Share

Chapter 1

Mika's POV

"Sige na bes, anong nangyare at mukhang highblood ka na naman?!" tanong ni Chy na kausap ko sa phone.

"Bes monthsary namin ngayon ni Renrem tapos ngayon, gabi na pero kahit text, chat o tawag wala manlang akong natatanggap mula sa kaniya. Naiinis na'ko," irita kong saad.

"Then try to contact him."

"Juskooo I've already do that before I call you. Pero cannot be reach."

"Baka naman nambababae na naman," suhestyon ni Chy.

Iyon din ang kanina pa nasa isip ko. I trust him pero I'm scared.

FLASHBACK:

"Nasaan kaba Ren?" tanong ko sa tawag.

"Nasa tra--"

"Babe." Hindi niya natapos ang sasabihin n'ya dahil may babaeng nagsalita malapit sa kaniya.

"Hon sino yun?" tanong ko.

"Ae pasahero lang. Tawag ka nalang mamaya. Bye"

"Ho--" Bigla niyang pinatay ang tawag.

END OF FLASHBACK:

"Busy lang siguro sa work niya. Ikaw naman," pagtatanggol ko kay Renrem.

"Tsk! We both know Renrem, lalo kana. Alam mo ang takbo ng utak ng boyfriend mo," paalala nya.

Sana nga mali kami ng iniisip, sana nasa trabaho lang siya.

"It's already 10 pm. Tawag nalang ako sayo bukas." Paalam ko kay Chy.

"Okay. Matulog kana rin, 'wag mo ng hintayin si Renrem, mamumuti lang mata mo. Tyaka mag ingat ka d'yan ah, almost 6 months ka palang d'yan sa Lola mo," payo niya.

"Yes ma'am, noted. I love you"

"Bye, I love you more." Sabay end call.

I'm so lucky to have a bestfriend like her, kahit na sobrang layo namin sa isa't isa ay karamay ko pa rin siya kahit papaano.

1:10 am na ng nakaramdam ako ng antok and still I didn't receive any phonecalls, text nor chat from Renrem. Nakalimutan ba talaga niya o sadyang busy lang sya.

~ KINABUKASAN~

Nagising ako dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko. Kinusot- kusot ko ang mga mata ko tyaka kinuha ang phone ko para tignan.

"Shockss 10:13 am, tanghali na pala!" bulalas ko.

"Ohh may text message ako"

Binuksan ko ang message at galing iyon kay Renrem. Akala ko wala na 'tong balak magparamdam eh. Yung inis ko kagabi napalitan agad ng ngiti.

Shittt ang rupok!

From Hon:

       Goodmorning. I love you

Napangiti  ako sa nabasa ko at bahagyang kinilig din.

To Hon:

      Goodmorning din . Iloveyou and Imissyou too

Wala pang limang minuto ay nakareceive agad ako ng tawag mula kay Renrem.

"Hello?!" bungad ko.

"Hi Hon, kamusta?" anang boses ni Renrem.

Kyahhh parang tumalon ang puso ko!

"Hmm ayos lang, ikaw kamusta? Hindi ka manlang nagparamdam sa akin kahapon," malungkot na saad ko.

"Sorry hon busy lang talaga sa trabaho"

Yun naman palagi ang sinasabi mo.

"Monthsary natin kahapon. Tinatawagan kita pero nakapatay ang phone mo"

"Narecieve ko ang mga text mo, belated happy monthsary hon. Marami kasing delivery kahapon kaya hindi ko magawang mahawakan ang cellphone ko. Sorry hon, I love you so much," paliwanag ni Renrem.

"Sayo din" Nagtatampong saad ko.

"Hon sorry na babawi ako sayo kapag nagkita tayo. Miss na miss na kita hon, sobra"

Shitt bakit ba ang rupok ko, kinikilig na naman ako..

"Okay. I miss you too"

Naging mahaba pa ang pag uusap namin kahit papaano, nag usap tungkol sa mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw at saka kahapon. Naging masaya naman kahit papaano ang pag uusap naming dalawa, nakakamiss lang kasi bihira namin nakakasama ang isa't isa tapos bihira pa kaming mag usap through phone kasi nga busy siya. But still I understand him naman kahit minsan nakakapagod isipin na baka hindi totoo yung mga dinadahilan niya sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status