I Fell In Love With My Arrogant Boss

I Fell In Love With My Arrogant Boss

last updateLast Updated : 2026-11-02
By:  RioOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Dalawang taon na nagtatrabaho si MARIA ISABELLA ‘CLAIRE’ LOPEZ bilang isang executive secretary ni MAXWELL ROCKEFELLER III na isang CEO sa isang conglomerate, matapos mag-resign sa dati niyang trabaho. Sa loob ng dalawang taon, tiniis niya ang physically at mentally demanding na posisyon ngunit isang araw, nagbago ang pakikitungo nito sa kanya nang mag drunk email siya sa kaibigan pero na send pala ito sa boss niyang si Maxwell. Handa na siyang mag-resign kinabukasan pero hindi niya ito nagawa dahil pinakilala siya sa mga magulang ng amo niya bilang isang girlfriend. Pumayag rin siyang makipag relasyon kapalit ang isang confidential report dahil may hinala siya na na leak ang kanilang stratehiya sa kabilang kompanya. Dahil sa pagtatrabaho magdamag at paglulutas kung sino ang may pakana nito, totoong nahuhulog na ang kanilang loob sa isa't isa. Pero lumilinaw naman ang mga clues na nagsasabing hindi nila pwedeng pagkatiwalaan ang isa’t isa. Kapag nalaman na ng lahat ang katotohanan, handa ba nilang isakripisyo ang karera para sa pagmamahal? Handa ba sila na harapin ang masakit na katotohanan?

View More

Chapter 1

Ang Boss Kong Psychopath

CLAIRE

Gumigewang-gewang ang katawan ko na parang inflatable tube man (yung sumasayaw na may hangin sa labas ng tindahan) habang naglalakad sa kalye ng Ermita papunta sa inuupahan kong apartment.

Pagkarating sa gate ay tinulak ko ito pero nauna ang ulo ko kaya ito nakipag headbutt sa riles ng bakal. “Aray!” pumikit ako.

Pagkapsok, ay dumiretso agad ang mga paa ko sa hagdanan sa dulo ng gusali. Nakaakyat na ako sa gitna ng hagdanan nang maalala na may elevator pala sa baba.

Bumaba ako at pumasok sa elevator. Pagsara ng elevator, naalala ko na nasa first floor pala ang inuupahan kong kwarto.

‘Ano ba ‘to?’ bulong ko sa sarili. Parang naging muscle memory ko na ang pag-akyat ng hagdan at pagsakay ng elevator. Pinindot ko ang button para makaalis sa loob.

Ginawa ko na ang lahat ng balanse sa mundo para hindi matumba. Ang isang kamay ko ay nakakapit sa dingding habang tinutunton kung nasaan ang kwarto.

Pagdating ko sa kwarto,

“Sh*t ang susi.” Gumana ang ininom kong memory plus gold kaninang umaga.

Naiwan ko pala ito sa loob.

Lumagapak ang laptop bag ko at napaupo ako sa sahig. Ang masakit ko namang likod ay naka sandal sa pintuan. Sinipa-sipa ko ang aking paa na parang bata. Habang ang ulo ko ay nakalagay sa kamay ko.

‘POT*NGINAAAAA!’ sigaw ko sa sarili. ‘GUSTO KO NANG MAG RESIGN SA TRABAHO!’

Inangat ko ang tingin at nahagilap ng mala-agila kong mga mata ang duplicate ng susi sa apartment ko na nasa pot ng halaman. Agad akong napatayo at kinuha ito mula sa pot. ‘“Aray!” Sumakit na naman ang balikat ko kung saan naka sling ang bag sa biglaang pagtayo.

Pinasok ko ang susi sa butas gamit ang aking natitirang lakas. Sa wakas, makakapagpahinga na rin.

Binuksan ko ang ilaw at naaninag ang maliit pero comfortable kong bahay. ‘Hay, kailan kaya ako maka pundar ng malaking sariling bahay?’

Nilapag ko sa lamesa malapit sa p***o ang aking bag at mga bitbit. Higang higa na talaga ako pero kailangan ko pang maligo. Sa huli, nagbihis na lang ako at ‘di naligo.

Pero bago pa ako pwedeng matulog ay kailangan ko munang mag check ng mga messages at emails. Baka may emergency na naman ang boss ko at kailangan niyang isugod sa ospital. Sa puntong ito, baka ako pa nga ang masugod.

Nakahiga ako ngayon sa kama habang naka patong ang laptop sa tiyan ko. Titiklop na talaga ang mata ko sa bigat pero napakurap ako nang mag ring ang mga notifications ng email ko. Ang. Daming. Emails.

Hindi ko muna inisa-isa ang mga ito. Naisipan pa ng utak ko na mag-rant sa kaibigan ko na si Max. Kapangalan siya ng boss ko by the way.

Recipient: Max Villaluna

Subject: ANG BOSS KOMG PSYCHOPATH GRRRR!!!

Dear Max,

Gusto kong malaman mo na ang boss ko ay may ubo sa utak. Isa siyang naglalakad na p*tanginang naka-suit.

Tumigil ako sa pagta-type at binasa ang naisulat kong masterpiece.

Ang ganda, in fairness. Nagpatuloy ako.

May sinisante siyang consultant dahil mabilis itong nag-agree sa kanya. At inutusan akong maghanap ng bagong cardiologist dahil ang doktor niya ngayon ay nagsabing bawas-bawasan niya ang pag-inom ng kape.

Alam mo ba kung ilang tasang kape ang tinitimpla ko sa kanya araw-araw? WALO! Nangangalandakan nga akong mag fit ng schedule niya sa isang araw at mag book ng mga flights tapos dumagdag pa ang pagtimpla ko ng kape? Hello? Hindi man lang niya ako naisipan na bigyan ng bonus sa pag-OOT?

Inayos ko ang unan sa ulo.

Hay, my kind of therapy. Healing my inner adulthood. Charot.

Kung mabasa niya ‘to? Sure ako na masesesante ako agad-agad.

Hindi pa ako na kontento at nagdagdag pa ng paragraph.

Hindi lang pala ubo sa utak ang meron siya. Baka pneumonia na sa utak. STAGE 10. Alam mo kanina, 4 times kong ni re-scheduqle ang appointmenr niya sa dentist? Pero di ko din naman siya masisisi dahil LOADED talaga ang sched ng p*tangina. At alam mo ang mas masaklap? Matalino siya eh, so alam niya na ang mga kab*bohang pinanggagagawa niya. Akala niya siguro may rights na siya mang-api ng kapwa tao dahil matalino at mayaman siya?

Tapos tumalab na naman ang memory plus gold at naalala ko ang suggestion ko kanina na hindi niya sinunod!

Naku talaga ‘pag tumawag yun sa akin para i-solve ang mga problema na hindi ma-handle ng executive team niya, AKO TLAGA ANG MAG CALCULAATE SAB FINANCIAL LOST NG KANYANG KAYABANGAN AT I SESEND KO ZA KANYA ANG INVOICE! At pag nagka ulcer ako sa kanya ko icha-charge ang medical bills ko!

Period! Slay! Gaslight, Gatekeep, Girlboss. Sent.

Sinara ko ng malakas ang laptop dahil sa masakit ang ulo ko. Naparami ata ang red horse na nainom kanina. Hay, buti nalang at napalabas ko na ang sama ng aking loob.

Nag ring ang cellphone ko.

“Sino na naman ‘to?”

Tinarayan ko ang cellphone nang makita ang pangalang ‘Maxwell Rockefeller’ sa screen. Ang CEO ng Rockefeller Industries.

Sinagot ko ito at nilapit sa tenga.

“Maria Issabella speaking.”

“Are you drunk Miss Lopez?”

Nawala ang antok sa katawan ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status