Share

Chapter 49

NANG mabalitaan ng pamilya Monteza na nahuli na ng mga pulis ang kanilang padre de pamilya ay sabik na dinalaw ni Florida at ng magkakapatid ang kanilang ama sa kulungan.

"Papa, kay tagal ka naming hinanap. Mabuti at okay ka lang," wika ni Karadine. Bagay na sinang-ayunan naman ni Isabel. Sumunod na napatango si Margaret. Habang nanatiling walang kibo naman si Tamara.

"Sana ay matagal ka nang sumuko para hindi na nadagdagan pa ang sentensya ng iyong pagkakakulong," wika ng asawa nito na si Florida.

"Ayos lang, Florida, alam ko naman na rito na ako mamamatay sa kulungan. Kaya pakisabi na lang sa mga apo ko na paumanhin dahil nagkaroon sila ng demonyong lolo."

"Papa? 'Wag mo ngang sabihin 'yan!" may tonong panenermong wika ni Tamara, na ngayon lang nagkaroon nang lakas ng loob na magsalita.

Doon naman nagawang sentruhin ng tingin ni Margaret ang kaniyang kapatid. Kapagkuwa'y mabilis niya itong nilapitan upang hilahin sa kung saan at para makausap ng masinsinan. "Sabihin mo n
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status