LUCY'S POV “Why did you do that?!” inis na tanong ko kay Feron pagkasakay ko sa loob ng kotse.Galit na galit si Andrew kay Feron kaya nauna na silang umalis ni Sofia sa parking lot. Ni hindi na nga niya nagawang magpaalam sa akin!“Anong ginawa kong mali, Ms. Russ? Ipinagtanggol lang kita kanina. Ang katulad ni Mr. Hidalgo ay hindi nararapat sa'yo—”“At sino ang nararapat sa akin, ikaw?” Pagak akong natawa. “Ilang beses ko pa bang kailangang sasabihin sa'yo na si Andrew lang ang lalaking gusto kong pakasalan. Our marriage is a mistake, Feron, and we’re going to have a divorce soonest.”“Lahat ng sinabi ko ay totoo lang, Ms. Russ. Isa pa, wala siyang karapatang saktan ka kahit sa anong paraan –physically, mentally, o verbally pa ‘yan. Tungkol sa certificate ng kasal sa pagitan nating dalawa, alam ko namang hindi mo gusto iyon—”“Of course! Alam mo kasi, sinabi ko naman sa’yo noong una palang, so bakit ka pa nakipagtalo kanina kay Andrew? You even bragged about being my husband.” Nai
Terakhir Diperbarui : 2025-11-07 Baca selengkapnya