Hello po, kumusta po kayo. Maraming salamat po sa pag-add ng story na ito sa library niyo. Sana po ay samahan niyo ako hanggang sa dulo. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️.
“Kuya, papasukin niyo na po ako.” Sabi ni Nathalie sa guard na nagbabantay sa labas ng bahay nila. Nandito siya ngayon dahil nais niyang makausap ang mommy niya. “Sorry po, Miss pero hindi po kayo puwedeng pumasok. Mawawalan po ako ng trabaho,” sagot ng guard sa kanya. “Kuya, bibigyan kita ng trabaho. Hayaan mo lang ako na makausap ko ang mommy ko,” pag-kumbinsi pa niya sa guard. “Miss, sorry po talaga. Pero hindi po puwede,” pagtanggi nito sa kanya. Mabilis namang tinawagan ni Nathalie ang asawa niya. Naka-loudspeaker pa ito para siguradong marinig ng guard. “Hello hon,” saad niya kay Rafa. “Yes, hon may problema ba?” “Hon, ayaw kasi akong papasukin dito sa bahay namin. Mawawalan daw ng trabaho ‘yung guard. Okay lang ba na bigyan mo siya ng trabaho tapos 50k ang sahod?” Tanong niya sa asawa niya. “Sure hon, katunayan ay naghahanap si mommy ng guard ngayon sa bahay.” Sagot naman ni Rafa sa kanya. “Okay, hon. Thank you and i love you,” malambing na sabi niya bago ibinaba ang ta
“Anong sinabi mo?!” galit na tanong ni Arthur sa kanyang asawa. “Alam ko na narinig mo ang sinabi ko kaya hindi ko na kailangan pang ulitin.” Sabi naman ni Lora sa lalaki. “Ang kapal ng mukha mong paglaruan ako!” Sigaw nito sa kanya. “Pinaglaruan mo rin ako! Sa tingin mo ba hindi ko alam? Alam ko na matagal mo na akong niloloko. Gusto mo malaman kung ano pa ang sikreto ko. Hindi mo anak si Nathalie. Nagtiis ako dahil kailangan kong gawin. Kaya oras na saktan mo ang anak ko, makikita mo kung ano ang kaya kong gawin sa ‘yo.” may pagbabanta na sabi niya kay Arthur. “Hindi mo ako matatakot! Ngayon na alam ko na ang lahat ay magbabayad ka sa akin! Lalo na ang anak mo!” Galit na sabi ni Arthur kay Lora. “Huwag mong susubukan ang hangganan ng pasensya ko. Akala mo ba hindi ko alam na ang daddy mo ang pumatay sa daddy ko. Ilang araw na lang malalaman mo rin ang dahilan kung bakit ko pinalabas na kasal tayo.” Kalmado niyang sabi bago umakyat sa silid nila. Galit na galit si Arthur.
“Hindi po ‘yan totoo daddy,” umiiyak na turan ni Nathalie. Hindi kasi siya makapaniwala sa narinig niya. Paano nito nasabi na hindi siya nito anak? Ganito ba ito kagalit sa kanya? “Totoo dahil ang malandi mong ina ang nagsabi sa akin. Siguro dahil hindi naman tayo tunay na magkadugo ay puwede kitang maging isa sa mga babae ko.” Nakangising sabi ni Arthur. Kinilabutan naman si Nathalie sa Narinig niya. Umahon ang galit sa puso niya. Ang lahat ng mga ginawa sa kanyang ni Arthur. Doon niya napatunayan na hindi nga niya ito tunay na ama. Dahil kung ama niya ito ay hindi nito sasabihin ang ganoong mga salita. Mas matatanggap pa ni Nathalie na saktan siya nito pero ang ganoong mga salita ay kinilabutan siya bigla. “Hayop ka! Nagpapasalamat na ako ngayon na hindi ikaw ang naging tunay kong ama. Wala kang kwenta! Hayop! Hayop ka!” Nanginginig sa galit si Nathalie sa narinig niya mula sa matanda. “Titikim lang naman ako eh. Gusto ko lang malaman kung gaano ka kasarap. At kung bakit bigla
Hindi man nais ni Rafa na makitang nalulungkot ang kanyang asawa ay wala siya magawa. Alam niya na nahihirapan ito ngayon. Lalo na sa dami ng nangyari noong nakaraan. “Hon, sasama ka ba sa akin. Papasok na ako sa office?” Tanong niya sa asawa niya. “Hindi na hon, dito na lang ako sa bahay.” sagot naman ni Nathalie. “Gusto mo bang mamasyal tayo?” Tanong niya ulit kay Nathalie. “Hon, I’m fine, no need to worry about me. I’m totally fine, pumasok kana sa office. Tatawag ako kapag may kailangan ako sa ‘yo.” Sabi ni Nathalie sa kanyang asawa. “Are you sure hon?” “Opo, magluluto ako lunch mamaya. Pupunta ako sa office mo para sabay tayo mag lunch.” Nakangiting turan ni Nathalie kay Rafa. “Okay hon, sarapan mo ha. Dapat kasing sarap mo rin, hahaha!” Pabirong sabi ni Rafa sa asawa niya. “Hahaha! Opo, pero hon. Paano kung mas masarap pa rin ako?” Natatawa niyang tanong sa asawa niya. “Fvck! Parang ayaw ko ng pumasok sa trabaho hon.” “Hahaha! Pumasok ka na po nagbibiro lang ako hon.
“Sabi ko na nga ba may hidden agenda talaga ang bruha na ‘yun.” Saad ni Nathalie sa kanyang asawa. Ramdam niya na may kakaiba pero mas pinairal niya ang awa.“Kaya sabi ko sa ‘yo na huwag kang magtiwala sa kanya, diba?” Sagot naman ni Rafa sa kanyang asawa. Kilalang-kilala na niya ito at wala talaga siyang tiwala sa babae. Isa itong gold digger dahil matatandang mga lalaki ang madalas na kasama nito. Oo babaero siya pero ni minsan ay hindi gusto ni Rafa na makipags*x sa babaeng lahat ay nakatikim na. May taste siya pagdating sa babae. Nagbago lang ang lahat noong nakilala niya si Nathalie.“Opo, alam ko naman ‘yon pero naaawa kasi ako sa kanya.” Naka-pout naman na sabi ni Nathalie kaya kaagad namang hinalikan ni Rafa ang labi ng kanyang asawa.“Be careful in trusting others,” kinurot ni Rafa ang pisngi ng kanyang asawa at niyakap niya itong ng mahigpit dahil nakaupo ito sa kandungan niya.“Kumain na nga lang tayo hon, nagutom ako sa drama ng buhay ni Cheska. Kasalanan mo talaga ito.” p
“Thank you hon,” malambing na bulong ni Nathalie sa kanyang asawa. Kasalukuyang nasa Canada ang mag-asawa. Mahilig si Nathalie sa kdrama kaya gustong-gusto niyang makapunta sa Canada para sa maple leaf. Nagpost silang mag-asawa para sa random pictures nila. At para na rin souvenir at mai-add nila sa mga memories na meron sila. “I love you,” malambing na bulong ni Rafa sa tainga ng kanyang asawa kaya. Ang ganda ng ngiti ni Nathalie sa larawan nila. Halatang inlove sila sa isa’t-isa, saktong-sakto rin ang pagclick ng camera kaya talagang maganda ang mga kuha nila. “I love you so much honey…” Malambing rin na bulong ni Nathalie at niyakap ng mahigpit ang kanyang asawa. “Let’s drink coffee,” yaya ni Rafa sa kanyang asawa. Kumapit naman si Nathalie sa braso ng kanyang asawa. At masaya silang naglakad papunta sa isang coffee shop. Masaya nilang pinagsaluhan ang mainit na kape sa malamig na klima ng Canada. Nag-ikot pa sila hanggang sa inabot sila ng gabi. Nagdinner sila pagkatapos ay b
WARNING MATURED CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK!*HONEYMOON*“H-Hon, kanina ka pa ba d’yan?” nauutal na tanong ni Nathalie sa kanyang asawa na kasalukuyang nakatayo sa kanyang harapan.“Ayaw mo ba akong kasabay maligo? Hindi mo kasi ako niyaya,” may himig ng nagtatampo sa boses ni Rafa.“Hindi naman sa ganun, hon. Sorry po, nahihiya lang kasi ako. Paano ba naman kasi? Ako pa pala ang nagyaya sa ‘yo na magpakasal pero ako pa ang may gana na magtampo at maglayas.” Nakangusong saad ni Nathalie.“Bakit ka naman mahihiya? Ang totoo niyan, naunahan mo lang ako na yayain ka. Naawa rin naman ako sa ‘yo noon kaya gusto sana kitang tulungan.”“Pero bakit mo ako inalok ng kasunduan na maging fvck buddies tayo?” Tanong ni Nathalie sa kanyang asawa.“Dahil wala akong maisip na paraan para manatili ka sa tabi ko. Dahil ang totoo ay gustong-gusto ko ng magpakilala sa 'yo na asawa kita." Sagot naman ni Rafa.“Nakakaloka ka naman, pasalamat ka crush kita.” Pabirong sabi ni Nathalie.“Kaya nga honey, ha
“Are you ready?” Tanong ni Rafa sa kanyang asawa.Kakarating lang nila galing sa honeymoon at sa bahay ng parents ni Rafa sila tumuloy. 'Yon din kasi ang sabi ng mommy niya. Ramdam ni Rafa na kinakabahan ang kanyang asawa. Dahil na rin sa unang pagkikita ng mga ito. Hindi maganda ang pagtanggap ng mommy niya kay Nathalie. “Kinakabahan ako, hon.” Sagot ni Nathalie kay Rafa.“Magiging maayos ang lahat. Hindi na galit si mommy, alam na niya ang totoo.” Pagpapa-kalma ni Rafa sa kanyang asawa, ramdam niya ang kaba nito dahil sa nanlalamig ang mga kamay nito.Ngumiti na lang si Nathalie para mabawasan ang kaba na nararamdaman niya. Hawak kamay silang pumasok sa loob ng mansiyon ng mga Blake. Nakita niyang pababa sa hagdan ang mommy ng kanyang asawa. “Nathalie,” salubong ng mommy ni Rafa sa kanya.“Magandang gabi po, Madam.” kabadong bati ni Nathalie sa kanyang biyenan.“Mommy, ang itawag mo sa akin anak.” Nakangiting sabi nito.“Okay lang po ba na mommy ang itawag ko sa inyo?” Hindi makapa