MasukDahan-dahang inubos ni Elara ang kanyang alak.
"Nagustuhan mo ba ang lasa ng red wine na ito?" tanong ni Aless.
Ngumiti nang bahagya si Elara at sumagot..
"Walang sinuman ang hindi magkakagusto sa boteng ito."
"Marami pa ako niyan sa aking
Pakiramdam ni Elara ay tila nakuryente siya, at pati ang kanyang mga daliri sa paa ay biglang napaurong.Huminto si Aless sa paglalagay ng gamot at tumingala sa kanya. Ang kanyang madidilim na mata ay tila nagniningning na parang mga bituin."Did I hurt you?""Hindi po." umiiling na sabi nito.Inakala ni Aless na nahihiya lang itong umamin na masakit, kaya mas iningatan pa niya ang pagpahid ng gamot. Ang bawat galaw niya ay banayad, maingat, at mabagal.Tila huminto ang oras sa sandaling iyon.Nakalapat ang talampakan ni Elara sa palad ni Aless. Dahil sa dikit ng kanilang balat, lalong uminit ang pakiramdam ng kanyang paa.
"Lola, hindi niyo po kasalanan ang nangyari noon. Ang dapat sisihin ay ang mga masasamang tao na kumuha sa kanya, hindi kayo. Lola, ilang taon na ang lumipas pero hindi namin kayo kailanman sinisi ni Deo. Mahal na mahal po namin kayo. Sana mahalin niyo rin ang sarili niyo at huwag na kayong maguilt, okay po ba?"Naiintindihan naman ni Lola ang katwiran, pero paano nga ba hindi makakaramdam ng sisi kung ang isang bata ay masayang lumabas kasama ka pero hindi mo na naibalik pauwi?Gabi-gabi siyang minumulto ng pagsisisi at hindi na niya alam kung ilang punda na ng unan ang nabasa ng kanyang mga luha.Damang-dama ni Elara ang sakit na nararamdaman ng lola niya kaya nanatili lang siya sa tabi nito at pinunasan ang mga luha nito. Unti-unti namang kumalma si Lola. Ayaw niyang laging umiiyak sa tuwing bibisita si Ela
Hinatid ni Elara sa labas si sweety nung paalis na ito. Sa hallway, nagtanong si Sweety.."Kasal na kayo ni Aless, 'di ba? At si Lola ang pinakamalapit mong kamag-anak. Ang pagbisita mo rito ay parang pag-uwi sa sariling pamilya matapos ang kasal. Bakit hindi ka sinamahan ni Aless?""Hindi ko naman sinabi sa kanya na pupunta ako rito." maikling sagot ni Elara."Respeto at hindi pakikialaman ang isa't isa?" ulit ni sweety sa laging sinasabi ni Elara.Tipid na "Oo" lang ang sagot ni Elara."May saysay ba ang ganyang klaseng marriage?" concern na tanong nito.Huminga ng malalim si Elara at tumingin sa kawalan bago nagsalita.."Dati,
Habang pasakay si Sweety, itinakip ni Deo ang kamay niya sa bubong ng kotse para hindi ito mauntog. "Ate, ingat po sa ulo.""Ang bilis matuto ng kapatid mo, ah. Lalo siyang nagiging gentleman." Sabi ni Sweety kay Elara pagpasok nito sa kotse."Alam mo ba noong bata 'yan, bumili ako ng bagong rice cooker. Inupuan niya 'yun at doon siya tumae. Galit na galit ako, tinanong ko kung anong ginagawa niya. Sabi ba naman, 'nagluluto' daw siya para sa akin. Kumpara noon, masasabing nag-improve na nga siya.""Seryoso?!" humagalpak ng tawa si Sweety.Napasimangot naman si Deo sa narinig."Ate naman, malaki na ako. Bakit mo ba ibinibisto ang mga nakakahiya kong kwento sa harap ng ibang tao? Magagalit na talaga ako."
Tinapos ni Aless ang tawag at naglakad pabalik. Napansin ng kanyang assistant na parang hindi maganda ang mood nito kaya nag-alangan siyang lumapit.Pero bago pa siya makaiwas, napansin na ni Aless ang kanyang kilos at huminto ito sa tabi niya."Anong kailangan mo?"Dahil wala nang takas, mabilis na sumagot ang assistant.."Sabi po ni Miss Castillo, bibisita siya sa lola niya sa nursing home. Nagtatanong po kung pwede siyang humiram ng four-seater na sasakyan sa garahe.""Anong sinagot mo?""Sinabi ko po na may karapatan siyang gamitin ang lahat ng naroon sa Forbidden City.""Hindi lang basta karapatang gamiti, pagmamay-ari
"Sige na nga, buhay niyo naman 'yan kaya hindi na ako magtsitsismis. Baka mainis ka pa sa akin at magmukha akong pakialamerang matanda na ayaw makitang masaya ang iba. Gaya ng lagi kong sinasabi, ang Era Sisters ay hinding-hindi magkakahiwalay. Manaka-naka man tayong magkita, lagi naman tayong magkasama sa isip. Kung kailangan mo ng tulong, magsabi ka lang, tutulungan kita." sukong sabi nito,"Salamat, sweetie pie." nakangiting sabi ni Elara."Sus, wala pa nga akong nagagawa, nagpapasalamat ka na agad."Ngumiti nang bahagya si Elara.."May tulong na materyal, at mayroon ding emosyonal. Hindi marami ang tao sa mundo na magsasabing handa silang tumulong basta humingi ako. Sweetie, ramdam ko ang malasakit mo sa akin, kaya siyempre, gusto kitang pasalamatan."







