Share

Perfectly Imperfect Love
Perfectly Imperfect Love
Author: pen_nyx

Prologue

Ngayon ay ang anibersaryo naming dalawa ni Renrem ngunit tila nakalimot na naman siya.

"Hays Mika ano pa bang aasahan mo sa lalaking iyon," buntong hininga ko.

Ilang oras pa ang aking hinintay, umaasa na baka may bago ngayong anniversary namin. Habang hinihintay siya ay paulit na tumatakbo sa aking isipan ang bagay na dapat noon ko pa man ginawa. Nakakapagod ilaban ang isang bagay na alam mong matagal ka ng talo. Nakakapagod umasa na may magbabago.

Pinunasan ko ang luha na pumatak sa aking pisngi. Kasabay noon ay napansin ko ang engagement ring namin na nakasuot sa daliri ko. Agad ko itong hinubad sa aking daliri at pinagmasdang mabuti.

"Sabi mo mahal mo'ko, sabi mo hindi mo hahayaang makaramdam ako ng kahit anong klaseng sakit. Pero bakit ganito, bakit sobra- sobra yung binibigay mo sa akin," sambit ko habang kinakabisa ang kabuuan ng singsing na iyon.

"Alam kong hindi ka dadating," sabay tayo ko at pinatay ang mga kandilang nakabukas.

Sa muling pagkakataon ay nasayang na naman ang oras at pag aabala ko para rito.

Iniligpit ko na lahat ng nasa lamesa, nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Renrem. Tiim- bagang ko siyang tinignan habang papalapit siya sa akin. Amoy na amoy ko ang alak na nakadikit sa kaniya damit. Nang makakapit ito ay agad niya akong hinalikan pero naka iwas agad ako.

"Hon ba't ka ganiyan? Hindi mo lang ba ako babatiin o kaya hahalikan manlang," may panunuya sa tono ng boses nito.

"Hindi pwede iyan kapag kinasal na tayo," dagdag pa nito sabay hawak sa bewang ko.

Pilit kong nilalayo ang sarili ko sa kaniya ngunit mahigpit ang pagkaka- kapit nito sa akin.

"B-bitawan mo nga ako, Renrem!" sigaw ko sa mismong mukha niya.

"Ano bang problema mo Mika? Dapat nga inaasikaso mo ako dahil pagod ako!" mataas na boses na saad nito sa akin.

Tinulak ko siya kaya tuluyang kumalas ang mga braso niya na naka- kapit sa bewang ko.

"Pagod na ako Ren, pagod na pagod na akong intindihin ka at unawain." Nagsimula ng tumulo ang mg luha ko.

"Mika ano na naman bang kadramahan ito," irita nitong tugon.

"Hindi mo nga alam kung anong mayroon ngayon, hindi mo ako nagawang alalahanin dahil busy ka sa babae mo," sigaw ko sa kaniya.

"Wala akong ibang babae Mika," seryoso nitong sabi.

"Oh talaga! Alam kong tanga ako dahil patuloy akong naniniwala sa mga kasinungalingan mo at pangako, pero tapos na ako."

Sobrang sakit na, durog na durog na ako. Hindi ko na kaya.

Hinubad ko sa mismong harapan niya ang engagement ring naming dalawa at saka dahan- dahang pinatong sa ibabaw ng lamesa.

"Anong ginagawa mo?!" gulat niyang tanong.

"Tinatapos ko na ang sa atin, Renrem. Simula ngayon, hinding- hindi na kita gugulahin pa. Simu--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil niyakap niya ako bigla.

"Alam ko sobrang dami kong pagkakamaling nagawa sa iyo. Pero Mika, please 'wag naman sanang ganito. Tulungan mo akong magbago, ayusin natin 'to Mika. Parang awa mo na," pagmamaka- awa nito sa akin.

Kung dati, sa ganitong paraan lang ay lumalambot na agad ang puso ko kay Renrem pero hindi ko alam ngayon. Sobrang nagiging matigas na ako pagdating sa kaniya, marahil sobra na akong napagod na makinig at maniwala sa kaniya.

"Tama na, pagod na ako sa mga kasinugalingan mo at mga dahilan mo na paulit- ulit lang. Mahal kita pero sobrang sakit na, Renrem, sobra na akong nauubos," tuluyan nang bumagsak ang mga luha na halos kanina ko pa pinipigilan.

"Isa pang pagkakataon Mika, isa nalang parang awa mo na," Yakap nito nang mahigpit sa akin.

"Sobrang dami na ng chances ang naibigay ko sa iyo, halos wala na akong itira para sa sarili ko. Selfish pa rin ba ako kung iisipin ko naman ngayon ang sarili ko, kung mas pipiliin ko muna ang magpahinga kaysa ang magpaloko sa iyo ng paulit- ulit?" Sabay pilit na kawala ko sa mga yakap niya.

"Please Mika, pakiusap. Alam kong mahal mo ako at hindi mo ako kayang iwan," pagsusumamo nito.

"Kaya ba ganoon ka kakampanti na lokohin ako at saktan ako ng madaming beses, kasi alam mong mahal na mahal kita at hindi kita iiwan?" Sigaw ko sa kaniya.

"Hindi Mika."

Sobrang sakit din nito para sa'kin pero kailangan kong magtiis, kailangan kong unahin naman ngayon ang sarili ko, kailangan ko mag-heal.

"Patawarin mo ako, mahal kita pero pagod na ako Renrem. Sana maunawaan mo ako," Hagulgol ko.

Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit kasabay ng pagluhod niya sa harapan ko at pag iyak.

Ayoko na humantong tayo sa ganito, hindi ko rin hinangad na malagay sa ganitong sitwasyon.

Hinawakan ko siya sa pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay at unti- unting lumalapit sa kaniya at hinalikan siya sa noo niya.

"Patawarin mo sana ako, Renrem. Hindi ko na kaya," sabay kalas ko sa agkakahawak niya sa akin.

"Mika..." tawag nito sa akin pero tinalikuran ko na siya at saka kinuha ang mga gamit ko na nasa kabilang side ng bahay.

Hinabol niya ako para pigilan, nagmakaawa siya sa akin at umiyak sa harap ko. Sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang ganito kahina, pero manhid na ang puso ko.

"Mika, mahal na mahal kita. Please wag ganito, ayusin natin," saad nito ng makapasok ako sa loob ng kotse ko.

Sinara ko iyon at nakabukas ang bintana. Sinimulan ko ng buhayin ang makina ng sasakyan ko, at nang mabuhay ko na ay pinaandar ko na ito.

"Mika pag usapan natin ito, pakiusap, patawarin mo ako," habol nito sa akin.

"Happy anniversary Hon!" huling sambit ko bago tuluyang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Magbabago na ang lahat simula ngayon...

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Xzyriel Aila
Gosh first part palang nakakaiyak na, ano pa kaya sa mga susunod na chapter. Exciting!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status