Share

Play with me, Mr. Rafa
Play with me, Mr. Rafa
Author: CALLIEYAH JULY

Chapter 1

last update Last Updated: 2023-02-12 19:38:08

"Hindi po ako magpapakasal daddy!" Umiiyak na pahayag ni Nathalie sa kanyang ama.

"Anong hindi? Magpapakasal ka sa ayaw at gusto mo!" Galit na sigaw ni Arthur sa anak.

"Pero hindi ko po siya mahal! Daddy, please hayaan niyo na lang po ako." Halos magmakaawa na si Nathalie sa kanyang ama.

Pak!

Mabilis na sinampal ng kanyang daddy si Nathalie. Napaiyak ito sa lakas ng pagkakasampal sa kanya. Hindi ito ang unang beses na binagbuhatan si Nathalie ng kanyang ama. Tuwing nagagalit ito ay palagi niyang sinasaktan si Nathalie.

"Buo na ang desisyon ko. Sa ayaw at sa gusto mo ay magpapakasal ka kay Jerome. H'wag mo akong ginagalit dahil masasaktan ka lang!" Sabi ng kanyang daddy bago ito lumabas sa kanyang silid.

Umiyak ng umiyak si Nathalie, napaupo na lang siya sa sahig. Hindi niya matanggap na ipapakasal siya ng kanyang ama sa lalaking hindi naman niya mahal. Kailangan niyang umalis. Hindi siya papayag na maikasal sa lalaking hindi naman niya mahal.

Kakatapos lang niya sa kolehiyo kaya siguradong makakahanap siya ng trabaho. Pinunasan niya ang mga luha sa mga mata niya. Mabilis na pumasok si Nathalie sa kanyang walk in closet para mag-impake ng mga gamit. Napatigil siya sa kanyang ginagawa dahil hindi niya alam kung paano siya makakatakas.

Wala siyang kaibigan na puwede niyang hingian ng tulong. Kailangan niyang gumawa ng plano. Hindi puwedeng magpakasal siya kay Jerome. Kahit mamatay pa siya ay hindi niya nais na makasama ito.

Anak ito ng isang politiko. Politikong kilala bilang isang kurap. Higit sa lahat ayaw niya rito dahil kilala itong babaero at nanakit ng mga naging kasintahan nito. Kaya nais siyang ipakasal ng kanyang ama dahil pangarap ng kanyang ama na tumakbo rin bilang isang opisyal sa kanilang probinsya.

"Nathalie, anak puwede ba kitang makausap?" Tanong ng kanyang mommy kay Nathalie.

Malungkot na tumingin si Nathalie sa kanyang ina.

"Para saan mom? Para kumbinsihin rin ako na magpakasal kay Jerome. Mom, I don't love him. Hindi ko siya mahal. Bakit hindi niyo 'yon naiintindihan." Umiiyak na sabi niya sa kanyang mommy.

"Anak, sorry, kung kaya ko lang. Kung may magagawa lang ako ay hindi ko hahayaan na maikasal ka sa lalaking 'yon." Umiiyak na sabi ng mommy ni Nathalie.

"May magagawa ka mom."

"Ano iyon anak?" Naguguluhang tanong ng ina ni Nathalie.

"Tulungan niyo po akong makatakas dito. Nais ko pong umalis. Sawa na po akong sumunod sa lahat ng gusto niyo. Simula noong bata pa ako hanggang ngayon sinusunod ko kayo. Paano naman po ang gusto ko?" Umiiyak ito sa kanyang mommy.

"Anak, hindi ko alam king kaya ko ba ang hinihiling mo."

"Alam ko naman po mom na hindi niyo ako tutulungan. Ano pa bang aasahan ko sa inyo diba? Eh mas mahal niyo pa nga ang pinsan ko kaysa sa akin eh. Si Cheska matalino, si Cheska mabait, si Cheska maasahan. Puro na lang kayo Cheska. Hindi ba puwedeng ako naman. Ako naman po. Lahat ng kasalanan ni Cheska ako, ako lagi ang pinapagalitan ni daddy kahit hindi naman ako ang may kasalanan. Hayaan niyo mom, kapag nakaalis ako dito. Hinding-hindi na ako babalik pa. Nagpapasalamat ako dahil ipinanganak niyo ako, binihisan, pinakain at pinag-aral pero sana isinama niyo rin ang pagmamahal. Para sana naramdaman ko naman."

Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lang naisatinig ni Nathalie ang lahat ng kanyang hinanakit. Ang lahat ng sakit na nasa puso niya. Alam niya na mali pero hindi niya maiwasang masaktan. Pinaparamdam sa kanya na mas mahal ng mga magulang niya ang kanyang pinsan.

"Mahal kita anak," saad ng mommy ni Nathalie sa kanya.

"Pero hindi ko naramdaman mom. Sana kahit ngayon lang iparamdam niyo sa akin na mahal niyo ako. Hayaan niyo po akong umalis. Gusto ko pong mabuhay sa paraan na nais ko."

"Iyon ba ang talagang gusto mo? Iiwan mo na ba talaga ako dito?" Tanong sa kanya ng kanyang ina.

"O-Opo," umiiyak na sagot ni Nathalie sa kanyang ina.

"Sige, bukas ng gabi ay makakaalis kana." Malungkot na sabi nito bago lumabas sa silid ng dalaga. Naiwan naman si Nathalie na hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Pakiramdam niya ay mali ang gagawin niya. Biglang nakonsensiya si Nathalie sa mga sinabi niya. Pero buo na ang desisyon niya. Aalis na siya sa bahay na ito at pupunta sa malayong lugar.

Kinabukasan ay maagang gumising si Nathalie. Hindi na niya kayang maghintay pa ng gabi. Dahan-dahan siyang lumabas sa kanyang silid.

"Saan ka pupunta?" Nagulat si Nathalie dahil biglang humarang sa kanyang harapan si Cheska.

"Cheska, hayaan mo na lang akong makaalis dito. Nasa iyo na ang lahat kaya hayaan mo na lang ako. Ano pa ba ang gusto mo?" Tanong niya dito.

"Gusto ko, ang lalo kang mahirapan haha! Tito! Tito! Si Nathalie po tatakas! Sigaw nito sabay katok ng malakas sa silid ng mga magulang ni Nathalie.

Mabilis namang bumaba si Nathalie sa hagdan pero kaagad siyang nahuli ng mga tauhan ng kanyang mga ama. Mabilis na bumaba ang ama ni Nathalie. Hindi ito nagdalawang isip na sampalin si Nathalie.

"Ang lakas ng loob mong tumakas! Balak mo pa akong ipahiya sa pamilya ni Jerome!"

"Daddy, ayaw ko pong magpakasal sa kanya. Parang awa niyo na po daddy, ayoko po." Umiiyak ito at nagmamakaawa sa kanyang ama. Samantala ang kanyang ina ay walang tigil sa pagtangis.

"Ipasok niyo siya sa silid niya at huwag niyong palabasin!" Utos ng daddy ni Nathalie sa kanyang mga tauhan.

"Bitawan niyo ako! Daddy, huwag po! No, dad don't do this to me. Please!" Lumuhod na si Nathalie sa harapan ng kanyang ama.

Para itong bingi na walang narinig. Umakyat ito pabalik sa kanilang silid. Naiwan si Nathalie kasama si Cheska na may malawak na ngiti sa kanyang labi.

"You look great lalo na kapag nakaluhod," nakangising sabi ni Cheska bago ito umalis.

Naikuyom naman ni Nathalie ang kanyang mg kamay sa galit. Ipinapangako niya makakaalis rin siya sa lugar na ito. Hinatak si Nathalie ng mga tauhan ng daddy niya at mabilis na ipinasok sa kanyang silid.

She's hopeless lalo na noong narinig niya ang tunog ng kandado sa labas ng kanyang pintuan. Walang ibang nagawa si Nathalie kundi ang umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog na lang ito.

"Anak, anak gising." Ginigising si Nathalie ng kanyang ina.

"Bakit po mommy?"

"Bilisan mo na kailangan mo ng tumakas." Sagot ng ina ni Nathalie sa kanya.

"Po? Paano po?" Naguguluhang tanong nito sa ina.

"Bilisan mo anak hangga't hindi pa sila gumigising," natatarantang utos sa kanya ng kanyang mommy.

"Mommy, paano ka po? Sorry po mommy, mahal na mahal po kita. Hindi ko po kayng umalis na nandito ka pa." Umiiyak na turan ni Nathalie sa kanyang ina.

"Lagi mong tandaan anak, mahal na mahal kita. Sige na umalis kana, mag-iingat ka." Umiiyak ito habang kinakausap ang kanyang anak na si Nathalie.

"Mommy," umiiyak na sambit ni Nathalie.

"Sige na anak, magkikita pa tayo pangako."

"Opo, mommy babalikan po kita. Pangako po 'yan." Umiiyak na sabi ni Nathalie bago lumabas sa kanyang silid.

Pero kakalabas pa lang niya ay narinig niyang sumigaw ang isang tauhan ng daddy niya.

"Hanapin niyo! Malilintikan tayo sa ginagawa niyo eh!" Sigaw ng mga tauhan ni Arthur para hanapin si Nathalie.

Nagtago naman si Nathalie sa madamong bahagi dito sa loob ng kanilang villa. Maghahanap siya ng tiyempo kung paano makakatakas sa mga ito.

Hanggang sa may natanaw siyang sasakyan. Mabilis siyang tumayo sa gitna par harangin ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Gene Balleber Largosa
Tika anak ba ito. ni caye at Luke dko p xa nababasa tinitingnan ko lng
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
grabe Naman Ang ama ni Nathalie anak ba talaga siya
goodnovel comment avatar
giselle papelera
hi frenny, ari nako sa goodnovel para ma follow talang ka hehe...musta na?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Play with me, Mr. Rafa    WAKAS / FINALE

    NATHALIE’S POV Nagising ako ako dahil sa ingay na naririnig ko. At bumungad sa akin ang mga hindi pamilyar na mukha. Kaya naman bumangon na ako. “Good morning, sissy.” nakangiti na mukha ni Caye ang bumungad sa akin. “Good morning.” bati ko rin sa kanya. “Shower kana,” utos niya sa akin. “Bakit? At sino ang mga kasama natin?” tanong ko sa kanya. “Glam team sila. Sila ang mag-aayos sa atin.” sagot sa akin ni Caye kaya naman nagtataka na ako. “Glam team?” kunot noo na tanong ko sa kanya. “Kasal ngayon ni Trina. Siya na ang nag-adjust para sa ‘yo. Alam niya kasi na pagod ka kahapon sa binyag ni baby.” sagot niya sa akin. “Bakit ngayon ko lang nalaman na ikakasal siya?” nagtataka na naman na tanong ko. “Busy ka kasi kaya ganun. Pero handa naman na ang lahat. White and pink ang theme kaya naman handa na ang damit mo.” “Okay, sige maligo lang ako.” sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng banyo. Nalilito man ay mas pinili ko na lang na hindi na magtanong ng magtanong. Naka

  • Play with me, Mr. Rafa    Chapter 57

    Pagkatapos ng balita tungkol kay Arthur ay muling naging laman ng balita ang pamilya nila Jerome. Ibinunyag na kasi ang lahat ng masamang gawain nila at twenty years ang naging sentensya sa kanila. At nagpapasalamat naman ang mag-asawa dahil magiging tahimik na ang buhay nila. Dahil wala na ang taong may matinding galit sa kanila. Umaasa sila na sana ay magbago na ang mga ito. Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi man lang nila namalayan na kabuwanan na pala ni Nathalie. “M–Mommy, manganganak na po yata ako.” saad ni Nathalie sa kanyang ina na si Lora. “Okay, anak. Pumunta na tayo sa hospital. Doon na natin papuntahin si Rafa.” sabi nito sa kanya. “S–Sige po,” nahihirapan na sagot niya. Masakit ang balakang niya. Pati na ang buong tiyan niya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa katawan niya. Pero isa lang ang alam niya manganganak na siya. Nasa trabaho si Rafa kaya naman susunod na lang ito sa kanila. Ayaw pa sanang pumasok ng kanyang asawa pero ayaw naman ni Nathalie na

  • Play with me, Mr. Rafa    Chapter 56

    Naging maayos ang lahat. Nakalabas na sa hospital ang daddy ni Nathalie. Mas minabuti ng daddy niya na sa kanila na lang muna tumira para hindi siya mag-alala. At mas pabor naman ito sa kanya. Para naman namomonitor niya ito. Alam kasi niya na nanghihina pa ang daddy niya. “Daddy, sigurado po ba kayo na wala na kayong nararamdaman? Ang ulo mo, hindi na ba sumasakit?” nag-aalala na tanong niya sa daddy niya. “Anak, I’m fine. Malakas pa ako sa kalabaw.” natatawa na sagot ni Xacto sa kanyang anak. “Naninigurado lang ako, daddy. Ayaw ko na kayong makita na ganun. Natakot ako e, sobrang takot ako na iwan niyo ako. Hindi pa po kasi ako ready na mawala ka.” umiiyak na siya ngayon. “Shhh… Don’t cry, lagi mong isipin na hindi natin hawak ang buhay natin. Pero sino ba ang may gusto na mamatay? Wala, dahil lahat tayo gustong makasama ang mga mahal natin sa buhay. Ikaw, ang mommy mo at ang mga apo ko. Gusto ko pa kayong makasama, anak. Mahal na mahal ko kayo at hangga’t buhay ako ay gusto kong

  • Play with me, Mr. Rafa    Chapter 55

    WARNING: MATURE CONTENT. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! PLEASE READ AT YOUR OWN RISK!Pagpasok nilang dalawa sa loob ng silid nila ay mabilis na siniil ni Rafa ng isang mapusok na halik ang labi ni Nathalie.Para sa kanya ay sino ba ang ayaw sa ganito. Sa totoo lang ay gusto niyang inaangkin ang asawa niya. Palagi lang niyang inaalala na buntis ito at kailangan ng pahinga. Pero kung hindi siguro ito buntis ay gabi-gabi niya itong aangkinin kagaya ng ginagawa nila noon.“Ohhhh,” ungol ni Nathalie nang bumaba ang halik ni Rafa sa kanyang leeg. Habang ang kamay nito ay nasa kanyang dibdib.Sin*psip nito ang balat niya. At wala naman siyang ibang ginawa kundi yakapin ang kanyang asawa. At hayaan ito sa mga nais nitong gawin. Gustong-gusto niya ang ginagawa nito sa kanya. Lalo na ngayon na natatakam talaga siya sa asawa niya.Hinawakan niya ang necktie nito at hinila niya papunta sa kama nila. Tinulak niya si Rafa. Napahiga naman ito at nakatingin sa asawa niya. Hinubad ni Nathalie

  • Play with me, Mr. Rafa    Chapter 54

    Maagang umuwi si Rafa dahil nami-miss na siya ng asawa niya at ganoon rin naman siya. Nais raw nito na kumain ng saba na saging kaya naman dumaan muna siya sa palengke. Pero hindi niya inaasahan na sa pag-uwi niya ay maiinis ito sa naging sagot niya. Napa-buga na lang siya ng hangin dahil naalala niya na buntis pala ito. Mabilis niya itong hinabol at niyakap mula sa likuran. Ayaw niya kasi na naiinis o nagtatampo ito sa kanya. “I’m sorry, hon. Huwag ka ng magalit. I miss you so much, honey.” Malambing na saad ni Rafa sa kanyang asawa. “Kasi naman nakakainis ka. Para kasing napilitan ka lang sa sagot mo.” Sabi pa ni Nathalie sa kanya. “Kahit kailan po ay hindi ako napilitan sa ‘yo. I love you, honey. Bihis lang ako tapos mag-grill na tayo ng mga saba mo.” malambing na sabi niya sa asawa niya. “Okay,” parang bata na saad ni Nathalie. Mabilis namang umakyat si Rafa sa kanilang silid para magbihis. Pagkatapos niyang magbihis ay bumaba na ulit siya. Siya na ang mismong nag-grill ng mg

  • Play with me, Mr. Rafa    Chapter 53

    NATHALIE’S POV Naiwan akong nakaupo dito sa living dahil umalis na si Rafa para maghatid ng niluto kong soup sa bahay nila mommy. Habang naghihintay ako sa pagbalik ng asawa ko ay binuksan ko ang tv dahil masyadong nakakabingi ang katahimikan. Hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin na balita. “Kasalukuyang inaresto ang anak ni Mayor Cruz. Ang anak niya na si Jerome Cruz isang businessman at CEO ng Cruz Inc.” rinig ko na sabi sa balita. “Sir, ano po ang masasabi niyo? Totoo po ba ang mga paratang sa inyo?” tanong ng isang reporter kay Jerome. “Walang katotohanan sa mga paratang nila sa akin. Alam ko na ikaw ang may pakana ng lahat ng ito. I’ll show you na mali ang paratang mo sa akin.” galit na sabi niya at alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Sigurado ako na may kinalaman ang asawa ko. Lalo na narinig ko noong nakaraan na si Jerome ang may kagagawan ng mga kaguluhan sa Bartel. Pinatay ko na ang tv dahil naiinis lang ako. Kahit na saang chanel ay si Jerome ang laman ng balita. M

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status