(Len's POV) "Naku, bakit kaya wala pa ang mag-lolang iyon? mukhang nag-enjoy yata sila masyado sa pamamasyal." Ang sabi ko sa sarili habang tinutupi ko ang kumot ni Aling Teresa at inaayos ang mga damit niya.Gusto ko sanang maabutan niya na maayos ang higaan at mga gamit niya sa pagdating nilang dalawa ni Ethan. Nasasabik na akong makipagkwentuhan ulit sa kaniya. Halos dalawang araw kasi silang nawala rito sa hospital upang mamasyal, habang naiwan naman akong mag-isa rito at pagatas-gatas na lang.Narinig ko sa isang nurse na ngayong araw din ang pagbalik nila sa hospital. Kaya nagmuni-muni muna ako sa labas ng kuwarto habang may hawak hawak pa ring isang basong mainit na gatas."Hello, good morning!" isa-isa kong binabati yung mga taong nakakasalubong ko pasyente, doktor o nurse man iyan. Hindi na kasi ako makapaghintay na makita silang dalawa at naipon na rin sa isipan
Ethan's POVAugust 01, 2019. Ang araw na nawala sa buhay ko ang dalawang babaeng naging parte ng aking puso. Halos sila lang din ang dahilan kung bakit palagi akong nasasabik na umuwi at hinihintay ang pag-ikot ng orasan. Nasanay na ako sa pagtapos ng klase ay dumeretso ako kaagad sa bakery at bumibili ng paborito naming spanish bread. Pagkatapos ay tatakbo ako at apurahang papasok sa loob ng hospital. "Aling Tere, Aling Len!" at pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng kuwarto ay kinakawayan ko na sila mula sa tapat ng pinto. Palagi ganoon ang ikot ng maghapong araw ko, pero hindi ako nagsasawa bagkus ay mas lalo pa akong nasasabik na makita sila at makipagkwentuhan.Pero ngayong araw na ito, hindi ko alam kung kakayanin ko pang gumising at bumangon sa umaga pagkatapos ng mga nangyari. Hindi ko alam kung magiging okay pa ako, pagkatapos ng lahat.Ang hirap, sobrang hirap maka
Kasalukuyang dinala ni Mara ang binatang si Ethan sa isang gotohan. Umupo silang dalawa bakanteng lamesa habang pinagmamasdan naman ni Ethan ang bawat paligid nila. "Anong klaseng lugar 'to?" usisa niya sa dalaga na may bakas na pagtataka sa kaniyang mukha. "Huh? ano ang ibig mong sabihin? huwag mong sabihin na ngayon ka lang nakapunta rito?" aniya at napatango lang sa ulo ang inosenteng binata. Napahawak naman sa bibig si Mara at sinundot ang pisngi nito. "Oh my gosh! totoo ba?" "Oo, bakit?" "Sandali, ikaw ba talaga yung Ethan na nakilala ko?" "Huh?" pagtataka niya sabay napakamot na lang siya sa kaniyang ulo. "Sabihin mo nga, sino ka ba talaga?" tanong niya nang bigla naman lumapit yung tindera sa kanila at nilapag sa lamesa ang dalawang mangkok na may punong-puno ng mainit na goto.
"Umf, wait for a minute."Binaba ng anunsyador ang kaniyang maykropono at lumingon siya sa mga staff nila kung bakit hindi pa rin lumalabas si Mara mula sa back stage, gayong nakailang ulit na itong nag-anusyo at binanggit ang kaniyang pangalan.Tila ang lahat ay nangamba at nagtataka sa mga nangyayari. Maging si Ethan ay hindi mapalagay, kung kaya't naisipan niyang puntahan ang dalaga. Subalit nakakailang hakbang pa lamang siya nang bigla itong lumabas at sumulpot sa kanilang harapan.Sweeheart mermaid wedding dress, iyon ang kasalukuyang gown na suot ni Mara habang naka-heels siyang kulay pula na medyo may kataasan. Kaya naman parang nahihirapan siyang maglakad at hindi rin siya komportableng ipakita sa ibang tao ang makinis niyang balat, pati na rin ang perfect cleavage line niya na mas bumagay lalo sa revealing dress nito."Okay, here she comes our last bride Ms. Mara!" anunsyo nito sa dalaga sabay
"Well, puwede ba muna naming malaman kung gaano na katagal sina contestant number one?" biglang turo ni Ethan sa unang magkapareha, kaya lumapit ang anunsyador at inabot ang maykropono na hawak niya."Okay, tinatanong ng huling contestant natin kung gaano na raw ba kayo katagal nagsasama bilang magkasintahan?" tanong niya. Tila napakunot noo naman si Mara sa sinabi ni Ethan at may bakas na pagtataka sa kaniyang mukha."Medyo matagal na rin po, mga itong taon." Tugon ng lalaki sa kaniya. "Wow!" halos napanganga na lang sila at namangha sa matibay na pagsasamahan ng dalawa."By the way, sa mahigit pitong taon na iyon ay wala pa rin ba kayong balak na magpakasal?" tanong niya ulit. Nagkatinginan muna silang dalawa at nagsimula na mangilid ang mga luha sa mata ng magkasintahan."O bakit parang naging emosyonal yata kayong dalawa? may mali ba akong nasabi sa inyo?" usi
(Ethan's POV) "Congratulations, contestant number five!" nag-anunsyo na ang anunsyador pero tila lutang pa rin ang isipan ko at nabingi ako sa aking narinig. Tinamaan ako sa siko ni Mara, kung kaya't napalingon ako sa kaniya at may bakas na pagtataka sa mukha. "Ano raw?" usisa ko. "Ethan, nanalo daw tayo." Ang sabi niya.Narinig ko naman yung sinabi ng anunsyador pero tila ayaw lang talaga tanggapin ng isipan ko ang katotohanang, nanalo nga kami. "Congratulations to the both of you, at heto na nga! ang pinaka-inaabangan ng lahat. Ang couple kiss prize mula kina contestant number five!" anunsyo pa nito na lalong nagpaingay sa buong sambayanan at parang pinagpipiyestahan kaming dalawa. "Ethan, gumawa ka ng paraan. Hindi maaari 'to." Bulong ni Mara sa akin. Sa boses pa lang niya ay tansya ko na kung gaano siya kinakabahan. Sabagay, hindi ko naman talaga siya
"Andrew, ano ba? nasasaktan ako! bitawan mo na nga ako!" pagpupumiglas na turan ni Mara sa kaniyang nobyo habang kinakaladkad siya nito sa paglalakad at mahigpit na hinahawakan sa wrist niya. Suot pa rin ng dalaga ang wedding dress niya at hindi man lang siya pinagbihis muna nito bago siya kaladkarin palayo sa nasabing patimpalak. Nang makalayo-layo na silang dalawa ay saka lang ito huminto sa paglalakad at binitawan ang kaniyang kamay. Nakatalikod pa rin siya sa dalaga na may kunot sa noo at halatang may poot sa kaniyang nararamdaman. "Andrew, hayaan mong magpaliwanag muna ako sa'yo. Kung ano man ang iniisip mo ngayon-" bigla siyang pinutulan sa pagsasalita nang lumingon ito sa kaniya at pangunahan siya. "Mali? iyon ba ang gusto mong ipaliwanag sa akin ngayon? gusto mong isipin ko na mali yung mga iniisip ko, pagkatapos makita mismo ng dalawang mata ko ang pi
Andrew's POV"What?" halos napatayo sa sobrang gulat si Mr. Lee nang sabihin kong magreresign na ako bilang manager sa restaurant niya. "Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo, Andrew? halos kakapromote ko pa lang sa iyo as a manager, pagkatapos magreresign ka na kaagad?" ang sabi pa nito pero yumuko na lang ako at nanatiling tahimik sa harapan niya. Alam ko rin naman na mabigat itong bibitawan kong posisyon, pero sa tuwing pumapasok ako sa restaurant na iyon ay palagi ko lang naaalala si Mara at sa naganap na kaguluhan nuon. Sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang tungkol sa kaganapang iyon ay para rin akong unti-unting sinasaksak sa puso ko. Inaamin ko naman sa aking sarili na talagang may pagkakamali rin ako sa pangyayaring iyon. Naging duwag ako at walang kuwentang nobyo sa harapan niya noong araw na iyon. Hindi ko man lang nagawang protektahan siya sa harap ng mga mapanghusgang mata. Nagi