Share

Chapter 4

7pm is the peak of the coffee shop. I myself can't even understand why some people love to drink coffee at seven when most people must have been eating dinner by this time.

"Di ko talaga maintindihan kung ba't sa ganitong oras dumadagsa ang customers satin." Jim mutters while placing the orders in the serving plate.

"Gusto nila timpla mo." I smiled.

I smiled knowing the fact that Jim and I shared the same thoughts.

I roam my eyes and started to think that wala lang might be everybody's reason to why they drink coffee at seven pm. Just like the guy at table four, biting the tip of his pen, wala lang; the girl who slaps the shoulder of the guy beside her everytime someone at their crack a joke, the customer who sniffs the brew of the expresso before taking a sip, the girl at the table five who taps the table using her index and middle finger at a constant rhythym; everybody seems to have their own wala lang.

Around 7:20 when Ben entered the shop. He looked around and realized that every table was occupied. He then got out with a bit of disappointment in his face.

Nakita ni Jim ang pagpasok ni Ben. The sound of chimes always caught our attention whenever someone entered the coffeeshop.

"Bagong lipat?" tanong ni Jim.

"Oo." sagot ko.

Ikinuwento ko rin kay Jim kung papaano ko nakilala si Ben sa El Viño at sinabi ko rin na uncle siya ni Belle na ikinagulat nito.

"Naniniwala na'kong pinagpala ang genes ng Gordon." pabirong saad ni Jim.

Siguro ay napansin ni Jim ang pagiging matipuno at pagiging mestizo ni Ben. 

Itinungkod ni Jim ang siko sa counter, bahagyang inilihis ang ulo at nagbitaw ng mapang asar na ngiti sabay sabing, "Sya nga pala... kumusta kayo ni Belle?".

Alam ni Jim na malalim ang pagkakakilala namin ni Belle sa isat isa. Isa o dalawang beses ko palang naiku-kwento si Belle sa kaniya na madalas ay patungkol lang sa pagkakaibigan namin. Siguro ay napansin ni Jim kung gaano kami kalapit sa isat isa at kung papaanong kumapit si Belle sa braso ko nakaraang nakasabay namin siya sa bus.

Umiling lang ako.

"ala Jethrow" pabirong sagot niya sa pananahimik ko.

Hindi ko maikakaila sa sarili ko na may lihim akong pagtingin kay Belle. Maganda, matalino at higit sa lahat ay napakabait ni Belle at ng pamilya niya sa akin. Inaamun ko na pinapantasiya ko siyanpero alam kung hanggang doon nalang yun, dapat. Maliban sa ayaw kong mabahiran ang pagkakaibigan namin ay alam kong malayong malayo ang estado at sitwasyon namin ni Belle sa isat isa. Ngunit higit sa lahat, hanggat maaari ay gusto kong panatilihin ang pagkakaibigan namin.

Mag aalas otso nang lumabas ang dalawang customers. Wala pang ilang segundo ay pumasok si Ben pagkalabas ng dalawa. Halatang nag aantay siyang may lumabas. Umupo siya sa nabakanteng table. Lumapit ako sa table six kung saan siya naroon.

"Cappuccino?" bungad ko.

Agad na napatingin si Ben sa akin. Mukhang nakilala niya ako base sa naging reaksyon ng kaniyang mukha.

"Less sugar this time." he replied

"In a minute sir."

Mukhang di niya nagustuhan ang timpla ko last time.

Pagkipas ng ilang minuto ay inihatid ko na order niya. 

"Salamat." Ben said right after I put the order on his table.

"Less sugar." sagot ko.

Ben takes a sip and I waited for his reaction. Tumango siya at mukhang satisfied sa lasa.

"Good." He sealed his lips trying to savor the capuccino on his lips.

"Good." he said again.

I can say he has a nice thin lips and they are as pinkish as Belle's. I swear, Gordon's must have won a gene lottery.

I dont usually start a talk to a customer. But I really just got curious what brought him here at Sta. Isabel.

"Business?"

He nodded and confirmed, "Business."

"I handle transactions and distribution flowers from Barrio Hardin." He added without looking at me.

Barrio Hardin is one of the flower farms of Gordon family here in Baguio. They are the one of the biggest flower farm owner here in Baguio. They are one of the biggest distributor of flowers such as roses, tulips, everlasting, sunflower etc. 

Barrio Hardin is located near at the boundary of Sta. Isabel and La Carvina. I've never been there but as of Belle, Barrio hardin is the most beautiful flower farm they have though it is their smallest with only 10 hectares wide. Ten hectares isnt that small and it made me realize how rich their family is. Despite how rich Belle's family, I never saw her acting rich, she's always been simple and down to earth. She could have studied at biggest universities in NCR and other big cities but she chose to stay in the small town of Sta. Isabel. I will always love her humbleness.

Ayokong maka istorbo kay Ben kaya hindi na ako nagtanong pa. Bumalik ako sa counter.

Jim is doing his thing. Dalawa lang ang umuubos ng tissues sa coffee shop, ang mga customers at si Jim na ginagawang canvass ang mga ito. Madalas, drawing ang pampalipas oras ni Jim kapag walang ginagawa. Mahilig siyang magdoodle at magdrawing ng kung sinu sinong anime characters. 

Jim scrutinously draws a girl sniffing a rose. I always got amazed of how he always draw beautifully.

Nagkunot siya ng noo habang tinititigan ang ang drawing.

"Pangit." aniya.

Hindi ko alam kung talagang napangitan siya sa gawa niya o niyayabangan niya lang ako. Ibinilog niya ang tissue sabay tapon sa trash bin.

The wind chimes sound when someone entered. Napalingon ako as usual. Dumiretso ang customer sa counter para mag order. Si Jim ang nag asikaso habang ako ay lumilibot ang tingin sa coffee shop. 

Finally, I set my eyes on Ben. 

He's still working on his laptop. Halos one fourth palang ang naiinom niya sa kape. I just stared on him wala lang. Habang nagta type ay napansin ko ang tattoo sa kaliwang kamay niya. Maliit, itim na hugis pusong tatto sa pagitan ng bukong bukong at hinliliit. 

The tattoo reminds of those couples na nagpapatattoo sa parehas na parte ng kanilang katawan ng parehas na tattoo bilang palatandaan ng pagmamahalan nila sa isat isa. Risk takers indeed.

So risk taker ka pala.

Binaling ko ang pagtitig nang mapansin ko na matagal na akong naka tingin sa kaniya.

Limang minuto bago magsara ay lumabas ang huling grupo ng customer. Pagtunog ng chimes ay napalingon si Ben. Tiningnan niya ang paligid at nang mapansing siya nalang ang natitira sa loob kaya tumayo siya at tumungo sa counter. Dumukot siya ng pitaka sa back pocket ng pantalon at nagbayad.

"Anong floor ka sa El Viño?" he asked after paying.

"5th."

"Parehas tayo. Im at 22nd unit."

"25th." balik ko.

I dont know why did he ask pero sa tingin ko ay kailangan ko siyang alokin para samahan pauwi. Just so he know that I'm Belle's good friend.

"Magsasarado narin kami, sabay na tayo pauwi." 

I felt off after saying those words. I wish I should have said, pwede kitang sabayan pauwi o paalis narin ako pwede tayo magsabay pauwi with a more friendly tone just to sound more like offering than insisting or imposing him what to do. But never mind, dahil di naman siya tumanggi.

Habang naglalakad patungong bus station ay panay ang tanong ni Jim kay Ben tungkol sa farms, sa business ng pamilya Gordon at maging ang edad ni Ben ay natanong na din ni Jim. Nagulat ako dahil hindi ko akalain na trenta anyos na si Ben. Mas matanda sa naisip ko edad niya nang una ko siyang nakita. Well, di naman ganoon kalayo ang 25 sa 30.

Binalak kong tanungin ang tungkol sa tattoo kaso bigla kong naisip na baka personal ang dahilan sa likod nito kaya di ko na itinuloy. Bukod pa dun ay ayokong isipin niya na tinitigan ko siya nang matagal kaya pati ang maliit na detalye ay napansin ko pa. Yes, I did stare on him pero ayoko ko lang isipin niya yun. That might creep him out.

It didnt take us long waiting for the bus to arrive. Umupo si Jim sa tabi ng natutulog na babae. Lahat ng seat sa ikatlong row ay bakante. Umupo si Ben sa left side. He glanced at me and moved near the window. Looks like he's offering the seat to me. Umupo ako sa tabi niya. Im starting to think of something we can talk about. I thought of asking him where he live and about his wife if he has and I even think of asking him about flowers.

Flowers? really Jethro?

He saved me from overthinking and said, 

"Gusto ko ang katahimikan ng Sta. Isabel. Malayong malayo sa Maynila" with his deep calm voice.

should I say 'oo'?, a plain oo? I have to add 'haha' before oo to sound like Im agreeing in a friendly manner.

But that would end the conversation. And in fact, Ive never been to Manila so how could I agree. Then should I ask 'magulo dun?'

If overthinking kills, Im probably dead now.

"haha oo." kasabay ng matatabang na tawa

"Ngayon alam ko na ang dahilan ni Belle para manatili dito."

"Hindi ko siya masisisi." pagsang-ayon ko.

Sumandal si Ben sa bintana. Mukhang malalim ang iniisip niya habang dumudungaw sa labas. He became silent.

Im thinking of another good topic for a conversation but not a single word came out of my mouth so I just ride the silence.

•••••••••

Halatang giniginaw si Ben na nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng pantalon habang ang isa ay mahigpit ang hawak sa laptop na nakaipit sa pagitan ng bawyang at kaliwang braso.Nakakibit ang balikat niya habang naglalakad. Nang nasa elavator ay saka niya palang tinanggal ang kamay sa bulsa para ipampindot sa numero ng palapag.

Nakarating kami sa fifth floor, tumunog ang elevator at bumukas.

"Pano...see you around." he said.

"I'll be around." I repied.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status