Corvus’ POV
Si Geronimo ang bumungad sa mga mata ko nung magising na ako. Agad ko namang naalala ‘yung nakausap kong multo kanina kaya tuloy-bangon ako para tumingin sa paligid.“Pare, ano bang nangyari sa ‘yo?” tanong ni Geronimo na takang-taka sa akin.“M-may mult—”Hininto ko ang sasabihin ko kasi baka pati siya ay pag-isipan na nababaliw na ako.“May ano?” tanong pa niya ulit.“Wala, nanaginip lang siguro ako,” tanging sagot ko na lang at saka na ako naupo sa sofa. Tumingin-tingin pa rin ako sa paligid, pinapakiramdaman ko kung nandito pa rin ba ‘yung kaluluwa na iyon. Kung hindi ako nagkakamali, nagpakilala na siya sa akin kanina.Napatingin ako sa newspaper na nasa lapag. Pinulot ko ito at saka ko muling tinignan ang pangalan niya sa headline. Tama, siya si Alina Lovia. Ang babaeng nagpakamatay—hindi pala. Hindi raw siya nagpakamatay, iyon ang sabi niya kanina.“Mabuti pumunta ako dito. Nagulat ako nang madatnan kitang walang malay. May sakit ka ba?”“Wala, nawalan lang ako ng malay kasi alam mo na, naparami ang ano ko,” sagot ko at saka tumawa.“Tang-iná ka, wala ka na bang ibang ginagawa kundi ang maglaro ng armas mo kapag day-off mo? Lintek ka, Corvus, hindi ka maghanap ng babae para hindi puro kamay ang ginagamit mo,” sabi niya habang tinatawanan ako. “Nga pala, nagpunta ako dito para sabihin sa iyo na wala tayong pasok bukas. Sarado ang gym kasi nasira ang kisame sa bandang gitna. Sa ngayon ay ginagawa na ito kaya baka sa makawalang-araw na ang pasok natin,” sabi pa niya kaya nalungkot ako. Masaya pa naman ako kapag may pasok kasi malamig palagi sa gym. Dito kasi sa apartment, stress ang inaabot ko. Sa liit nito, wala tuloy akong ibang magawa kundi ang paglaruan ang sarili kong tité.“Kainis naman, wala ka bang lakad o sideline bukas? Isama mo na lang ako para makagala naman ako bukas. Nakakaurat kasi dito sa apartment,” sabi ko sa kaniya at saka ako tumayo para kumuha ng tubig sa fridge.“Actually, mayroon. Gusto mo bang sumama?” tanong niya kaya napangisi ako. Natigil tuloy ako sa pagkuha ng tubig sa fridge para bumalik sa kaniya.“Saan ba ang lakad mo?” Mukhang may gala ako bukas kaya naging excited tuloy ako.“Mag-a-assist ako sa ate ko sa flower shop niya. Kung gusto mo, sumama ka para magkaroon ka rin ng sideline,” sagot niya. Okay na rin siguro iyon para may magawa ako bukas.“Okay, sasama ako. Trabaho rin ‘yan kaya bakit ko tatanggihan,” sagot ko saka ako muling bumalik sa fridge para ilabas ang juice na tinimpla ko kagabi. Nagsalin ako sa baso at saka ko rin binigyan si Geronimo.Hindi na rin siya nagtagal. Umalis na rin ito kasi pupunta pa raw siya sa boss namin para ibalik ang susi nung office room nito sa gym. Ime-message na lang daw niya ako kung anong oras ang lakad namin bukas.Nung mag-isa na ako, tinuloy ko na ang pagkain ko ng lunch. Nakakabanas kasi inabot tuloy ng alas dos ng hapon ang lunch ko. ‘Yung manok, matigas at malamig na.Habang kumakain ako, nakikiramdam ulit ako sa paligid. Nakakapanghina lang kasi, hindi ko pa nararanasan ito sa buong buhay ko. Isa pa, hindi ako naniniwala sa mga multo. Pero ngayong naranasan ko na, naniniwala na ako at natatakot na rin, siyempre.Sa totoo lang, kahit maganda itong si Alina Lovia, kapag sinabing multo o kaluluwa na lang, hindi ko pa rin mapigilang matakot o kilabutan. Baka kasi sapian o saktan niya ako.“Bibigyan kita ng pera kapag tinulungan mo ako,” dinig ko ulit sa boses niya kaya nabitawan ko ulit ang kutsara ko.“Puta, ayan ka na naman,” natatakot kong sabi.“Why are you afraid? I’m not even hurting you. Hindi ko nga kayang humawak ng tao or even things. Huwag ka ngang duwag! I really need your help, Corvus,” sabi niya kaya lalo akong kinilabutan kasi kilala na rin niya ang pangalan ko. Saka, sa lahat naman ng kaluluwa na, siya lang ‘yung english-era pa rin.Siguro nandito pa rin siya kanina nung mawalan ako ng malay at nung magpunta dito si Geronimo.“Bakit kasi ako? Anong magagawa ko sa iyo? Maraming iba diyan, huwag na ako. Wala akong magagawa sa iyo,” sagot ko habang nakangiwi. Dapat sigurong magpa-bendisyon na ako ng loob ng bahay. Nang sa ganoon ay tigilan na niya ako.“Corvus, please, you are the only person na nakakarinig sa akin. Ikaw lang at wala ng iba pa. That’s why I have no one else to ask for help but you,” sagot niya na tila mangiyak-ngiyak na.“A-ako lang. B-bakit? P-paano ko nagagawa iyon? Teka, ngayon lang ito nangyari. Ngayon lang ako nagkaroon ng kausap na kaluluwa,” sabi ko sa kaniya. Medyo nawawala na ang takot ko kasi parang hindi naman siya masama.“I promise, if you help me, I will give you a lot of money. I just want to know what happened to me? What really happened and who killed me, that's all. After that, sige, I'll leave you alone,” paliwanag niya kaya napabuntong-hininga tuloy ako.“Wala ka bang natatandaan?” tanong ko na. Siguro nga ay dapat ko na siyang tulungan para matigil na siya. Saka, baka nga bigyan ako nito ng pera. Baka siya na rin ang sagot para yumaman ako.“The last thing I remember, I was about to get married. Then, I also remember stepping out of my room that morning to go to the church when someone grabbed me and took me to the veranda of my penthouse. Doon, natatandaan ko rin na nalaglag ako sa veranda at nahulog sa swimming pool.”Ibig sabihin ay may pumatay sa kaniya. Kawawa naman siya. Sino kaya ang gumawa niyon sa kaniya?“Sige, Miss Alina, tutulungan kita sa abot na aking makakaya. Aalamin natin kung anong totoong nangyari sa iyo. Pero, Miss Alina, ipangako mo na ikakayaman ko ang pagtulong ko sa iyo, ha? Kasi alam mo, hirap na hirap na ako sa buhay na mayroon ako ngayon. Gustong-gusto ko nang magkaroon ng malaking bahay na pag-aari ko talaga. Kaya mo bang ibigay sa akin ‘yon?”“Oo naman, kayang-kaya ko. I have a lot of land and houses, bibigyan kita ng bahay at lupa kung ‘yan ang gusto mo, basta tulungan mo lang ako.”“Okay, game na ako diyan. Tutulungan na kita, Miss Alina. Isa pa, hindi ka naman pala ganoong nakakatakot kasi hindi ka nananakit. Pero may request lang sana ako, Miss Alina,” sabi ko pa habang parang nahihiya.“A-ano iyon?” tanong din niya.“P-puwede bang kapag may ginagawa akong kababalaghan dito sa apartment ko ay huwag mo akong panuorin? Hindi kita nakikita pero, kahit na ganoon ay nahihiya pa rin ako. Puwede bang gawin mo iyon?” tanong ko sa kaniya habang napapainom ng juice.“F-fine, I don’t even want to watch you do that, it’s disgusting, you know!” sabi niya na tila sa tono nang pananalita niya ay para bang nahiya din siya.Ngayong may kasunduan na kami, hindi na ako natatakot. Baka kasi ito na ang sagot ng itaas sa akin. Malapit na akong yumaman. At ito ay dahil kay Miss Alina Lovia.Caline’s POVTahimik ang gabi. Katabi ko si Akeno, mahimbing na natutulog kasi pagod sa trabaho dahil overtime siya, actually ay kakauwi lang niya. Talagang binibigay niya ang best niya para mapabuti at mapalago ang negosyong binigay sa kaniya ni papa. At nakikita ko naman na maganda ang nagiging takbo ng lahat dahil magaling talaga ang asawa ko.Nakahilig ang ulo niya sa balikat ko, tila kampanteng-kampante sa mundo. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Ang lalaking ito, na minahal ko ng buong puso, ay naging katuwang ko sa lahat ng bagay—ngayon, magiging ama na siya.Pero ang ngiti ko ay napalitan ng kirot. Isang matinding sakit sa tiyan ang biglang dumaluyong sa akin. Nagising ako ng tuluyan, at sa ilang segundo pa, naramdaman kong may mainit na likidong umagos mula sa akin. Pumutok na ang panubigan ko.“Akeno, gumising ka!”Ginising ko si Akeno, na sa simula ay parang nag-aalangan pa kung gigising ba siya o hindi.“Hmm? Ano iyon, Honey?” tanong niya habang nakapikit pa rin ang
Akeno’s POVPagkatapos ng isang linggong honeymoon sa South Korea, heto, balik trabaho na ulit ako. Pero, nakaka-miss ding bumalik sa trabaho, nakaka-miss batiin ng mga empleyado, lalo’t sanay na akong tinatawag na sir.Nasa gitna ako ng isang mahalagang meeting sa opisina. Maraming desisyon ang kailangang gawin, maraming proyekto ang inaasikaso. Ngunit isang mensahe mula sa aking telepono ang nagpahinto sa lahat.“Sir, may nangyari kay Ma’am Caline. Nahimatay po siya sa mansion.”Parang tumigil ang mundo ko pagkatapos kong mabasa ang message na iyon. Hindi ko na inintindi kung sino ang nag-text. Hindi ko na rin narinig ang sinasabi ng mga tao sa empleyado ko. Ang tanging nasa isip ko ay si Caline—ang asawa kong minamahal ko ng higit pa sa kahit ano ay may nangyaring masama ngayong araw.“Meeting adjourned,” malamig kong sabi bago tumayo. Walang tanong-tanong. Walang paliwanag. Mabilis kong kinuha ang susi ng sasakyan at nagmamadaling umalis ng building.Habang nagmamaneho, halos suma
Caline’s POVSa lahat ng sandaling pinangarap ko ang araw na ito, hindi ko inakalang magiging ganito siya kaganda. Gising pa lang ako kaninang madaling araw, nararamdaman ko na ang excitement dahil alam kong special ang araw na ito para sa aming dalawa ni Akeno.Ito ang araw na ikakasal ako kay Akeno, ang taong nagpatunay na ang pag-ibig ay walang hanggan. Pagbukas ko ng aking mga mata, naramdaman ko agad ang kiliti ng liwanag ng araw na dumaan sa kurtina ng kuwarto ko. Ang mga kasambahay ay abala na, ang glam team ay nasa labas na ng pinto at naghihintay sa akin. Maaga akong naligo dahil ayokong maghintayin ang mga mag-aayos sa akin.“Good morning, bride-to-be!” Masiglang bati ng makeup artist na si Elle pagpasok niya sa kuwarto. Sikat siyang makeup artista sa social media kaya siya ang kinuha ko. Isa pa, mga maaarte kong kaibigan ang nag-suggest sa kaniya kasi nga iba gumalaw ang kamay niya kapag nagpapaganda ng isang tao. At dahil kasal ko ‘to, aba, dapat lang na maging mas maganda
Akeno’s POVMatapos ang araw na iyon, ang kaarawan ko na puno ng mga sorpresa, saya, at pagmamahal, akala ko tapos na ang lahat, pero tila may hinanda pang kakaiba si Papa Corvus para sa akin.Gabi na at handa na akong matulog sana. Nakahiga na ako sa kama at iniisip ang lahat ng nangyari kanina. Ang saya sa mga ngiti nina Caline at ng kanyang pamilya, ang amoy ng masasarap na pagkain, at ang ingay ng tawanan ay naglalaro pa rin sa isipan ko. Nang biglang kumatok sa pinto si Papa Corvus.“Akeno, can I have a word with you?” tanong niya.Napatayo agad ako at mabilis na nag-ayos ng sarili. Hindi ko alam kung bakit, pero parang kinabahan ako. Ano kaya ang pag-uusapan namin?“Uh, yes po. Sige po, Papa,” sagot ko habang dahan-dahang binubuksan ang pinto.Tumayo siya sa may pintuan, nakita ko ang seryosong mukha niya. “Sa opisina ko tayo mag-usap.”Hindi ko maiwasang kabahan habang sinusundan siya. Sa isip ko, baka may ginawa akong hindi tama o baka may plano siyang paghiwalayin na kami ni
Akeno’s POVIsang taon na ang lumipas mula nang magbalik sa dati ang mundo. Sa wakas, ang pinto ng impyerno ay naisara na, at ang mga demonyong minsang naghasik ng lagim ay nawala na lahat. Naging sikat na parang superhero sina Caline, Caius at Papa Corvus sa buong Pilipinas kasi nasaksihan ng buong Pilipinas kung paano nila tinapos at inubos ang mga demonyo.Pero ang mga alaala ng digmaang iyon ay nananatili, hindi lang sa kaluluwa ng bawat tao, kundi pati na rin sa mga bakas ng pagkawasak sa ating paligid.Ang Manila na dating puno ng buhay at sigla, ay naging larawan ng kaguluhan noon. Maraming gusali ang nawasak, maraming negosyo ang nagsara, at maraming buhay ang naiba. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, dahan-dahan na ring umaangat ang lahat. Ang tao, kahit kailan, ay marunong bumangon.At ngayon, isang taon matapos ang lahat ng iyon, tila bumalik na rin ang normalidad. Pero kahit bumalik na ang lahat sa dati, hindi maikakaila na may mga pagbabago na sa akin at sa paligid ko.**P
Caline’s POVAng unang araw ng labanan namin ay masyadong nakakamangha dahil sa nakikita ko kung paano makipaglaban ang kakambal kong si Caius.Tumayo kami sa isang lugar na tila naging entablado ng digmaang ito—isang malawak na disyerto ng abo at nasirang mga gusali. Ang dilim ng paligid ay sinisindihan lamang ng nag-aapoy naming mga kapangyarihan.Ngunit ang atensyon ko ay hindi maialis kay Caius.Nakangiti si Caius, tila ba para sa kaniya, ang mga demonyong humaharap sa amin ay mga laruan lamang. Ang asul niyang apoy, maliwanag na maliwanag, ngunit nakakatakot kapag ginamit na.Kumalat mula sa kaniyang mga palad ang asul na apoy at bumuo ng isang bilog sa kaniyang paligid. Ang gara, ang ganda talaga ng apoy niya.Biglang lumipad sa hangin ang apoy, tila naging mga asul na mga ibong nagliliyab, bawat isa ay may matalas na pag-atake. Nang magsimula nang sumugod ang mga demonyo, isa-isa silang binanatan ng apoy na iyon. Sa bawat atake, natutunaw sila ng parang abo, ganoon kabagsik ang