Share

Chapter 3

Author: Angel Megumi
last update Last Updated: 2023-02-27 14:46:42

MALAKING KWESTYON pa rin kay Margaret ang nangyari kagabi. Hindi niya maintindihan kung paano sila hindi nagawang saktan na magkapatid ng mga naka-bonet na lalaking iyon. Subalit naging aral din sa kanila ni Tamara na hindi dapat sumasama kung kani-kanino. Bagama't naging lingid pa rin sa kaniyang inang si Maria at amang si Renato ang pakikipagtalik kay Philip ay naging palaisipan pa rin sa kaniya ang agarang pagkasangkot nito sa barilan.

Kinabukasan ay naging usap-usapan sa bayan ang nangyaring barilan sa karatig bayan ng Eldefonso na San Miguel, kung saan nagtungo sina Margaret at Tamara kasama ang kanilang mga kaibigan at ang dalawang binata na sina Philip at Andrew. Kaya naman sandaling binisita ng kanilang amang si Renato ang lugar na kinasangkutan ng krimen kasabay nang pag-iimbestiga ng mga pulis. Bagama't nalaman na nito kay Margaret kung ano ba ang nangyari at sa palagay ni Renato ay sinuway ng kaniyang mga tauhan ang kaisa-isa niyang bilin.

Pasakay na sana si Renato ng Gazelle Next Van nang sundan ito ng dalawang anak na sina Margaret at Tamara. "Sasama po ako, papa!" pagpipresinta ni Margaret sa ama. Habang sinusubukan naman siyang pigilan ni Tamara. "Sige na, ate, hayaan mo na akong sumama. Hindi ako mapapanatag kung hindi ko babalikan ang lugar na 'yon. Kung saan namatay si Philip," mahinahong sabi niya kay Tamara. Namamayani pa rin kasi sa kaniya ang bakas ng kanilang p********k ni Philip bagama't malaki ang kaniyang panghihinayang sa buhay na maagang siningil kay Philip.

"At bakit ka naman sasama, Margaret?" Bahagya silang natahimik ni Tamara at kapagkuwa'y nagkataasan ng kilay. Batid niya na si Ate Tamara niya lamang ang tanging maaasahan sa kaniyang mga kapatid dahil ito lang ang nakakaalam sa nagawa niyang kalokohan.

"Pa, hindi ba't doon nangyari ang krimen sa bayan ng San Miguel, kung saan kami dumayo ni Ate Tamara? At sigurado akong, kakailanganin ng mga pulis ang statement namin ni ate," sagot ni Margaret. Na naabutan naman nina Karadine at Isabel.

"At bakit ba kasi kayo sumama pa roon, Ate Margaret? Hindi n'yo ba alam na labis n'yo kaming pinag-alala?" singit ni Karadine na sandaling ikinataas ng kilay nina Tamara at Margaret.

"So, uso pala ang pag-aalala, Karadine? E, kung ipagtulakan mo nga ang mga bisita namin kahapon dito sa mansyon ay parang mga hayop lang, e," katwiran ni Margaret. At saka ito nagkatinginan ni Tamara.

"Sandali, totoo ba 'yon, Karadine?" mata sa matang tanong ni Renato kay Karadine.

"Pa, wala pong nangyaring pagpapalayas. Kusa po silang umalis at saka, nag-stay pa nga sila pagkatapos kong paalalahanan sina Ate Margaret at Ate Tamara na baka magalit ka kapag nalaman mong nag-iimbita sila ng kung sinu-sino. Lalo na ang dalawang lalaking dayo na 'yon."

"'Wag mong huhusgahan si Philip!" pasigaw na giit ni Margaret. Na halatang mas pinapaburan ang naging katalik kaysa sa kaniyang kapatid.

Doon nandilat ang mga mata ni Karadine kasabay nang naging katanungan ng kanilang ama para kay Margaret. "Sandali, Margaret, anong relasyon mo sa dayong iyon at tila alalang-alala ka?"

Doon namayani ang sandaling katahimikan. At kasabay din niyon ang pagtatagpo ng kanilang mga mata ni Tamara. "Pa, aaminin kong naging malapit na kaibigan din sa akin si Philip kahit kahapon ko lang siya nakasama. Hindi ba, Ate Tamara? Gano'n din naman kayo ni Andrew?"

At dahil ayaw din naman ni Tamara na mapasamâ ang kaniyang nag-iisang kakampi sa mga magkakapatid ay nagawa nitong pagtakpan ang katotohanan kahit pakiramdam nito'y may inililihim pa ang kapatid. "Ah, siyempre, pa, naging parte rin kasi sila ng tropa, e. At saka sila rin ang nag-imbita sa amin sa lugar na iyon."

"O, kita n'yo na? Lumabas din ang katotohanan na bigla-bigla kayong nagtitiwala sa kung sinu-sino," giit pa ni Karadine na lalong ikinainis ni Margaret.

"Pakialam mo ba? May naitulong ka ba para hanapin kami kagabi? Wala kang alam, Karadine. Minsan pa nga, kung sino pa 'yung mga taong inakala mong sasaktan ka ay sila pang magliligtas sa. buhay mo," makahulugang sabi ni Margaret dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala kung paano sila hindi nagawang saktan ng mga lalaking naka-bonet kagabi.

"Anong ibig mong sabihin, Ate Margaret?" tanong ni Isabel sa kapatid.

"'Yung mga naka-bonet na nakapatay kay Philip ang silang nagligtas sa amin ni Ate Tamara."

"Ano? Sino naman kayang mga naka-bonet iyon?" takang katanungan ni Karadine.

At dahil ayaw na rin naman ng kanilang ama na usisain pa ang tungkol doon ay nagpasya na ito.

"Hayaan n'yo na, ang mahalaga ay ligtas ang mga kapatid n'yo," wika ni Renato kay Karadine. Saka ito nagbalik ng tingin kay Margaret. "O, sige na, papayag na akong sumama ka, at ikaw Tamara, sumama ka na rin para may makakausap doon ang kapatid mo." Napatango naman si Tamara at saka pasimpleng pinisil ang kaniyang braso nang dahil sa paglusot ni Margaret sa nagawang kalokohan.

Nang makarating sila roon ay may bahid pa rin ng dugo mula sa pinagbagsakan ng katawan ni Philip. Naroon na rin ang mga pulis na nag-iimbestiga sa pinangyarihan ng krimen at doon nila nalaman na kagabi pa nakuha ang katawan ni Philip Baltazar upang dalhin sa morgue. Kasama raw nito ang malapit na kaibigang si Jomel at ang ama't ina ni Philip. Pasimple pang napalingon si Margaret sa palikuran na pinangyarihan ng pakikipagtalik niya kagabi kay Philip matapos punasan ang kaniyang namuong munting luha. At habang abala ang mga pulis sa pag-iimbestiga ay siya rin namang pakikipag-ugnayan ni Renato Monteza sa pagbibigay ng statement sa mga ito.

Kaya naman nang sandali rin iyon ay hindi naiwasang usisain ni Tamara ang nangyari sa kanila ni Philip. "Margaret, umamin ka nga sa akin, bukod sa pakikipaghalikan mo kay Philip kagabi ay may nangyari sa inyo, 'no?" pabulong na wika nito at siniguradong walang ibang p'wedeng makarinig sa kanila.

"Ate--"

"Magsinungaling ka na sa lahat, 'wag lang sa akin. Kitang-kita ko ang luha sa mga mata mo kanina habang pinagmamasdan ang mga bahid ng dugo ni Philip."

"Oo na, aaminin ko. Pero hindi namin 'yon natapos-- dahil may dumating na mga naka-bonet na mga lalaki."

"Nakilala mo ba ang mata ng mga naka-bonet, Ms. Margaret Monteza?" Napalingon sila pareho ni Tamara sa bumungad na katanungang iyon. Iyon pala ay mula sa mga pulis na nakatakdang mag-interview rin sa kanilang magkapatid.

Sandali niyang inisip ang pangyayari. Habang namamayani naman ang kaba ni Renato sa magiging statement ng anak. At kung sakaling magkaroon man ng aberya ay wala itong ibang sisisihin kundi ang mga tauhan na sumuway sa kaniyang bilin. "Hindi ko po sila namukhaan kahit sa mata lang, dahil masyadong madilim ang lugar na 'to," sagot ni Margaret.

"E, kung madilim pala ay anong ginagawa n'yo sa lugar na ito ni Philip Baltazar?"

Doon na lumapit si Renato upang mas marinig ang pahayag ng anak. "Nagpasama sana ako kay Philip para gumamit ng palikuran dahil nga madilim ang lugar. Hanggang sa makarinig na lang ako ng putok ng baril at ang putok na 'yon ay nasundan pa ng napakaraming putok, at sa paglabas ko ay doon ko lang napagtanto na duguan at wala nang malay si Philip," maluha-luha niyang sabi.

Matapos kunin ang pahayag niya ay pahayag naman ni Tamara ang kinuha ng mga pulis. At ayon sa kanilang k'wento ay malinaw na naunang nagpaputok ng baril si Philip kung kaya't hindi na nakapagtimpi ang grupo ng Mochizet at nakipagpalitan ito ng baril. At sa kasamaang palad ay tinadtad ng bala ang katawan ni Philip.

"Chief, heto ang baril na posibleng gamit ni Philip sa pakikipagbarilan," sabi ng isang pulis at pagkaabot lamang ng baril na iyon kay chief officer Luiz Calderon ay nakilala na agad iyon ni Renato. Hindi siya maaaring magkamali-- kahawig iyon ng karaniwang baril na ibinebenta nila.

Umalis na rin sila roon pagkatapos lamang na hingin ang kanilang statement ng mga pulis. At sa pagkamatay ni Philip ay hindi naman napigilang magluksa ni Jomel at ng mga magulang ni Philip.

-

Lihim pa rin na nagmatyag si Karadine kinalaunan sa nasabing negosyo ng kaniyang ama. Kaya naman nang mismong araw din na iyon ay pasimple niya itong sinundan matapos nitong umuwi sandali sa mansyon. Mabuti na lamang at kasalukuyang wala si Isabel para sandali niyang matakasan ang buhay sa mansyon.

Nagawa niyang mag-commute kahit p'wede naman siyang magpahatid sa kalesa na kanila ring pagmamay-ari. Nagkukumahog na siya sa pagsunod suot ang itim na rayban at bandana na pangharang sa kaniyang itim at mahabang buhok. Bukod pa ro'n ay nakasuot pa siya ng kulay itim na muscle sando at naka-tack in dito ang kaniyang high waist ripped jeans.

Kapansin-pansin ang pagtataka niya sa nasabing lugar na pinagtirikan ng negosyo ng kaniyang ama. Dahil malayo ito sa bayan at tila liblib pa. Ang tanging mga sumasadya lang doon ay ang mga siguradong mga parokyano. Nagtago siya sa maliit na tunnel nang inaakala niyang pabrika. Bagama't wala pa siyang ideya kung ano ang estado ng kalakalan doon ay namumuhay naman ang kaniyang matinding kaba na baka matunugan siya ng ama sa kaniyang pagsunod. Sinubukan pa niyang pasukin ang secret tunnel na iyon habang sinusundan ang pagpasok ng ama at doo'y nakita niya ang mga kalalakihan. At katulad nang madalas niyang makita sa pelikula ay nakita niya rin kung paano ng mga ito igalang ang kaniyang ama sa pagdating nito. Nagtaka siya nang makitang wala namang ibang kaaya-ayang produkto na posibleng makita sa pabrika na iyon. Maliban sa mga baril na nakasabit sa dingding. Subalit mas namilog pa ang kaniyang mga mata dahil hindi lang iyon iilan subalit napakaraming baril ang tumambad sa kaniya.

Animo'y nanigas ang kaniyang katawan kasabay ang pamamawis na dulot ng matinding kaba. Doon nga'y napatunayan niya na isa iyong pabrika-- ngunit pabrika ng mga baril!

Hanggang sa siya'y natigilan sa malakas na sigaw ng kaniyang ama. "Bakit n'yo sinuway ang bilin ko? Hindi ba't kabilin-bilinan ko na 'wag ninyong dudungisan ang inyong kamay gamit ang dahas na pinagkakakitaan natin?"

"Ano? Sandali, hindi ko maintindihan.." takang bulong niya sa isipan.

At doo'y hindi pa niya sinasadyang marinig ang sumunod na sinabi ng kaniyang ama habang isa-isa nitong binibigyan ng matalim na titig ang mga tauhan, "Sino ang bumaril sa dayong iyon? Aminin n'yo!" Doon siya nagtaka. Doon namuo ang kaniyang panghihinala. At parang nanghihina siyang marinig na may nalalaman ang kaniyang ama sa pagkamatay ng nasabing dayo na si Philip Baltazar.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Partners In Crime   Chapter 55

    HINDI PA rin natigil ang masamang tinginan nina Maria at Tanya sa isa't isa kahit na kanina pa sila inawat ng mga tao sa mansyon. Sadyang nagkalamat na nga ang pagkakaibigan ng dalawa bukod pa ang katotohanang naging magkaribal ito noon sa puso ni Renato. Sa kasalukuyan ay masayang kinakarga ni Yvo ang kanilang anak na si Yvanna. At dahil may taglay na rin itong kalikutan ay mabilis sumuko ang mga braso niya. Natatawa naman siyang pinagmamasdan ni Karadine. "Mukhang kailangan mo pang magsanay na mag-alaga ng bata," pabirong sabi nito. "Mukha nga," pagsang-ayon niya rito. At doo'y hinayaan niya ngang si Karadine na muna ang mag-alaga nito. Kapagkuwa'y agad siyang nilapitan ni Renzo na kanina pa siya pinagmamasdan at gustong lapitan. "Yvo, bro." Doo'y nagpakita sila nang pagka-miss sa isa't isa. "Salamat at tama ang kutob ko noong una na ikaw si Yvo," pasimpleng bulong nito sa kaniya. Bagay na nagpalaki mismo ng mga mata niya. "Naisip mo pala 'yon? Kahit na nag-ibang katauhan

  • Partners In Crime   Chapter 54

    "Bakit mo ginawa 'yon?" takang katanungan sa kaniya ni Karadine. Naiilang ma'y bumwelo na rin siya upang makaisip ng tamang dahilan. "Ah, pasensya na, madam. Masyado lang akong nadala sa mga sinabi mo. Patawarin mo sana ako kung umaasta agad ako na isang malapit mong kaibigan." Doo'y bahagya siyang nilingon nito. " Pero bakit? Naranasan mo na rin bang mangulila sa mahal mo sa buhay bukod sa iyong pamilya?" "Oo. At sa totoo lang ay ganiyan din ang nararamdaman ko ngayon," sinserong aniya na bahagyang nakapagpatahimik sa pagitan nila. Segundo ang lumipas at narinig niya ang mahinang pagtawa ni Karadine. "Nakakatuwa naman na may taong nakaka-relate sa nararamdaman ko, kung ganoon ay hindi pala ako nag-iisa." Hindi niya alam kung bakit nang magtamang muli ang kanilang mga mata ay bahagyang napakunot ang noo nito. Kaya naman kinabahan siya nang mas titigan pa siya nito. "Alam mo, iniisip ko tuloy na baka pinaglalaruan lang ako ng tadhana." Nanatiling nakakunot ang noo niya haba

  • Partners In Crime   Chapter 53

    DUMATING ANG araw na pinakahihintay ni Yvo, ang magkita silang muli ni Karadine. Iyon ay nang totohanin na talaga niya ang pagpapanggap bilang isang bagong hardinero ng pamilya Monteza. Suot niya ang isang baseball cap at pekeng balbas na binili lamang sa kaniya ni Margaret upang gamiting pagbabalat kayo. Sa isip niya ay kailangan niya ng kooperasyon upang hindi maging padalos-dalos ang kaniyang mga aksyon. "Ikaw pala ang bagong hardinero?" Nanginig ang kaniyang buong kalamnan habang gayundin naman ang pagbilis nang pagtibok ng kaniyang puso. Batid niya na sa mga sandaling iyon ay magkakaharap na silang muli ng kasintahan. "Ah, o-opo." Bahagya siyang napalingon dito habang pinag-aaralan naman ni Karadine ang kabuuan ng mukha niya. Nang sandaling iyon ay hindi maintindihan ni Karadine kung bakit bigla na lang nakaramdam ng bahagyang kasiyahan ang puso niya. "Nakapagtataka," aniya sa isipan. "Anong pangalan mo? Ahm, pasensya ka na, hah? Kailangan ko lang kasing kilalanin ang

  • Partners In Crime   Chapter 52

    Pinakiramdaman nga ni Andrew ang pagdating ni Tamara, kung saan ay dis oras na rin ng gabi. Sa puntong iyon ay nakahanda na ang plano. Naghihintay lang siya ng go signal ni Margaret kung kailan siya dapat umaksyon. At sa kaniya rin naman manggagaling ang magiging go signal niya kay Florencio. Gamit ang bluetooth hearing device ay malinaw niyang naririnig doon ang boses ni Margaret na itong nagmo-monitor sa kaniya. Lingid sa kaalaman ni Tamara ay nakapaglagay ng safety device si Margaret sa bag nito kung saan ay mamo-monitor nito ang location ng isang tao. Kaya naman sa tulong ng safety device na iyon ay tagumpay na nasundan ni Margaret ang kapatid. "Alukin mo na siya ng makakain, at 'wag na 'wag mong kakalimutan ang ibinilin ko," boses ni Margaret mula sa kabilang linya. Doon nga'y nakita niyang abala si Tamara na kausapin at lambingin si Yvo. Kaya naman naisip niya na magandang tsempo iyon para isagawa ang unang plano. Kung saan ay kinakaikangan niyang lagyan ng sleeping p

  • Partners In Crime   Chapter 51

    NGAYONG alam na ni Margaret ang pinakalilihim ni Tamara ay nagkaroon siya ng dahilan para gawing pain ito sa pagbabalik loob nito sa kaniya. "Hanggang kailan mo balak ilihim sa pamilya natin ang pinakamalalim mong sikreto, Ate Tamara?" Tila nagulantang naman si Tamara sa ibinungad niya matapos itong matigilan sa ginagawa. Naabutan niya kasi itong nag-iimpake ng ilang damit. Pero sa lahat na yata nang nakilala niya ay si Tamara na ang pinakamagaling pagtakpan ang sikreto at indenial palagi kahit bistado na. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," kaswal na wika nito. Bahagya siyang natawa. "So, ide-deny mo pa talaga sa akin na ikaw ang dahilan kung bakit inakala naming lahat na patay na si Yvo?" Biglang nataranta si Tamara sa sinabi niya at sinigurado nito na walang kahit sino ang p'wedeng makarinig sa pag-uusap nila. "Paano mo--" "Sinabi sa akin ni Andrew. At oo, inamin niya sa akin na magkasabwat nga kayo. Ngayon alam ko na kung bakit madalas kang umaalis dahil lahat pala ng iy

  • Partners In Crime   Chapter 50

    MALAKAS na pagsuntok sa pader ang pinakawalan ni Renato matapos aminin mismo sa kaniya ng anak na si Tamara ang tungkol sa malaking perang kinamkam nito mula sa pabrika. Sa katunayan ay hindi pa nito iyon malalaman kung hindi dahil kay Margaret. "Umamin ka nga sa akin, saan mo dinala ang pera, hah?" may tonong galit ngunit kalmado nang pagkakasabi ni Renato. Wari ay hindi makasagot agad si Tamara. Pinapakiramdaman pa kasi nito kung tama ba na sabihin nito sa ama ang tunay na dahilan kung bakit bigla na lamang itong nagkainteres na angkinin ang perang pinagharapan niya ng mahigit isang dekada. "P-papa--" "Bigyan mo ako ng sapat na dahilan, Tamara!" At tila bumaliktad ang mundo niya sa isinagot ng anak, "D-dahil kay Yvo! Oo, naging desperada ako, papa. Ginawa ko ang lahat para lang mabuhay siya!" Nanlaki ang mga mata niya sa ipinagtapat nito. Hindi niya akalaing magagawa siyang traydurin ulit ng sariling anak, alang-alang sa pag-ibig. Walang pinagkaiba sa ginawang pagtraydor sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status