Share

Kabanata 30

Nakita kaya ako ni Ethan? paglalayag sa isipan ng dalaga habang tinatakpan ang sarili niya ng kumot.

"Hoy, ano ang ginagawa mo riyan? at bakit ba nakatalukbong ka ng kumot diyan? hindi ka ba naiinitan?" usisa ng nobyo nitong si Andrew sabay inalis niya ang nakatalukbong kumot sa kaniya. Tumingin naman ng masama ang dalaga sa kaniya at muling tinakpan ang sarili niya.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo diyan? para kang nakakita ng multo? at saka sino ba yung tinataguan mo?" saad pa nito sa kaniya. Sinundan siya ng tingin ni Andrew mula sa tapat ng pinto pero wala namang ibang tao roon.

Okay lang kaya siya? hindi kaya napuruhan pati ang utak niya? bulong ng binata sa isipan niya at muli siyang lumingon sa dalaga.

"Ano, kakain ka ba o maghapon ka na lang ganiyan?" tanong niya. Tila napansin naman ni Mara na wala na roon si Ethan. Kung kaya't inalis na niya ang kumot na nakatakip sa kaniya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status