Share

Kabanata 10

Penulis: the1999cut
last update Terakhir Diperbarui: 2020-08-22 15:33:48

Si Lilith

***

Lilith's POV

Nakatambay ako ngayon dito sa rooftop ledge ng isang ospital. Kitang kita ang siyudad na malapit ko ng mapasakamay

"Anong balita?" tanong ko sa alaga kong itim na uwak na kakalapag lang saaking tabi

Syempre hinihintay niyo kung magsasalita ba siya o hindi pwes syempre ang sagot doon ay hindi.. hindi po ito Demon Slayer:Kimetsu No Yaiba

"Caw caw caw caw~" sabi nito saakin

hindi niyo naiintindihan? so sad kasi wala akong balak itranslate sainyo kasi demonyo ako hindi translator

"Ohhh ganon ba?" kinuha ko sakanya ang daladala niyang itim na makapal na libro

"Caw caw caw~"

"Ohhhh Banal na kasulatan~ wow! ganito pala itsura nito? napaka pangit ng design hahahaha" binuklat ko ito sa kahit anong pahina

"Ang sakit naman sa mata nito! Tignan mo! ang liit ng font! nakaka disappoint naman ito pero akalain mo ah nabuhat mo ito? ang bigat

bigat! kaya na ata nitong pumatay ng isang tao" reklamo ko

"Caw caw caw caw caw!" tumalon ito sa aking hita at nilipat lipat ang pahina hanggang sa may nakita akong nakadikit na mensahe

God bless you, My Calcifer ❤

Love,
Essay

pero burado yung God bless you pero halata pa rin

"Ohhh! Napaka husay mo talagang uwak

ka! Hahahahaha"

"Caw caw caw caw caw caw~"

"Hindi nga? girlfriend ni calcifer? binabible study siya?"

"Caw!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" evil laugh yan

"Binabible study? tapos jowa niya mortal? ganon na ba siya

kabobo?" kinuha ko yung note at winave wave ko pa ito sa ere

"Matagal na ba ito?" tanong ko sa alaga ko

"Caw caw caw"

"Hmmm mahigit

isang buwan at dalawang linggo? ikaw uwak

ka masyado kang magaling na chismosa! reliable source! ngayon may bago akong

misyon para sayo"

"Caw?" sabi niya Nani?

"Gusto kong hanapin mo kung nasaan ang pakpak ni lucifer...kailangan ko ng inpormasyon kung saan niya ito tinago naiintindihan mo?"

"Caw caw?"

"Maya maya magpahinga ka muna! ayokong mawala yung pinakamamahal kong alaga dahil na over work"

"caw caw caw"

Iniangat ko ang bibliya

"Ipapatunay ko sayo na kayang pumatay ng isang tao nito" inistrech ko ang aking kamay na nakahawak sa bibliya at itinapat sa pwesto ng isang tao sa ibaba. Mejo may kataasan itong ospital na ito kaya sana may impact

binitawan ko ang bibliya at nandoon pa rin yung lalaking nakatayo at abala sa kanyang tinatawagan

mabilis na bumagsak ang bibliya at mayamaya bumagsak na ang lalaki at puno ng dugo ang kanyang ulo

"Ooppps~" sabi ko habang pinapanood pa rin ang pagdami ng mga tao sa baba "Mali pala yung naibaba ko~" pinakita ko sa alaga kong uwak na hawak ko pa rin yung bible

Illusion. Isang hallow block talaga ang binagsak ko

"Osya alis na tayo? may magandang balita ako para kay lucifer! hahahahaha"

At sa isang iglap walang kurap kurap.. nasa silid na ako ni lucifer
sa kanyang kaharian

"Papa!" bati ko sakanya at sinalubong ito ng yakap

"Lilith! bakit

naparito ang pinaka maganda kong anak? bored ka na bang paglaruan ang mga tao?" tanong nito saakin

"Actually hindi pero may sasabihin sana ako sayo tungkol kay calcifer"

"Kay calcifer? pumasok nanaman ba siya ng simbahan?"

"Mas masama pa jan..."

"Ano? sabihin mo saakin" nakasadal siya sa may pader habang naka cross arm at seryosong nakatingin saakin

ipinatong ko sa desk niya ang bibliya at ang note na nakuha ng alaga ko

"Tignan niyo" lumapit ito sa desk niya at sinimulang hawakan ang note.. at sabay pikit nito

Psychic something ganon... kaya niyang makita yung mga nakaraan kapag nahawakan niya yung isang bagay

Kaya ko din yan kaso hindi pa ganon kahusay kasi yung nakita ko lang jan sa pesteng note na yan ay madilim at ayun ay yung nakasara yung libro sa note

Pagkadilat niya ay seryoso lang ang expression ng mukha niya kung tao ako mejo matatakot ako sa tingin na iyon pero hindi naman ako tao kaya bakit ako matatakot?

"So...?" tanong ko

kinuha niya yung bible at hinati niya ito sa gitna at pinagpipirapiraso

Inis siya halata naman

"AAAHHH! HINDI NA NGA SIYA PUMASOK SA SIMBAHAN PERO ANO ITO? NAGPABIBLE STUDY!? TAPOS NAKIPAG RELASYON SA ISANG MORTAL!? GINAGALIT TALAGA AKO NG ANI-MAL NA IYON!  NASAAN SIYA NGAYON!?"

"Nasa bahay niyo at oo nga pala ito pa... bumuhay lang naman din siya ng isang patay"

"ANO!?"

"Oo nakatira nga

sa

bahay niyo eh"

"BIBLE STUDY, NAKIPAG RELASYON SA MORTAL TAPOS NANGEALAM PA SA KALULUWA? ANO BA TALAGANG PUMAPASOK SA MAKITID NA UTAK NG ISANG IYON!?"

"Pinagtapos niyo ng college pero bakit bobo pa rin siya?"

"SAAN KO MAKIKITA ITONG BABAENG ITO?" nagkibit balikat na lamang ako sa tanong niya

Huminga siya ng malalim at tinignan ang nagkalat kalat na papel sa paligid

"Oras na ata para turuan ng leksyon yang kuya mo" kalmado niyang sambit

"Ohh I can't wait~"

***

Ilang araw na din wala si Lucifer sa kanyang kaharian dito sa baba at ako ang nakaupo sa trono niya na gawa sa malambot na tela at iskalptura ng isang ahas na gawa sa ginto

"Mapapasaakin din ito... konting tiis pa" sabi ko sa sarili ko

"Hindi ka dapat nandirito" tinignan ko ng masama ang lalaking nakatayo sa harapan ko

"Ares~ Ares~ Ares~"

"Umalis ka na dito.. sa ibang lugar ka tumambay"

"Anak ako ng sinusunod sunuran mo kaya mas may karapatan ako dito kesa saiyo"

"Hanggat hindi ka pa ang reyna wala kang karapatan"

"Bakit ba ayaw na ayaw mo saakin ha? dahil ba babae ako? Ha?"

"Alam natin na hindi ikaw ang papalit sa

trono kundi si calcifer kaya umalis ka na jan"

taas noo akong umalis sa upuan... elegante akong naglakad papalapit kay ares at ng makalapit na ako sakanya hinawakan ko yung pisngi niya at hinaplos ko ito ng dahan dahan

"Ares~" sa nakakaakit na tono kong bigkas

"Kapag tinulungan mo ako gagawin kitang hari ko ayaw mo ba non? hmmm?"

Nakatitig lang siya saakin ng seryoso at dahan dahan ko naman ipinuwesto ang libre kong kamay sa kanyang dibdib at hinaplos ito

"Isipin mong mabuti Ares.. kaya kitang gawing

pinakamakapangyarihan

dito alam kong hindi mo deserve ang maging isang taga sunod lang hindi ba?"

May katangkaran saakin si Ares kaya kailangan ko pang tumingkayad para lamang bumulong sakanya

"Pag isipan mong mabuti... maghihintay ako" mapang akit kong bigkas at sabay halik sa kanyang pisngi , pagkatapos non ay humakbang ako paatras sakanya

"Ciaooo~" malambing ko sabi sabay kaway palabas ng kwartong iyon

Pagkalabas ko marahan kong pinunasan ang labi kong dumikit sa isang mababang level na nilalang

Tssss Kadiri

"Binibining Lilith!" pasigaw na salubong saakin ng isang low class na demonyo na kukuba kuba na kamukha ni my precious

"Bakit?" pagkairita kong sabi sakanya habang nakapameywang

"Ang ganda ng suot niyo ngayon ah?" sabi ng ignoranteng nilalang na ito

"Gusto mo?"

"Oo! Oo hahahaha"

"Gusto mo sumbog mukha mo?"

parang tanga siyang iiling iling "Na..nako po hihindi po!" natatakot niyang bigkas

"Pwes anong kailangan mo?"

"Matagal na kasi akong nagugutom baka pwede niyo akong tulungan~~"

"Gusto mo ng kaluluwa?"

"Oo! Oo! yung nga!"

yung mga low class na demonyo ay walang kakayahan na mag anyong tao

"May offer ako sayo..."

"Aano yon?"

"May isa kasing kaluluwa na binuhay si Calcifer... alam mo na bawal yon diba?"

"Oo! bawal yon bawal bawal yari"

"Uhuh! so... kaya mo bang kainin yon?  kapag nagawa mo iyon gagawin kitang magandang nilalang hindi kagaya sa

kadiring mukhang yan"

"Sisisigegagagawin ko! sabihin mo kung paano!"

"Palabasin mo siya

sa

bahay at doon mo siya kainin, pag nakain mo na yung kaluluwa non tsaka kita gagantimpalaan, ayos ba?"

"Sigesigesigesige!! gaganda na ako!"

"Ciaooo~" nilagpasan ko na yung inutil na demonyong iyon dahil naiirita ako sa itsura niya... napakaloyal naman kasi na sunud sunuran haysss

Pinikit ko ang mga mata ko at sa pagdilat ko ay nakaupo na ako sa paborito kong pwesto. Sa ledge ng rooftop ng pinakamataas na ospital sa bayan na ito...

"HAAAAYYYY

BUHAAAAY!!" Sigaw ko ng malakas

Mapasaakin lang yung pakpak ni lucifer ako na ang pinakamalakas na demonyo at aakyat ako sa itaas para maghasik ng lagim o mas mabuti na maging reyna din doon

***

TBC.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Para Sa Walang Magawa   AUTHOR’s NOTE

    Happy New Year, everyone!Lumipas na ang ilang araw sa bagong taon na ito at ang kuwento na ito… kagaya ng sa aking previous update at pangako na ipagpapatuloy ito… ito’y isang mahabang salaysay;Sa napapansin kong paglago ng kuwentong ito kahit hindi ako ganoon nag uupdate rito ay pinasasalamatan ko kayo ng taos puso sa pananatiling pagsubaybayan sa aking munting imahinasyon. Sa kagustuhan kong ipagpatuloy ito rito… nagkaroon lang ako ng kaunting distrust sa management nito at aking napag isipan na hindi na muli itutuloy rito ang kwento ni Calcifer at ng iba. Napagtanto ko na kailangan nila ng sapat na tahanan kung saan hindi magiging limitado ang access nito. Ipagpapatuloy ko ang kwento nila sa isang reading platform na kulay orange hanggang hindi pa nareresulba ang aking pansamantalang pagka wala ng tiwala sa GN. Ito ay personal na desisyon at habang nasa kontrata pa ito noong limang taon na ang nakakalipas, oras na para iuwi ang kwentong ito sa una nitong tahanan kung saan mas nag

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 25

    Energy Booster***Hindi ko alam kung paano kontakin si succubus! Tangina ni hindi ko nga alam kung may cellphone ba ‘yon o wala? Hindi ko pa masyadong kontrolado iyong telepathy ko lalo na kapag sobrang layo no’ng kakausapin ko! Tangina namang buhay ‘to ang hilig akong pahirapan!“Ano na gagawin ko?!” bulyaw ko sa kawalan.Nandito ako sa aking kwarto palakad lakad habang nag-iisip kung paano ko kakausapin si succubus para makapag training na kami! Wala na akong oras! Kumikilos na ang langit habang ako dito nagpapapogi lang!“Calci boi!” biglang litaw ni Mary sa tabi ko, malutong na mura ang tumugon sakaniya.“Muntik na a-ako! Ahhhh! Nakaka…nakakatakot! S-sobra!” natatakot na sambit nito sa akin habang nakahiga sa sahig at niyayakap ang sarili.“Anong nangyari sa’yo? Alam kong praning ka na dati pa kaya ano na naman ‘to?”“A-anghel! Totoo ang chismis calci boi! May lumilibot na anghel sa labas at pinapatay ang uri namin! Muntik na ako pero nakatakas ako! Kaso…si paloma! Si paloma…nagi

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 24

    Senti Man By The Window *** Nandito na naman ako sa bubong ng aming bahay, tamang senti lang. Iniisip ko kung kamusta na kaya si Essay? Nakikipag bible study ba siya do'n sa lalaki na kasama niya noon? "Pambihira naman calcifer! Kalimutan mo na siya! Pambihirang puso kasi 'to! Peste! Tangina!" Pesteng sumpa ito ayaw pa rin mawala! Yung tipong may nagsasalita sa akin na dalawang anyo sa aking balikat... Puntahan mo siya at makipagkilala ka ulit. Huwag hangal! Bobo ka ba? Kaya nga ginawa mo 'yon para maligtas siya di ba? Bobo! "AAAAHHH! Pambihira! Lubayan mo na ako! Kupido umuwi ka ng h*******k ka at papatayin kita rito!" pagsigaw ko sa kawalan. Tapos biglang sumagi sa isip ko na nawawala nga pala si Lilith…shit! Saan kaya pumunta ang isang ‘yon? Naka secret training din ba siya? Saan? Sino? Imposibeng ang ama namin ang nagsasanay sakaniya? Kasi magtatampo talaga ako! Sa akin ayaw niya? Kailangan ko siya mahanap...kailangan ko siya matignan kung anong klaseng pagsasanay ang ginag

  • Para Sa Walang Magawa   A NOTE FROM THE AUTHOR

    Hello dear readers! It is I, the author of this funny story. After so many years, I have returned hahahaha! Pasensya na kung ngayon na lang ulit ako nagparamdam… At ngayon ko na lang ulit ito nagalaw. I am publishing another story, which is also published in w*****d. I hope you tuned in it dahil dito ko ipopost ang revised version ng kuwentong iyon. At also, I am here to announce my return in publishing chapters for this story. Same as you, I also miss Calcifer at ang ganap sa buhay niya! Sa daming nagdaan na taon I am a little confident on my improvements in story telling at sana kung maninibago kayo sa way ng aking pagkukwento iyon ay dahil dumaan na ang mahabang panahon, nag iimprove rin po ako. At sa uulitin, pasensya na kung ngayon lang ulit ako nagparamdaman. Ang huling update ko sa kuwentong ito ay 2020 or 2021 pa? It has been five or four years ago! Wooooh! Ang haba ng taon na iyon hahahaha! Kung tutuusin ang next chapter nito ay nasa drafts pa at nagawa ko iyon that year

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 23

    Missing Lilith *** Umagang Umaga ginising ako ni succubus upang mag training nanaman! Limang metro pa din ang distansya namin kasi kingina niya may trauma pa din ako sakanya! "Alam mo ba kung paano magteleport papuntang hawaii?" tanong ko sakanya "Hawaii? Ang layo naman non! Bumili ka ng lang ng ticket! Visa at passport!" "Kingina talagang kupido yon nababadtrip na ako!" "Bakit?" Nagmemeditate kaming dalawa dito sa isang abandunadong building. "Sinumpa kasi ako ng pana non peste." Nakapikit ako at naka indian sit, yung kamay ko naka cross at nakalapat sa aking balikat. "Mainlove?" "Oo tangina nga eh!" "Hahahaha tapos? kanino ka nainlove?" "Sa

  • Para Sa Walang Magawa   Kabanata 22

    Ang Plano***Naka upo kami ngayon ni succubus at nakasandal sa pader mga isang metro ang layo pagkatapos ng make out session namin kanina.Pota ako lang ata ang demonyong naiilang pagkatapos ng isang make out. Tangina."Bakit ba ang layo mo? Come here! Paninindigan ko naman yung ginawa ko kanina!" sabi niya saakin"Shut up! Kiss stealer! Bwisit ka! Jan ka lang wag kang lalapit sa akin!! Baka hindi ka pa nagtoothbrush eh!!""Parang hindi mo naman nagustuhan yung ginawa natin? Sabik na sabik ka nga! You even pulled me closer!"AHHHHHHH NAAALALA KO NANAMAN ANG PANGYAYARING IYON! OO GINUSTO KO YON POTANGINA SINO NAMAN HINDI MAGUGUSTUHAN YON?"Ahh basta! Anyway, tutulungan mo ba talaga ako?""Oo nga. Pagkatapos kitang turuan, pinagdududahan mo pa rin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status