= JHYMEA POV = Kinuha ni Kian ang kahon ng condom sa kama at binilang ang laman no'n. Doon na siya nakahinga nang maluwag. “Hayyy, may bawas na isa, ibig sabihin, may ginamit ako no'ng may nangyari sa ‘ting dalawa,” pampalubag loob niya sa akin. Magkakasunod siyang napabuntong hininga na para bang nabunutan siya ng pagkalaki-laking tinik sa lalamunan. Napakunot ang noo ko sa kanya. “Ba't ganyan ka maka-react? Eh, hindi naman ikaw ang manganganak?” nagtataka kong tanong sa kanya. Napailing siya. “Hindi naman ‘yan ang iniisip ko. Paano nga kung nabuntis kita? Mukha ka pa namang mambabarang, baka hindi sanggol ang iluwal mo kundi t'yanak,” pang-aasar niya sa ‘kin na sinundan ng malakas na pagtawa. “Aish!” nanggigigil kong sabi sa kanya. Namumuro na talaga ‘tong lokong ‘to sa ‘kin. Sasakalin ko na sana siya pero agad siyang nakatakbo sa dulo ng kama. Rinig na rinig ko pa ang paghalakhak niya. “Ang saya mo, ah,” napipikon kong sabi sa kanya. “Happy pill ko na ata na asarin ka,” n
= JHYMEA POV =Tulala ako habang pinagmamaneho ako ni Kian pauwi sa bahay namin.Iniisip ko pa rin kasi na nakita niya ‘yong pànty kong ‘Good Morning.’ Haaa! Jhymea! Nakakahiya talaga!Anong iisipin niya? Na nagsusuot ako ng pànty na pang-kinder? Binili ko lang naman kasi ‘to kasi makapal ang garter.Kumibot-kibot ang bibig ko na parang gusto kong maiyak. Kung pwede lang talaga na ibaon ko na lang ang sarili ko sa lupa at maging isang patatas.Gulong-gulo pa rin ang isipan ko nang tumunog ang phone ko. Nag-chat pala ang best friend kong si Marinel.‘Jing, aha ka?’ (Translation: Jing, nasaan ka?)Unang chat niya sa akin. Bisaya kasi si Marinel kaya nagagamit niya minsan ang lenggwahe niya. Naging pamilyar na sa ‘kin ang iilan.Iniscroll ko pa ang iba niyang chats at nanlaki ang mga mata ko sa nakita.‘May track and field daw tayo sa subject ni Sir Fererro, besh. Hindi makaka-graduate ang hindi sasali.’“What the—” Agad kong nabitawan ang phone ko dahil sa gulat.Kung kamalasin ka nga
= JHYMEA POV =“Hala, pa'no ‘yan?” nag-aalala kong sabi. Bumaling ako kay Kian. “Hanggang dito ka na lang siguro, lalakarin ko na lang,” suhesyon ko sa kanya at tinanggal ang seatbelt ko.Naningkit ang mga mata niya na parang ‘di siya sang-ayon sa sinabi ko. Pinigilan niya ang kamay ko sa pagtanggal ng seatbelt. “Kaya mo na bang maglakad?” tanong niya sa ‘kin.Napailing ako. “Uhm, h-hindi pa, pero—”“Edi, ihahatid pa rin kita,” agad niyang pagputol sa sinasabi ko. Tila gusto pa nga niyang magmatigas.Bahagya akong natawa sa kanya. “Ang layo pa ng bahay namin, oh. Ano? Paliliparin mo ‘tong kotse mo mula rito hanggang ro'n sa kabilang dulo?” pilosopo kong tanong sa kanya.“Patapos pa naman siguro ‘yan,” napapakamot niyang tugon sa ‘kin saka siya bumaba ng kotse. Nilapitan niya ‘yong isa sa construction workers. Tinanong niya ata kung kailan sila matatapos saka siya bumalik at binuksan ang pinto ng kotse sa tapat ko.“Sa katapusan pa raw sila matatapos,” pagbibigay alam niya sa ‘kin.Nap
= JHYMEA POV = Hinawakan ni Kian ang kamay ko at hinila. “Sakay na,” utos niya sa ‘kin bago siya tumalikod. Bahagya pa siyang umupo. "T-Teka, bakit?” nagtataka kong sabi. “Hmm… piggy back. Bakit? Gusto mo rito na sa kotse ko tumira hanggang katapusan?” pilosopo niyang tugon sa akin. Bahagya kong hinampas ang likod niya na naging dahilan ng pagtawa niya. “Aray!” dàing niya. Napailing ako. Wala talaga siyang kwentang kausap. Umatras ako at tinukod ang siko ko sa ibabaw na bahagi dashboard at nagpangalumbaba. “Paano ‘tong kotse mo? Baka nakawin ‘to rito,” sambit ko sa kanya. I mean, matitino naman ang mga tao rito sa lugar namin pero baka may maligaw na masamang loob, ‘di ba? Mahirap na. “Hay, may GPS ‘yan, tsaka kaya kong bumili ng bagong kotse, kahit sampu pa,” pagyayabang niya at pinagpag pa ang balikat niya. Napaatras ako sa pagiging mahangin niya at natawa. “Ay wow, edi ikaw na,” tugon ko sa kanya at tuluyang sumakay sa likuran niya. “‘Yan,” nakangiti niyang sabi at inayos
= JHYMEA POV =Hanggang makarating na kami ni Kian sa pinto ng bahay namin ay nagpatuloy pa rin ang pag-agaw niya ng atensyon mula sa mga tao sa paligid.May napapadungaw sa bintana. Meron pang naghahampasan at impit na nagtitilian sa mga bakuran nila.Napatingin ako sa mukha ni Kian. Gwapo nga siya, aminado naman ako ro'n, pero hindi ko inaasahan na ganito pala ang impact niya kapag nadayo rito sa amin.Sino ba naman ang mag-aakala na naka-sèx ko na pala ang mala-Adonis na lalaking ‘to? Ngayon ko lang narealize na sobrang haba pala ng bulbòl ko.Naningkit ang mga mata ni Kian nang mapansin niya ang mga tao sa paligid na nahumaling sa angkin niyang kakisigan. Base sa ngiti niya, ay mukhang gustong-gusto niya naman ang atensyong nakukuha niya. Sanay nga ata siya na maraming nagagwapuhan sa kanya.Nagsuot siya ng shades at inilahad ang kamay niya sa ‘kin. “Phone mo,” kaswal niyang sabi.Nagtaka ako sa kanya. “Phone… ko?” naguguluhan kong tanong.Ngumiti siya sa ‘kin saka siya tumango. “
= KIAN POV =“Kian! Inumaga ka na naman ng uwi! Daig mo pa ang mga asong gala sa kanto, ah!” agad na singhal ni Daddy sa akin nang makita niya akong pumasok sa living room. Tinupi niya ang hawak na d'yaryo at inilapag ‘yon sa mesa. Tumayo siya at lumapit siya sa ‘kin.Nababagot akong bumaling sa kanya. "What's the big deal now? Are you trying to be a good father? Hindi baga—”PAK!“Oh, my God! Harri!” napasigaw si Mommy matapos akong suntukin nang malakas ni Daddy. Agad siyang lumapit sa akin at sinuri ang gilid ng labi kong dumudugo.Pinahid ko ang sugat ko gamit ang likod ng kamay ko.“Wala kang utang na loob! Nakapagtapos ka lang ng pag-aaral ay yumabang ka na! Pinagmamalaki mo ‘yang mga naabot mo sa buhay? Without my surname, you are nothing compared to trash! Itatak mo ‘yan sa kokòte mo!” pangaral niya sa ‘kin sabay duro sa sintido ko.Tahasan akong tumitig sa mga mata niya. “A trash? Ni hindi mo nga magawang gampanan ang tungkulin mo bilang asawa at ama. Nauubos ang oras mo sa ka
= JHYMEA POV = “Aray, shòtek!” dàing ko nang maramdaman ko na naman ang pangingirot ng pechay ko. Sinikap kong humiga sa couch ng sala namin at kung saan-saan pa kumapit bago ako nakapuwesto. Bwìsit talaga ang Kian na ‘yon. Isinagad ata ‘yong talong niya sa kadulu-duluhan ng matres ko.Napaisip ako at napaawang ang bibig. Paano niya kaya ako binalibag at pakiramdam ko'y wasak na wasak ako? Mukhang matindi nga ang tama sa akin ng aphrodisiacs at sandamakmak na vodka dahil wala talaga akong maalala. Sumasakit pa ang sintido ko.“Uy, ‘di ka pa nagbibihis. Kararating mo lang ba?” gulat na tanong sa akin ng kapatid kong si Jace na kakalabas lang ng kwarto niya. Kahit naghihikab at magulo pa ang buhok ay nakatutok na agad ang mga mata niya sa telepono niya para maglaro ng Mobile Legends.Mabigat akong huminga. “Hay, dumilehens'ya ako. May balance ka pa sa school niyo, ‘di ba? Oh,” pag-aabot ko sa kanya ng 30,000 na binayad sa akin ni Nexie. Akin na siguro ‘tong sobra. Pambayad rito sa b
= KIAN POV = [One, two, three, four, five Everybody in the car, so come on, let's ride To the liquor store around the corner The boys say they want some gin and juice But I really don't wanna] Pagkapasok ko pa lang sa kwarto ni Nexie ay bumungad agad sa akin ang kantang Mambo No. 5. Hindi ko maintindihan pero parang napapaindak ang paa ko. May kung anong ala-ala na bumabagabag sa isipan ko na tinutukso ang beywang ko na umindayog. Naningkit ang mga mata ko na pinipilit na mag-isip. Napahimas ako sa baba ko. Sinayaw ko ba ang kantang ‘yan? Saan? Parang sumasakit ang ulo ko sa pagkalkal ng mga ala-ala ko no'ng nakaraan. Nagtuloy-tuloy ako sa pagpasok sa kwarto ni Nexie at nadatnan ko siya sa kama niya. Nakatànga siya sa harap ng telepono niya at halos hindi na maisubo ang hawak na chips dahil dalang-dala siya sa pinapanood niya. Kalaunan ay napapigil siya ng tawa na para bang kilig na kilig. Bahagya tuloy akong natawa sa inasta niya. “Ano ‘yan?” tanong ko sa kanya, dahilan