Salamat sa mga bumasa sa kabaliwan ng FL na ito! Mukhang may malalagot na namang Asawa nito. goodluck sayo Gerry.
Geraldine's Point of View* Napalunok ako ngayon at inutusan ako ni Mike na humaharap ako sa dingding at di ko alam kung bakit pinatawag ni Mike ang lahat ng bodyguards niya. Dahan-dahan naman akong napatingin sa kanila kung ano ang ginagawa nila at nanlaki ang mga mata ko nung nagpush up positions sila. Eh! Hala? Bakit naman? Anong kasalanan nila? May pagka moody talaga ang isang ito oh! "Give me 1000 push ups." Napakunot ang noo ko habang nakatingin kay Mike at magre-react sana ako pero nagsign si Sire Joel na wag na lang akong mag react dahil mas lalong mahihirapan sila lalo. Wala talagang makakapigil sa kanya. Pero, hindi naman tama ang ginagawa niya. Napayuko ako parang nagi-guilty ako ngayon sa nangyayari sa kanila. "Bakit mo sila pina-parusahan, Master?" Gulat na napatingin silang lahat sa akin at ako naman ay parang inosenteng nakatingin ako kay Mike na parang maiiyak na nakatingin sa kanya. "Nag-eensayo lang naman sila ngayon. Ano ba ang kasalanan nila?" "Miss Girli
3rd Person's Point of View*Nakatingin ngayon si Jane sa paligid at nung nakita niya na wala ng mga bodyguard sa paligid kaya lumakad siya papunta sa likod ng garden habang nagbabantay pa din sa paligid at agad niyang kinontak ang isang tao.'Hello, Jane?'"Boss, nakabantay pa din ako sa kanya at nakikita ko na nagka-interest atah si Michael sa kanya. Baka siya ang magiging kahinaan ni Michael."'Bantayan niyo lang ang mga galaw nila. Dahil tayo ang mananagot kung may mangyari mang di maganda.'"Masusunod po."Binaba na niya ang tawag at napabuntong hininga siya at lumakad pabalik sa trabaho niya."Hindi pwedeng maattach si Gerry sa kanya. Hindi pwede na mangyari ang bagay na yun."Geraldine's Point of View*Naramdaman ko ang mabangong mint na pabango sa bibig niya habang hinahalikan pa din niya ako at parang nanghihina ang tuhod ko dahil sa ginawa niya na parang nadadala ako ngayon sa mga halik niya na binibigay sa akin ngayon.Sa kanya ko lang kasi nasubukan ang lahat ng ito at hind
Geraldine's Point of View*Nagluluto ako ngayon dito sa kusina at parang kutsilyo na ang hawak ko sa sandok. Nanggigigil akong napatingin sa niluluto ko."Girlie, anong luto mo?"Napatingin ako kay Ate Cooker na nasa gilid ko na."Bikol express po.""Mukhang bad mood ka na naman atah ha. Ano na naman ba ang ginawa sayo ni master? You can tell me, okay?"Natigilan ako sa pagluluto at napatingin sa kanya. "Waaa Ate!"Niyakap ko siya at ganun na talaga kami ka-close dalawa ni Ate. Dahil naintindihan niya ako."Nung pinagbubuntis po ba siya ng Ina niya ay nilihi po ba siya sa galit?" Napatingin naman siya sa akin nung sinabi ko yun sa kanya."Actually, lumaki siya sa Dad niya na sobrang cold at iniwan siya ng Ina niya kaya siya naging ganyan.""Eh?"Yun nga ang narinig ko noon. "Sana maintindihan mo siya, Girlie."Napapout naman ako at napatingin sa kanya. "Okay po. Susubukan ko po kahit sobrang nakakapagod mag intindi sa kanya."Pinat naman niya ang ulo ko at ngumiti siya."Good girl
3rd Person's Point of View*Hinanap na nila kahit saan si Gerry pero di pa din nila mahanap hanggang makita nila Joel kung nasaan ngayon si Gerry sa pamamagitan ng kuha ng cctv sa computer room at kuha doon na tapos ng magluto si Gerry ay lumabas na siya papunta sa opisina ni Mike nang biglang may humarang sa kanya na mga katulong.At binuhat siya ng mga ito at kahit anong pagpupumiglas niya hanggang sa dalhin siya sa basement. Hindi alam ng mga katulong na may CCTV sa basement doon kaya huling-huli sila sa ginagawa nila kay Gerry."Nasa basement siya ngayon. Doon siya tinulak ng mga maids na yun. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Alam niyo naman diba na mataas din ang hagdanan ng basement pababa," ani ni Joel sa kanila.Napakamao naman si Mike nung makita nila ang sinapit ng Asawa nito sa kamay ng mga katulong niya na wala man lang kalaban-laban."Call all the accomplices involved in the incident. I will never forgive them."Napalunok naman sila sa sinabi ni Mike at nagsimula n
Geraldine's Point of View* Nandidito ako ngayon sa kwarto ni Mike at hinihintay siya at simula kanina ay di ko pa din siya nakikita. "Nasaan na ba ang isang yun?" Lumakad ako palabas ng kwarto at nakasout na ako ngayon ng pambahay na damit dahil gabi na at okay na ganito ang soutin namin ngayon. 'Grabe ang parusa ang ginawa ni Master sa mga katulong na nangbully kay Girlie.' Natigilan ako sa narinig sa kwentuhan ng dalawang maids na nandidito. 'Kanina pa sila pinaparusahan hanggang ngayon siguro ay di pa sila natatapos.' Siguro ay nandodoon sila ngayon sa punishment room kaya lumakad ako papunta doon at dahan-dahan lumakad dahil masakit pa din ang boung katawan ko at naririnig ko ang mga daing ng mga katulong na nandodoon. Dahan-dahan naman akong sumilip at nakita ko na pinagpapalo nga sila sa likod na katulad nung ginawa sa akin noon na akala ko na isa lang chill punishment pero mukhang hindi atah sa kanila. Binuksan ko ang pintuan at napatingin naman silang lahat sa akin at
Geraldine's Point of View*Nakatingin ako sa steak na niluluto niya nang may naalala ako. Paano niya malalasahan ang luto niya kung di naman siya nakakalasa?Napatingin ako sa kanya at ang galing niya dahil para siyang chef ngayon at ang ganda ng pagkakahiwa niya sa Karne.Tiningnan ko siya. Bakit niya ginagawa ang lahat ng ito? Anong ibig sabihin nun? Nag-aalala din ba siya sa akin?Gumalaw ako at ramdam ko ang sakit sa pang-upo ko. Nabagsak kasi ang pwetan ko nung nahulog ako nun.Napapikit ako nang marealize ko na nasa harapan ko si Mike kaya dahan-dahan akong tumingin sa kanya sa gilid ko at huminto pala siya sa ginagawa niya at nakatingin sa akin."Hindi ka ba kumportable sa inuupuan mo?"Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napa-iling iling."Ayos lang ako dito. Patuloy mo lang ang pagluluto mo."Napakunot pa din ang noo niya habang nakatingin sa akin."Ayos lang ako dito. Gusto kong makita ang Asawa ko na nagluluto sa akin ngayon.""Stubborn."Napapout na lang ako."Why do tro
Geraldine's Point of View*Nagstretching na ako dahil kailangan ko ng maghanda para sa paglilinis ngayon sa pool! Yes! Sabay maligo na ako nun! May pakanta kanta pa ako habang naghihilamos sa lababo dito pa din sa banyo ni Mike.Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko siyang pumasok at naka half naked pa siya habang naglalakad at tumabi siya sa akin at naghilamos na din siya at ako naman nagpunas na sa mukha ko ng towel."Good morning, hubby," nakangiting bati ko sa kanya."Morning."Mukhang inaantok pa siya ngayon dahil ang mga mata niya ay parang babagsak pa. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya na kinatingin naman niya sa akin."What?""Inaantok ka pa? Matulog ka pa.""I'm not. May gagawin ako ngayon."Binawi niya ang mukha niya sa pagkakahawak ko sa magkabilang pisngi niya."Okay, ah, ano pala ang gusto mong almusal ngayon?""Just a normal one."Kumuha na siya ng toothpaste at toothbrush at napangiti na lang ako at dahan-dahan na tumango."Okay, gagawa na ako."Aalis sana ak
Geraldine's Point of View* Napahawak ako sa buhok ko dahil sa pangyayari na doon nga sa ilalim ng tubig si Rafayel. "Sir Rafayel, anong trip ninyo diyan kayo nag-over night? Hindi ba kayo pinapasok ni Master?" "Uhmm.. miss..." "Kuya! Bakit naman pinabayaan niyo siya diyan sa ilalim? Ano siya shokoy?" Nakikita ko sa mukha ni Kuya na parang namumutla din siya. Hinawakan ko ang kwelyo niya. "Kuya! Iligtas niyo siya!" "M-Miss... Ano kasi..." "Kung hindi mo siya maliligtas ay ako na lang ang tatalon!" Agad kong tinanggal ang sapatos ko at tatalon sana ako nang biglang may humawak sa bewang ko para di ako tuluyang makatalon sa swimming pool. Napatingin ako sa humawak sa akin at si Mike iyon! As in ang position namin ay buhat buhat na niya ako ngayon habang nakahawak siya sa tiyan ko at napalunok ako dahil papagalitan na naman niya ako! Kaya pala namumutla si Kuya kanina dahil papunta pala ang dragon na ito. "M-Master..." "What do you think you're doing, naughty woman?" Bigla
Geraldine's Point of View*Namumugto ang mga mata ko kakaiyak habang yakap-yakap ako ni Mike dito ngayon sa higaan ng kung saan ako kinunan ng dugo kanina. Pinaiyak pa niya talaga ako at hindi muna niya ako pinasalita at pinakakalma lang niya ako na parang sanggol."Are you done crying?" malambing na ani niya sa akin.Di ako nagsalita at nakayakap lang ako sa kanya habang nakaupo ako sa binti niya at siya naman ay nakaupo sa higaan."Wife?""Hmm..."Tiningnan ko siya at mahina na lang siyang natawa habang nakatingin sa mukha ko."Ang pangit mo ka-bonding."Nag-roll eyes ako habang sinasabi 'yun at mas lalo siyang natawa ng malakas dahil sa sinabi ko. Tingnan niyo ang pangit ka-bonding!"Shut up. Bakit mo ko niyayakap? Wala ka namang tiwala sa akin. Maghahanap na lang ako ng ibang tao na may tiwala sa akin doon ako makikipaglaro.""Wife.""Oh."Di ko siya tiningnan dahil alam ko kakaiba ang tingin niya sa akin ngayon."Look at my eyes.""Ayoko baka kiligin ako."Naka-pout kong ani sa
Geraldine's Point of View*Natapos akong salinan ng dugo ay pinahiga muna ako dito sa higaan at maririnig pa rin ang ingay sa labas.Wala namang problema sa labanan sa labas dahil nandodoon naman ang mga guro at sila ninong at David. Kaya naman nila ang bagay na 'yun.Remember mga assassins din naman silang lahat kaya walang problema sa bagay na 'yun.Napatingin ako sa gilid ko nang naramdaman ko na may nakatingin sa akin. At nakita ko si Mike na naniningkit pa rin ang noong nakatingin sa akin.Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa kanya.Inilahad ko ang kamay ko at napatingin naman siya sa kamay ko na parang ayaw pa niyang hawakan?"Ayaw mo?""Tell me, why did you do that?" Tiningnan ko siya. Seryoso talaga siya ngayon.Napatingin ako sa mga kasamahan namin dito na nag-aalalang nakatingin sa amin.Tumango naman sila agad sa mean ko. Kailangan naming mag-usap ni Mike na kaming dalawa lang.Pumasok sila sa isang kwarto dito pa rin sa laboratory at kami na lang dalawa ni
Geraldine's Point of View*"Sa susunod na natin pag-uusapan ang bagay na 'yan. Ang importante ngayon ay ang kumakalat na droga ngayon."Napatingin naman sila sa akin at dahan-dahan na tumango. "I-Ikaw ba talaga si Nyx? Ang Prinsesa ng mga assassins? Yung top 1?" Napatingin ako kay Nine na nanlalaki pa rin ang mga mata nito habang nakatingin sa akin at natawa na lang akong mahina habang nakatingin sa kanya.Hindi ko naabutan ang pagsilang sa kanya dahil nung panahong 'yun ay nagliligawan pa ang mga magulang nito at hindi pa siya ginawa. Hindi ko aakalain na makakabuo agad sila at malaki na ito ngayon.Ngumiti ako sa kanya at hindi ko na sinabi ang tungkol sa akin at agad naman niyang na-gets ang bagay na 'yun."Oh my God! Welcome back po! Hindi ko alam na nakita na pala kayo at isa pa idol na idol ko po kayo kaya ako pumasok dito sa phantom syndicate dahil sa inyo."Napakunot ang noo ko at napatingin sa mga magulang niya."Kinukwento kasi namin ang mga kakayahan mo noon kaya matagal
Geraldine's Point of View*Sa paglalakad pabalik ay napapansin ko na parang nag-iingayan na ang paligid at nung tingnan namin ang paligid ay parang may kaguluhan sa gitna ng parang stage na may salamin. Doon pala pinasok ang mga infected sa virus at makikita mo sa katawan nila na malapit ng mag-decomposed ang katawan nila. Lumapit sila Mike doon at ako naman ay nagpahalo sa mga estudyante at sumama sa grupo ko para di mahalata na nawala ako sandali. Umupo ako sa gilid at iniisip ko kung ano ang gagawin. Napatingin ako kay Nine na nag-aalalang nakatingin sa mga infected. "Nine."Napatingin naman siya sa akin at nag-sign ako na umupo sa tabi ko at sumunod naman siya."Ang dugo ba talaga ni Nyx ang makakasagot sa lahat ito?" Nagulat naman siya sa tanong ko. Napayuko naman siya at dahan-dahan na tumango."Ayon sa examination ng mga magulang sa dugo ng master noon ay 'yun din ang nakatalo sa virus noon. Hindi na siya pwede ngayon na kunan ng dugo dahil alam ko na matanda na di Master