Share

Chapter 15

No place to go

“Encode these.” Halos mapaigtad si Heather nang ilapag ni Miss Lemin and dalawang expanded envelope na puno ng mga papel. Pagkatapos ay naglapag rin siya ng tatlo pang envelope. “Then, ihatid mo ‘to sa Editor in Chief. Iyan ang mga nakapasang junior writers. He already knows what to do with that.”

“Yes, Ma'am.”  

Kahit pilit na napupunta sa ibang bagay ang utak niya, Heather forced herself to focus on work. Iniisip niya na lang, na mas importante ang trabaho kaysa sa mga naiisip.

“Have you read the article about Aidan Ledesma yesterday? Sino kaya iyong babae ano?” tanong ng isang empleyado mula sa katabing cubicle.

Napatigil si Heather sa pagtitipa nang marinig ang sinabi ng babae.

“Hindi ko alam pero tiwala akong hindi ‘yon girlfriend ni Aidan.”

Hindi maiwasang malukot ang mukha ni Heather sa narinig. Oo nga’t nagtatago siya pero nakaka-offend pa ring marinig ang mga katagang iyon. Deep down, she wants to be recognized as Aidan’s girlfriend. Deep down, gusto niyang ipagmayabang sa lahat ang relasyon nila.

But because she’s trying her hardest to be an understanding girlfriend, hindi niya ginawa.

Pasimpleng inatras ni Heather ng kaunti ang upuan niya. Enough distance so she can bend backwards at silipin sila. Nakasandal sa mesa ng babaeng nakaharap sa computer ang isang babae habang nakangiting nagkukwento. May hawak itong kape at pareho nilang tinitingnan ang article na tinutukoy ni Primo kahapon at mga litrato niya at ni Aidan sa monitor. Napalingon sa gawi ni Heather ang babaeng nakatayo at pinagtaasan siya ng kilay. Agad naman siyang tumungo at inayos ang upuan.

“Are you saying that Aidan's dating rumors to that girl weren't true?”

“Siguro. Baka kamag-anak lang ‘yun ni Aidan tapos sinisiraan lang siya.”

Heather’s jaw dropped. Ako? Kamag-anak? What the hell?!

“Bakit naman siya sisiraan? Wala namang kaaway si Aidan ‘di ba?”

“Loreley, publicity is still publicity nga raw. Malay mo, management niya pala may kagagawan no'n tapos sinadya nilang i-upload para umugong ang pangalan ni Aidan. Kasi ‘di ba, may bago silang pelikula.”

Natigilan si Heather sa narinig. Hindi niya naisip na haka-haka lang iyon. She believed it.

Publicity is still publicity? Ibig sabihin, sinadya nila ‘yon?

Then, naalala ni Heather ang mga pinagsasabi ni Aidan noong araw na iyon.

“Baka naman may nagselfie. Calm down, baby. Nakasuot ka ng sumbrero. At sa dilim nitong sinehan, ‘di ka nila mamumukhaan.”

“Chill, baby. Walang makakakilala sa ‘tin.”

“Saka na natin problemahin iyon kapag nangyari na nga. But for now, let’s just watch and enjoy the movie.”

He sounded so calm. Kaya pala. Pinlano nila iyon para maging maugong ang loveteam nila! Ang kumalma nang si Heather ay nagsisimula na namang magalit.

“Hey, baka mabutas ‘yang computer sa sobrang talim ng tingin mo. May problema ba? Is Georgia giving you too much work? I can talk to her if you want.” Inabot ni Primo sa dalaga ang isang cup ng kape. “Here, drink.”

“Thanks,” wika ni Heather habang tinatanggap ang kapeng iniaabot niya. Her eyes are still fixed on her own monitor na para bang ito ang kaaway niya.

Heather’s sharp eyes turmed back to normal as she glanced at Primo.

“Wala namang problema. It’s just that…” She took a deep breath. “Si Marcus…”

“Bakit, anong ginawa niya? Nag-away kayo? Hindi na naman nagpaparamdam? Ano? Sabihin mo sa ‘kin at nang maturuan natin ng leksyon.”

Nag-angat si Heather ng tingin sa kaniya at nakitang hindi maipinta ang mukha ni Primo. “Galit ka ba?”

“Eh kasi parang wala naman siyang naidudulot na maganda sa ‘yo. I don’t feel his love for you. Tapos ngayon parang problemado ka pa dahil sa kaniya. Gago siya.”

Imbes na magalit, napangiti si Heather sa sinabi ni Primo. Napaka-cute kasi nito kung tingnan habang nakanguso at magkasalubong ang mga kilay. At isa pa, Heather can feel genuine his concern for her. “Ayaw ko nga,” nangingiti niyang sabi. Mas lalong nalukot ang mukha ni Primo, making Heather’s smile widen. Pumangalumbaba si Heather sa mesa at pinakatitigan siya. Her swivel chair is slightly swaying.

He tsked. “Huwag mong hintayin ang araw na tatawagin kitang tanga, Heather Faye.”

Napahalakhak si Heather nang banggitin ni Primo ang buo niyang pangalan. Parang kanina lang ay sobrang sama ng loob niya. Ngayon, tuwang-tuwa siya dahil kay Primo.

“Galit ka?”

Nag-iwas siya ng tingin. “Bakit ba kasi ayaw mong hiwalayan ‘yun?”

“Bakit ba kasi gusto mong hiwalayan ko siya?” balik niyang tanong kay Primo. Sumimangot lang ito at sumimsim ng kape.

“He doesn't deserve you, that's why,” he said after a long moment of silence. “Wala siyang ibang dinudulot sa ‘yo kundi problema. Why choose to stay when you can find someone better? Iyong mamahalin ka at aalagaan ng mas higit pa. Iyong kayang ibigay ang atensiyon sa ‘yo ng buong buo,” seryoso niyang sabi.

“Hindi ko kailangan ng ibang taong kayang higitan ang binibigay ni Aid—Marcus sa ‘kin, he's all I need and all I want.” Muntik na ‘ko ro'n ah. Heather almost said his name. “Kahit na tagilid ang relasyon namin lately, hindi sumagi sa isip ko ni minsan ang bumitaw. Siguro gano’n talaga kapag mahal mo ‘yung tao.”

“Lucky bastard,” he mumbled but Heather heard it clearly. Ngumiti lang siya habang naiiling saka tinuon ang atensyon sa ginagawa.

“Primo, babe! There you are, I've been looking everywhere for you!”

“Roxanne..”

Napatuwid si Heather ng upo at mas nag-focus sa ginagawa.

“What are you doing here in this…place? Shouldn't you be at your office?” maarte nitong tanong.

Heather turned around to smile at Roxanne as sign of respect. Kahit pa nga hindi niya gusto ang presensiya ng dalaga. Heather doesn’t know why pero kumukulo talaga ang dugo niya rito. Just like what she deels everytime she hears or sees Calista.

Halatang peke ang ngiting ibinalik niya kay Heather bago pasimpleng pinalibot ang tingin sa maliit na espasyong pinagtatrabahuhan ni Heather. She's looking at it like it's some filthy place. Her stare is full of disgust.

Palihim na nagtiim-bagang si Heather sa paraan ng paninitig niya. But still, she kept my smile.

“Halika na, doon tayo sa opisina mo,” she said seductively to Primo, not minding Heather’s presence. Hindi pa ito nakuntento at hinawakan niya ito sa kamay at niyapos ang braso.

Siya na ang nag-adjust at gumilid para magkasya si Roxanne sa pagitan nila ni Primo. Heather simply rolled her eyes.

“Come on.” She tugged his arm.

“Roxanne, nag-uusap pa kami.”

“Really? I came here and both of you are not talking. Come on, let's go to your office. Let's have lunch together,” ungot nito.

“Ayaw ko—”

“I cooked your favorite,” dagdag niya pa.

Primo sighed. “Sorry, Roxanne pero, sabay kaming maglu-lunch ni Heather.”

Nanlaki ang mga mata ni Heather at mabilis na binalingan ang dalawa. They are both looking at her. Primo is looking at Heather softly while Roxanne is eyeing her from head to toe.

“Kayo? Sabay maglu-lunch?” taas-kilay niyang tanong habang tinuturo si Heather.

“Yes—”

“It's okay. Puwede ka namang sumabay na lang kay Roxanne. Sayang naman ‘yung iniluto niya,” Heather said bitterly to Primo. She saw in the corner of her eye how Roxanne’s lips tugged upward and glanced at him like she won or something.

“Shall we?” Muli niyang ini-angkla ang mga braso sa kanang braso ni Primo.

Nagsusumamo ang tinging binigay sa kaniya ni Primo. It's like he doesn't want to go with Roxanne.

Siya rin naman, gusto niyang makasabay kumain si Primo. But eating with him means Roxanne will pester them the whole hour and will spoil her lunch.

No, thank you.

For the first time simula nang magtrabaho si Heather sa Limelight, mag-isa suyang kumain sa cafeteria. Heather felt uncomfortable dahil nasanay na siyang kasabay mag-lunch si Primo. She suddenly regretted pushing him to come with Roxanne. Mag-isa na lang tuloy siya.

Dapat pinagtiisian ko na lang si Roxanne, mas mabuti pa iyon.

Habang kumakain, kung ano-anong scenario ang pumapasok sa isip ni Heather sa kung anong nangyayari sa opisina ni Primo.

She blinked multiple times when daring scenes entered her mind. That's what happens kapag nasobrahan sa panonood ng romance movies.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hinilot ang sentido. Bigla siyang nawalan ng ganang kumain. Heather looked down on the food at nakitang kalahati pa lang ang nakakain niya. If Primo was here, pipilitin siya nitong ubusin ang pagkain ko kasi mas lalo lang daw akong papayat kung hindi. Heather smiled at the thought of that.

Lunch break finished and she went back to her cubicle. Tinapos niya iyong iniutos sa kaniya ni Miss Lemin na pag-encode ng mga files. When Heather finished, she looked at the time from her wrist watch. It's already one thirty-two in the afternoon.

Nasa'n na kaya si Primo? Did they finished lunch already? O baka naman may iba silang ginagawa ni Roxanne?

Pinilig ni Heather ang ulo para mabura ang mga katanungan sa isip. Ano naman ngayon? Mabuti nga at may iba siyang pinagkakaabalahan kaysa tumambay sa desk niya.

Natapos ang araw ni Heather nang hindi nakikita si Primo magmula kanina. Kaya naman ay hindi siya mapalagay. She’s somehow worried of him kahit na sigurado naman siyang ayos lang ito.

Saka lang mawawala ang pag-aalala niya kapag nakita niya na ito.

But that did not happen. Hindi niya makita si Primo sa kahit saan. At nang tawagan niya ito, hindi niya sinasagot.

Kaya naman ay umuwi si Heather nang okupado ni Primo ang kaniyang isip. At sa bawat segundong palapit siya nang palapit sa bahay nila, kakaibang kaba ang unti-unting namamayani sa sistema niya. She doesn’t know why until she reached their house.

All of her things were scattered in the front yard. Nasa hagdan bago ang pintuan ng bahay si Yaya Belen na nakaupo at halatang may hinihintay. At nang makita siya nito, nag-aalala itong tumingin sa kaniya at mabilis na tumayo.

And as she near one of her luggages, the door to the house opened and her step mother showed up.

“Go get your filthy things and leave my house. You are not welcome anymore.”

Fourteen words, two sentences, but it flipped Heather’s world upside down.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status