Share

CHAPTER 4

HAPON nang magising si Migi, dala siguro ng stress at sa mga hindi kapanipaniwalang pangyayari ay nakatulog agad siya. Ni hindi pa nga rin niya napapalitan ang kanyang suot na uniporme.

Bumangon si Migi at bahagyang nag inat. Tumingin muna siya sa orasan bago pumasok sa cr. Wala pa siya sa wisyo kaya nakalimutan niyang isara ang pinto ng cr.

“Ang lagkit ko na, bakit kasi ako natulog ng nakapatay ang aircon,” reklamo niya. Habang hindi maiwasang mapakamot sa ulo.

Habang naliligo ay nararamdaman niya na parang may nakatingin sa kanya. Dahil sa takot ay nag tapis na si Migi at dali daling lumabas.

Nang makatapos magbihis, kumulo ang tiyan niya. Napagtanto niya na kanina pa pala siya hindi kumakain.

“Nakakagutom rin pala ang matulog,” sambit niya habang hinihimas ang tiyan.

Lumabas si Migi ng kwarto at pumunta sa kusina para humanap ng makakain. Pero pagbukas niya ng Ref ay napanganga siya sa nakita. Tanging tubig lang ang laman nito.

“Siguro sa labas na lang ako kakain,” natatawa na sambit niya.

Nang makapagpagsuot si Migi ng jacket ay pumunta na siya sa isang malapit na Karinderya. Masarap ang luto ni Aling Marta na may ari ng Karinderya.  Ang luto nito ay parang katulad lang ng sa ina niya. Yung luto na mapapa wow ka sa lasa.

"Oh Migi! Kumusta ka naman?” masiglang pagbati ni Aling Marta.

Madalas si Migi na bumalik dito, bukod sa sarap ng luto ay parang pangalawang magulang na rin ang turing niya rito.

"Ayos lang naman po ako Aling Marta, kayo po ba? Mukhang pa sexy kayo ng pa sexy ah,” nakangiting sagot niya rito.

“Nako Migi, nambola ka pa, ano ba ang order mo?” namumulang sambit nito.

Lihim naman na napa bungisngis si Migi dahil sa reaksyon ni Aling Marta. “Dalawang kanin at isang Ginataang Tulingan po,” sambit niya bago kinuha ang kanyang wallet.

"Huwag ka na magbayad, para na rin naman kitang anak,” magiliw na wika nito.

“Hala, nakakahiya naman po, pero pa libre na rin po ng isang nilagang itlog,” natatawang sambit niya.

"Oo na, ikaw talaga na bata ka, sige na maupo ka muna doon," Napapangiting saad ni Aling Marta.

Agad naman siyang naghanap ng pweding maupuan. Nagpalinga linga si Migi sa paligid. Kapansin pansin din na medyo marami pa rin ang customer. Laking pasasalamat niya na may nakita siya na mag-isa lang na kumakain doon. 

“Siguro naman papayag yun na makihati ako.” Bulong niya

Saktong paglapit niya ay napatingin sa kanyang ang lalaki na kumakain mag-isa. Nang makita niya ang kabuuang mukha nito ay hindi niya maiwasang matulala. Hindi niya alam kung bakit gustong gusto niya titigan ang mala-anghel nito na mukha.

"Hey!" Nabalik lang si Migi sa ulirat ng kumaway ito sa harapan niya.

"A-ah pwede bang makiupo? Puno na kasi sa ibang lamesa, yun ay kung ayos lang sa iyo," Nauutal na tanong ni Migi. Hindi niya rin maiwasang paglaruan ang laylayan ng kanyang damit. Dala ng kahihiyan na nararamdaman niya.

"Oo naman walang problema," wika ng lalaki.

Sandaling natigilan si Migi, na tila bumaba ang mga anghel at pinapatugtog ang trumpeta dahil sa liwanag ng mga ngiti ng lalaki na ito.

Mabilis naman na tumango si Migi at umupo sa may tapat nito.

Maya maya pa ay dumating na ang kaniyang order. Nagsimula na rin kumain si Migi, hindi alintana ang ingay sa paligid niya. Tanging gusto niya lamang ay makakain at mabusog. 

Saktong pagsubo ni Migi ng nilagang itlog nang maramdaman niya na parang may nakatitig sa kanya. Lumingon siya sa lalaki sa harap niya. Paglingon niya rito ay siya naman pag kindat ng lalaki. 

Napaubo si Migi at tumalsik ang ilang piraso ng itlog na kinakain niya. Pakiramdam niya ay pumasok ang ilang piraso ng itlog kinain niya sa loob ng kanyang ilong.

Habang umuubo ay napansin niya ang isang baso ng tubig na inaabot sa kanya ng lalaki. 

"Ayos ka lang ba?" Patay malisya na tanong nito sa kanya.

Hindi niya maiwasang mapairap sa inasal ng lalaki, na akala mo hindi ito ang rason kung bakit siya nagka ganoon. Pinunas muna ni Migi ang mga natira sa gilid ng labi niya bago sumagot. “Oo naman.”

Padabog na tumayo si Migi, bago pumunta kay Aling Marta. Ni hindi niya na rin nilingon pa ang lalaki na iyon.

“Maraming salamat po, Aling Marta,” Pagyakap niya rito.

“Maliit na bagay lang ‘yon, Migi, O siya mag-iingat sa pag uwi ha,” saad nito bago tinapik tapik ang balikat ni Migi.

Lumabas na siya doon, at napatigil nang makita ang Mamang Sorbetero.

“Kuya pabili po,” aniya. Bata pa lang siya ay ito na ang madalas niyang kainin kasama ang kanyang ina.

Napansin niya naman ang kakaibang ngiti ng Mamang Sorbetero sa kanya. Ngunit isinawalang bahala niya na lamang ito. 

Habang naglalakad si Migi ay hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya habang kumakain.

“Mas masaya sana kung nandito si Mama,” malungkot na wika niya.

Mayamaya pa ay nararamdaman ni Migi na parang may sumusunod sa kanya. Lumingon siya sa likod at napansin na wala namang tao. Naglakad ulit siya, pero narinig niya naman ang yabag ng mga paa na sumusunod sa kanya. Sa tuwing lilingon siya ay wala naman siyang nakikita.

Pinakinggan mabuti ni Migi ang mga naririnig niya.

“Base sa mga tunog ng yabag nila ay nasisiguro ko na tatlong tao ang mga sumusunod sa akin,” kinakabahan na sambit niya.

Dahil sa nadiskubre ni Migi, iniba niya ang kanyang dinaanan. Ang kanina na lakad ay naging takbo na. Hindi niya malaman kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso niya at mga pawis na tumutulo mula sa mukha niya. 

“Hindi pa rin nila ako tinatantanan,” bulong niya.

Sa sobrang pagmamadali na makatakas sa mga humahabol sa kanya ay hindi niya namalayan na napadpad siya sa isang madilim na eskinita. Tumambad sa kanya ang mga pinaghalong amoy ng nabubulok na b****a, patay na hayop at ilan pa na hindi niya matukoy kung ano.

Tiniis ni Migi ang lakas ng amoy at pilit sumiksik sa gilid ng isang basurahan. Nagmasid din siya sa paligid para malaman kung sino ang mga sumusunod sa kanya.

"Nasaan na yun?" Tanong ng isang lalaki na tirik na tirik ang pulang buhok. Kapansin pansin din ang mga hikaw nito sa kanyang ilong at labi. Nagkibit balikat na lamang ang kasama nito sa tanong non.

Kitang kita niya ang tatlong lalaki na nag uusap. May isang kalbo, tirik ang buhok at isa na gupit bao ang buhok. Napatakip si Migi ng bibig nang mamukhaan niya ‘yung kalbo, ito ‘yung Mamang Sorbetero kanina.

Dahan dahan na umalis si Migi sa kanyang pwesto dahil sa hindi matiis na masangsang na amoy. Sa kasamaang palad nasagi niya ang isang basurahan na siyang lumikha ng ingay. 

Mas lumakas pa ang tibok ng puso ni Migi. Dahil sa ingay ay naging alerto ang tatlong lalaki.

"Sino yan?! Lumabas ka diyan!?" Sigaw ng kalbong lalaki.

Hindi malaman ni Migi ang gagawin. Habang palapit ang mga ito sa pwesto niya ay hindi niya napigilan ang ginawa niya.

“Meow!”

"Pusa lang pala! Tara na!" sambit ng lalaki na gupit bao ang buhok.

Nang maramdaman niya pag alis ng mga ito ay nakahinga siya nang maluwag. Ngunit paglabas niya pa lang ay nagulat siya sa nakita. 

Nakalutang ang tatlong lalaki at nakangisi na parang demonyo. Kinusot kusot ni Migi ay kanyang mata para malaman kung totoo ba ang nakikita niya. Ang kaninang mga lalaki ay mukha ng mga halimaw ngayon. Mayroon itong pakpak na tulad sa paniki at ang bahagi ng katawan ng mga ito ay tila naaagnas.

"Akala mo ba maiisahan mo kami?!" sigaw ng lalaking tirik ang buhok.

"A-ano bang kailangan niyo sa akin? Pera? Heto o bente!" pilit tinapangan ni Migi ang boses niya kahit na parang naiihi na siya sa takot.

"Bente?! hindi namin kailangan pera mo!" Tumawa naman ito na parang demonyo. Maya maya pa ay bumaba na rin ang mga ito. Kitang kita ang mga nakangisi nilang labi at ilang matutulis na ngipin.

Napaatras si Migi, nanlamig ang buong katawan niya nang maramdaman ng likod niya ang matigas na pader.

“M-mamatay na ba ako?” nauutal na sambit ni Migi. Nagsimula na rin magsipatak ang mga luha niya.

Kitang kita niya kung gaano kahaba ang dila ng mga ito. Ipinikit niya na lamang ang kanyang mga tama na tila ba tanggap na ang magiging kapalaran niya.

“Mama, sorry…” Umiiyak na saad niya bago hinintay ang pag atake ng mga halimaw.

Makalipas ang ilang minuto ay ni isa wala siyang naramdaman. “Yun na ‘yon? Namatay ako nang walang nararamdaman na sakit?” saad niya habang hindi iminimulat ang mata.

Maya maya pa ay nakaamoy siya ng malansa at narinig niya rin ang sigaw na tila ba nasasaktan. Minulat niya ang kanyang mata at tumambad sa kanya ang mga nagkalat na bangkay ng tatlong lalaki.

Nanigas siya sa kanyang pwesto nang makita ang pamilyar na lalaki sa harapan niya na may hawak na espada.

"Sebastian?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status