May nadaanan akong isang flower shop kaya naisipan kong huminto para bumili ng bulaklak para kay Daddy. Isang linggo na ang nakalilipas nang lisanin niya ang mundong ibabaw. Namatay siya dahil sa labis na kalungkutan.
Ang aking ama na si Don Louise Avendaño ang Gobernador dito sa lalawigan ng Bulacan. Isa siyang magiting at tapat na pinuno sa kaniyang mga nasasakupan. Matulungin siya sa mahihirap at may puso sa mga nangangailangan. Sa kabila ng kabaitan niya ay puro sama ng loob ang inabot niya mula sa mga mamamayan. Namatay siya nang maraming galit sa kaniya. Sa mga bagay na alam kong hindi naman niya gawain o ginawa. As his son, I feel bad because I couldn't do anything to save him from extreme sadness. For me, he didn't deserve to die in that manner. What's sad is that even though he's gone, the people who are angry with him and want to bring down the remaining Avedaños in our area haven't stopped. Ako naman ang gusto nilang isunod. Due to the consecutive death threats I have been receiving, I know that I am now the target of his enemies. Enemies whom I do not know who they are. One thing is for sure. My life is in danger. Hindi ako umaalis ng bahay nang walang dalang baril. Kaya ko naman ang sarili ko basta huwag lang titira ang kalaban mula sa likod ko. Oras-oras ay kailangan kong maging alisto. Kung mapapatay nila ako ay para ko namang binigyan ang mga kalaban ng katagumpayan. Samantala, nakita ko ang pagkatulala ng babaeng florista nang makita ako. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay dahil sa nakasuksok na baril sa aking tagiliran. "Don't mind the gun. mabait ako." wika ko sa kaniya sabay abot ng tip. She said it would take about fifteen minutes to arrange the flowers, so I decided to go back to the car and wait there instead. Mula sa aking kotse ay nakatingin lang ako sa nasabing florista habang ginagawa nito ang bulaklak ba inorder ko. Makalipas ang kinse minuto ay kinatok na niya ang bintana ng kotse ko at doon na niya inabot ang bulaklak na binili ko. "Thank you!" I gave a slight smile and was about to close the window of my car when she suddenly stopped it with her hand. "Saglit lang po... p'wede ko po bang malaman ang pangalan niyo?" I furrowed my brow. It's like, hindi siguro taga rito ang babaeng ito kaya hindi niya alam ang pangalan ko. Kung taga dito kasi siya ay imposibleng hindi niya kilala ang mukhang ito. Sabagay, sa palagay ko ay hindi nga siya taga rito sa aming lugar kaya siguro ay ganon na lang ang naging reaksyon niya ng pumasok ako kanina. "Stefano. My name is Stefano Avedaño." sinagot ko na lamang ang tanong niya para makaalis na ako. Anyway, cute siya. Maganda ang babae na iyon at ngayon lang ako nakakita ng ganoong kagandang mukha sa lugar namin. Samantala, Dumiretso na ako sa memorial kung saan inilibing ang aking ama. Inalay ko sa kaniyang puntod ang binili kong bulaklak at saka nagtulis ng kandila. Nagluluksa pa rin ako sa biglaan na pagkamatay ng aking ama. Masakit sa akin na mag-isa na lang ako ngayon sa buhay. "Dad, bakit naman ganun? bakit ang unfair mo? You left me and then you left me a will na kailangan ko munang magpakasal bago ko makuha ang mamanahin ko? seriously, dad? Ngayon mo talaga ito hiniling? kung kailan maraming banta sa buhay ko? Ano ito, magpapakasal ako para makuha ang mamanahin ko tapos ano? malalagay naman sa bingit ng panganib ang babaeng pakakasalan ko? Dad, bakit may ganu'n pa? Ako lang naman ang anak mo pero bakit kailangan ko pang magpakasal muna? Dad, I need more money right now. Kailangan kong kumuha ng maraming tao para protektahan ako. Galit na galit sila sa akin samantalang wala naman akong kinalaman sa atraso mo sa kanila?" Hindi ko na napigilan na hindi umiyak sa harapan ng puntod ni Daddy. Ang unfair lang kasi nang nakasaad sa kaniyang last will. Wala sanang problemang magpakasal, e. Ang problema dito is yung magiging consequences sa babaeng minamahal ko. for sure, kapag pinakasalan ko siya ay dalawa na kaming pag-iinitan ng mga kalaban. dalawa na kaming malalagay sa panganib ang buhay at hindi kakayanin ng konsensiya ko na may mangyaring masama sa babaeng minamahal ko nang dahil lang sa pagiging Avendaño ko. ____________________ * * "Hello, babe? nasaan ka? p'wede ba tayong magkita? Miss na Miss na kita," text ni Cassandra sa akin. "Well, I miss you too, babe! kung ako lang ang masusunod ay gustong-gusto na kitang puntahan diyan sa inyo. Gusto kitang yakapin at angkinin ngayong gabi pero hindi puwede, eh! Alam mo naman na mainit sa akin ang mga tao. Galit na galit sila dahil anak ako ni Daddy. Babe, hindi ko kakayanin na pati ikaw ay madamay sa gulo ng pamilya ko. Mahal na mahal kita, alam mo yan!" reply ko naman sa kaniya. Aware si Cassandra sa gulo na kinakaharap ko ngayon. Tatlong linggo na kaming hindi nagkikita dahil iniingatan ko siya mula sa mga taong gusto akong patayin. Alam niyang wala rin akong sapat na kakayahan para protektahan siya dahil naka-freeze ang lahat ng pera namin sa bangko dahil sa kasong corruption ni Daddy. Isa lang ako pero marami ang kalaban. Hanga ako sa kaniya dahil sa kabila ng lahat ng problema ko ay hindi niya ako iniwan. Hindi man kami nagkakasama pero alam ko na palagi siyang nariyan lamang para sa akin. Samantala, nakauwi naman ako ng safe sa bahay namin. Malungkot akong pumasok sa aking kwarto at inilapat ang likod ko sa kama. Hindi ko mapigilan ang hindi mag-isip sa aking dapat na gawin. Ayoko nang habang buhay na ganito. Palaging natatakot at kinakabahan. Hindi ako pwedeng ganito lang. kailangan nang may gawin ako bago mahuli ang lahat. Kailangan ko nang magpakasal upang makuha ko ang natitirang pera ni Daddy na pwede kong withdrawin. Ang pera ng Avedaño na hindi kasama sa na-freeze ng gobyerno. Magpapakasal na ako!- "The hardest thing about loving someone from afar is knowing that they are close enough to touch, but far enough to never feel." Nakahiga na sa ngayon niyang tutulugan si Dianne habang Yakap-yakap ang picture frame kung saan ay naroon ang larawan nila ng asawang si Andrei. Masaya siya na malungkot. Masaya dahil mabuti na ang kalagayan ni Andrei at the same time ay nalulungkot din siya dahil narito lang nga ang kaniyang asawa ngunit hindi naman niya ito o mayakap o maiparamdam man lang ang labis niyang pagmamahal dito. Ang hindi alam ni Dianne ay naroon lang si Andrei sa may pinto, nakatayo, at tahimik siyang pinanonood na umiiyak. Naguguluhan si Andrei sa mga nalaman mula sa mayordoma. Ang babae kasing nagpakilala na kaibigan 'daw' niya ay siya pala niyang asawa at nagdadalang tao sa kaniyang anak. Hindi malaman ni Andrei ang dahilan nito kung bakit inililihim pa sa kaniya nito ang tunay na katauhan. (biglang lumangitngit ang pinto) Biglang napapahid ng luha si Dia
ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW. ITS GOOD TO BE BACK. Sa wakas ay nakauwi na rin ako sa mansyon. Iba pa rin talaga kapag bahay mo na ang inuwian mo. Maraming gumugulo at katanungan sa isipan ko pero iba pa rin sa pakiramdam na makita at makauwi sa bahay mo. Maswerte akong nakaligtas mula sa isang malagim na aksidente. Ayaw ng mga Doktor ko na pag-usapan pa ang nangyari noong araw na iyon dahil makakasama daw sa mental health ko. Pero paano kaya yon? Paano ko malalaman ang rason kung paano kami naaksidente. Hindi ko kasi maalala kung paano kami nabangga. Ang tanging naaalala ko lang ay yung si Alfa. Si Alfa na mahal na mahal ko. Hindi ko na lubos na maalala kung ano ba ang mga nangyari noong araw bago ako naaksidente basta ang naaalala ko lang ay kumain kami ng Lunch ni Alfa at the rest is blangko na. Naaalala ko naman ang lahat. Itong bahay na ito, ang pangalan ko, at kung sino ako. Ako si Andrei Avendaño known as a youngest billionaire in the country. Naaalala ko pa kung anong k
Araw, linggo, buwan ang lumipas at naghihintay pa rin si Dianne sa hudyat ng Doktor kung kailan siya ulit p-pwedeng makadalaw sa kaniyang asawa. Matatandaan na nagising nga si Andrei pero hindi naman siya nito matandaan. Ang pangalang binabanggit nito ay iba. Anong sakit iyon para kay Dianne. Nagising na nga at lahat-lahat ang asawa niya pero hindi siya nakikilala nito. Ngunit dahil sa dami na ng pagsubok na kanilang pinagdaanan, hindi na para sumuko pa si Dianne. Kahit Miss na Miss na niya ang asawa at para bang nakukulangan na siya ng pag-asa, naniniwala pa rin siya na hindi sa pangalan o mukha , ang pusong nagmamahal ay hindi nakakalimot sa taong tunay na tinitibok nito. Kaya naman laking tuwa n> Dianne ng tawagan siya ng Doktor ni Andrei at sinasabing okay na ito at pwede nang ilabas ng ospital. Sobrang saya ni Dianne sa magandang balita na iyon. Excited siyang nagtungo sa ospital kahit na walang ligo. Bago niya pwedeng ilabas si Andrei ay pinatawag muna siya ng Doktor para ka
Grabe ang takot ko matapos akong maalarma sa pagtunog ng mga aparato na nakakabit sa asawa ko. Hindi pwede! hindi siya pwedeng mamatay. Hindi ko kaya. Nagmadali akong tumawag ng mga Doktor. Halos mahulog ang puso ko. Hindi ako alam kung paano ang gagawin kong takbo mapuntahan lamang ang Doktor ng asawa ko. Sakto naman din at nakasalubong ko siya. Papunta rin pala siya sa asawa ko para tignan. Hindi ko na kayang kumalma sa mga oras na ito kaya hinila ko na siya patungo sa ICU kung saan nandoon ang asawa ko. "Dok ano pong nagyayari?" nag-aalala kong tanong. Patuloy pa rin sa pagtunog ang Machine at diretso pa rin ang linya. Gusto ko nang umiyak ng malakas. "misis relax." Ito lang ang sagot sa akin ng Doktor. kalmado niyang tinignan ang pasyente. "Paano po akong magrerelax? nasa peligro na po ang buhay ng asawa ko." sabi ko naman habang nakasunod sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung paano niya nasasabi na irelax ko ang sarili ko. "Hindi po misis. Ang aparato po na tumutunog
Mas lalong nagkaroon ng rason si Dianne para tatagan ang loob. Hindi lang siya ang nag-aantay ngayon kay Andrei kung hindi dalawa na sila. Hindi madali sa kalagayan niya pero lumalaban siya. Kailangan niyang ilaban ang pananampalataya niya na magkakaroon ng himala. Ngunit talagang sinusubukan siya ng Diyos. Ayon sa mga Doktor ay hindi nila masasabi kung kailan magigising si Andrei o kung may tsansa pa ba ito na gumaling. Tinapat na siya ng Doktor na 50/50 na si Andrei at himala na lamang kung babalik pa ito sa dati. Bilang asawa ay napakahirap nitong tanggapin. Ngayon pa na magkakaanak na sila. Kahit anong utos ni Dianne sa kaniyang utak na tatagan ang loob ay hindi niya rin masunod dahil hindi biro ang sitwasyon na mayroon sila ngayon. Ang malamig at puting pader ng silid ng ospital ay tila sumasakal sa kanya, pinipigilan siya ng kanilang malamig at matigas na presensya. Ang kanyang mga daliri, payat na dahil sa pag-aalala, ay mahigpit na nakahawak sa mga rosaryo, ang makini
Lalo lang nadagdagan ang pag-aalala ni Dianne. Buong araw hanggang gabi siya iyak nang iyak. Halos walong oras ginamot si Andrei sa loob ng Emergency room bago ito inilipat sa ICU. Hindi pa niya pwedeng lapitan ang asawa dahil ayon sa mga doktor ay maselan ang kalagayan pa nito at under observation pa ito. Inilabas ito sa Emergency room ng walang malay. Samantala ang babaeng tinutukoy ng mga pulis na kasama nito ay inilabas ng E.R. na nakatalukbong na ng kumot. Dalawa lang naman ang nasa ER kaya naisip ni Dianne na tignan kung ito nga ang sinasabing babaeng kasamang naaksidente ng kaniyang asawa. "Saglit po, kilala ko po siya, maaari ko po bang sulyapan ang aking pinsan kahit na sa huling sandali?" pagsisinungaling ni Dianne sa mga nurse. "Okay pero saglit na saglit lang, ha?" sagot naman sa kaniya ng mga ito bilang pagpayag. "Hindi ba kinaya ng pasyente. Kung ikaw pala ang pinsan niya, ikaw na lang din ang pumirma para sa release paper niya para mamaya." Dahil inakala ng mga