Share

Kabanata 2

Author: Josephia
last update Last Updated: 2023-11-05 01:16:50

Penelope's POV

Penelope POV

Napahilot ako sa sintido nang makaramdam ng sakit ng ulo. Naging hectic ang nagdaan na mga araw sa 'min, tulad ngayon, katatapos lang ng almost four hours na meeting namin with different companies for our incoming projects. Inabot ng kamay ko ang intercom. May pinindot doon at tinawag ang secretary ko.

"Bakit po, Madam?" she asked.

"Get me a black coffee, please." Sabay bumalik ako sa pagkakasandal sa swivel chair ko.

Agad kong ibinalik ang tingin sa folder na nasa harap ko. Ten companies ang nag-present para makumbinsi ako na mag-invest sa kanila o kaya makipag-collab sa company namin for our incoming projects, pero tatlo lang ang pumasa. May plano kasi kaming magtayo pa ng more hotels and condo units.

And the Guevara's presentation didn't meet those standards. I mean, may kulang! I want to accept it pero magiging unfair. Sabihin biased pa ako porket mga Guevara at kilala ko. Guevara si Light pero hindi naman kasi siya 'yong pinapahawak ng company nila, 'yong kuya niya ang naghahawak ngayon.

Nakita kong bumukas ang pintuan at pumasok ang secretary ko na dala-dala ang cup of coffee na pinagawa ko.

"Here's your coffee, Madam," she said, smiling.

Itinuro ko 'yong table ko at agad niyang nilapag iyon doon.

"Do you need anything pa?" tanong pa niya. Napatingin naman ako sa kanya. Alam ko namang masasagot niya 'tong tanong ko.

"You know Gavin Guevara, right?"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. I barely talked to Bliss about Gavin dahil hindi naman din siya nagtatanong. I'm not the type of girl na kiss and tell. Nakita kong umawang pa ang labi niya dahil sa tanong ko.

"Y-Yes po," nautal niyang sagot.

"What do you think of him? Lalo na nung nag-present siya?"

Sa naging reaksyon ng mukha niya ay mukhang may nakakaasar siyang sasabihin na hindi related sa business matters.

"Gwapo siya madam."

Tinaasan ko siya ng kilay kaya bahagya siyang natawa.

Nang-aasar lang 'to dahil alam niyang may something sa amin ng Guevara na 'yon. Bliss is not just my secretary, she's also become my close friend. Naging malapit na siya sa akin for the past years bilang secretary ko. Unang pagtapak ko sa Vera Group of Companies, siya na ang binigay sa akin para maging secretary ko.

"Ayusin mo pauwiin talaga kita," pananakot ko.

Tumikhim siya bago magsalita ulit. Umayos pa ng tayo. "He's good, madam. Lalo na kanina. I think, he'll be a perfect business partner. Hindi po ba siya nakapasa?" nakangiti niyang sabi. Halatang kinikilig pa siya habang nagsasalita.

Oh god! Mukhang marami talaga akong kaagaw sa lalaking iyon. Sino ba naman kasi ang hindi maaakit doon? Ang gwapo! Matangkad! Maskulado! Mabait! Masarap!

Wait— did I say masarap? Ah, sorry about my mouth, pero totoo iyon. Iyong tipong kanin na lang ang kulang. Tapos mabubusog kana ng bongga. Parang GQ model.

"Nagkulang lang naman, but as what you've said, he's good."

Kinuha ko ang tatlong folder at ini-abot sa kanya. "Call the representatives. Set me a meeting with them next week."

"Is that all, madam?" she asked.

Tumango ako.

Wala naman na siyang sinabi at lumabas na ng office ko. Kinuha ko ang coffee na ginawa niya at ininom. Napapikit ako sa sarap no'n. Coffee makes me calm, makes me feel alive.

Isang linggo na ang lumipas nung huling kita namin ni Gavin tapos kanina ko na lang siya ulit nakita nung nag-present sila para sa collaboration for new projects namin.

Puro representatives ang nagpresent kanina tapos siya lang ang presentor na mismong owner ng company ang pumunta. He's indeed good actually, no wonder maraming investors ang may gusto sa kanya.

He's very intimidating. Pati ako nadadala sa mga tingin at asta niya. Ang hirap magpaka-professional lalo na kapag kaharap siya. Distraction ang pagmumukha nung lalaki na 'yon, pero buti na lang marunong ako kumalma.

Mahigit isang taon na rin simula nung malaman ko na kapatid siya ni Light. What a small world. The first time I saw him, that was years ago!

And two years ago, I saw him, again. There's a conference meeting held by our company and the moment he stepped in, I was got dazed by his presence, he's one of a dayum hot guy!

Pumasok ang isang lalaking nakasuot nf white long sleeves na nakatupi hanggang siko along with his gray trouser. His outfit hugged his body perfectly. Muntikan ko pang maibuga ang iniinom dahil namumukaan ko siya!

It was the guy na kasama ni Light years ago nung kausapin niya ako about sa nangyari sa kanila ni Kuya Matteo! Mas gwapo lang ang itsura niya ngayon kumpara dati. His face is fully shaved walang balbas o bigote. His well-sculptured jawline is too perfect that makes me drool over him.

"Good Morning!" He flashed a luscious smile that is too hot to handle.

Naramdaman ko ang pagkurot ni Bliss sa hita ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napansin niya siguro 'yong inasta ko. Lumibot ang malalim niyang mata sa loob ng conference hall na para bang isa-isang minamata ang mga taong nasa paligid.

Nang magtama ang mata namin ay siyang paglakas ng kabog ng aking dibdib at sumilay ang mapaglarong-ngisi sa kanyang mapulang labi. Tumagal ang titig niya na iyon. Inihilig ko ng kaunti ang ulo at nilapag ang hawak kong bottled water.

Ang gwapo niya! Para akong tatakasan ng hininga sa nakikita ko sa aking harapan.

"Before I start anything else, I would like to introduce myself first." Malalim ang boses niyang sambit.

Hinawakan pa niya ang necktie niya na parang niluwagan. Naglumikot muli ang kanyang mata at huminto sa akin na para bang namumukaan niya ako.

"I am Gavin Guevara, President of Guevara Group of Companies and shall we start this meeting?" he said, smiling.

And with that, I think I just died.

Buti nalang maraming tao noon at hindi niya napansin ang paglalaway ko sa kanya. Hindi literal na paglalaway ha, mawawalan ako ng class no'n.

Feeling ko nga nalaglag ang panty ko nung mga oras na 'yon at simula nung araw na 'yon, wala na! Hinahanap na siya ng mga mata kong malilikot na parang bulati.

And even in some conference meetings or company parties nadadatnan ko siya. Nakaka-usap ko siya but it's just very casual. No personal talks just pure business matters.

I remembered when he drive me home after nung ihatid namin si Light sa bar dahil isa pala siyang marlboro girl. Iyon 'yong una naming pagkikita ulit ni Light. Ang tahimik namin no'n! Ang maingay lang ay 'yong nakabukas na stereo ng kotse.

Gusto ko magsalita at magtanong kaso natatameme ako! Ang hina ko pala kapag kaharap siya pero nung maihatid na niya ako he said 'goodnight' to me! Achievement unlock!

Naririnig ko naman siyang kinakausap si Light no'n, pero kapag ibang tao ang kaharap niya nag-iiba ang aura niya.

Sa mga sumunod na araw ay hindi na doon natapos 'yong pagtatagpo namin. Lagi na kaming nagkakausap dahil nga siguro bestfriend ko si Light kaya mas naging malapit kami. Minsan sinusundo niya ako kapag pupunta kami kela Kuya Matteo at Light.

Lagi ko rin siyang nakikita kapag nagpupunta kaming bar pero hindi naman kami nagkakausap. Then, something happened. Hindi ko inakala na mapapasok ako sa sitwasyon na 'yon. I've been dating different guys at hanggang date lang, hindi na umabot sa mas higit pa roon.

One night that changes everything. After that, we craved more of each other. It was supposed to be one night, but I just found myself responding to his kisses and touching me again. Night after night, hanggang sa mas tumagal.

And I'm going to admit that it looks something more than lust and I really hate it. That's why I told him that we need to set a rule for each other. No cuddle, no other guys for the both of us, and lastly don't fall in love with each other.

I just want to guard my heart. I'm not yet in love with him, pero sa ginagawa niya sa 'kin, 'yong pagiging sweet at possessive niya, mukhang magiging marupok ako, pero kaya lang din ako pumayag sa set-up na 'to ay dahil I also have needs and Gavin sets my body on fire!

I tilted my head because I couldn't stop thinking things between us. May kumatok ulit sa pintuan at nang bumukas ay nakita ko si Bliss.

"Madam, andito si Mr. Sy," she informed me.

Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at sakto ang pagpasok ng isang matandang lalaki. Ngumiti ako at binati siya.

"Good Afternoon Mr. Sy."

Tinuro ko ang upuan na nasa tapat ng mesa ko, umupo naman siya at ganoon rin ako.

"Good afternoon, Penelope. Napadaan ako dahil saktong galing ako sa finance. I just want to ask kung nakapili ka na ng magiging part ng new projects natin?"

Pinagdaop ko ang mga palad ko sa mesa at nakangiti na tumango.

"Nakapili na po ako. Bliss will just contact the companies para sa isang meeting with me."

Mr. Sy tilted his head and smiled at me. "Nakapasok ba si Mr. Guevara?"

Umawang ang labi ko sa narinig. Why? Magkakilala sila si Gavin? Is there any problem?

"I guess, hindi?" he asked.

I pursed my lips and let out a sigh. Mr. Sy nodded, siguro nakuha na niya ang sagot ko.

"It's okay. Sobrang natutuwa lang ako sa batang iyon. Sa lahat ng presentor, siya na mismong owner ang nagpunta at nag-present ng company nila."

Napatango naman ako. He's right. Si Gavin lang ang owner na siya mismo ang nag-present at naging representative ng company nila. Usually kasi mga representative or project presentor or manager ang nakakausap namin.

"Alam naman nating he's not really into this field."

"He wants to be a fbi agent," sabat ko naman.

Ngumiti si Mr. Sy at napatango.

"You're right, siguro dahil sa kapatid niya. Kasi nga kumalat na dati siyang member no'n. Siguro he also wants to protect her. But seeing him now? Nakakaproud, he always gives his full efforts to their company."

In a magazine interview, Gavin admitted that he's not into business world, because when he first met Light, he admired her for being an agent at sa mga nangyari, he also wants to pursue it, pero dahil siya ang panganay ng Ex-Senator Guevara, sinunod niya na lang ang gusto nito na siya ang magpatuloy ng company nila hanggang sa nasanay na siya.

At sa mga napapansin ko, Gavin is a dedicated man. Kung may gusto siya, talagang gagawin niya para makuha.

I smile when I remember something at alam kong matutuwa si Mr. Sy kapag narinig niya 'yon. Mr. Sy is our investor, siya rin minsan ang sponsor kapag may new projects and collabs kami with other company. Dahil natuwa siya pagiging succesful ng kompanya, he gave his full trust to us. He's also my dad's friend.

"I have a new project with Mr. Gunner. We're planning to build a hotel sa Pampanga, since real estate and constructions affiliated naman po ang Guevara's. I think, I should talk to Gavin," pahayag ko.

Napapitik naman si Mr. Sy sa sinabi ko at bakas sa kanya ang tuwa.

"That's great! For sure maganda ang magiging outcome nito. Mukhang maganda ang partnership kung kukunin din ang Guevara," napatango na lang ako. It'll be a great team. Hindi kami mahihirapan if ever.

Hindi rin nagtagal ang kwentuhan namin ni Mr. Sy at nagpaalam na siya. Inihatid ko pa siya sa elevator at hinintay hanggang sa makasakay siya.

"Anong pinag-usapan niyo, Madam?" My secretary asked.

"Nagtanong lang kung nasama ang Guevara sa new project, but sad to say hindi." Nakanguso kong sambit.

"Bakit kasi hindi mo kinuha, Madam? Hindi mo ba napanood ng malala 'yong presentation si Sir? Ang galing kaya! Mas magaling pa sa iba."

Bahagya akong natawa. Napanood ko naman, syempre andoon ako, but there's a moment na nadidistract ako dahil sa pagkaseryoso niya habang nagsasalita. He's very focused on what he's doing.

"Ang hot pa ni Sir!" Kinikilig niya na sambit kaya tumaas ang kilay ko.

"Gwapo pa, Madam! Total package na! At saka bagay kayo Madam. Kapag magkasama kayo natutuwa ako. Kabilang na ba siya sa listahan ng mga lalaki mo?" Walang apog niyang sabi at kumunot pa ang noo niya.

Inayos ko ang pagtayo ko at tinampal ko ang noo niya. Naiirita ako sa mga ganyanan niya. Iyong tipong mang-aasar pero painosente!

"Bunganga mo ha. Tumigil na ako sa ganyan." Namilog naman ang mata niya.

"Weh? Bakit naman, madam? Lalagay ka na ba sa tahimik? Stick ka na ba sa Guevara na iyon?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin at natatawang dinuro. "I don't want to get married. You know that."

Nagkibit-balikat naman siya. "Move on, Madam, 'yon lang talaga ang kailangan mo."

Umangat ang sulok ng labi ko. "That's what I'm doing right now."

"Kaya ba parang may something sa inyo ni Sir Gavin, Madam? Is that your way of moving on?" Naningkit naman ang mata ko.

"I'm not using him. Nag-eenjoy lang ako." Nakita ko ang pag-irap ng mga mata niya."I won't take advantage of him," dagdag ko pa.

She just flipped her hair and crossed her arms over her chest.

"Wala naman akong sinasabi na ginagamit mo siya. Defensive ka naman masyado. I've been with you for years, madam. Alam ko na lahat. Lahat ng happiness and sadness sa buhay mo. Syempre nung nagpakalayo-layo si Ma'am Light, ako na 'yong nakasama mo. Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kanya? Magtatampo na talaga 'yon."

Hindi naman ako sumagot.

"Whatever. Diyan ka na nga." Masyado nang lumiliko ang usapan namin at baka mamaya saan pa mapunta iyon.

Natawa na lang siya at hindi na nagsalita. Tuluyan na akong pumasok sa office ko at naupo sa swivel chair. Naalala ko naman 'yong mga sinabi ni Bliss.

I don't want them to see my vulnerable side. Kaya hanggang ngayon hindi ko pa rin sinasabi sa kanila at hindi ko rin alam kung kelan ako magiging handa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Playing With The Fire (Filipino)   Special Chapter: Ten

    Gavin's Point Of View Pinanlakihan niya ako ng mata. Namumula nga siya, halatang nakainom. “I’m tired! Just… let’s rest okay?” frustrated niyang sambit at naiiling pa. Hindi nga siya makatingin at basta na lang akong tinalikuran. Hindi ko na siya ulit kinausap at hinayaan na siyang makalayo sa akin. Nagtagal pa ako sa baba bago umakyat sa itaas. Naabutan ko siya sa kwarto ng mga bata at isa isa itong hinalikan bago lumabas. Ewan ko ba pero wala akong ginawa para lambingin siya. Sa totoo lang ay medyo nasaktan ako sa ginawa niya. Umabot ng ilang araw ang hindi namin pagpapansinan ni Penelope. Naaabutan ko siya sa kwarto namin, tulog na at nauuna siyang gumising sa akin. Inaasikaso niya naman ang bata lalo na sa pagpasok at paghatid. Hindi niya nga ako tinatapunan ng tingin. Naabutan ko pa nga siya nung isang gabi sa kwarto ni Travis na kalalabas lang at parang kagagaling lang sa iyak dahil namumula ang mata niya. Nung sinilip ko si Travis ay tulog naman ito. Hindi ko alam kung ano a

  • Playing With The Fire (Filipino)   Special Chapter: Nine

    Gavin's Point Of View But I have to trust the process. At magdasal sa gabi na sana ayos ka at sana hindi mo ako makalimutan, makalimutan iyong naging samahan natin kahit na para sa iyo ay hindi totoo. Nawala lahat nang pangamba at takot na baka tapos na ang storya nating dalawa nung bumalik ka. Matagal pero alam kong para sa ‘yo yung pagkakataon na yon, oras mo yon para patunayan sa sarili mo at kay Teron na kaya mo. Kaya mong ayusin ang sarili mo at magsimula muli nang panibagong buhay kasama ang mga taong mahal mo at hinihintay ka. “There’s a little to no chance na mabubuntis siya,” Patrick told me. Napalunok ako at dumaan ang kirot sa dibdib. “It’s okay,” I whispered. Ayos lang naman sa akin. Yes, may kaunting kirot sa nalaman pero naisip ko yung magiging kalagayan ni Penelope. Siya lang naman kasi ang kailangan ko. Oo, nangarap ako na magkaroon ng anak sa kanya. Pero para saan pa yun kung ang kapalit no’n ay mahihirapan siya at baka maging problema pa ng health niya. “As long

  • Playing With The Fire (Filipino)   Special Chapter: Eight

    Gavin’s Point of View Every pain has a purpose and it really teaches us a lesson. But one thing’s for sure, in the end, it will be worth it. Maraming naiinis kasi bakit si Penelope pa. Bakit siya pa yung taong napagbuhusan ko ng pagmamahal. Bakit siya pa yung taong kailangan pagtuunan ng pansin. Bakit siya pa yung dapat iyakan. They say that all she did to me was to break my heart and prove that I deserve someone better that will truly love me and appreciate all the genuine things I’d do. I know that someone will say na ang tanga tanga ko for pursuing someone like her. Lahat naririnig ko, lahat nalalaman ko, but did I say a single word? Wala. Because they are not worth my words and they don’t know everything. Hindi alam ang tinitibok ng mga puso at sinasabi ng utak namin. Hindi lahat ng sinasabi nila totoo. We have stories to tell at hindi lahat dapat nilang malaman. Kapag nalaman ba nila may magbabago? Wala. Mas lalawak lang yung mga maiisip nila na kung anu ano. I’ve never respon

  • Playing With The Fire (Filipino)   Special Chapter: Seven

    Gavin's Point of View Losing someone is the hardest challenge anyone has to go through. Grief is something we all go through in life and it’s something that causes a lot of pain. Not only that but a lot of upset even years after losing that loved one. There is no right or wrong way to grieve, and no amount of time can ever truly cure the upset you feel after. There’s nothing quite as hard as trying to get on with life, after just losing someone who meant the world to you. But grieving is a normal process and one that is relevant after losing a loved one.It’s not an easy process and sometimes some days will be worse than others and other days you’ll feel ok. Just know it’s completely normal to have days where it’ll hit you a lot harder than others. It’s important to understand the process of grieving, and how to do it in a way that’s healthier for you and is not going to cause you anymore upset. If you feel like it’s not getting any better and the days seem to be getting harder and ha

  • Playing With The Fire (Filipino)   Special Chapter: Six

    Gavin’s Point of View Babalik siya. Babalik sa akin si Penelope. Alam kong may dahilan ang lahat Iyan ang paulit ulit kong binubulong sa hangin kapag naaalala ko si Penelope. Masakit isipin ang mga nangyari sa aming dalawa pero wala naman sigurong masama kung aasa at magtitiwala ako sa tinitibok ng puso ko ‘di ba? Yes, nasaktan ako at hanggang ngayon ay may kirot pa rin. But right after I met Teron, nabigyan ng kasagutan ang mga iilang tanong ko. Medyo nabigyang linaw ang mga iniisip ko. Nasaktan din si Pen kaya hanggang ngayon ay may natitirang palaisipan sa kanya tungkol kay Teron. Nasaktan siya sa pag iwan nito. They’re supposed to get married pero naudlot dahil sa isang aksidente na wala namang may gusto at hindi inaasahan. At mahal nila ang isa’t isa….Siya pa lang ang babaeng nagparamdam sa akin nito. Siya lang ang may kayang gawin sa akin yon. Ibang klase talaga ang babaeng ‘yon, pero sa kabila ng lahat— mahal na mahal ko pa rin siya at patuloy na mamahalin. Lahat nang ip

  • Playing With The Fire (Filipino)   Special Chapter: Five

    "Because you lied to me, Penelope!" Napatakbo at napatago ako sa gilid nung marinig ko na sumisigaw si Teron. Nasa iisang bahay lang kaming lahat ngayon sa canada pero may sari sariling kwarto kaya lahat din ng mangyayari ay malalaman namin. Pagsilip ko ay nakita ko si Teron at si Madam na magkaharap habang umiiyak. Ang laki na rin ng ipinayat si Teron at ganoon na rin si Madam, gawa na rin ng stress at hindi palaging 8 hours ang tulog niya."Calm down!" balik na sigaw ni madam. "You're with him, Pen! May asawa ka na! Maiintindihan ko naman, eh." Humina ang boses ni Teron sa huling sinabi. "Maiintindihan ko," ulit nito. "At paulit-ulit kong iintindihin," naging garagal na ang boses ni Teron an napaupo na sa sahig habang humahagulgol na rin si Madam. Hindi ito ang isang beses na nag away sila. Nitong mga nakaraan ay wala na sa mood ang bahay dahil sa ingay nilang dalawa. Lagi na silang nagtatalo. Gustong gusto na bumalik ni Teron sa Manila at iuwi si Penelope kay Gavin dahil sa mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status