(Andrew's POV)
"Andrew, bakit?" sandali siyang natigilan sa paglalakad at napalingon sa akin. Doon ko lang napagtantong nakahawak na pala ako sa braso niya, kaya kaagad ko din siyang binitawan."I'm sorry." Ang nasabi ko na lang sa kaniya."May problema ba, Andrew?" tanong niya pero napayuko na lang ako at pilit na ngumiti sa kaniya."Wa-wala naman.""Teka, may alam akong malapit na coffee shop dito. Gusto mo bang magkape muna habang nagkukwentuhan tayo? maaga pa naman e at saka hindi naman urgent yung pupuntahan ko. Pero ikaw, kung gusto mo lang naman." Anyaya niya. Gusto ko sanang sumagot ng oo, sa kaniya pero bigla ko rin naisip na wala nga pala akong pera. Nakakahiya naman kung magpapalibre ako sa kaniya, especially ex ko pa naman siya."Kase-" magdadahilan pa lang sana ko nang pangunahan na niya ako kaagad."Treat ko! halika na, bawal tumaggi sa grasya." Aniya aPagkatapos naming kumain sa restaurant ni Mina ay umalis rin kami kaagad. Napag-alaman ko na lang parents pala niya ang nagmamay-ari ng restaurant na iyon, kaya naman pagkapasok na pagkapasok palang namin doon sa loob kanina ay halos pumipilipit ang leeg ng mga empleyado roon sa aming dalawa. Ngayon naiitindihan ko na kung bakit ganoon na lamang silang makatingin sa akin. Marahil ay iniisip nilang may relasyon kaming dalawa gayong matagal nang tapos ang lahat sa amin ni Mina. Nakalimutan ko rin pala na nanggaling siya sa magarang pamilya, kaya naman medyo may pagka-spoiled brat siya at pilya. Pagkatapos kong maikwento ang tungkol sa mga nangyari sa amin ni Mara pati na ang pag-resign ko sa aking trabaho ay bigla naman niya akong inalok na magtrabaho sa restaurant nila bilang manager. Nung una siyempre tumanggi ako. Alam ko naman na isa yung malaking oportunidad para sa mga katulad kong naghahanap ng trabaho. Pero naisi
"Salamat, Mina.""Your always welcome!" pagkasabi ay umalis na rin siya kaagad pagkatapos niya akong maihatid sa bahay. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalayo-layo na siya sa akin. Tumalikod na ako at nagtungo sa loob ng bahay, ngunit laking pagtataka ko na lang dahil nakapatay ang mga ilaw sa loob at nakasara pa rin ang pintuan. "Bakit nakapatay ang mga ilaw? hindi pa rin ba siya nakakauwi magpahanggang ngayon? anong oras na ha?" saglit akong napatingin sa aking relo at napansin kong mag-aalas nuwebe na pala ng gabi pero kanina ko pa siyang nakitang lumabas ng school nila. Hindi kaya napasarap ang pag-gagala ng babaeng iyon kasama ang mga kaibigan niya? Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay kaagad ko rin siyang kinontak sa phone number niya, pero panay lang ang pag-ring nito at walang sumasagot. "Oh? pati pagtawag ko sa kaniya ngayon hindi rin niya sinasagot.
"Ethan," sandaling itinulak papalayo ni Mara ang binatang nasa harapan niya at tila nabitin pa ito sa pagkakahalik sa kaniya. "Bakit?" usisa nito sa dalaga. "Mali itong ginagawa natin, Ethan." Nakayukong batid sa kaniya ni Mara."Mali? anong mali sa pagmamahal, Mara? hindi ba't pareho lang naman tayo ng nararamdaman para sa isa't-isa?" turan nito na ikinabigla naman ng dalaga at napaangat ng ulo. "Ethan, ano ang sinasabi mo? ... mahal?" nakangising aniya. Napakunot noo naman ang binata sa sinabi nito at pinamulsa ang dalawang kamay. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Mara? sa tingin mo ba maniniwala ako sa mga sinasabi mo?" sumeryoso ang mukha nito at may poot sa tono ng kaniyang boses. "Alam mo kung ano ang totoo, si Andrew-" bigla naputol ang sinasabi nito nang higitin siya sa braso ng binata at sinungaban ng mainit na paghalik sa kaniy
"Nasaan na ba siya? bakit hindi niya sinasagot ang phone niya?" halos mag-aalas dos na nang madaling araw pero hindi pa rin umuuwi ng bahay si Andrew. Nag-aalala na tuloy ako sa kaniya, pagkatapos kasi naming magtalong dalawa ay hindi man lang siya sumasagot sa pagtawag o mga text ko sa kaniya. Inaamin ko naman na may pagkakamali talaga ako sa ginawa kong iyon. Kaya nga nandito ako ngayon sa tapat ng bahay namin upang makipag-ayos sa kaniya at magpaliwanag sa mga nangyari. Kapwa parehas kasi kami nagpadala sa aming mga emosyon at alam ko rin naman na nasabi lang niya ang mga salitang iyon dahil hindi na niya makontrol ang sarili niya at ang lahat ng iyon ay walang katotohanan. Magtatatlong oras na yata akong nakatayo sa labas ng bahay namin, pero ni anino niya ay wala akong mahagilap. Alalang-alala na ako sa kaniya at hindi mapalagay sa kabang nararamdaman ko ngayon. Paikot-ikot lang ako sa loob ng bahay, tapos bi
"Nasaan ako?" ang unang salitang bumigkas sa bibig ni Andrew nang imulat niya ang kaniyang mga mata at napansing nasa loob pala siya ng isang hindi pamilyar na kwarto.Nilibot niya ng tingin ang bawat sulok ng silid, hanggang sa napagtanto niyang may katabi na siyang ibang babae sa kama.Bumilog ang mga mata niya sa gulat at mabilis na umatras sa pilyang dalaga na nasa tabi niya."Sino ka? at a-anong ginagawa mo rito sa loob ng kwarto ko?" usisa niya na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha. Ngumisi naman si Liza nang mapansin niyang nagising na ito at biglang natauhan."Gising ka na pala?" nakangiwing turan niya sa binata. Tila napansin naman kaagad ni Andrew ang cellphone niya na hawak nito, kaya sinubukan niyang agawin ito sa dalaga pero mabilis naman itong pumalag sa kaniya."Bakit hawak mo 'yang cellphone ko?" aniya at magkasalubong
"Mahal, may kumakatok sa pintuan. Pagbuksan mo nga sandali at baka masunog na itong niluluto ko." Sandali naman tumayo ang asawa nito at nagtungo sa tapat ng pintuan. Pagkabukas niya ng pintuan ay tumambad kaagad sa kaniya ang anak nitong si Mara."Oh? Mara, anak. Buti napasyal ka yata? sinong kasama mo? nasaan si Andrew?" tanong ng kaniyang ama na may guhit ng ngiti sa labi niya. "Mahal, sino ba yung-" naputol naman ang sinasabi ng ginang, nang lumapit siya sa asawa niya at napagtantong si Mara pala ang kanina pang kumakatok sa tapat ng pintuan nila. "Anak!" ani ng kaniyang ina habang pinagmamasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Napansin niyang may mga bitbit itong bagahe at matamlay ang kaniyang mukha. Tila nakutuban na kaagad ng ginang ang dahilan ng pagpunta roon ng kanilang anak. Kaya nilapitan niya ito kaagad at saka niyakap ng mahigpit. Nabitawan na lang bi
Magda-dalawang linggo na magmula noong umalis ako sa tinutuluyan naming dalawa ni Andrew. Panay pa rin ang pagtawag niya sa akin pero binabalewala ko lang iyon.Aaminin ko, namimiss ko na siya at parang gusto ko muling masilayan ang mukha niya. Subalit natatakot na ako. Natatakot ako na baka may matuklasan pa akong lihim niya. Sobra-sobra na ang mga ginawa niya sa akin at parang nawawalan na rin ako ng ganang magmahal pa ng iba. Mayroon pa rin namang natitirang pagmamahal dito sa puso ko pero ang kalahati nito ay nasakop na ng lungkot at pasakit sa ginawa niya. Ramdam ko pa rin ang sakit na iyon at poot sa aking dibdib, lalo na sa tuwing naaalala ko siya. Gayunpaman ay masaya na ako sa simpleng pamumuhay ko rito sa probinsya namin. Tama lang ang naging desisyon ko na umuwi rito, dahil nakakalanghap ako ng sariwang simoy ng hangin at nakakapag-isip ako ng payapa.
"Mahal, may tao yata. May kumakatok sa pintuan, pagbuksan mo nga sandali at may ginagawa ako." Utos ng ginang sa kaniyang asawa na kasalukuyan namang nanunuod ng paborito niyang teleserye sa telebisyon. Tumingin muna siya sa wall clock nila bago ito tumayo sa kinauupuan niya. "Aba! mag-aalas otso na pala ng gabi, bakit hindi pa rin umuuwi ang anak mo? nagsabi ba siya sa'yo na doon muna siya matutulog ngayong gabi sa lola niya?" tanong niya habang naglalakad siya patungo sa pintuan. "Wala naman siyang sinabi sa akin, tignan mo nga at baka siya na iyan." Ang tinugon nito sa kaniya. Mabilis naman niyang pinihit pabukas ang pintuan at tila biglang naglaho ang guhit ng ngiti sa kaniyang labi nang bumungad sa harapan niya ang hindi inaasahang bisita. "Magandang gabi po, Tito." Bati ni Andrew sa kaniya. Medyo natagalan sa pagsasalita ang ginoo at pinagmamasdan niya ang bi