Share

CHAPTER 3

MAAGANG nagising si Migi kinaumagahan na hindi na niya alam kung paano siya nakatulog ng nagdaang gabi. Ni hindi niya malaman kung totoo o panaginip ba ang nangyari nang oras na iyon.

Mayamaya pa ay napakunot ang noo niya kasunod ang pag singhot nang may maamoy siyang pagkain mula sa kusina na nagpakalam lalo sa kanyang sikmura. Ngayon lang niya naramdaman ang gutom dahil sa amoy na iyon sapagkat hindi na rin niya alam kung kailan siya huling kumain.

Pilit man niyang isipin kung sino ang maaaring nandoon sa kusina para magluto, wala siyang maisip kaya nagpasya na lang siyang bumaba ng kama para tingnan iyon. Habang pababa si Migi patungo sa kusina, mas naamoy niya masarap na amoy ng pagkaing iyon habang bahagya siyang nakaramdam ng kaba kung sino ang nandoon, gayong wala naman siyang inaasahang bisita.

Lalong nangunot ang noo ni Migi nang makarating siya sa kusina. Napahinto siya ng madatnan niya ang isang lalaking walang pang itaas na damit, tanging apron na pink ang bumabalot sa katawan nito. Sa kabila ng pagtataka at kaba ni Migi, hindi niya maiwasang mamangha at titigan ang malapad na likod nito at pati na rin ang matambok na pang-upo nito.

Bago pa man makapag-react si Migi, napansin na siya ng lalaking iyon at humarap sa kaniya. Hindi siya nakagalaw habang napako ang kanyang paningin sa mukha ng lalaking iyon. Hindi siya maaaring magkamali, ito ang lalaking nasa silid niya noong gabi na ‘yon. Napaawang ang bibig ni Migi nang mapagtanto niyang hindi panaginip ang nangyaring iyon. Totoo ang lalaking nagpakilalang Sebastian sa kaniya at nandoon ito sa harap niya.

"Good morning, Migi," magiliw na bati ng binatang iyon na hawak pa ang sandok.

Napakurap si Migi habang prinoproseso pa ng utak niya ang lahat.

Paanong nandito pa ang lalaking iyon? Inisip pa niya ang huling nangyari nang gabing iyon ngunit ang huli niyang naalala, nakatulog na siya nang mahimbing.

"I-ikaw? H-hindi ka panaginip?" gulat na tanong ni Migi na nandoon din kaba. "A-anong ginagawa mo rito?"

Napakamot sa noo si Sebastian habang nakangiti. "I'm not your fantasy, Migi I'm your reality," sambit nito. "So yeah, basically totoo ako," dagdag pa nito.

"H-hindi mo ba alam na trespassing ka? Ngayon din pwede akong tumawag ng pulis para ipakulong ka," banta niya rito pero hindi man lang bumakas ang takot o pangamba sa gwapo nitong mukha.

Napangiti lang si Sebastian sa sinabi niya. "Hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin na may gagawin akong masama sa 'yo? If you want to call the police, go. I won't constrain you about it, Migi. Pero kung may masama man akong balak sa 'yo, kagabi pa lang ginawa ko na iyon sa 'yo," paliwanag nito na naging seryoso na ang mukha.

Hindi agad nakaimik si Migi dahil may punto ang sinabi ng lalaking iyon. Kung may balak man ito hindi na nito siya bibigyan ng pagkakataong makatakas o tumawag man ng tulong. Pinagluto pa nga siya nito.

Hindi niya alam kung bakit hindi pa rin siya tumatawag ng pulis, gayong may pagkakataon na siya. "Ano ba talagang kailangan mo sa akin, huh?" patuloy na usisa ni Migi.

Napangiti ang lalaki. "Hindi ba't sinabi ko na sa iyo ang dahilan ko, Migi? Nandito ako para bantayan ka."

Nanliit ang mata ni Migi. Hindi kasi niya maunawaan kung bakit kailangan siya nitong bantayan. "Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan mo akong bantayan?" naguguluhang naisatinig niya.

"Wait, are you a lawyer or an investigator, Migi? You asked too much," natatawa na sabi ni Sebastian. "Migi, you just need to trust me dahil alam ko ang lahat tungkol sa 'yo," sabay seryosong sabi nito.

Lalo lang siyang naguluhan sa mga sinabi niya. "Anong alam mo sa akin?"

"Alam ko ang pagkatao mo, Migi, ang lahat sa 'yo. Ang nakaraan mo."

Hindi alam ni Migi kung ano'ng iisipin niya sa sinabi nito. Naalala rin niya ang sinabi ni Sebastian tungkol sa murder cases sa lugar nila. "Sino ka ba talaga, Sebastian?" Nabuo ang pagka-interest niya sa lalaking nasa harap niya dahil sa misteryong pagkatao nito.

"Sa ngayon, mas mabuting pangalan ko na lang muna ang alam mo, Migi. Makikilala mo rin ako," anito, saka prenteng ngumiti.

Hindi na nakasagot pa si Migi dahil nanatili na lang ang mga mata niya sa gwapo nitong mukha habang iniisip niya kung sino ito at ano'ng nakatago sa pagkatao nito.

"The food is ready, Migi you can take your breakfast," maya mayang sabi ni Sebastian na nakapukaw sa kaniya. "I prepared this food for you dahil alam kong gutom ka na," dagdag pa nito.

Napakurap si Migi, saka bumaling sa pagkaing nakahain sa hapag-kainan. Muling naamoy niya ang masarap niyong samyo na nagpakalam muli ng kanyang tiyan. Nagulat pa siya nang tumunog iyon, sapat para marinig ni Sebastian.

"Don't deny, Migi you're hungry," natatawang sambit nito. Nagulat na lang siya nang hilahin siya nito tungo sa lamesa. Wala nang nagawa si Migi kung 'di sumunod na lang dito. Hindi na namalayan ni Migi na nawala na ang pangamba at takot niya sa estranghero na ito.

Tumambad sa harapan niya ang mga pagkaing nakikita sa hapag tuwing umaga, kagaya ng itlog, hotdog at sinangag na marahil iyon ang kanina pa niyang naamoy. Lalo tuloy siyang nagutom pero naiisip niya ang lalaking nasa harap niya.

"Huwag ka nang mahiya, sige na, kumain ka na dahil alam kong gutom ka," anito bago pa man makapagsalita si Migi.

"Ikaw, hindi ka kakain?" tanong niya rito na hindi niya na malayang kinakausap na niya ito ng ganoon.

"Sige lang, makita lang kitang kumakain busog na ako," nakangiting tugon ni Sebastian sa kaniya.

Pinanliitan niya ito ng mata dahil sa naging sagot nito. Hindi na lang niya iyon pinansin at binalingan ang pagkain sa hapag ng animo'y inutusan na siya ng kanyang tiyan na kainin ang lahat ng iyon.

Kumuha na si Migi ng pagkain at nilagay iyon sa kanyang sariling plato at nagsimulang kumain. No'ng una'y bahagya pa siyang nailang kay Sebastian na nakatingin lang sa kanya pero dahil gutom siya, hindi na niya iyon pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain.

"So, you like it, huh," komento nito habang nangingiti dahil sa walang imik niyang pagkain.

"Gutom ako, eh," sagot niya at nagpatuloy lang sa pagkain hanggang sa matapos siya at talaga namang nagustuhan niya ang lahat ng pagkaing nakahain sa harap niya.

Pagkatapos niyang kumain, nagpaalam na rin ang lalaking iyon. Nang iwan siya nito saka lang niya naisip ang pagtanggap na ginawa niya sa stranger na iyon. Kinain pa niya ang pagkaing niluto nito. Naramdaman din ni Migi ang pakiramdam na hindi ito masamang tao, na wala itong gagawing masama sa kaniya.

Sino ba ang lalaking iyon?

SIMULA NANG magpakita kay Migi si Sebastian sa bahay niya, hindi na muli ito nagpakita pa sa kaniya. Aminin man niya o hindi, may pagkakataong hinintay niya itong lumitaw na lang bigla sa silid niya pero hindi na iyon muling nangyari. Hindi niya lang maintindihan ang sarili kung bakit naging interesado siya sa lalaking iyon.

Padapang bumagsak si Migi sa kanyang kama nang dumating siya sa kanyang tirahan mula sa school. Habang nakadapa siya, nagbago siya ng posisyon at tumihaya, napakunot ang noo niya nang maramdaman niyang tila may nagmamasid sa kaniya.

Hindi kaya si Seb iyon? tanong niya sa kanyang sarili pero maya maya pa ay umiling siya dahil malabong magpakita pa iyon sa kaniya. Ilang buwan na nga ang nakaraan simula nang makita niya ito at hindi na niya inaasahan iyon. Baka ghi-nost na siya nito.

Dahil sa pakiramdam na iyon, mabilis siyang nagtulakbong ng kumot dahil sa bahagyang pagkatakot dahil tila may nagmamasid sa kanya. Dahil din sa pagod sa school hindi na niya namalayan na nakatulog na siya.

Kinaumagahan, maagang nagising si Migi at agad na pumasok sa paaralan. Malapit na rin kasi ang graduation niya kaya kailangan niyang mag-asikaso ng mga requirement niya.

Pumasok si Migi sa silid-aralan niya at nadatnan doon ang ilang kaklase niya na nag-uusap at hindi niya maiwasang mapakinggan iyon.

"Sis, alam mo ba hanggang ngayon hindi pa rin natatagpuan sina Fael at Althea at may mga nagsasabi na baka kasama sila sa mga napatay," narinig niyang sabi ng isa sa mga kaklase niya.

"Ay oo! At saka itong si Migi parang walang naalala, e, 'di ba, magkakaibigan sila?" ani naman ng isa pa.

"Shh!" Agad namang sinaway ito ng kausap nito na para bang ayaw iparinig iyon.

Bigla siyang natigilan sa narinig. Ano'ng kinalaman niya sa mga taong binanggit ng mga kaklase niya? Paanong kaibigan niya si Althea at Fael, eh, hindi nga niya ito kilala.

Anong kinalaman ko sa kanila? Bakit nabanggit nila ang pangalan ko? nagtatakang tanong ni Migi sa isip niya.

Nang lingunin niya ang dalawang iyon na nag-uusap tungkol sa bagay na iyon, nakita niyang palabas na ito ng silid kaya hindi na niya nagawang usisain ang mga iyon.

Naiwan siyang puno ng tanong at pagtataka sa mga narinig niya mula sa mga kaklase niya. Ano'ng kinalaman niya kay Althea at Fael na sinasabi nilang kasama sa mga pinatay at kaibigan daw niya, gayong hindi niya matandaan na nakasama niya ito. Napuno lang ng tanong ang isip niya.

HABANG nasa cafeteria si Migi, hindi pa rin mawala sa isip niya ang narinig niya mula sa kanyang mga kaklase. Habang kumakain siya, napalingon siya sa paligid dahil pakiramdam niya'y may mga matang nakatingin sa kaniya mula sa kung saan ngunit wala naman siyang napansing kahina-hinala sa paligid. Hindi na lang niya iyon pinansin at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.

Pero mayamaya natiligan siya ng makarinig siya ng mga boses sa paligid na hindi niya maintindihan.

Najdgsudhamsghatfswu  

Halo-halong boses iyon na hindi na niya maintindihan na nagdudulot ng bahagyang sakit sa ulo niya.

Nagusumot ang mukha ni Migi dahil sa maingay na mga boses na iyon na hindi naman niya maintindihan. "Ang ingay!" Hindi niya na malayang napalakas ang boses niya dahil sa ingay na naririnig niya. Saka lang niya napansin nang magtinginan ang kapwa niya mga estudyante sa kaniya na nagtataka sa reaksyon niya.

Nakita niyang nagtitinginan ang mga iyon. "Wala namang maingay, ah," nagtatakang sabi ng isa roon sa kausap nito. Napalingon siya sa paligid at tahimik nga roon.

"Baka epekto 'yan ng pagkawala ng mga kaibigan niya kaya nasisiraan ng bait," sagot naman ng kausap nito.

Napakunot na naman ang noo niya dahil sa sinabi ng mga iyon tungkol sa kanya. Iniisip din ng mga ito na kaibigan niya si Althea at Fael.

Dahil sa pagkapahiya niya, hindi na niya pinansin ang mga iyon at bumalik na lang sa pagkain na nakayuko ang ulo. Akala niya'y tatahimik na uli ang paligid pero mayamaya'y nandiyan na naman ang maingay na boses na hindi niya maintindihan. Halos mabingi siya sa mga naririnig niya. Nabitawan niya ang kutsarang hawak niya at napatakip sa tainga niya.

Tumayo siya sa pagkakaupo at mabilis na lumayo sa lugar na iyon. Dumeretso siya sa sa CR at agad na humarap sa salamin. Bakas sa mukha ni Migi ang pagtataka at kaguluhan doon. Ano ang mga naririnig niyang iyon? Mariing siyang napapikit. Binuhay niya ang gripo at agad na hinilamusan ang mukha, umaasang kakalma siya at mawawala ang mga boses na iyon. Ano 'tong nararamdaman niya?

SA ISANG madilim na eskinita, makikita ang dalawang lalaki na nakikipaglaban sa limang zombie. Nakakapagtaka ang bilis ng mga iyon, mapapansin din ang nakakatakot nilang mga mukha na animo'y mga bangkay na nagmula sa kanilang mga libingan.

Dalawang magkasunod na suntok ang pinakawalan ng isang lalaki na tumama sa isang zombie ngunit balewala ito. Bumaling ito sa isa pang zombie at ngumisi. Naisip nitong, kung hindi mapapatay ang mga zombie sa kamao nito, gagamitin nito ang madaling paraan. Inilabas nito ang dalang espada na kumikinang pa ang dulo nito, agad nitong iwinasiwas iyon sa isang zombie na tumama sa leeg nito, kasunod ang pagtilapon ng ulo nito sa kung saan.

Ganoon din ang ginawa ng isang lalaki. Agad na nahawakan nito ang kamay ng isang zombie na sumugod dito. Hinila niya ito at umikot kasunod ang pagwasiwas nito sa hawak na latigo na pumulupot sa dalawang zombies, magkasunod na naghiwalay ang mga ulo nito sa kanilang mga katawan. Sa isang iglap ay naubos na ang mga kalaban.

Matapos nilang patayin ang limang zombies na iyon, tumunog ang cellphone na hawak ng isa at agad iyong sinagot.

"Kumusta ang lagay dyan?" tanong sa kabilang linya.

"It's already done here Sir, seryosong sabi ng lalaking iyon na may hawak ng cellphone.

"Mabuti kung ganun. I have received a news," nagagalak na sabi ng kausap nito.

"What news sir?"

"Mukhang lumalabas na ang kaniyang abilidad," agad na sagot nito.

"Well, that's good, Sir," tuwang sagot nito.

"At alam mo na gagawin mo," paalala ng nasa kabilang linya.

"Yes sir!" pagkasabi nito ay naputol na ang tawag.

Lihim naman itong napangiti ang lalaking iyon dahil sa nalaman nito. Pero sa kabila ng mga ngiti nito ay may kabang sumilay rito.

"I did this for your own good, Migi."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status