EDWARD MURPHY POV
Habang nakatayo kami ni Harry ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ng mayo. Sa pagpasok ni Claire, parang tumigil ang mundo. Tila bumagal ang bawat hakbang niya, at hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Sa kabila ng simpleng ayos niya, may kakaibang ganda siyang taglay na nagpapawala ng lahat ng ingay sa paligid. Hindi ko alam kung nahuli niya ang tingin ko, pero hindi ko mapigilang mapangiti. "Bro, ay Sir Edward pala, iba yung tingin mo kay Claire, ha," bulong niya sa akin, siniko niya ako ng may pilyong ngiti sa kaniyang mga labi. " Let's see hanggang kelan tatagal yang dahilan mong dahil sa Mommy mo kaya ka nagpakasal, at magkababata pala ah!" pang-aasar niya sa akin. Simpleng napangiti ako sa kaniyang sinabi. Totoo namang napakaganda ni Claire at hindi ko iyon maitatanggi magmula ng may mangyari sa amin alam kong may kakaiba akong nararamdaman para sa kababata ko pero nahihiya akong aminin sa kaniya dahil baka lumayo siya sa akin.Tumingala siya sa akin ng may luha sa mga mata pero may ngiti sa labi.“Hinding-hindi mo iyon pagsisisihan, Arthur.”Yumakap siya nang mahigpit. At sa gabing iyon, wala nang multo mula sa nakaraan. Wala nang pangambang dadalhin. AFTER THREE MONTHSMula ng araw na kinausap ko si Andrew. Isinagawa ko na ang planong ito, ang araw na magbabago sa maling umpisa ng pagsasama namin ni Frances. Kasama ko sa pagbuo ng planong ito ang kapatid niyang si Frank. Nag-send ako ng message kay Frances. “Love, hindi kita masusundo ngayon. Busy ako sa work. Susunod na lang ako sa tagaytay.Si Frank na lang ang susundo sayo pero pramis susunod ako sa dinner out natin. Maliwanag pa rin naman kahit na 5pm na.” Agad naman siyang nag reply sa akin. “Ah, ganuon ba? Okay love, pero sana makasunod ka!”“Oo love, susunod ako”Pagtapos noon ay tinawagan ko na si Frank. Sinundo na niya si Frances habang ako ay naghihintay na sa Tagaytay. Sinigurado ko ding nakaayos na ang lahat.Ilang minuto ang nakalipas a
ARTHUR POVHindi ako palasalita. Hindi ako katulad ni Andrew na kayang ipagsigawan ang nararamdaman niya, kahit sa maling paraan. Ako ’yong tipo ng lalaking hindi kailangang magsalita ng marami para iparamdam kung gaano ko kamahal ang isang tao.Pero huwag mo akong subukan. Dahil kahit tahimik ako, hindi ako papayag na mawala si Frances sa akin. Nalaman ko mula sa receptionist. Ilang beses na raw nagpapabalik balik si Andrew sa opisina ni Frances. Sabi pa nga, minsan may dalang kape. Minsan bulaklak. Akala siguro niya, kapag pinilit niya nang paulit-ulit, babalik sa kanya si Frances.At kahit hindi ako marunong makipag-agawan, marunong akong tumindig sa para sa taong mahal ko. Kaya simula nang malaman ko ang tungkol doon ay araw-araw ko na siyang sinusundo. Hindi dahil ayokong mapunta siya kay Andrew kundi dahil ayokong pabayaan siyang mag-isa habang pinipilit siyang kaladkarin ng isang taong hindi marunong rumespeto sa desisyon niya.Hindi ko kailangan magsalita ng masasakit. Hindi
Akala ko kapag natapos ko nang tanggihan si Andrew, doon na rin matatapos ang lahat ng gulo sa pagitan naming lahat. Mali pala ang akala ko.Pinili ko si Arthur, hindi dahil sa obligasyon ng pagpapakasal, kundi dahil sa pagmamahal. Hindi man siya kasing expressive ni Andrew, tahimik man siya at palaging may laman ang bawat katahimikan niya, ramdam kong mahal niya ako. At higit sa lahat, hindi niya ako ginugulo. Minahal niya ako sa paraang alam niyang magpapagaan sa buhay ko.Pero may mga taong kahit anong paliwanag ko, hindi kayang tanggapin ni Andrew na tapos an ang kabanata sa buhay namin. Nagsimula ito isang linggo pagkatapos ng proposal na tinanggihan ko. Nasa opisina ako noon, abala sa pag-review ng reports para sa quarterly meeting na gaganapin sa susunod na araw, nang mapansin kong may bulaklak na nakapatong sa desk ko. White roses, kaya naman napangiti ako dahil ito ang paborito kong bulaklak. Nang tignan ko ang card kung kanino ito galing ay may nakasulat sa maliit na card
Pagkatapos mang-asar ay naging seryoso naman itong si Ella. "Pero bilang isang malapit na kaibigan, i can say na mas okay si Arthur kaysa may Andrew na puro matapobre ang angkan!" Ngumiti lang ako dahil lumulutang pa rin ako sa alapaap sa aking naramdamang tuwa sa mga nagihing aksyon ni Arthur. ARTHUR POV Samantala, pagkatapos umalis ni Frances sa sikat na branded store na iyon ay nagtungo na si Joey sa cashier para bayaran ang bill, at pagkatapos ay sabay na kaming lumabas ng mall. "Arthur, yung babaeng gumawa ng eksena, ng pangalan niya ay Daniella. Naalala mo nung nakaraan na may nagpupumilit pumasok sa opisina? Siya yun. Siya din ang babaeng nagpadala ng video ng proposal ni Andrew para kay Frances.” "Ganuon ba?." Tugon ko na may kalmadong boses , "sige, magbayad ka ng imbestigador para bantayan ang bawat kilos niya, siguradong may iba siyang pakay para kay Frances kung ganuon, at siguraduhin niyong hindi nila magagalaw ang kahit na anong butil ng buhok ni Frances
Nang tingnan kong muli si Arthur ay hindi niya napigilan ang pagtaas ng gilid ng kanyang bibig. Inisip kong natatawa din si Arthur dahil sa nangyari kay Daniella, kaya't nagtanong ako ng medyo nagulat, "Anong nakakatawa?" "Wala lang , masaya lang ako!." Bahagyang itinaas ni Arthur ang kanyang mga kilay. "Masaya?" "Oo, masaya akong makagastos para sa misis ko." Itinaas ni Arthur ang gilid ng kanyang bibig at tiningnan ako "seryoso ako Frances ng sabihin kong gusto kitang ligawan at bumuo ng memories kasama ka! Alam kong huli na pero gusto kong may mga bagay na tumatak sayo na ginagawa ko para suyuin ka. Bahala na si Frank. Basta masaya ako sa ginagawa ko. Ikaw ang importante sa akin, higit sa sino man at kung ano pa mang mangyari.” Sa harapan ng lahat sinabi lahat ni Arthur iyo, kaya naman hindi ko mapigilang mamula ang aking mga mata. Pakiramdam ko sinadya niya talaga lahat ng iyon para marinig ng mga kaibigan namin. Paanong sasabihin nila na wala pa siyang nakar
"Tinawanan ka kasi... Gusto ko lang ipakita sa kanya na hindi mo kailangang maging hubad ng asawa ko, ako lang ang may karapatang makakita ng kagandahan ng katawan mo! kaya mong bilhin ang kahit anong damit na gustuhin mo." Nabigla ako nang marinig ito. Na touch ako bilang babae at napangiti. Hindi ko inisip na si Arthur ay bibili ng maraming damit para lang mailabas ang galit niya sa pangingielam nitong si Daniella. Naramdaman ko ang kakaibang init sa aking puso. Hindi ko tuloy maintindihan kung ano ang mararamdaman ko, matutuwa ba ako o magagalit dahil sa naging aksyon niya. Bahagyang akong tumingala sa asawa ko ko at malumanay na nakipag-usap. "Okay naman love, gets ko. Nainis ka sa harot na yun, at infairness sayo napangiti mo ako sa aksyon mo. Pero alam mo namang hindi ako mag-aaksaya ng pera ng dahil lang sa mga ganyang bagay. Mas mainam pang i donate ko yung perang iyan sa charity. Okay na ako sa tianggian parehas lang naman ng design. Kaya love, wag ng matigas ang