NAKAKABINGING katahimikan ang namayani sa paligid kasabay ng matinding kabang nararamdaman ng mga tauhan ng kaniyang ama na siya ring nararamdaman niya ngayon. Hanggang sa isang boses ang bumasag sa katahimikang iyon.
"A-ako po, boss. Ako po ang pumatay sa dayong iyon!" giit ni Florencio.Kaya naman nakita ni Karadine ang mabilis na pagsinghal ng kaniyang ama. "Wala kang k'wenta! Sa ganoong paraan pa talaga?" Hindi pa nakuntento ang kaniyang ama at binalot pa ng palad nito ang panga ng tauhang si Florencio. "Hindi mo ba naisip na bukod sa krimeng ginawa mo ay maaaring maapektuhan ang aking negosyo? Paano kung makarating sa pamilya ng mga Baltazar na ang grupo natin ang may kinalaman sa pagkamatay ng dayong iyon?" At tila mas tumindi pa ang galit ni Renato sa tauhan sa mga sumunod na sinabi nito, "Florencio, isang malakas na parokyano natin ang pinatay mo!" Napahalukipkip lamang si Karadine sa mga nasasaksihan.Samantala'y halatang-halata naman ang panginginig ng katawan ni Florencio habang pinagmamasdan lamang sila ng iba pang tauhan na sina Renzo, Billy, Joey, Fernando at Yvo. Kamukat-mukat ay humupa na rin ang tensyon habang ikinakasa na ng kaniyang ama ang mataas na kalibre ng baril. Subalit namuhay na naman ang kaba ni Florencio dahil sa isip nito ay maaari siyang itumba ng pinuno sa kahit na anong oras. Kaya naman umamba na agad ito nang pagdipensa."Patawarin mo po ako, boss. Hindi ko sinasadya ang nangyari. Sadyang nag-alala lang ako na baka may gawing hindi maganda ang dayong iyon sa isa sa mga anak mo," paglalahad ni Florencio na nagbigay ng pagtataka kay Renato."Anong ibig mong sabihin? At sino sa mga anak ko ang tinutukoy mo?""Mawalang galang po, boss, pero totoo po ang sinasabi ni Florencio," magalang na pagsabat ni Yvo na binigyang pansin din naman ni Karadine.Sa isip ni Karadine ay sadyang hindi kapani-paniwala ang kaniyang mga naririnig sa ngayon. Kaya naman hangga't maaari ay ayaw niyang gumawa ng kahit na anong aksyon na maaaring magpahamak sa kaniya. At sa halip ay ipinagpatuloy pa niya ang pakikinig at pagmamasid."Hindi namin naitanong ang pangalan niya pero sigurado akong isa siya sa mga panganay mong anak, boss," sagot ni Florencio."O, anong mayroon sa anak ko at sa Baltazar na 'yon?" malakas na katanungan ng kaniyang ama na nagpatindig ng balahibo ni Karadine.Sandaling napapikit si Florencio at tila hindi nito gustong sabihin ang nalalaman tungkol sa namagitan kina Margaret at Philip. Hanggang sa hindi nila inaasahang lahat ang paglilinaw ni Yvo. "M-may nangyari sa anak mo at sa Baltazar na 'yon, boss."Dahil sa narinig ng ama ay mabilis itong nagngitngit sa galit, na siya ring biglaang pagpapaputok nito ng baril sa kawalan. Hanggang sa itapat na nito mismo kay Florencio ang hawak na baril at sinabi, "'Wag kang mag-alala, Florencio, hinding-hindi ko dudungisan ang sariling mga kamay ko nang dahil sa kapalpakang ginawa mo. Pero sa susunod na may sumuway muli sa utos ko at kapag nadamay ang aking negosyo, pasensyahan tayo, wala akong ititirang buhay sa inyo!" Matapos sabihin iyon ng kaniyang ama ay saka muli itong nagpaputok sa kawalan. Dahilan nang pagkaalerto ng lahat.Habang animo'y nabingi at nataranta si Karadine sa ingay na idinulot ng baril dahilan para magdulot siya ng munting ingay."Parang may tao, boss," wika ni Renzo.Doo'y napapikit siya at pigil hiningang napatayo mula sa kinauupuan. Anong pagtataka naman ang namayani sa kaniyang ama habang tinutukan siya ng mga hawak na baril ng mga tauhan nito."Karadine?" nagtatakang wika ng kaniyang ama.Hindi niya alam kung ano bang mararamdaman, gayong alam niya na ang kalakalang nangyayari sa nasabing negosyo ng kaniyang ama at ang pagkakasangkot ng grupo nito sa pagkamatay ng isang dayong si Philip Baltazar. Pero kahit ganoon ay hindi siya natakot sa mga baril na nakatutok sa kaniya at sa halip ay humakbang pa siya palapit sa kinatatayuan ng kaniyang ama. Hanggang sa sabihin nito sa lahat na, "Ibaba ninyo ang mga armas! 'Wag n'yo siyang sasaktan! Anak ko siya!" Animo'y napahiya ang mga tauhan at dali-dali ng mga itong ibinaba ang armas, maliban kay Yvo na bukod tanging hindi nagtutok ng baril sa kaniya. Bahagya siyang napangisi habang sumesenyas ang kaniyang ama na maiwan muna silang dalawa roon upang makapag-usap."So, ito pala ang ipinagmamalaki mong negosyo, papa?" napapangising aniya."Anak, 'wag mo sana akong husgahan agad. Ito ang bumuhay sa pamilya natin sa loob ng maraming taon."Napailing siya habang nakangisi. "Ano bang gusto mong maramdaman ko? Matuwa? Pa, nagsinungaling ka sa aming lahat! Lalo na kay mama! Sa tingin mo ba, matatanggap niya na ang lahat ng ari-ariang napundar ng pamilya natin, lahat ng masasarap na pagkaing kinakain natin ay galing sa ilegal na paraan?" Hindi maiwasang mag-igting ng panga niya sa galit habang traydor namang pumapatak ang kaniyang luha. Hindi niya maintindihan kung para saan ba ang luha na 'yon, gayong batid niya na galit ang namamayani sa kaniya ngayon.Doon siya sinubukang suyuin ng kaniyang ama sa pamamagitan ng yakap subalit mabilis niya itong naitulak. "Anak, lahat ay ginagawa ko para sa inyo.. kahit pa sa ilegal na paraan.""Pero hindi ko matanggap, pa! Kasi katumbas ng katotohanan ay 'yung isipin na isa ring kriminal ang ama ko! P-pa.. ang sakit isipin!" maluha-luha niyang sabi. At nasundan pa 'yon ng mas marami pang luha habang sinasabi, "Hindi ko alam kung kaya kong masikmura na sariling ama ko pa ang nagpapalaganap ng kasamaan dito sa ating bayan." Matapos niyang sabihin iyon ay saka na siya tumalikod sa ama. At habang naglalakad paalis ay unti-unti rin niyang pinupunasan ang kaniyang luha.Samantala'y hindi naman pumayag ang kaniyang ama na makaalis siya sa lugar na iyon nang may matinding galit na nararamdaman, dahil nasisiguro nitong hindi siya magdadalawang isip na magsumbong sa mga pulis. Kaya naman gumawa ng paraan ang kaniyang ama para siya'y makatulog kahit sandali mula sa mga kamay nina Yvo at Renzo na higit na pinagkakatiwalaan ni Renato."Mahimbing na po ang tulog ng anak mo, boss. Ano pong binabalak mo?" tanong ni Renzo gayong nasulyapan nito na may pag-aalala sa mga mata ni Yvo habang pinagmamasdan ang mahimbing na pagkakatulog ng dalaga kanina."Hayaan n'yo lang siya, mabait na bata si Karadine kahit na sadyang may taglay siyang katapangan. Alam kong mauunawaan niya rin ako lalo na kapag inalok ko siya ng magandang posisyon dito sa grupo.""Ibig sabihin ay papayagan mong magtrabaho rito ang 'yong anak, boss?" takang katanungan ni Yvo."Bakit parang protective ka masyado, Yvo sa anak ng amo natin?" pang-uusisa ni Renzo sa kaibigan na ginantihan lamang ng masamang tingin ni Yvo.Hanggang sa narinig na nilang dalawa ang kasagutan ni Renato, "Oo, kung iyon ang mas makabubuti. Mabuti nang mas matutunan niya ang bawat kalakalan natin dito sa Mochizet," kalmadong pagpapahayag ni Renato sa dalawa.-"Uy! Sinong sinisilip mo riyan?" biglaang katanungan ni Isabel kay Rosanna nang madatnan niya ito sa tabing kalsada kung saan malapit na nakatirik ang tindahan ng ina ni Karadine na si Florida."Ah! Hinahanap ko kasi si Karadine, nakapagtataka kasing hindi siya katulong ngayon ni Tita Florida sa kanilang tindahan. Isa pa ay may usapan kaming mamamasyal sa karatig bayan pagkatapos niyang tumulong kay Tita Florida.""Ganoon ba? Oo nga pala at iyan din ang nais kong sabihin, kanina pa kasi wala si Karadine sa mansyon. Saan kaya iyon nagpunta?" Nagkibit balikat lamang si Rosanna lalo na't sanay naman ito na makita araw-araw ang matalik na kaibigan. "At saka, kung mamamasyal kayong dalawa sa karatig bayan, iyan ang hindi papayagan ni ama, lalo na't sariwa pa ang balitang pagkamatay ng dayong nagpunta rito sa ating bayan noong kapistahan na siya ring nakasama nina Ate Tamara at Ate Margaret.""Hay naku, 'wag mo naman kaming itulad ni Karadine sa dalawang ate mo na kalandian ang pinaiiral. Kami naman ni Karadine ay tanging pamamasyal lamang ang nasa isipan.""Rosanna, hindi naman sa kinakampihan ko sila Ate Tamara, pero p'wede bang 'wag mo naman silang sabihan ng malandi? Isipin mo na lang ang traumang nangyari sa kanila sa bayan ng San Miguel, at saka kahit gano'n ang dalawang 'yon, mga kapatid ko pa rin sila kaya masakit sa akin na sabihan mo sila ng gano'n."Bahagyang napangiwi si Rosanna. "Hay, o siya, sige. Bahala na, basta ako, wala akong tiwala sa dalawang ate mo na 'yan. E, teka, bakit hindi mo na lang kaya ako samahang hanapin si Karadine?" Doon nama'y sumilay ang pagtango at munting ngiti ni Isabel na mukhang pinaburan na ang sinabi ni Rosanna. Kaya naman sabay silang naglakbay sa bayan ng Eldefonso kahit na malapit nang maggabi.Samantala'y tila naalimpungatan si Karadine nang magising sa isang malambot na kama. At sa labis na pagtataka ay napabangon siya habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng k'wartong iyon."Gising ka na pala." Natigilan siya sa pamilyar na boses na iyon. Huli na nang mapagtanto niyang kanina pa pala ito nakatayo sa kaniyang gilid.Sandaling napakunot ang kaniyang noo sa katotohanang maaaring pinagmasdan nito ang kaniyang mahimbing na pagkakatulog. "Bakit pinayagan ng aking ama na bantayan ako ng isang lalaking katulad mo?" may pagkamaangas na tonong aniya.Subalit sa halip na ikagalit nito ang kaniyang sinabi ay pahapyaw naman itong napangisi. "Ano ba ang akala mo? Binantayan ko talaga ang pagkakatulog mo? Nagkataon lang na nagising ka nang muli kang ipasilip sa akin ng iyong ama," sinserong wika nito na bahagyang nakapagpahiya sa kaniya.Doo'y dahan-dahan siyang napatango at kapagkuwa'y sandaling napataas ang isa niyang kilay. "Sino ka nga ulit?"Buong akala niya ay magpapakilala na ito, subalit nawala ang angas niya sa biglang pag-iwas nito sa kaniyang katanungan. "Hindi na iyon mahalaga, siya nga pala, maghanda ka na sa paglabas dahil hinihintay ka na ng iyong ama para sa hapunan." Matapos nitong magsalita ay saka ito dali-daling lumabas ng silid na iyon. Pero bago pa siya tuluyang sumunod dito ay hindi niya inaasahang marinig ang pagtawag dito ng isa pa nitong mga kasama."Yvo, ang tagal mo naman, pinasilip lang sa'yo ni boss ang kaniyang--" Natigilan sa sasabihin si Renzo nang makita nitong nakasunod na pala sa paglalakad ni Yvo si Karadine. "Magandang gabi po, Miss Karadine," pagbibigay galang nito, kabaliktaran naman nang ipinapakitang pag-iwas sa kaniya ni Yvo.Ilang sandali pa ay sinamahan siya ng dalawa sa dining area kung saan ay naghihintay ang kaniyang ama at ang ilan pa sa mga tauhan na hindi niya inaasahang makakasabay niya rin sa hapunan."Anak, maupo ka." Doon siya naupo sa bandang kanan na upuang naka-reserve para sa kaniya, kung saan malapit sa inuupuan ng kaniyang ama. Habang sina Yvo at Renzo naman ay naupo na rin sa tabi nina Florencio, Fernando, Joey at Billy.Saka naman siya napatingin sa masasarap na pagkaing nakahain sa lamesa. Sa isip niya'y napatanong siya kung paano nasisikmura ng mga itong kumain sa mismong pabrika ng mga baril na siyang nagsisilbi ring armas sa ilegal na paraan?Masaya naman ang kanilang salu-salo. Hindi pa nga maiwasan ang masayang kwentuhan nina Yvo at ng iba pang mga kasama nito. Paminsan-minsan ay nagkakasalubong sila ng tingin ni Yvo na sa tingin niya'y mailap makasundo, sa kabila ng pagiging magaling at tapat nitong tauhan ng kaniyang ama.Hanggang sa natahimik ang mga iyon nang magsalita siya, "Pero paano ako nakapag-stay dito? Ang alam ko ay patakbo akong umalis para umuwi--""Patawarin mo ako, anak, kung kinakailangan kong bigyan ka nang pangpatulog. Dahil sinisiguro ko lang na hindi ka magsusumbong sa mga pulis tungkol sa mga nalaman mo."Bahagya siyang napangisi. "Iyon ba talaga ang iniisip mo sa akin, pa? Na hahayaan kong mapahamak ka?" Sandaling napakunot ang noo ng kaniyang ama sa sinabi niya, sadyang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya gayundin ang pananatili ng katahimikan ng lahat sa hapagkainan. "Oo, tama ang narinig n'yo, hindi ko kayang ipahamak ang sarili kong ama. Pero ayoko rin naman siyang kunsintihin sa mga maling ginagawa niya."Maluha-luha ang kaniyang ama bilang pasasalamat sa mga sinabi niya. "Ibig sabihin ba nito ay hindi ako mahihirapang alukin ka ng trabaho rito?"Doon siya natigilan sa pagkain. "Ano pong ibig mong sabihin?""Nais kong matutunan mo ang kalakalan dito sa Mochizet, Karadine. Dahil simula ngayon, ikaw na ang magiging kanang kamay ko sa pagpapatakbo ng ating negosyo." Sa halip na magtaka ay nasorpresa siya sa sinabi ng ama. Dahil hindi niya akalaing iisa lang pala ang kanilang mithiin. At kung kinakailangang baguhin niya ang kalakalan sa grupong iyon ay kaniyang gagawin alang-alang sa ikabubuti ng lahat."Pero hindi ba ito makakasamâ sa grupo natin, boss? Isa pa ay babae siya, anong alam niya tungkol sa pakikipaglaban?" giit ni Renzo na unang nagpakita nang walang tiwala sa kaniya.Subalit bago niya pa man ipagtanggol ang kaniyang sarili ay nagsalitang muli ang kaniyang ama. "Bata pa lang ay nakitaan ko na ng interes si Karadine sa martial arts, kaya imposibleng hindi niya kakayanin ang kalakalan dito sa Mochizet. 'Di ba, anak?" Napalunok siya nang ilang ulit habang unti-unting tinatanggap sa sarili na dito na magsisimula ang takbo ng kaniyang kapalaran.HINDI PA rin natigil ang masamang tinginan nina Maria at Tanya sa isa't isa kahit na kanina pa sila inawat ng mga tao sa mansyon. Sadyang nagkalamat na nga ang pagkakaibigan ng dalawa bukod pa ang katotohanang naging magkaribal ito noon sa puso ni Renato. Sa kasalukuyan ay masayang kinakarga ni Yvo ang kanilang anak na si Yvanna. At dahil may taglay na rin itong kalikutan ay mabilis sumuko ang mga braso niya. Natatawa naman siyang pinagmamasdan ni Karadine. "Mukhang kailangan mo pang magsanay na mag-alaga ng bata," pabirong sabi nito. "Mukha nga," pagsang-ayon niya rito. At doo'y hinayaan niya ngang si Karadine na muna ang mag-alaga nito. Kapagkuwa'y agad siyang nilapitan ni Renzo na kanina pa siya pinagmamasdan at gustong lapitan. "Yvo, bro." Doo'y nagpakita sila nang pagka-miss sa isa't isa. "Salamat at tama ang kutob ko noong una na ikaw si Yvo," pasimpleng bulong nito sa kaniya. Bagay na nagpalaki mismo ng mga mata niya. "Naisip mo pala 'yon? Kahit na nag-ibang katauhan
"Bakit mo ginawa 'yon?" takang katanungan sa kaniya ni Karadine. Naiilang ma'y bumwelo na rin siya upang makaisip ng tamang dahilan. "Ah, pasensya na, madam. Masyado lang akong nadala sa mga sinabi mo. Patawarin mo sana ako kung umaasta agad ako na isang malapit mong kaibigan." Doo'y bahagya siyang nilingon nito. " Pero bakit? Naranasan mo na rin bang mangulila sa mahal mo sa buhay bukod sa iyong pamilya?" "Oo. At sa totoo lang ay ganiyan din ang nararamdaman ko ngayon," sinserong aniya na bahagyang nakapagpatahimik sa pagitan nila. Segundo ang lumipas at narinig niya ang mahinang pagtawa ni Karadine. "Nakakatuwa naman na may taong nakaka-relate sa nararamdaman ko, kung ganoon ay hindi pala ako nag-iisa." Hindi niya alam kung bakit nang magtamang muli ang kanilang mga mata ay bahagyang napakunot ang noo nito. Kaya naman kinabahan siya nang mas titigan pa siya nito. "Alam mo, iniisip ko tuloy na baka pinaglalaruan lang ako ng tadhana." Nanatiling nakakunot ang noo niya haba
DUMATING ANG araw na pinakahihintay ni Yvo, ang magkita silang muli ni Karadine. Iyon ay nang totohanin na talaga niya ang pagpapanggap bilang isang bagong hardinero ng pamilya Monteza. Suot niya ang isang baseball cap at pekeng balbas na binili lamang sa kaniya ni Margaret upang gamiting pagbabalat kayo. Sa isip niya ay kailangan niya ng kooperasyon upang hindi maging padalos-dalos ang kaniyang mga aksyon. "Ikaw pala ang bagong hardinero?" Nanginig ang kaniyang buong kalamnan habang gayundin naman ang pagbilis nang pagtibok ng kaniyang puso. Batid niya na sa mga sandaling iyon ay magkakaharap na silang muli ng kasintahan. "Ah, o-opo." Bahagya siyang napalingon dito habang pinag-aaralan naman ni Karadine ang kabuuan ng mukha niya. Nang sandaling iyon ay hindi maintindihan ni Karadine kung bakit bigla na lang nakaramdam ng bahagyang kasiyahan ang puso niya. "Nakapagtataka," aniya sa isipan. "Anong pangalan mo? Ahm, pasensya ka na, hah? Kailangan ko lang kasing kilalanin ang
Pinakiramdaman nga ni Andrew ang pagdating ni Tamara, kung saan ay dis oras na rin ng gabi. Sa puntong iyon ay nakahanda na ang plano. Naghihintay lang siya ng go signal ni Margaret kung kailan siya dapat umaksyon. At sa kaniya rin naman manggagaling ang magiging go signal niya kay Florencio. Gamit ang bluetooth hearing device ay malinaw niyang naririnig doon ang boses ni Margaret na itong nagmo-monitor sa kaniya. Lingid sa kaalaman ni Tamara ay nakapaglagay ng safety device si Margaret sa bag nito kung saan ay mamo-monitor nito ang location ng isang tao. Kaya naman sa tulong ng safety device na iyon ay tagumpay na nasundan ni Margaret ang kapatid. "Alukin mo na siya ng makakain, at 'wag na 'wag mong kakalimutan ang ibinilin ko," boses ni Margaret mula sa kabilang linya. Doon nga'y nakita niyang abala si Tamara na kausapin at lambingin si Yvo. Kaya naman naisip niya na magandang tsempo iyon para isagawa ang unang plano. Kung saan ay kinakaikangan niyang lagyan ng sleeping p
NGAYONG alam na ni Margaret ang pinakalilihim ni Tamara ay nagkaroon siya ng dahilan para gawing pain ito sa pagbabalik loob nito sa kaniya. "Hanggang kailan mo balak ilihim sa pamilya natin ang pinakamalalim mong sikreto, Ate Tamara?" Tila nagulantang naman si Tamara sa ibinungad niya matapos itong matigilan sa ginagawa. Naabutan niya kasi itong nag-iimpake ng ilang damit. Pero sa lahat na yata nang nakilala niya ay si Tamara na ang pinakamagaling pagtakpan ang sikreto at indenial palagi kahit bistado na. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," kaswal na wika nito. Bahagya siyang natawa. "So, ide-deny mo pa talaga sa akin na ikaw ang dahilan kung bakit inakala naming lahat na patay na si Yvo?" Biglang nataranta si Tamara sa sinabi niya at sinigurado nito na walang kahit sino ang p'wedeng makarinig sa pag-uusap nila. "Paano mo--" "Sinabi sa akin ni Andrew. At oo, inamin niya sa akin na magkasabwat nga kayo. Ngayon alam ko na kung bakit madalas kang umaalis dahil lahat pala ng iy
MALAKAS na pagsuntok sa pader ang pinakawalan ni Renato matapos aminin mismo sa kaniya ng anak na si Tamara ang tungkol sa malaking perang kinamkam nito mula sa pabrika. Sa katunayan ay hindi pa nito iyon malalaman kung hindi dahil kay Margaret. "Umamin ka nga sa akin, saan mo dinala ang pera, hah?" may tonong galit ngunit kalmado nang pagkakasabi ni Renato. Wari ay hindi makasagot agad si Tamara. Pinapakiramdaman pa kasi nito kung tama ba na sabihin nito sa ama ang tunay na dahilan kung bakit bigla na lamang itong nagkainteres na angkinin ang perang pinagharapan niya ng mahigit isang dekada. "P-papa--" "Bigyan mo ako ng sapat na dahilan, Tamara!" At tila bumaliktad ang mundo niya sa isinagot ng anak, "D-dahil kay Yvo! Oo, naging desperada ako, papa. Ginawa ko ang lahat para lang mabuhay siya!" Nanlaki ang mga mata niya sa ipinagtapat nito. Hindi niya akalaing magagawa siyang traydurin ulit ng sariling anak, alang-alang sa pag-ibig. Walang pinagkaiba sa ginawang pagtraydor sa