Share

Played by Mafia & Billionaire
Played by Mafia & Billionaire
Penulis: Nelia

Derie May Pov

Penulis: Nelia
last update Terakhir Diperbarui: 2024-05-20 15:08:05

Ako si Derie May Vegaz, 20 taong gulang, Ulilang Lubos at kasalukuyan na nagtratrabaho bilang isang florista sa isang kilalang flowershop sa lugar namin.

Ipinanganak akong bulag mula pa noong pagkabata ko kaya kahit kailan ay hindi ko nasilayan ang mga mukha ng magulang ko. Namatay ang inay ko noong ako ay ipinanganak. Ang tatay ko lang ang nakasama ko at nagpalaki sa akin. Si Angelito Vegaz, isang mangingisda. Sa pamamagitan ng pangingisda ay itinaguyod niya ang pag-aaral ko. Bagamat hindi ko nakikita ang klase ng buhay na mayroon kami, alam ko at ramdam ko na mahirap lang kami.

Kahit na dalawang beses lang kami nakakakain ng ama ko sa isang araw at minsan ay natutulog kami ng kumakalam ang sikmura, masaya pa rin kami ng itay. Palagi niyang sinasabi sa akin na balang araw ay papabor din sa amin ang tadhana. Ang importante raw ay magkasama kami.

Mahal na mahal ko ang itay ko dahil palagi niyang pinaparamdam sa akin ang kaniyang pag-aalaga. Hindi ko man nakikita pero ramdam ko iyon.

"Anak, konting tiis pa. Hindi ako titigil sa pagtratrabaho hanggang hindi ako nakakaipon ng pampaopera mo. Pangako iyan, anak. Hindi habang buhay ay bulag ka." wika ng itay sa akin. Ang malumanay niyang boses ay nagbibigay sa akin ng kapanatagan.

"Okay lang, itay. Maraming Salamat po sa lahat-lahat. Hindi niyo naman po kailangang madaliin ang pag-iipon. Huwag niyo pong aabusuhin ang sarili niyo. Paano na lang po ako kapag nawala kayo?" Sagot ko naman. Ramdam ko ang pagod ng itay sa araw-araw. Base kasi sa mga naririnig ko ay hindi madaling makipagsapalaran sa dagat. Lalo na at may edad na ang itay. Alam kong napapagod din siya hindi niya lang sinasabi.

"Anak, matanda na ako. Hindi habang buhay ay nasa tabi mo ako. Kailangan ko nang puspusin ang pag-iipon. Gusto kong makakita ka na, Anak. Gusto kong makita mo ang ganda ng mundo."

Isang mahigpit na yakap ang iginawad sa akin ng itay matapos kong maging emosyonal sa mga sinabi niya. Tama nga naman. Paano na lang kung mawala ang itay sa piling ko habang bulag pa rin ako?

"May awa po ang Diyos, itay. Hindi niya po tayo pababayaan.

____________________

Kinse anyos ako noong natupad ang pangarap namin ng itay na ma-operahan ako. ika-labing limang kaarawan ko noon noong una kong masilayan ang mundo. Ang sabi ng itay sa akin ay Ang Gobernador daw ang magbibigay ng pera sa itay para ma-operahan ako. Sobrang saya ko noon nang makita ko ang aking itsura sa repleksyon ng salamin. "Ang ganda ko pala. Ito pala ang aking mukha." wika ko noon sa aking isipan matapos kong makita ang aking mukha. Dati kasi ay isip ako ng isip kung ano ang aking itsura. Tama pala ang palaging sinasabi ng itay, na maganda nga raw ako.

Speaking of itay, Agad ko siyang hinanap sa mga Doktor. Excited na kasi akong makita kung ano ang itsura ng itay ko. Ang alam ko kasi ay kasama ko siya na nagtungo dito sa Maynila. Akala ko rin ay siya ang unang taong makikita ko kapag ako ay nakakita ngunit bakit kaya wala siya sa aking tabi ngayon?

"Ang itay ko po? nasaan po siya?" tanong ko sa mga Doktor na tumitingin sa akin.

"Ang itay mo? Nagpaalam siya kagabi din na uuwi lang daw sa inyo. Ang sabi niya ay kukunin niya raw ang pera na ipinangako ng Gobernador sa kaniya. Baka pabalik na rin yon. Intayin mo na lang."

"Ganu'n po ba? Sige po. Maraming maraming salamat po sa inyo. Salamat po at sa wakas ay nakakita na ako. Isa po kayong hulog ng langit." Abot-abot ang pasasalamat ko sa mga Doktor na nag-opera sa akin. Kulang na lang ay mayakap ko sila sa sobrang tuwa.

"Walang anuman iyon, iha. Congratulations. Basta ingatan mo ang mga mata mo, ha. Siguradong matutuwa ang Itay mo pagbalik niya. Alam mo bang ilang taon na siyang pabalik-balik dito at tanong nang tanong tungkol sa kung magkano aabutin ang operasyon niyo. Masaya kami at sa wakas ay natupad na ang pangarap sa iyo ng ama mo. Oh, paano? maiwan ka na muna namin. Kung may problema. pindutin mo lang ang dilaw na buton diyan sa gilid mo."

"Opo. Maraming Salamat po."

Iniwan na ako ng mga Doktor sa aking silid at ako naman ay muling dinampot ang salamin. Hangang-hanga ako sa kung gaano kaganda ang babaeng nakikita ko sa salamin. Hindi ako makapaniwala na ito na talaga, nakakakita na ako.

Nag-intay ako buong araw sa pagdating ni Itay ngunit hindi siya dumating. Kinabukasan ay lumabas na discharges paper ko pero wala pa rin ang Itay. Kahit ang Doktor ay nagtataka na rin kung bakit hindi na ako binalikan ng Itay. Wala rin daw iniwan ng contact number ang itay kaya hindi nila alam kung paano ito kokontakin gayong pwede na akong lumabas ng Ospital.

At dahil nga nabanggit ng Itay ang pangalan ng Gobernador na sinasabi nitong sasagot ng pang Opera ko ay naisip ng Doktor na ito ang tawagan. Dito na namin nalaman kung ano ang tunay na nangyari sa itay at bakit hindi na ito nakabalik dito sa Maynila.

"Ano po ang sabi ni Gov? Nasaan na raw po ang itay? Pabalik na po ba dito?" Tanong ko sa Doktor na siyang kumontak sa Gobernador.

"Iha, huwag kang mabibigla sa sasabihin ko pero hindi na makakabalik ang itay mo. Hindi ka na niya masusundo dahil wala na ang itay mo." malungkot na pagkakasabi ng Doktor.

"Ano po? Ano po'ng wala na? maaari niyo po bang linawin ang ibig niyong sabihin? Ano po ba ang nangyari sa itay?" Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact sa tinuran ng Doktor. Hindi ko kasi lubos na naintindihan ang sinabi niya pero base sa itsura ng kaniyang mukha ay mukhang may hindi magandang nangyari sa itay.

Hindi agad nakasagot sa aking tanong amg nasabing Doktor. Napabuga lang ito ng hangin. Nang magtama ang aming paningin ay dito na siya muling nagsalita. "Ayon kasi sa Gobernador... w-wala na raw ang itay mo. Nagkaroon daw ng sunog sa inyong lugar at sa kasamaang palad ay nakasama ang ama mo sa nasunog. Ipasusundo ka na lang daw ng Gobernador sa isa sa mga tauhan niya. Magpakatatag ka, iha. Nakikiramay ako sa pagkawala ng Itay mo." Isang mahigpit na yakap ang ginawa ng Doktor sa akin. Ibig sabihin ay seryoso siya sa kaniyang mga sinabi.

Awtomatikong tumulo ang mga luha ko sa aking mukha. Parang hindi ko ma-proseso sa aking isipan ang biglaang pagkamatay ng itay. Kung ano ang ikinisaya ko kahapon ay siya namang ikinadurog ng puso ko ngayon. Ano pang saysay na nakakita ako kung hindi ko rin naman pala makakasama na ang itay ko.

Sa tulong ng mga ipinadalang tauhan ng Gobernador ay nakabalik ako sa aming lugar. Totoo nga'ng nasunog ang buong sitio Santa Ines at halos lahat nga ng bahay dito ay natupok ng apoy.

"Itay, bakit? bakit mo ako iniwan? Paano na ako? Paano na ang mga pangarap natin? Itay, natatakot akong harapin ang mundo na wala ka sa tabi ko. Itay paano na ako ngayon?" Parang nahati ang puso ko nang makauwi ako sa lugar namin. Ang dating maingay at mataong lugar ay puro abo na lang ngayon. Ayon pa sa mga narinig ko ay higit daw sa isang daang katao ang namatay sa sunog. Nakakapanlumo. Isipin ko pa lang na isa ang itay sa mga bangkay rito na halos hindi na makilala ay nanlalambot na ang mga tuhod ko.

"Tahan na, iha. Maswerte ka at nasa Maynila ka noong nagkasunog dito. Kung hindi ka inoperahan ay malamang sa nakasama ka rin sa mga namatay dito lalo pa at bulag ka. Isipin mo na lang na iniligtas ka ng ama mo. May dahilan ang lahat ng nangyayari sa mundo. Kumapit ka lang sa itaas at humingi ka sa kaniya na gabayan ka sa buhay lalo pa ngayon na wala na ang itay mo." Wika ng tauhan ng Gobernador sa akin.

Sobrang hirap tanggapin ng nangyari sa itay. Sobrang biglaan at hindi ako naging handa. Labis akong nalungkot sa pagkawala niya ngunit inisip ko na lang ang sinabi ni Ate Thelma na tauhan ni Gov. Na may dahilan ang lahat ng nangyayari dito sa mundo. Na iniligtas ako ng itay. Na kung hindi ako nadala sa Maynila para operahan ay malamang na isa ako sa mga nasawi dito sa sunog.

Mahirap tanggapin pero kay Lord ako lumapit. Humingi ako ng gabay sa kaniya hanggang sa napadpad na lang ako sa isang Flower shop na katabing baranggay ng Sitio Santa ines lang din.

At the age of 15, namasukan ako roon bilang tagalinis. Dahil nga bulag ako dati ay inosente ako sa lahat ng bagay. Mabuti lang at mabait ang may-ari ng Flower shop dahil tinanggap niya ako sa kabila ng kamangmangan ko. Tinuruan niya ako sa maraming bagay na hindi ko pa alam. Binuksan niya rin ang pintuan ng bahay niya para sa akin. Pinatira niya ako doon at pinakain kapalit ng pagtratrabaho ko bilang katulong. Pinayagan niya rin akong makapag-aral hanggang sa makatapos ako ng sekondarya.

"Oh, marunong ka na pala. Ang ganda ng pagkaka-disenyo mo dito sa mga bulaklak. Tamang-tama at aalis na ang isang florista natin. hindi ko na pala kailangan na humanap ng ipapalit. Ikaw na lang ang pumalit sa kaniya." Wika ni Tita Elsa.

Si Tita Elsa ang may ari ng Flower shop na siya ring kumupkop sa akin. Matandang dalaga siya kaya ako na rin ang tinuring niyang pamilya. Kinse anyos lang ako noong napadpad ako rito at ngayong limang taon na ako sa kaniya ay promoted na ako bilang isa nang florista.

"Talaga po? Naku, maraming salamat po, tita Elsa! Pangako po na hindi ko po kayo bibiguin. Gagalingan ko pa po lalo."

Dahil sa araw-araw kong nakikita ang mga florista dito sa flower shop ay natuto na rin ako sa pag-aarranged nito. Ngayon ay mas malaki na ang sahod ko dahil mula sa pagiging katulong ay florista na ako.

Isang araw, habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit dito sa flower shop ay isang matipunong lalaki ang pumasok dito dahilan para matigil ang mundo ko. Nakasuot siya ng shades at kulay itim na long sleeves Polo. Ako ay natulala sa kaniyang kaguwapuhan. Mula ng makakita ako ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong guwapong mukha sa lugar namin. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako pamilyar sa ganitong pakiramdam pero bigla qkong nakaramdam ng pagkahiya sa aking itsura.

Nang makalapit na siya sa akin ay saka niya tinanggal ang suot niyang shades. Dahil doon ay nakita ko ang kulay dagat niyang mata. Ito ang unang pagkakataon na humanga ako sa isang lalaki. Ang kaniyang mapuputi at pantay-pantay na ngipin ay nakakaakit din. "Good morning! I need flowers for my late father. Can you make me a bouquet of black roses?" wika niya sa akin gamit ang baritono niyang boses.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Manar Makasasa
bka nmn mga mata ng tatay mo bingay nia sau
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Played by Mafia & Billionaire    The end

    - "The hardest thing about loving someone from afar is knowing that they are close enough to touch, but far enough to never feel." Nakahiga na sa ngayon niyang tutulugan si Dianne habang Yakap-yakap ang picture frame kung saan ay naroon ang larawan nila ng asawang si Andrei. Masaya siya na malungkot. Masaya dahil mabuti na ang kalagayan ni Andrei at the same time ay nalulungkot din siya dahil narito lang nga ang kaniyang asawa ngunit hindi naman niya ito o mayakap o maiparamdam man lang ang labis niyang pagmamahal dito. Ang hindi alam ni Dianne ay naroon lang si Andrei sa may pinto, nakatayo, at tahimik siyang pinanonood na umiiyak. Naguguluhan si Andrei sa mga nalaman mula sa mayordoma. Ang babae kasing nagpakilala na kaibigan 'daw' niya ay siya pala niyang asawa at nagdadalang tao sa kaniyang anak. Hindi malaman ni Andrei ang dahilan nito kung bakit inililihim pa sa kaniya nito ang tunay na katauhan. (biglang lumangitngit ang pinto) Biglang napapahid ng luha si Dia

  • Played by Mafia & Billionaire    sa likod ng larawan

    ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW. ITS GOOD TO BE BACK. Sa wakas ay nakauwi na rin ako sa mansyon. Iba pa rin talaga kapag bahay mo na ang inuwian mo. Maraming gumugulo at katanungan sa isipan ko pero iba pa rin sa pakiramdam na makita at makauwi sa bahay mo. Maswerte akong nakaligtas mula sa isang malagim na aksidente. Ayaw ng mga Doktor ko na pag-usapan pa ang nangyari noong araw na iyon dahil makakasama daw sa mental health ko. Pero paano kaya yon? Paano ko malalaman ang rason kung paano kami naaksidente. Hindi ko kasi maalala kung paano kami nabangga. Ang tanging naaalala ko lang ay yung si Alfa. Si Alfa na mahal na mahal ko. Hindi ko na lubos na maalala kung ano ba ang mga nangyari noong araw bago ako naaksidente basta ang naaalala ko lang ay kumain kami ng Lunch ni Alfa at the rest is blangko na. Naaalala ko naman ang lahat. Itong bahay na ito, ang pangalan ko, at kung sino ako. Ako si Andrei Avendaño known as a youngest billionaire in the country. Naaalala ko pa kung anong k

  • Played by Mafia & Billionaire    larawan

    Araw, linggo, buwan ang lumipas at naghihintay pa rin si Dianne sa hudyat ng Doktor kung kailan siya ulit p-pwedeng makadalaw sa kaniyang asawa. Matatandaan na nagising nga si Andrei pero hindi naman siya nito matandaan. Ang pangalang binabanggit nito ay iba. Anong sakit iyon para kay Dianne. Nagising na nga at lahat-lahat ang asawa niya pero hindi siya nakikilala nito. Ngunit dahil sa dami na ng pagsubok na kanilang pinagdaanan, hindi na para sumuko pa si Dianne. Kahit Miss na Miss na niya ang asawa at para bang nakukulangan na siya ng pag-asa, naniniwala pa rin siya na hindi sa pangalan o mukha , ang pusong nagmamahal ay hindi nakakalimot sa taong tunay na tinitibok nito. Kaya naman laking tuwa n> Dianne ng tawagan siya ng Doktor ni Andrei at sinasabing okay na ito at pwede nang ilabas ng ospital. Sobrang saya ni Dianne sa magandang balita na iyon. Excited siyang nagtungo sa ospital kahit na walang ligo. Bago niya pwedeng ilabas si Andrei ay pinatawag muna siya ng Doktor para ka

  • Played by Mafia & Billionaire    Hindi kilala

    Grabe ang takot ko matapos akong maalarma sa pagtunog ng mga aparato na nakakabit sa asawa ko. Hindi pwede! hindi siya pwedeng mamatay. Hindi ko kaya. Nagmadali akong tumawag ng mga Doktor. Halos mahulog ang puso ko. Hindi ako alam kung paano ang gagawin kong takbo mapuntahan lamang ang Doktor ng asawa ko. Sakto naman din at nakasalubong ko siya. Papunta rin pala siya sa asawa ko para tignan. Hindi ko na kayang kumalma sa mga oras na ito kaya hinila ko na siya patungo sa ICU kung saan nandoon ang asawa ko. "Dok ano pong nagyayari?" nag-aalala kong tanong. Patuloy pa rin sa pagtunog ang Machine at diretso pa rin ang linya. Gusto ko nang umiyak ng malakas. "misis relax." Ito lang ang sagot sa akin ng Doktor. kalmado niyang tinignan ang pasyente. "Paano po akong magrerelax? nasa peligro na po ang buhay ng asawa ko." sabi ko naman habang nakasunod sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung paano niya nasasabi na irelax ko ang sarili ko. "Hindi po misis. Ang aparato po na tumutunog

  • Played by Mafia & Billionaire    50

    Mas lalong nagkaroon ng rason si Dianne para tatagan ang loob. Hindi lang siya ang nag-aantay ngayon kay Andrei kung hindi dalawa na sila. Hindi madali sa kalagayan niya pero lumalaban siya. Kailangan niyang ilaban ang pananampalataya niya na magkakaroon ng himala. Ngunit talagang sinusubukan siya ng Diyos. Ayon sa mga Doktor ay hindi nila masasabi kung kailan magigising si Andrei o kung may tsansa pa ba ito na gumaling. Tinapat na siya ng Doktor na 50/50 na si Andrei at himala na lamang kung babalik pa ito sa dati. Bilang asawa ay napakahirap nitong tanggapin. Ngayon pa na magkakaanak na sila. Kahit anong utos ni Dianne sa kaniyang utak na tatagan ang loob ay hindi niya rin masunod dahil hindi biro ang sitwasyon na mayroon sila ngayon. Ang malamig at puting pader ng silid ng ospital ay tila sumasakal sa kanya, pinipigilan siya ng kanilang malamig at matigas na presensya. Ang kanyang mga daliri, payat na dahil sa pag-aalala, ay mahigpit na nakahawak sa mga rosaryo, ang makini

  • Played by Mafia & Billionaire    2 lines

    Lalo lang nadagdagan ang pag-aalala ni Dianne. Buong araw hanggang gabi siya iyak nang iyak. Halos walong oras ginamot si Andrei sa loob ng Emergency room bago ito inilipat sa ICU. Hindi pa niya pwedeng lapitan ang asawa dahil ayon sa mga doktor ay maselan ang kalagayan pa nito at under observation pa ito. Inilabas ito sa Emergency room ng walang malay. Samantala ang babaeng tinutukoy ng mga pulis na kasama nito ay inilabas ng E.R. na nakatalukbong na ng kumot. Dalawa lang naman ang nasa ER kaya naisip ni Dianne na tignan kung ito nga ang sinasabing babaeng kasamang naaksidente ng kaniyang asawa. "Saglit po, kilala ko po siya, maaari ko po bang sulyapan ang aking pinsan kahit na sa huling sandali?" pagsisinungaling ni Dianne sa mga nurse. "Okay pero saglit na saglit lang, ha?" sagot naman sa kaniya ng mga ito bilang pagpayag. "Hindi ba kinaya ng pasyente. Kung ikaw pala ang pinsan niya, ikaw na lang din ang pumirma para sa release paper niya para mamaya." Dahil inakala ng mga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status