Share

Picture Perfect
Picture Perfect
Author: ngnlblank

Paunang Salita

Galit, poot at pagkasuklam ang damdaming lumulukob sa buong pagkatao ko habang hindi ako mapakaling nakatayo sa madilim na bahagi ng aking kwarto sa gilid ng aking bintana. Kuyom ang kamao ko at nanggagalaiti ako na nakasilip sa labas habang ‘di ko alintana ang nanakit kong katawan. Kung may bagay man na siguradong-sigurado ako ay ang krimen na ginawa ni Geneviève Sanarez. Ang putang inang h*******k na babaeng iyon! Pagbabayaran niya ang lahat! Magbabayad siya!

Hindi iyon isang haka-haka at higit sa lahat hindi isang kathang isip. Hindi ako nagsisinungaling! Nakita ko siya! Kitang-kita ng dalawang ng mga mata ko kung paano niya pinatay ang batang babaeng nakadamit ng puti ng araw na iyon! Nakita ko kung paano niya ginawa ang lahat! Subalit ng isinumbong ko sa pulisya ang nangyari ay ako pa ang naging masama! Sa akin nila isinisi ang lahat. Kung hindi ba naman sila isa't kalahating mga bobo! Ang mga lintik na pulis ay hindi man lamang sila nag-abalang siyasatin ng mabuti ang sinabi ko!

Walang naniwala sa akin. Wala! Ang malala pa ay pinagkamalan nila akong nababaliw at sinisiraan ko lamang si Geneviève Sanarez. Hayop! Hindi nilang alam na niloloko lang sila ng h*******k na babaeng iyon! Mga walang utak! Ano ba ang mapapala ko kung sisiraan ko ang letseng babaeng iyon? Wala! Wala! Mga putang ina! Wala! Wala akong mapapala! Bakit ‘di nila napapansin na pinapaikot lang sila ni Genevieve sa kanyang mga palad? Mga hangal! Bobo! Bakit nila hindi iyon nakikita? Bakit? Bakit? Bakit?!

“Pinatay niya ang batang babaeng iyon! Bakit ba ayaw nilang maniwala sa akin?” nasusuklam kong bulong habang ‘di mapakali kong pinipisil ang kanang palad ko. “Mamamatay tao siya!” nanggagalaiti kong ungol habang hindi ko maiwasang maglakad parito’t- paroon sa loob ng kuwarto ko. “Mamamatay tao siya!”

Muli akong sumilip sa labas ng aking bintana habang ‘di ko alintana ang napakalamig na simoy ng klima na dala ng malakas na malakas na ulan kasabay ng nakakatakot na kulog at kidlat sa kalangitan. Kung nakakamatay lang ang titig ko sigurado akong lahat sila ay kanina pa tumba at pinaglalamayan. Kailangan kong gumawa ng paraan para patunayan na totoo lahat ng nakita ko. Hindi ko hahayaan na magtagumpay si Genevieve Sanarez, ang demonyong nagbabalat-kayong anghel na iyon. Hindi!

Malakas akong napamura nang makita ko ang bagong dating na mga pulis habang pinapalibutan ang aking bahay. Hindi ko inaasahang makakapasok sila sa Hacienda. Ano ba ang inaasahan ko? Pati sariling kong ina ay ayaw akong paniwalaan. Oo! Pati nanay ko ayaw akong paniwalaan. Ang taong nagluwal sa akin ay hindi ako pinaniwalaan. Mas pinili niyang tulungan ang mga hangal na pulis kaysa sa sarili niyang anak. Nagsanib-pwersa pa talaga sila. Ano ang aasahan ko, pareho-pareho lang naman silang halang ang kaluluwa. Magsama sila! Magsama na sila! Magsama sila!!!

“Señorita Talulla! Lumabas ka dyan! Wala ka ng matatakbuhan!” sigaw ng Police Officer sa akin mula sa labas.

Wala akong sinayang na oras, mabilis kong tinungo ang lihim na lagusan sa likod ng aking silid-aklatan. Maingat ko itong binuksan. Dala ang aking bag at maliit kong lente ay hinihingal kong tinahak ang aking lihim na lagusan sa aking likod ng aking silid-aklatan. Madilim, maalikabok, masikip pero pinilit kong makalabas. Ilang araw rin akong nagtatago at tumatakas sa kriming hindi ko ginawa. Mas binilisan ko pa ang paggapang palabas ng lagusan.

Pagkalabas ko ay tahimik kong pinagmasdan ang mga pulis na naghahanap sa akin. Lalong-lalo na si Geneviève na lihim na nakangiti sa ‘di kalayuan habang yakap-yakap ang sarili kong ina. Bigo at puno nang hinanakit at galit ko silang tinitigan. Magbabayad sila. Magbabayad si Genevieve Sanarez sa lahat ng kasalanan na ginawa niya. Magbabayad siya ng mahal. Kaluluwa ng batang babaeng iyon ang kinuha niya. Kukunin ko rin ang sa kanya.

Matalim na matalim ko siyang tinitigan habang mahigpit na mahigpit ang pagkaka-kuyom ko sa hawak kong lente. “Dudurugin rin kita, Geneviève. Ipinapangako ko iyan. Dudurugin kita. Maghintay ka lang.”

Pagkatapos ay mabilis ang galaw ko na tumakbo papasok sa masukal na kakahuyan. Walang lingon-lingon akong nagpatuloy habang buong-buo ang pasiya ko na dadaigin at hindi muling hahayaan si Geneivieve na muling pumatay ng inosenteng buhay. Mababayad siya ng mahal. Unti-unti kong ipapalasap sa kanyang ang hagupit ng aking paghihigante. Dahan-dahan at walang pasubali’t pagdadalawang-isip. Humanda siya.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo papasok sa masukal na kagubatan. Ipinagsawalang-bahala ko ang mga sanga na malakas na tumatabing at humahampas sa akin pati ang lamig na hatid ng malakas na buhos ng ulan. Kailangan kong bumalik sa lugar na iyon, Kailangan kong bumalik sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan bumalik lahat ng ala-ala ko at kung saan ko nakitang pinatay ni Genevieve ang batang iyon.

Pero bago ang lahat, kailangan ko munang bumalik sa lumang bahay ko sa likod ng kambal talon. Kailangan kong magpahinga. Kailangan kong ipahinga ang katawan ko. Kailangan kong mag-isip kung papaano ko gagawin at isakatuparan ang lahat ng plano ko. Kung paano ko bibigyan ng hustiya ang batang babaeng iyon. At higit sa lahat, kung paano ko paparusahan ang pumatay sa kapatid ko.

Nakahinga ako ng maginhawa ng matanaw ko ang kambal na talon mula sa kinatatayuan ko. Kabisado ko ang masukal na gubat kaya kahit madilim ay madali kong nahanap ang lugar na ito. Dahan-dahan akong naglakad pagdating ko sa talon upang huminga ng maayos. Pagtapos maingat ang hakbang kong tinalunton ang masikip na daan pamunta sa lumang bahay ko.

“Tama ang Nanay Pepa, babalik at babalik ka po dito,” sabi ng tinig na ikinagulat ko pagdating ko sa likod ng talon.

“Sino ka?” tanong ko sa tinig habang pinipilit kong aninagin ang paligid ko. Tuluyan na kasing napunde ang ilaw ng lente na dala-dala ko. “Sino ka?” tanong ko ulit.

Pero bago ko pa marinig ang sagot niya ay biglang bumigat ng katawan ko at umikot ang paningin ko. Hanggang sa unti-unti akong tinakasan ng sarili kong kamalayan. Paulit-ulit kong itinatanong sa sarili ko, bakit pa ako bumalik? Pero paulit-ulit ko rin naririnig ang sagot na kailangan kong malaman ang lahat.

Pero paano ba nagsimula ang lahat?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status