Share

Chapter 3

"Jim ingat!" sigaw ko bago bumaba ng bus.

Madalas naglalakad lang ako pauwi pag morning shift pero dahil ayokong mag antay ng matagal si Belle ay napilitan akong sumakay ng bus. Belle was never late in any occassion so she's now probably outside my apartment waiting for me. Hindi ako tumatakbo pero di ko rin masasabing lakad parin bang matatawag sa tulin kong to. I took the elevator to 5th floor. Hindi ako nagkamali, paglabas ko ng elevator ay nakita ko kaagad si Belle na nakasandal sa pintuan ng apartment ko. Nakatsinelas, plain white shirt at kulay brown na pajamang may maliliit na teddy bear heads print. She will always look beautiful whatever she's wearing. Hindi naalis ang tingin ni Belle sa akin simula ng lumabas ako ng elevator na para bang gusto niyang malaman ko n amatagal na siyang nag aantay sa pagdating ko.

"Sorry medyo late." sabi ko habang hinihingal.

"Sakto ka lang, kakadating ko lang din." sagot niya.

"Nakapantulog kapa ata, kakagising mo lang?" 

"Hindi, maaga akong nagising kanina. Di na'ko nagpalit madudumihan din naman."

Binuksan ko ang pinto at pumasok. Sumunod si Belle na pinagmasdan agad ang buong apartment na tila pinaplano na niya ang mga gagawin. 

Pagkatapos e-examime ang buong lugar ay umupo siya sa kama, "Simulan natin sa kisame, mga dingding, lababo, sahig at...," pinagpag niya ang kama, "ang kama." dagdag niya.

Kahit na walang tulong ni Belle ay kaya kong linisin ang buong apartment. Sa liit ng lugar ay kaya kong tapusing maglinis sa loob ng isang oras. Tingin ko alam din ni Belle na kaya kong maglinis mag isa at alam ko na alam din niya na kahit kaya ko ay di ko maiisip maglinis anytime soon. Buti nga at napadalaw siya sa apartment ko noong lunes. Tinanggal ni Belle ang bedsheet at ipinasok sa garbage bag na kinuha niya sa food cabinet. Ipinasok niya rin ang kumot at mga punda ng unan.

" Itatapon mo?" I asked stupidly.

She smiled sarcastically.

"Ilo-laundry natin. At kunin mo narin lahat ng labahan mo at ipasok mo narin dito nang matapon narin natin." her sarcastic smile again.

Bago namin dinala ang labahin sa Splash laundry sa ground floor ng B3 ay ibinigay ni Belle sa akin ang susi ng apartment niya para dalhin at ibilad sa kaniyang balkonahe ang kutson at ang dalawang unan. 

Pagbalik namin sa apartment galing laundry ay nagsimula kaagad kaming maglinis. Ipinusod ni Belle ang kaniyang buhok at nag improvised ng facemask gamit ang kaniyang kulay puting panyo at sinimulang walisan ang bawat sulok ng kisame at dingding. 

Ako naman ay naghuhugas ng dalawang pinggan, dalwang kutsara at isang tinidor. Hinugasan ko narin ang dalawang malinis na pinggan, ang lahat ng mga hindi gamit na kutsara at pati ang mga nakataob na baso para dumami ang huhugasan ko. Ayoko namang kakapiranggot lang ang ginagawa ko habang hirap na hirap si Belle abutin ang mga agiw sa kisame habang nakapatong sa monoblock. 

Sigurado ako na malinis na malinis ang mga hugasin dahil maliban sa sinadya kong tagalan ang pagsasabon ay tinagalan ko din ang pagbabanlaw. Nilinis ko narin ang lababo. Kahit sinadya kong tagalan ang proseso ng paghuhugas ng pinggan ay nauna parin akong matapos kaysa kay Belle. 

Kailangan niyang dalhin ang patungang monoblock sa tuwing maglilipat ng pwesto. Sinisigurado niyang walang bahid ng dumi o agiw ang kisame. Kahit halata namang wala ng agiw ay patuloy niyang winawalis ang isang parte ng kisame. Pagkatapos siguraduhing malinis ang parteng yun ay inusog ni Belle ang monoblock. Lumapit ako para hawakan ang ito habang buong gilas na winawalis ni Belle ang kisame. Habang nakahawak sa monoblock ay nakatingala ako at nakatingin sa kaniya. Hindi sa kisame, sa agiw o sa walis na walang humpay niyang winawasiwas na para bang nanlalaban ang mga agiw. My eyes was set on her, sa malakas niyang braso na kayang pumalo ng malakas sa table tennis, sa maputi at medyo pawisan na niyang braso. Napansin ko din na mas lalo siyang gumanda sa buhok niyang nakapusod. Medyo maluwag ang pagkakatali kaya ang iba niyang buhok ay tila ba nakaakap sa pawisan niyang noo at leeg. A part of me is fantasizing about Belle getting outbalanced as I catch her with my single arm just to prove that even my single arm is strong enough to carry her weight. And I'll look directly in her eyes, then I'll notice how the pupils of her eyes became bigger and she'll blink a couple of time just to confirm that she's not dreaming, that she's in the reality that I'm carrying her using my single arm. She would say no word as she place both of her hands on my face and pulled it until we kissed.

"Jet! baka mapuwing ka diyan!" She exclaimmed.

Bigla akong natauhan. The whole romantic couple on movies thing fades away as the reality goes clearer that Belle was busy cleaning the ceiling and I need to actually hold and grip the monobloc so she might not fall and smash her head onto the ground. 

Pagkatapos malinis ni Belle ang kisame ay ibinigay niya ulit ang susi ng apartment niya para kunin ang mop.

Paglabas ko ay saktong lumabas din si Jarred.

"Oh Jet!" bati niya. I dont know how to respond to 'Oh Jet!' so I just smiled and nodded.

We've been neighbors for almost three years now but we dont talk that much. We dont talk at all. Our three years have been hi, hello, oh Jet, oh Jarred, tango, ngiti thats all.

I came back to my apartment. Belle grabs the mop on my hand.

"Ako na, kaya ko na yan." I said to her.

Nakakahiya naman kung siya pa ang magma-mop.

"Sige." 

Pagkatapos walisan ni Belle ang sahig ay inumpisahan ko nang mag-mop gamit ang tubig na hinaluan ng lavender detergent. 

Alas kuwatro e media nang matapos ang paglilinis. Not as fast as I thought. Bumalik si Belle sa apartment niya at sumabay narin ako para kunin ang kuston at mga unan. 

Humilata kaagad si Belle sa kama sabay buntong hininga. Tumungo ako sa balkonahe para kunin ang binilad kong kuston at mga unan. She offered to bring the pillows back in my room but I declined. My favor is enough for today.

"Babalikan ko nalang." I said.

She gave me a nice warm smile. Her smile is the most beautiful thing she has. She has a really comforting and warming smile. Her smile can mean a lot of beautiful things to me.

"Thanks ate." I said jokingly.

She laughed.

"Isa pang ate sisikmuraan na kita!"

And both of us burst out laughing.

I never saw Belle at the University the next day. She might have been busy reading at library or training or studying somewhere inside the campus. I just waited for us to bumped on each other in the hallway or somewhere so I could return her necklace which never happened. I saw her necklace on the floor of my apartment. I can tell it was Belle's because I dont wear necklace. If it's not her's the someone must've broke into my room which is unlikely to happened. Im not sure if Belle was already in her apartment but I have to find out. The necklace looks costly so I have to return it to her before I might lost it.

Nilagpasan ko ang unit ko at tumungo sa unit ni Belle. May nakasabay akong lalaki sa hallway. Nauna siya ng ilang metro saakin kaya di ko nakilala kung sino. Nakabrown na t-shirt at puting short ang lalaki. Matangkad at may malawak na balikat. 

Might be a visiting parent. We took the same turn. Medyo binagalan ko amg paglalakad ng sa ganun ay magkaroon kami ng distansiya. I dont want a stranger to think that Im following him. 

I was surprised when the man stopped at the front of Belle's door. This time ay mas binagalan ko ang bawat hakbang.

I knew Mr. Gordon since I was young and I know it is not him. Belle opened the door after his three knocks.

"Uncle!" 

She hugged the man which turns out to be her uncle. I drew closer and saw the half of the man's face clearer.

He looks familiar.

I dont know where did I see him but Im sure I saw him somewhere.

"Jet!" Belle saw me.

Napalingon ang lalaki sa akin. Upon seeing his face I finally remembered Him. He was the man I saw in the coffee shop last tuesday.

"Uncle Ben, si Jethro." pagpapakilala ni Belle sa sakin.

The man, who has now a name, is Ben.

I lend my hand for a hand shake.

" Im Benjamin." he said while shaking our hands.

After we shaked hands, his pointing finger bounced back and forth to me and Belle.

"Magkaklase kayo?" he asked.

"No uncle, Im a year ahead of him." Belle replied.

"Friends." he added. The way he said friends is the same deep tone just like the way he said 'coffee' the last time we met.

"Friends." I echoed.

I can say he didnt have any idea that I was the one who served him his cappuccino. Be barely looked at me that time. I see some Belle's resemblance on him. Abviously, theyre not on the same height. Their heights are actually far from each. Her uncle stands 5'11 or 6flat I guess. Their eyes looked similar. They both have the same skin complexion. Both have light brown eye color except Belles eyeshape is rounder unlike her uncle' slim deep setted eyes. Ben is a fine man. 

I felt the necklace getting wet by my sweaty palm. Bigla kong naalala ang intensyon ko sa pagpunta. Without saying a word ay inabot ko ang kwintas kay Belle. Halatang nagulat siya nang makita ang kwintas. Kinapa niya pa ang leeg para kumpirmahing sa kaniya nga ang kwintas na hawak ko. Mukhang hindi niya pa mapapansing nawawala ang kwintas niya kung hindi ko ibinalik. Nang makumpirmang ang hawak kong kwintas ay kaniya, " Salamat." sambit niya na mistulang nahimasmasan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status