Kahit na mababa ang IQ ni Shaun ngayon, nararamdaman pa rin niya na biglang naging malungkot si Catherine.Mabilis niyang sinabi, “H-huwag ka mag-alala. Hindi ako… tatakbo. Hindi kita pag-aalalahanin.”“Mhm, good boy.” Hinaplos ni Catherine ang ulo niya. “Ngunit hindi tumakbo si Suzie. Siya ay dinakip. Kailangan mo maging mabait at manatiling kasama ako, o maaari ka rin kunin ng masasamang tao. Kapag nangyari iyon, hindi mo na ulit ako makikita.”“Masasamang tao… Nakakakilabot sila.” Nagdikit ang kilay ni Shaun sa galit. “Magiging mabait ako… Hindi ako tatakbo. Ngayon… Sinabi mo sa akin na huwag umalis, kaya hindi ako aalis.”“Oo, magaling ang iyong ginawa.”Sumandok si Catherine ng isang kutsara ng pagkain.Tinulak ito ni Shaun papunta sa bibig niya. “Cathy, kumain ka rin.”“Okay.” Medyo gumaan ang nararamdaman ni Catherine pagkakita na nag-aalala ito para sa kanya.Sa kabutihang palad, kahit na naging tanga ito, nag-aalala pa rin ito para sa kanya. At saka, nagugutom din siya
”Ano ang mangyayari kapag ininom ito ng normal na tao?” Hindi na pinatapos ni Titus ang doktor ng may hindi natutuwang ekspresyon.Huminto ang doktor. “Kung gayon ay magiging problema ito. Alam mo, droga iyon. Sa una, makakaranas ng insomnia ang tao at pagkapagod. Pagkatapos ay hihina ang memorya niya at ang katalinuhan niya. Mabilis na rin uminit ang ulo nila, tatamlay ang utak nila, at ang kalooban nila ay hindi mapakali. Sa seryosong kaso, ang tao na ito ay maaaring magkaroon ng halusinasyon at maging adik.”“Maging adik?” Niyukom ni Titus ang kamao niya, ang ugat niya ay kita sa likod ng kamay niya.Ang mga sintomas na sinabi ng doktor ay tulad na tulad sa kasalukuyang estado ni Sheryl.Kasalanan niya ito dahil masyado siya naging pabaya kamakailan lang. Inisip niya na si Sheryl ay nagseselos lang at hindi maganda ang kalooban dahil kay Catherine, kaya patuloy itong nakikipag-away sa kanya.Kung hindi dahil sa paalala ni Catherine, hindi niya dadalhin si Sheryl para sa full ch
#Kahit papaano, sinong makaka-akala na malalaman nila ang masamang ugali ni Rebecca pagpunta sa Australia?“Bumalik ka na sa villa ngayon. Gusto ko tanungin si Rebecca.” Nakakakilabot ang mata ni Titus, at ang noo niya ay nakakunot.Kahit kailan ay hindi pa siya napaglaruan ng babae ng ganito sa buong buhay niya.Akala niya na si Rebecca ay mukhang pera, makasarili, at isang peke. Gayon pa man, hindi niya inisip na maglalakas loob itong bigyan si Sheryl ng droga.Kinamumuhian niya ito nang sobra na gusto niya ito balatan ng buhay.Gayon pa man, bago iyon, kailangan niya malaman kung ano ang droga na binigay ni Rebecca kay Sheryl.Naalala niya na naging mabait lang si Sheryl kay Rebecca. Maaaring nalaman ni Sheryl ang intensyon ni Rebecca ngunit kinilala na ni Sheryl si Rebecca bilang anak niya. Sinabi na sa kanya ni Sheryl dati na may utang siya sa anak niya at gusto niya bumawi dito, kaya bakit kailangan gumawa ni Rebecca ng bagay na sobrang desperado tulad ng pagdroga sa kanya?
Nagulat ang assistant. “Hindi maaari.”Pagkatapos, bigla niya lang napagtanto na pagkatapos dalhin ni Titus si Sheryl sa ospital ngayon, dalawang gwardya lang ang naiwan sa ospital. May gwardya pa rin na nagbabantay sa labas ng ward niya.Bukod sa mga butler at mga naglilingkod, ang mga gwardya lang ang naiwan sa villa.Kung ang isang taga-bantay o isang katulong ang gusto tumulak kay Rebecca pababa, tiyak na sisigaw ang babae na iyon at papalag. Gayon pa man, walang nakakaalam sa mga gwardya tungkol dito at inisip na nahulog siya mula sa bintana dahil sinubukan niya tumakas.Ito ay masyadong kakaiba.“President Costner, sinususpetyahan mo ba na…” Ang tao na pumatay kay Rebecca ay mula sa security team?Nang sinabi iyon ng assistant, binigyan siya ni Titus ng nagbabantang tingin at nagsalita sa boses na sila lang ang makakarinig, “May mga pasa siya sa likod at braso, na nakuha niya siguro iyon noong lumalaban siya doon sa tao.”Natahimik ang assistant.Si Titus ang namumuno sa
Natatakot si Elle na sasakalin siya ni Shaun hanggang mamatay siya kapag gumaling na ito.“Sige na at magpalit ka na.” Nakita ni Catherine na nahihiya ang istura ni Elle at naglabas ng panlalaking damit mula sa damitan. Pinagmumukha ng damit si Shaun na lalaki na may masayahing ugali. Ito ay isang pares ng pantalaon at maong na damit. Inisip niya na maganda tignan si Shaun dito.Gayon pa man, tinignan ni Shaun ang damit at sumimangot. “Hindi ko iyan gusto. Ang pangit niyan.”“Hindi ito mapangit. Maganda ito. Magmumukha kang tao na may masayahin na kalooban kapag sinuot mo ang damit na ito.” Pilit ni Catherine.“Ayaw ko iyan suotin.” Nilihis ni Shaun ang katawan niya. Kinilabutan si Elle sa ugali niya. Hindi niya talaga alam kung paano nahaharap ni Catherine ang Young Master Hill kapag ganito siya umarte. Ito ay totoong pagmamahal.“Kung gayon ay ano ang gusto mo suotin?” Nagbuntong hininga si Catherine at nagtanong nang sumuko na siya.Ngumisi si Shaun, ang ngipin niya ay kita. “
Naalala ni Catherine na minsan na niyang nakitang kasama ni Titus ang taong iyon.Tinulungan siya ni Titus kahapon kaya’t hindi niya magawang tanggihan ang lalaki. “Sige.”Gusto niya rin namang pumunta sa parking lot.Kaya’t sumakay na sila ng elevator pababa.Sumandal si Shaun sa elevator na parang isang batang tumitingin-tingin. Transparent ang salamin ng elevator, kaya’t kitang-kita nila ang madlang nagtitipon sa pinakababa.“Wow! Cathy, oh, ang daming tao!”Hindi mapigilan ni Warren na sulyapan ang lalaki. Nakikita niya sa mga balita kung gaanong kalakas itong si Shaun Hill, kaya’t ngayong nakikita niya ang ikinikilos nito, parang may… kakaiba.Hindi nagpaliwanag si Catherine. Pagkarating nila sa parking lot, hinimok niya si Shaun na maghintay muna sa sasakyan ni Hadley.“Ayaw, gusto kong sumama sa’yo!” Mahigpit siyang hinawakan ni Shaun.“Sige na nga.” Walang nagawa si Catherine kundi isama ang lalaki.Nakaupo si Titus sa isang Rolls-Royce na sedan.Binuksan ni Catherin
“Wala na siya. Nahuli ako kagabi. Pagkarating ko, nakita ko na lamang na nalaglag si Rebecca mula sa balcony na siyang kinamatay niya. Sinabi pa ng guard na ikinamatay niya ang pagtatakas. Nasa punerarya na ang kanyang bangkay.”Natigilan si Catherine.Bahagya pa itong napatulala.Noon pa lamang ay masamang damo na ang tingin nito kay Rebecca. Papaanong bigla-bigla na lamang ito mamamatay?Nagpakahirap itong bumuo ng kasinungalingang magpanggap bilang anak ni Sheryl para lamang mabalikan niya sina Catherine at Shaun. Maayos naman ang kalagayan nito, kaya’t papaanong bigla na lamang itong mamamatay?Pakiramdam niya tuloy ay nananaginip lamang siya.“Papaanong mamamatay na lamang bigla si Rebecca?” Bulong ni Catherine. “Nagpapanggap lamang ba siya?”“Totoo iyon.” Tumungo si Titus. “Namatay siya, ano naman?”Pilit na ngumiti si Catherine. “Maaari’y hindi niyo ito alam, ngunit ilang taon ko nang nilalabanan si Rebecca. Sa tuwing nalalapit na ako sa aking pagkapanalo, bigla na laman
Unti-unting nanigas ang maamong mukha ni Catherine.Nawala ang anumang pagmamahal ang mayroon siya para kay Sheryl mula noong na-kidnap si Suzie. Sa katunaya’y kinamumuhian na niya ang babae.Subalit hindi niya maitatangging nagulat pa rin siya noong nalaman niyang hinahaluan ni Rebecca ang mga kinakain ni Sheryl.Naalala niya lamang ito noon dahil sinabihan siya ni Shaun, ngunit hindi niya naman inaakalang gagawin talaga iyon ni Rebecca kay Sheryl.Tinignan siya ni Titus nang may malalim na boses. “Sinabi sa’kin ng doktor na may nakita silang mga trace ng pinagbabawal na gamot sa bloodstream ni Sheryl, at iyon ay kadalasang iniinom ng mga pasyenteng sumasailalim ng surgery o ‘di kaya’y may sakit sa pag-iisip. Kung dadalasan niya pa ang pag-inom ng gamot na iyon, makararanas siya ng insomnia, pagbaba ng kaledad ng pag-iisip, mood swings, pagkabalisa, at maaari pa siyang mag-hallucinate. Ma-a-addict din siya roon, kaya’t pinamalagi ko muna siya sa ospital ngayon.”Natigilan si Cath