Share

Chapter 2

Kakasya na kaya ito para sa panggastos ko para sa pag aaral ko? Kasalukuyan akong nasa aking silid habang binibilang ang perang naipon ko sa pag tatrabaho ko sa restaurant.

Ibinalik ko na sa lagayan ang ipon kong pera saka ibinalik ito sa aking damitan. Lumabas na ako ng silid para mag linis ng bahay. Hindi na ako mag aalmusal dahil wala naman si lolang nalutong almusal dahil nagtitipid kami ngayon malapit na kasi ang bayaran ng tubig at ilaw namin.

Malaki nanaman kasi ang babayaran namin hindi naman kami makaangal dahil nakikikabit lang kami ng kuryente sa kabit bahay. Baka Pagnagreklamo pa kami baka ipaputol pa ang kuryente namin.

As usual ginawa ko na ang mga gawaing bahay bago umalis ng bahay. Si lola naman maaga naalis yun ng bahay para mag hanap ng mapagkikitaan. Minsan nagongopra ito o nag titinda sa palengke ng mga gulay at karne.

“Cath!” tawag ni Ate Janet sa labas ng bahay. Si ate janet ang kapit bahay namin kung saan kami nakikikabit ng kuryente. Maniningil na ito ng kuryente magkano nanaman kaya ang sisingilin nito. Naglakad ako papunta ng pinto saka ito binuksan.

“Bakit po?” magalang kong tanong kahit alam ko naman ang pakay nito kung bakit ito andito.

“Yung bayad niyo sa Kuryente?” mataray na tanong nito saka inilahad ang kamay. Kahit kailan talaga napaka taray ni ate janet kaya siguro tumandang dalaga ito.

“Magkano po ba?”

“Mura lang, tatlong libo.” hindi na'ko nagulat sa hiningi nito buti nga at bumaba naman kahit papaano. Nung mga nakaraang buwan kasi mahigit apat o limang libo ang sinisingil sa amin kahit wala naman kaming gaanong appliances ni lola at maghapon naman kaming wala dito sa bahay sa gabi lang namin nagagamit ang kuryente. Sila nga itong napakaraming appliances mga naka aircon pa tas limang libo lang ang babayaran nila sa kuryente.

“Ano magbabayad ba kayo o puputulan ko kayo. Baka nag rereklamo pa kayo jan, nakikikabit na nga lang kayo.” mataray nitong saad. Kala mo laging may dalaw.

“Wait lang po kukunin ko lang po yung pambayad.” tumalikod na ako saka pumasok ng kwarto ko. Kumuha ako ng tatlong libo sa pitako ko saka ibinigay kay ate janet. Pagalit pa itong kinuha ni ate janet bago umalis.

“Magkano nalang kaya ang pera ko dito?” napahinga nalang ako ng malalim at muling itinago ang pitaka sa damitan ko. Si lola naman ang magbabayad sa tubig. Buti pa ang tubig namin dalawa hanggang tatlong daan lang ang binabayaran namin.

Nakakalungkot talaga pag wala kanang pera. Ang hirap talaga ng buhay. Kaya pag pupursigihin kong makapagtapos ng pag aaral at maging Architec balang araw at mabigyan ko ng magandang buhay si lola para hindi na siya mahirapan pang mag trabaho para lang may pang gastos kami.

Tinapos kona ang gawaing bahay saka ako tuluyang pumasok sa trabaho ko.

“Paano yan sa pasukan, paano ka papasok dito sa restaurant?” tanong ni ate Fait habang nag lilinis kami ng restau bago namin ito buksan.

“Hindi ko nga din alam, magkakahiwalay naman siguro ang schedule ng bawat sub namin. Siguro pag wala pang klase pupunta muna ako dito at mag tatrabaho saka ako aalis pag may klase na kami.”

“Sabagay.”

“Oh tapos na kayo mag linis jan?” Bungad ni Kuya Mack isa sa mga chef dito sa restaurant ni kuya Ray. Teka asan ba si kuya Ray bat parang hindi ko pa siya nakikita ngayong umaga?

“Oo, tapos na kami. Mag bubukas naba tayo?” balik na tanong ni Ate Fait. Tumango naman si Kuya Mack. Lumabas si ate fait para palitan ng Open ang naka lagay na Close sa labas.

Maya maya pa'y may mga customer ng nagsipasukan sa loob. Nagsimula narin akong kumuha ng mga order nila katulong ko naman si Ate fait.

“Anong table to?” tanong ko sa order na to kung kaninong table ko ito ibibigay.

“Table 3 yan!” sigaw ni Terrence mula sa loob ng kitchen crew. Tumango naman ako lahit hindi niya iyon nakita. Kinuha kona ang order saka dinala sa table three.

“Here's your order.” ani ko saka inilapag isa-isa ang mga order ng lalaking nakaupo rito. But in my surprise. Shit! Bat naman ang gwapo nitong lalaking to? Nakakalag-lag panti. Bihira ako magwapohan sa isang lalaki kaya hinala kung mag ka crush ako. But this boy got me the vibes.

“Were's the drink?” napatulala naman ako dito ng mag salita ito. Shit why naman ang husky ng voice niya. Lumalabas ang kalandian ko sa lalaking to.

“A-ah wait lang po Sir.” mag lalakad na sana ako paalis ngunit may nakalimutan ako.“ ano po bang drink niyo sir?”

“Coke.” maikling sagot nito. Tumango naman ako saka bumalik sa counter.

“Ba't namumula ka Cath okay kalang ba?” alalang tanong ni Grace isa sa mga cashier dito sa restaurant.

“Ah hindi naman, o-okay lang ako ah.” alam kong muka akong tanga dahil sa pagkakautal ko.

“Okay sabi mo yan ah.” ani nito saka bumalik sa ginagawa. Pumasok ako sa kitchen crew saka nanghingi ng Coke.

Sa hindi mawaring dahilan napaka bilis ng tibok ng puso ko at nanginginig din ang kamay ko. Feeling ko hihimatayin ako sa nervous. Ano ba tong nangyayari sa akin.

“Miss are you okay?” tanong ng gwapong customer. “ Your hand is shaking.” mabilis kong inilapag ang coke nito saka itinago ang mga naginginig kong kamay.

“Ah, o-okay lang po ako, s-sige sir mauna napo ako. Have a great eat.” paalam ko saka mabilis na bumalik sa counter.

“Alam kona kong bakit ka namumutla.” biglang saad ni Grace. I look at her while frowling. “Crush mo yun no?” sabay turo sa lalaking gwapo.

“Ha! Hindi ah.” depensa ko sa sarili ko. Sabay aktong nagkakamali siya.

“Wews, wag kana mag deny teh, halata sa kilos mo. Saka hindi naman kita masisi kong mag ka crush ka kay Vincent, sadyang gwapo naman kasi talaga yan.”

“Vincent?” tanong ko saka siya tiningnan.

“Yeah, Clevincent Madriano Suitarez ang pangalan niyan. Gwapo na mayaman pa, pero sa mga gantong kainan yan kumakain kahit ang daming pera and beside Isa ding Professor yan actually siya ang may ari ng Zector State University.”

“Ang haba naman ng pangalan niya.” ani ko saka tumingin sa lalaki. Isa kapalang professor ha, what if maging teacher ko siya? Manifesting lord baka naman. “ Teka bakit mo alam full name niya ?” tanong ko saka siya tiningnan ng masama.

Tunawa naman ng mahini si Grace. “Gagi, sikat kaya yan saka yung kambal niyan. Wala ka kasing alam sa mga nangyayari sa mundo”

“Kambal? May kambal siya?” manghang tanong ko.

“Yep si Calvinen Quitir Suitarez, ang gwapo rin ng isang to. Kambal sila pero hindi sila magkamuka pero same sila ng ugali parehas mabait. Crush na crush ko si Calvinen dati pero ngayon hindi na alam ko naman kasing di mapapasakin.” ani ni Grace habang nilalaro ang kamay. Tumango tango nalang ako saka bumalik ang mga tingin sa lalaki. May mga ilan ng lumalapit ditong mga kababaihan saka nag papa selfie. Pinanood ko lang ito kahit gusto konang higitin ang mga malalanding babae na lumalapit dito.

Tapos na itong kumain kaya dali-dali akong lumapit dito para linisan ang pinagkainan nito. Nakayuko akong lumapit dito habang iniintay na umalis ito para mag bayad ng pinagkainan niya.

“Tip ko para sayo.” ani nito saka iniabot sa akin ang isang libo. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa laki ng tip nito. Seryoso ba siya? But sabagay mayaman naman pala yan kaya ibinulsa ko na ang binigay na tip nito saka simulang linisan ang kinainan nito na table. Habang nag lilinis ang aking mga tingin na hindi ko maalis sa kaniya hanggang sa makalabas na ito ng restaurant.

“Habol ang Tingin eh!” bungad ni Ate Fait saka hinampas ang braso ko.

“Hindi ah.” pagtatanggi ko rito.

“nako, tanggi kapa. Sinabi na sa akin ni Grace.” wala ya talagang Grace kahit kailan hindi mo talaga mapagkakatiwalaan napaka daldal ng bunganga.

“Naniwala kanaman.” ani ko sabay buhat ng tray ng mga pinggan at dinala sa loob.

Buong maghapon nakalutang ang utak ko kakaisip sa lalaking iyon. Mukang tinamaan ako sa kagwapuhan ng lalaking yon. Minsan nahuhuli ko nalang ang sarili kong nakangiti kakaimagine sa lalaking yon. Ano ba tong nangyayari sa'kin na Love at First sight ata ako.

“Naka ngiti kananaman, hoy gumising ka hindi mapapasayo iyon.” Panira ni Ate Fait sa akin.

“Panira ka talaga, saka malay mo maging kami some day. Wag kang mag alala ate Fait kukunin kitang ninang ng magiging anak namin.” saad ko saka ngumiti.

“Sige lang, libre mangarap minsan kalang naman mag ka gusto sa isang lalaki. Sulitin mona ang pangangarap.” wika ni Ate fait saka tinapik-tapik ang likuran ko at umalis. Napabusangot nalang ako sa sinabi ni Ate Fait.

Umabot na ng ala sais ng gabi hindi parin mawala sa isip ko ang lalaking iyon. Ngiti ko'y sumisilay pag naaalala ko ang muka niya, why naman kasi ang gwapo niya nakaka inlove eh. Out na kaming lahat kaya unti unti ng nag sisialisan ang mga tao dito sa Restaurant.

“Sige una na'ko sa inyo.” paalam ko saka lumabas ng restaurant. Maglalakad nalang siguro ako ngayon. Para marefresh ang utak ko sa lalaking yon.

But i awarrant ng bigla kong nakasalubong si Vincent paglabas ko ng Restaurant. My heart beat so fast. Agad akong pumasok pabalik sa loob habang sapo-sapo ang dibdib ko.

“oh, anong nangyari sa'yo?” talang tanong ni Grace na palabas na rin ng Restaurant. Agad akong umayos ng tayo.

“Ah wala-wala, uuwi kana?”

“Hindi pa, makikipag kita pako sa kaibigan ko nag yaya mag inom broken ata si Tanga, sige mauna na ako.” umalis ako sa harap ng pinto at pinadaan si Grace.

“Oh Cath, kala ko umalis kana?” tanong ni Ate Fait kakalabas lang galing sa kitchen Crew dala-dala ang mga gamit niya.

“Ah, eh may nakalimutan lang ako binalikan ko lang, oo, sige mauna na ako. Babye.” winagayway ko ang kamay ko saka lumabas na ng restau.

Huminga ako ng malalim saka nag simula ng maglakad pauwi. Pag kauwi ko ng bahay andoon na si lola at nakahanda narin ang hapagkainan. Sabay na kaming kumain ni lola.

“Oo nga apal la, nagbayad na ako ng kuryente kanina.  Nagpunta kasi dito sa ate Janet kaninang umaga para maningil ng kuryente.” inform ko kay lola.

“Magkana nanaman ang hiningi? Sa tubig naman nakabayad narin ako kanina pagdating ko saktong anjan nayung maniningil.”

“Tatlong libo.”  sagot ko habang kumakain.

“May pera kapa ba? Baka wala kanang pera mamimili kapa ng mga gamit mo sa sabado dahil sa lunes na ang simula ng pasukan niyo ulit.”

“May ipon panaman ako la, wag po kayong mag alala.” ani ko saka nagpatuloy sa pagkain.

“Kung wala kanang pera sabihin mo lang sa akin bibigyan kita galing sa ipon ko, para naman saiyo yun eh. Basta mag aral ka ng mabuti ha. Tuparin mo ang iyong mga pangarap.”

“Opo lola, promise balang araw pag naging architec na ako mag papagawa ako ng bahay na ako mismo ang gumawa at ibibigay ko po sa'yo la.”

“Ikaw talaga, sige na at tapusin mo na ang pagkain. Bukas mo nalang hugasan ang mga pinggan para makapag pahinga kana.” tumango naman ako kay lola.

Pumasok na ako sa kwarto ko pagtapos kong kumain, ganon din si lola. Kaagad akong nag palit ng pangtulog na damit at nahiga sa kama ko. Gusto ko ng matulog pero di pa ako inaantok. Kinuha ko ang cellphone ko.

Clevincent Madriano Suitarez search ko sa pangalan niya sa f******k. Nagbabakasakaling mahanap ko ang f******k acc niya. Kinakabahan akong nagiintay habang nag lo-loading pa.

Maraming Clevincent na mga acc ang lumabas. Alin kaya dito ang acc non? Inisa-isa kong inis talk ang mga acc para hanapin ang acc niya ngunit hindi ko talaga mahanap. Binack ko na dahil hindi ko naman mahanap ang acc niya.

Wait. Binuksan ko ulit ang facebool acc ko at sinearch ang Vincent Suitarez sa search icon ni f******k. Marami din ang lumabas but there's one acc that get my attention. Inistalk ko ito and finally nahanap ko din ang acc niya. Halos mag pagulong-gulong ako sa tuwa ngunit nawala ito ng makitang naka private ang acc niya. Ano bayan sayang nahanap ko nga acc niya naka private naman.

Nag dadalawang isip ako kung pipindutin ko ba yung add friend button. Baka hindi ako i accept nito dahil hindi naman ako nito kilala. But in the end inadd friend ko parin ito. Inoff kona ang cellphone ko saka inilapag sa tabi ko. Makatulog na nga tama na ang kalandian. Bago ako matulog kinuha ko ulit ang cellphone ko at nagpatug-tog ng mga kanta ni Nicki Minaj my favorite rapper and singer.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status