LOGINNakatakdang ikasal si Cassandra De Villa sa nobyong si Janus Vergara, dahil sa natuklasang pagtataksil nito, at illegal na gawain nakipaghiwalay siya rito. Naging dahilan kaya nanganib ang buhay niya. Tinulungan siya ng UNCLE nitong si Ismael Vergara ngunit mas NAKAKATAKOT ito, bayolente at mortal na kaaway ng pamilya ni Janus. Sa huli nagtiwala siya Kay Ismael. Sa kabila ng pagkatakot sa lalake, naibigay niya ang sarili rito, at matatagpuan ang sariling unti-unting nahuhulog ang loob kay Ismael...
View MoreAlas-sais ng umaga.
Napilitang sumakay sa paparating na bus si Cassandra dahil sira ang kotse niya. Kung aantayin pa niyang magawa ng mekaniko ang sasakyan, aabutin pa siya ng bukas bago marating ang bayan ng San Fernando. Kasal ngayon ng bestfriend niyang si Abby, at dala ni Cassandra ang wedding gown nito. Hindi naman dapat ito ang orihinal na su-soutin ng kaibigan, nagkataong three months ago pa ito nagpatahi ng damit, at medyo tumaba dahil nagdadalantao na, kaya masikip na ang damit pangkasal nito at kagabi lang nag-abiso sa kanya. Isang designer at bridal shop owner si Cassandra, kaya siya ang pinakiusapan at mabilis naman siyang napapayag ni Abby. Gusto niyang pagsisihang pinara pa ang bus dahil mistulang sardinas sa loob. Tayuan, siksikan at sari-sari ang amoy. Dahil walang choice, huminga na lang siya ng malalim bago inihakbang ang mga paa papasok. "Diretso na ho, diretso na sa dulo!" sigaw ng konduktor. Niyakap ni Cassandra ang box na naglalaman ng wedding gown upang hindi mapitpit at nakipagsiksikan sa loob ng bus. Hindi pa man siya nakakaabot sa pinakadulo naramdaman niya ang kung anong matigas na bagay ang tumusok sa pang-upo niya! Halos umusok ang ilong ng dalaga. Lumingon siya sa kung sino mang maniac ang nasa likuran. Matangkad na lalake iyon, marahil nasa anim na talampakan at dalawang pulgada ang taas. Kitang-kita ang tangkad nito sa gitna ng mga pasahero. Nakakiling din ito sa likuran, kaya hindi niya gaanong makita ang mukha. "Bastos!" sabi ni Cassandra rito. Napaatras siya ng ibaling ng lalake ang mukha sa kanya, napigil ni Cassandra ang paghinga—isang malaking peklat ang makikita sa kaliwang pisngi ng lalake, isang bakas ng nakaraan na tila iniwan ng isang matalim na bagay na minsang sumugat dito. Ngunit sa kabila ng markang iyon na nagbibigay ng babala ng karahasan, hindi niya maiwasang mamangha sa itsura nito. Malalim ang mga mata nito, na kahit matalim at nakakakilabot tumitig ay may kakaibang ningning na humahatak sa kanya. Matangos ang ilong, at ang kanyang mga labi—na may katamtamang nipis at may bahid ng pagkapula—ay tila laging nakahanda sa isang seryosong pahayag. Matikas at maganda ang tindig nito, parang isang mandirigma na laging handa sa laban. Ang kanyang buhok, na kulay itim at may natural na alon, ay hanggang leeg ang haba. "May sinasabi ka Miss?" malalim at nakakatakot ang boses nito. Nagpipigil na napaingos na lang si Cassandra, pagkatapos nagmadaling pumalit ng upo sa Aleng tumayo at bumaba ng bus. Kung bakit ang lalakeng bastos ay hindi na dumiretso ng lakad sa dulo ng bus, tumayo ito sa gilid niya at humawak sa hawakang bakal. "Marami pa hong gustong sumakay, diretso na ho sa dulo Sir!" sigaw at tukoy ng konduktor sa lalake sa gilid niya. Hindi ito kumilos. "Sir diretso na-----" natigil sa gusto pa sanang sabihin ang konduktor ng lumingon ang lalake rito. "P-Pasensiya na hindi ko alam na ikaw yan," napayuko ito at nanginig sa takot. Maging ang ibang pasaherong nakapansin sa lalake ay nangilag rito. Si Cassandra ay nakaramdam ng kaba, bakit takot ang mga tao rito? masamang tao ba ito? kriminal? Umandar na ang bus. Hinagilap ng dalaga ang cellphone sa loob ng kanyang shoulder bag, nahirapan siya dahil pumailalim iyon sa mga abubot na laman ng bag niya, idagdag pa na mabilis ang takbo ng bus at zigzag ang kalsadang dinaraanan nila. Biglang nagpreno ang bus. Nasubsob ang kaliwang pisngi ni Cassandra sa ibaba ng hinaharap ng lalakeng nakatayo sa gilid niya. "Dahan-dahan naman ho sa pagmamaneho Manong!" reklamo ng mga pasahero. Si Cassandra ay nanlaki ang mga mata ng mapagtanto kung saan nakadikit ang pisngi niya. Dahan-dahan niyang ilinayo ang mukha sa naninikip na pantalon ng lalake, pagkatapos ini-angat niya ang paningin, nakatingin din pala sa kanya ang estranghero. "Bastos!" mataray na sambit ni Cassandra. Napakunot ang noo ng lalake. "Para ho! para! bababa ho ako!" sigaw niya. Malayo pa man ang terminal na dapat bababaan niya minabuti ng dalaga na bumaba na lang, kinakabahan siya sa presensiya ng estranghero. Habang naglalakad, panay ang dial ni Cassandra sa numero ng kaibigan. Kung bakit panay ring lang ang cellphone nito. Nasapo niya ang dibdib nang lumingon, dahil nakasunod sa kanya ang estranghero, bumaba rin pala ito ng bus! "C'mon Abby pick up the phone" binilisan niya ang kilos, lakad takbo ang ginawa niya na halos magkandadapa pa siya. Maya-maya'y napatili si Cassandra ng mabangga sa malaking katawan ng lalakeng nakasalubong niya. "Cassie?" "M-Marvin?" ang nobyo ng kaibigan ang nakasalubong niya. "Anong nangyari bakit parang takot na takot ka?" "Marvin tumawag ka ng pulis may sumusunod sakin at----" "Ismael! mabuti naman at nakarating ka." masayang baling ni Marvin sa lalakeng nasa likuran niya. Napalingon din si Cassandra. "K-Kilala mo siya?" tanong niya kay Marvin. "Oo, siya ang bestman ko," sagot nito.Napaatras si Cassandra, at sa sobrang taranta, dumulas mula sa kanyang katawan ang tuwalya. Tumambad kay Ismael ang hubo't hubad niyang katawan. Nakita niyang lumunok si Ismael, at sa takot na baka siya ay sungaban, kusang pumikit ang kanyang mga mata nang lumapit ito. Ngunit sa halip na gawin ang inaakala niya, pinulot lamang ng kanyang asawa ang nahulog na tuwalya at marahang ibinalot muli sa kanyang katawan. "Hindi ka pa daw naghahapunan, sabi ni Manang Saning. Tapusin mo na ang pagligo mo; dinalhan kita ng pagkain," sabi nito at tumalikod na. Pulang-pula ang mukha ni Cassandra sa hiya. Nasa bedside table nga ang pagkaing binanggit ni Ismael, ngunit bago pa man niya ito magalaw, may kumatok. Pumasok si Ismael, bitbit ang isang baso ng gatas, na itinabi nito sa tray ng pagkain. "Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong nito. "Papatuyuin ko muna ang buhok ko," sagot niya sabay labas ng hair dryer. Umupo si Ismael sa gilid ng kama, habang siya naman ay nasa harap ng dressing
"Bakit ka nandito? Sinong kasama mo?" ulit tanong ni Ismael, kunot ang noo, mababa pero nanunukat ang tinig. "Ah..ano si Noriel, sige aalis na ko" nataranta siya. "Sino? Cassandra!" tawag ng asawa. Hindi na siya lumingon, diretso siya sa mabilis na paglalakad. Pagbalik nila sa malaking bahay, may mga taong nagla-landscape na ng hardin. Nang malapit nang matapos ang gawain at naglalagay na lamang ng mga halaman at bulaklak, tumulong at nagbigay ng mungkahi si Cassandra. "Ang ganda nito! anong bulaklak to?" bulalas na tanong ni Cassandra kay Noriel. Ibinigay sa kanya ang kulay rosas-mahogany na bulaklak. "Waling waling orchid po, tanim ito sa bahay namin 'kako baka magustuhan mo kaya dinala ko," sagot nito. "Salamat Noriel," nakangiting pasasalamat ni Cassandra. "Pwede pong ilagay sa vase yan," ani Noriel. "Sige ilalagay ko sa flower vase ng kwarto ko, salamat ulit." Nagpitas din ng mga pulang rosas si Cassandra, plano niyang idagdag sa ilalagay sa plorera. Hindi si
"Namatay yong mga alagang manok, nakawala sa kulungan, napagdiskitahan ni Bulldog, nakapasok pa sila dito sa bahay kaya nagkalat ang dugo, para hindi mamaho kinatay na ni Ismael kagabi ang mga manok at ayun, pinamigay sa mga tao dun sa sakahan." paliwanag ni Manang Saning ang sinasabing Bulldog ay ang alagang aso ni Ismael. Napabuga siya ng hangin at tila nabunutan ng tinik. "Hindi po ba napapadpad dito sina Tito Arsenio at Janus?" "Yong step brother at pamangkin ni Ismael? Bawal sila rito, tiyak na magkakagulo," halata na ang pag iwas ni Manang Saning sa paksang iyon dahil nagpaalam ng may iba pang gagawin.. Oras ng hapunan, Parang fiesta sa dami ng pagkaing nakalatag sa dining table. Pero mag isa lang yatang kakain si Cassandra. "Hindi pa po ba nakabalik si Ismael?" tanong niya sa kasambahay. "Hindi pa hija," sagot ni Manang Saning. "Hindi uuwi ng bahay si Ismael ngayon, sa kubo siya matutulog," isang parating na babae ang sumagot sa tanong ni Cassandra. All black ang suot,
Natakpan ni Cassandra ang bibig, pigil ang mapasigaw. Nang biglang lumingon sa gawi niya si Ismael, tumakbo siya paakyat sa silid niya at ni-lock ng maigi ang pinto. Alam niyang walang tigil ang katok nito sa labas, ngunit hindi siya nagbukas ng pintuan. Maliwanag na sa labas, mahihinang katok ang nagpagising kay Cassandra. Ayaw pa sana niyang pagbuksan si Ismael, pero walang mangyayari kung iiwasan niya ito. Binuksan niya ang pinto. "Ismael kung----" "Magandang umaga hija, ako si Manang Saning isa sa mga kasambahay, dinala ko na ang almusal mo," nakangiting bati ng isang matandang babae, marahil ay nasa singkwenta na ito, may dalang tray ng pagkain. Natigilan si Cassandra. "M-magandang umaga rin ho..salamat sa pagdala ng pagkain," atubili siyang abutin ang tray. "Walang anuman, kung may kailangan ka, nasa ibaba lang ako," nagpaalam na ang matanda. "Manang Saning, nasaan po si I-Ismael?" habol na tanong ni Cassandra. "Nasa bakahan, may manganganak kasing inahin, mamaya uuwi l






Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.