kinakabahan ngayon pa't baka makita nya ang babae dito sa kwarto.

Agad kong binuhat ang babaeng tulog na tulog na ang tanging suot lang ay panty papunta sa loob ng banyo. Dali dali ko itong sinara at patakbong pumunta pabalik sa higaan ko.

Saktong pagkabalik ko sa aking higaan ay bumungad ang Lola loves na syang naglalakad na ngayon papalapit sa gawi ko.

"Lola loves!!! Good morning .. how are you my beautiful lola??" Naiilang na bati ko rito sabay lakad papalapit sa gawi ng lola ko para sana sya bigyan ng yakap.

Umiismid itong umiwas sa paglapit ko at agad na nag tungo sa higaan ko para umupo.

"L-lola loves. Ang aga nyo po yata.. namiss nyo po ba ang pinaka gwapo mong apo??" Naiilang na pag tawag pansin ko..

Tila nag mamasid lang ito sa kabuoan ng aking kwarto ng biglang mapatingin ako sa gawi ng lampshade patungo sa cr..

'yung bra!'

Dali dali akong naglakad para kunin ito pero huli na dahil naunahan ako ni lola loves na makalapit dito..

"Sinasabi ko na nga ba." Naiiling na wika nito habang hawak hawak nya ang dulo ng pulang bra na nakasabit sa lamp shade ko..

Tila napapapikit ako sa maaaaring mangyare.. alam na alam ko na. May sermon ako ngayong umagahan..

" hindi ka pa rin talaga nagbabagong bata ka.." naiiling na wika nito sabay hagis ng bra sa basurahan..

"Manang mana ka talaga sa ama mo" seryosong wika nito na syang ikinanguso ko.

"Lola di naman ako ganun kay dadi eh" nakangusong pagtatanggol ko sa sarili ko..

"Hindi mo ko maloloko Deus..." Naiiling na wika nito..

Sa hindi ko inaasahang pangyayari. Ay bumukas ang pinto mula sa banyo. Iniluwa nito ang babaeng nakatalik ko kagabi. Labis ang takot ko dahil dito 

"Babeeee... Kanina pa ba ako sa banyo??" Malanding wika ng babaeng nag mula sa banyo ko.. walang hiya hiya itong naglakad na tila ba hindi nya napapansin na may iba pang tao sa loob ng kwarto..

Sa inis ay napahilot ako sa sintido ko..

"Deus!!" Inis na tawag saken ni lola loves na syang ikina ilang ko.

"Y-yes lola loves?" Naiilang na bati ko..

"Mind explaining?"naiinis na wika ni lola loves habang nakatingin sa babaeng pupungas pungas na naglalakad papalapit samen..

Tumigil ang babaeng nakatalik ko kagabi.. agad syang tumingin sa gawi namin at nanlalaki ang matang napatingin sa katawan nya.. 

Dali dali nyang hinanap ang mga damit na nag kalat sa sahig.

"Asan na yun.. asan na yun" tarantang ani nito sabay ikot sa loob ng kwarto..

Nahihiya akong napatingin sa gawi ni lola loves. Napapabuntong hininga naman itong tumingin saken sabay iling..

'nayari na'

"Iha. Is this what you are looking for?" Mataray na sabi lola loves sa babaeng tila tarantang taranta sa kakahanap sa isang bagay nanawawala.

Nabitawan nito ang mga hawak nyang damit at naiilang na tumango sabay lapit kay lola loves.

"C-can i have it po?" Nahihiyang sabi nito kay lola loves..

Napangisi si lola loves ng naglakad ito papalapit sa gawi nya.

Akmang kukunin na ito ng babae ng bigla itong ihagis ni lola loves sa tumpok ng damit na nabitawan nya.

"You may leave!" Iirap irap na sabi ni lola loves sa babae na syang ikinatulala nito..

Napalahimas ako sa aking noo dahil sa katangahang nagawa ko..

"I SAID LEAVE!!" mataray na sigaw ni lola loves sa babaeng kaharap naming dalawa.

Walang ano ano'y taranta at dali dali nitong pinulot muli ang mga damit nya sa sahig. Dali dali itong tumakbo papalabas ng aking kwarto..

Napapakurap mata akong tumingin sa gawi ni lola loves ng marinig ko ang malakas nyang buntong hininga.

"I am very disappointed to you my dear" naiinis na sabi nito..

Napatungo ako dahil sa tinuran nya..

Agad itong tumayo at lumapit sa gawi ko.

"Fix yourself. Attorney Rivera will be here in a minute. We have something urgent to be discussed with you." Seryosong sabi nito sabay naglakad papalabas ng aking kwarto.

Napapapikit ako sa inis sa bagay na nagawa ko.. inis akong nag martsa papasok sa dressing room ko para kumuha ng damit na masusuot ko..

--

"We have something important to tell you apo" seryosong sabi ni lola loves sabay higop sa iniinom nyang tsaa.

Nandidito kami ngayon sa garden kasama si Atty. Rivera. 

"What about la loves?" Takang tanong ko sabay kagat sa sandwich na hawak ko.

Ibinaba nya ang hawak nyang tasa sabay punas sa gilid ng labi nya.

"It's about your inheritance Zyair" pormal na sagot ni Atty.

Napa ayos ako ng upo dahil dito.

"My inheritance?" Takang tanong ko sa kanila.

Tumingin ako sa gawi ni lola loves bilang paghingi ng tugon.

"Yes my dear, your inheritance before I die" nakangiti ngunit seryosong sabi nito..

Napa awang ang bibig ko sa huling salitang binigkas nya.

" La loves naman." Pag angal ko ukol sa huling linyang sinabi nya.

"Im serious apo. But it has conditions for you before you have it. " Nakangising sabi nito.

Nakangiting tumingin si Lola loves kay Atty na para bang nag huhudyat na mag umpisang mag paliwanag ukol dito.

"As your Lola loves stated on her last will, for you to claim your inheritance. You have to be married first" seryosong sabi ni atty.

"Yes, you have to get married first. But after what I encountered earlier parang mamamatay na ko't lahat ay hindi ka pa naiikasal." Pang aasar ni lola loves saken.

Napapakurap ako ng maalala ko ang pangyayare kanina..

Muling humigop sa kanyang tsaa si lola loves bago muling ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi.

"As i was saying, if and only if you married habang nabubuhay pa ako. You can have all my properties including your own company since it's not yet officially yours." Seryosong sabi nito..

Seryoso akong tumingin kay lola loves ng mabanggit nya ang tungkol sa kumpanyang ipinahahawak nya saken.

"What if i don't get married yet?" Takang taong ko

Agad sumeryo ang mukha ni lola loves dahil sa tanong ko 

"Well i don't have a choice but to find your half brother to take over your company and all my properties even if he's not yet married." Simpleng sabi nito na syang ikinagulat ko.

That's unfair. And what dun pa sa half brother ko..

Inis akong napabaling ng tingin sa sinabi ni lola loves.

"What?.. h*ll no.. I'm not going to let that happen. And also. Who knows kung nasan yun. Baka nga patay na yun eh."naiinis na bulalas ko.

Napataas kilay na napatingin saken si Lola loves.

"I have my connections my dear. Baka nakakalimutan mong ako si Lovelita Zapanta. So you have no choice to get married or else mapupunta sa iba ang mga hinahangad mo" Natatawang sabi pa nito.. sabay tayo at naglakad papasok sa mansyon.

--

It's a really terrifying morning!! I have to find someone to be my wife.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status