Share

Kabanata 211

Penulis: Docky
last update Terakhir Diperbarui: 2026-02-22 17:03:02

Lucy’s POV

Tahimik lang ako buong byahe. Pinanood ko ang bawat kilos ni Race kung hahawakan niya ang cellphone niya pero wala rin naman siyang pagkakataong gawin ‘yon. Hindi ko alam kung talagang wala siyang balak o ayaw lang niyang mahalata ko siya, na mas lalo nakakadagdag sa isipin ko.

“Sa tingin mo, hindi busy si Feron?” Pagbagsag ko sa katahimikan. Masyado nang awkward ang pagitan naming dalawa na parang nagpapakiramdaman kami sa bawat galaw na gagawin ng bawat isa.

“Gusto mo bang tawagan
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 212

    Lucy’s POV“So, what is the project? She seems different from your other business partner,” tanong ko habang inaayos ang meryendang hinanda ko para sa kaniya sa lamesa.Mas pinili ni Race na sa canteen muna tumambay dahil may gustong-gusto raw siyang tikman doon at ngayon daw ay kasama ‘yon sa menu, pero alam kong umiiwas lang siya sa maaaring maging usapan namin ni Feron.Napatigil naman si Feron sa paglalaro kina Fel at Lys at tumingin sa akin pero mabilis din niyang ibinalik ang atensyon niya sa mga baby.“Pinag-uusapan pa lang. Hindi pa tapos ang negosasyon. Bukas baka maayos na ang lahat. Titingnan ko pa kasi ang lugar at kung maganda,” sagot niya. Wala naman akong narinig na kakaiba sa tono niya pero kilala ko si Feron.Ayaw kong gamitin ang pagtatago niya ng totoo niyang pagkatao noon, pero dahil kilala ko siya ay alam kong kayang-kaya niyang magtago ng isang bagay na hindi ko man lang mapapansin.“Hmm,” bulong ko at tumango. Hindi ko alam kung ano pa ang p’wede kong sabihin sa

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 211

    Lucy’s POVTahimik lang ako buong byahe. Pinanood ko ang bawat kilos ni Race kung hahawakan niya ang cellphone niya pero wala rin naman siyang pagkakataong gawin ‘yon. Hindi ko alam kung talagang wala siyang balak o ayaw lang niyang mahalata ko siya, na mas lalo nakakadagdag sa isipin ko.“Sa tingin mo, hindi busy si Feron?” Pagbagsag ko sa katahimikan. Masyado nang awkward ang pagitan naming dalawa na parang nagpapakiramdaman kami sa bawat galaw na gagawin ng bawat isa.“Gusto mo bang tawagan ko siya? Pero hindi ko naman sasabihing pupunta tayo roon,” mabilis niyang alok na animo’y kanina pa siya naghahanap ng dahilan para hawakan ang cellphone niya.“Hindi na. Nag-aalala lang ako kasi baka busy siya tapos bigla kaming pupunta roon.” Pigil ko sa kaniya at kinagat ang ibabang labi.“Kahit naman busy ‘yon ay uunahin kayo ni Feron once na makita niya kayong nagpunta ro’n,” aniya para pagaanin ang loob ko. Tumingin pa siya sa salamin para tingnan ako sa back seat.“Iyon nga ang pinag-aal

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 210

    Lucy’s POV“Sorry,” puno ng guilt na sabi ni Feron habang inaayos ang necktie na suot sa harapan ng full length body mirror sa loob ng k’warto namin. “Sobrang daming kailangang gawin sa office. Ayaw sana ni Daniel na humingi ng tulong pero nagsabay-sabay ang mga loads eh.”Lumakad siya pagkatapos niyang ayusin ang suot niya at naupo sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang pisngi ko at inayos ang gulo-gulo kong buhok dahil kababangon ko lang pero siya ay malinis, mabango, at nakabihis na at handa nang pumasok sa trabaho.“Kumain ka na sa labas. Nakaluto na ako roon. Sina Fel at Lys ay nasa garden kasama si Race, nagpapaaraw sila.” Pinatakan niya ako ng halik sa tungki ng ilong ko at tumayo na. “Babalik ako agad kapag natapos agad ako, okay?”“Sige, mag iingat ka. Miss ka na agad namin nina baby.” ‘Yon lang ang nasabi ko at kumaway sa kaniya. Lumabas na siya ng k’warto at ilang minuto lang ay narinig ko na ang kotse niyang umalis.Totoo naman ang sinabi ko, miss ko na agad siya. Pagkatapos

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 209

    Lucy’s POV“Where here!” Sigaw ni Lhea na agad napatikom ng bibig ng makita ang mga nurse na tinuturuan pa lang kami na kung paano ang tamang paghawak sa mga baby. “Oops, sorry!” Paghingi niya agad ng tawad ay nahihiyang pumasok at tumayo sa gilid.“Tsk, napaka ingay kasi. Ang tinis na nga ng boses, sigaw pa ng sigaw.” Bulong na reklamo ni Daniel na may bitbit na mga pagkain, si Geff naman na nakatulala sa mga baby bitbit naman ang machine na pinabili ni Feron at gatas at bottle kung sakaling walang gatas na lumabas sa akin.“Okay na po, tawagin n’yo lang po kami pag may kailangan kayo.” Magalang na sabi ng isa sa mga nurse at isa-isa na siyang nagpaalam para lumabas ng k’warto.Malaki naman ang private room na kinuha ni Feron, pero dahil may mga nurse at dumating na rin sila Geff ay nagmukhang maliit ‘yon sa dami namin sa loob kaya rin napagpasyahan na siguro ng mga nurse na lumabas na muna.“Congratulations, Lucy!” Bati ni Lhea pagkalabas na pagkalabas pa lang ng mga nurse, mas pina

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 208

    Lucy’s POVNagising ako sa tunog ng makina sa gilid ko, mabilis na bumaba ang tingin ko sa lalaking nakayuko sa gilid ko at mahimbing na natutulog. Gulo-gulo ang buhok niya at nangingitim ang ilalim ng mga mata na halatang walang maayos na tulog.Gusto siyang tawagin ngunit walang salitang lumalabas sa bibig ko, masyadong tuyo ang lalamunan ko at masakit ‘yon. Marahil sa pagiyak ko at pagire ng manganak ako…Napatingin ako sa tiyan ko, wala na ang umbok doon. Hahawakan ko sana ng mapagtanto na hawak niya pala ang kamay ko, kaya ng igalaw ko ‘yon ay mabilis siyang napaangat ng tingin.“H-Honey,” nagmamadali siyang tumayo at sinaluhan ako sa kama. “K-Kumusta ang pakiramdam mo, ayos ka lang ba? May masakit ba sa’yo?” Sunod-sunod niyang tanong, gustuhin ko man siyang i-comfort ay hindi ko magawa kaya tumango lang ako.Siguro ay napagtanto niya na hindi ako makasagot kaya agad siyang tumayo at lumayo sa akin. “Tatawagin ko ang nurse o doctor para i-check ka, sandali lang.” Mabilis siyang l

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 207

    Lucy’s POVHindi ko na alam kung paano pa kami nakarating sa hospital, tanging naaalala ko na lang ay ang nagmamadaling si Geff na tulungan ang kapatid niyang asikasuhin ako at ang mga gamit na dapat naming dalhin.Nasa daan pa lang ay sobrang sakit ng tiyan ko, nanlalabo na rin ang mata ko. Hindi ko akalain na ganito kasakit ang tinatawag nilang labor, pakiramdam ko ay anumang oras ay mamamatay na ako.“F-Feron, ang sakit… Hindi ko na kaya.” Umiiyak kong saad ng muling humilab ang tiyan ko, nakahiga na ako ngayon sa stretcher at handa ng ipasok sa delivery room.Mahigpit naman niyang hinawakan ang kamay ko at paulit-ulit na hinaplos ang ulo ko, ilang beses na rin niyang pinatakan ng halik ang noo ko. “Sorry, sorry promise hindi na ‘to mauulit. Kayanin mo, hmm? Andito lang ako, pagkatapos nito hindi na tayo mag aanak.”Ilang beses na siyang humihingi ng tawad, nangangako na hindi na mauulit ang ganito. Pero gusto ko ng maraming anak ngunit sa tingin ko ay na trauma na yata si Feron da

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status