Share

Dalawampot-dalawang Kabanata - Kasalukuyan

Lahat ay nakatingin sa akin pag-apak na pag-apak ko sa loob ng Hacienda. Daig ko pa ang patay na bumangon sa hukay ko kung titigan nila ako. Ang iba ay nagtataka habang ang iba ay hindi makapaniwala na babalik ako.

Subalit ang hindi ko inaasahan na kabilang sa babati at mag-aabalang magpakita sa akin ay si Genevieve. Hindi ko alam kong sadyang makapal lang talaga ang pagmumukha niya o sa tingin niya aasta akong may kasalanan katulad ng dati.

“Talulla, you are back!” Masiglang pahayag niya habang nakangiti siyang naglalakad palapit sa akin.

Akmang yayakapin niya ako pero agad ko siyang tinaasan ng kilay. Nilagpasan ko siya ng walang pasabi sa harapan ng mga matang lihim na nakamasid sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Sa buong buhay niya wala pang tumanggi sa kanya. Parating siya ang tumatanggi sa iba sa harapan ng maraming tao. Subalit ibang usapan na ngayon.

Noong araw na hinahabol ako ng mga pulis sa kasalanan hindi ko ginagawa kahit wa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status