Share

Kabanata 25

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2026-01-07 22:08:39
Roxanne’s POV

“Roxanne, nasa labas ang asawa mo. Hinihintay ka yata,” sabi ni Jane na halatang kinikilig pa habang nakasandal sa pinto ng opisina ko. “At hindi siya mag-isa.”

Napamura ako sa ilalim ng hininga ko. “Anong ibig mong sabihin na hindi siya mag-isa?”

“Kasama niya ang parents niya,” dagdag ni Jane. “Mukhang seryoso. May dala pa ngang bulaklak.”

Napapikit ako sandali. Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Hindi ito magandang timing. Lalo na’t hindi pa ako handang humarap sa kahit na sinong Ramirez ngayon.

“Sabihin mo busy ako,” mabilis kong sabi.

“Late na,” sagot ni Jane. “Nandito na sila sa receiving area. Nakita ka na yata.”

Wala na akong nagawa kundi tumayo at ayusin ang blazer ko. Huminga ako nang malalim bago lumabas ng opisina. Sa bawat hakbang ko palabas, pakiramdam ko mas bumibigat ang paa ko.

Pagdating ko sa receiving area, agad kong nakita si Julian. Nasa harapan siya, may hawak na bouquet ng bulaklak. Sa gilid niya, nakatayo sina Mommy Tess at Daddy Roberto. Nak
Deigratiamimi

Good evening po. Stay tuned for more updates :))

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 39

    Roxanne’s POVNakaupo kami sa veranda habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Sobrang peaceful ng paligid. Nakasandal ako sa balikat ni Mateo, habang nakayakap naman siya sa akin at ang isang kamay niya ay nakahawak sa tiyan ko. Ramdam ko ang init ng palad niya, steady, parang sinasabi sa akin na kasama ko lang siya palagi. Nakapatay lahat ng mga cellphone namin kaya wala talagang isturbo. Para raw masolo namin ang isa't isa. Ayaw niya rin kasing may isturbo.“Pagod ka ba?” tanong niya matapos ang ilang minutong katahimikan.“Hindi,” sagot ko. “Okay lang ako. Bakit naman ako mapapagod? Maghapon tayong magkasama.”“Sigurado?”Tumango ako. “Mas okay ako ngayon kaysa kanina.”Ngumiti siya. “Good.”“Anong iniisip mo?” tanong ko sa kaniya nang biglang sumeryoso ang mukha niya.“Iniisip ko kung gaano ka kalakas,” sagot niya. “At kung gaano ka ka-brave sa lahat ng pinagdadaanan mo.”***Pagtungtong ng alas siyete ng gabi, tumayo si Mateo at inalalayan ako. “Tara na,” sabi niya.“Saan?” t

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 38

    Roxanne’s POVNagising ako dahil sa malakas na pagtunog ng cellphone ko. Napaigtad ako at agad inabot ang cellphone sa bedside table bago pa magising si Mateo. Nang makita ko ang pangalan ni Mommy Tess sa screen, parang biglang nawala ang antok ko.Sinagot ko ang tawag at ibinaba ang boses ko. “Good morning po, Mommy Tess.”“Good morning, hija,” sagot niya. “Julian told me, hindi ka raw natulog sa bahay ninyo ilang araw na ang nakalipas.”Napatingin ako kay Mateo. Mahimbing pa rin siyang natutulog, pero mahigpit ang yakap niya sa akin, parang natatakot siyang mawala ako. Napalunok ako bago sumagot.“May konting aberya lang po,” sabi ko. “Nagkaroon po kami ng hindi pagkakaintindihan.”“Ganoon ba,” sabi niya. “Nag-away na naman ba kayong dalawa?”“Hindi naman po malala,” sagot ko kahit hindi totoo. “May pinag-awayan lang po.”“Roxanne,” mas seryoso ang tono niya, “alam mo naman na ayokong nakikitang nahihirapan ka. Kung anuman ang problema ninyo ni Julian, sana ay magkabati na kayo. Lal

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 37

    Roxanne’s POVTumunog ang cellphone ko. Pagkakita ko sa pangalan ni Julian sa screen, automatic na kumunot ang noo ko. Hindi ko sana sasagutin, pero naunahan ako ni Mateo.“Sagutin mo,” mahinang sabi niya. “Baka hinahanap ka na naman niya.”Nakasandal siya sa headboard. Kita ko pa rin ang pilit niyang pagtitiis habang nakahawak sa tiyan niyang may benda. Kahit masakit, pilit pa rin siyang kumikilos na parang ayos lang siya.Huminga ako nang malalim bago sinagot ang tawag.“Roxanne, where are you?” bungad ni Julian. “Sabi ni Daddy, magkasama raw kayo ni Uncle Mateo sa birthday party ni Congressman.”“Umuwi na ako,” sagot ko, pilit pinapantay ang tono ng boses ko. “Nasiraan ako ng kotse kanina sa daan. Sinama na lang niya ako pauwi. Bakit? May kailangan ka ba?”“Napansin kayo ni Daddy,” dugtong niya, “na parang may kakaiba raw sa inyo. Hindi raw kayo nag-uusap na parang magtiyuhin lang.”Napatingin ako kay Mateo. Nakatingin din siya sa akin. Hindi siya nagsasalita, pero malinaw ang sina

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 36

    Roxanne’s POVMagdamag akong hindi nakatulog.Kahit ilang beses nang sinabi ng doktor na stable na si Mateo, na wala na raw panganib at maayos ang pagkakagawa ng pagtahi sa sugat niya sa tiyan, hindi pa rin ako mapakali. Para akong hinihila pabalik sa bawat segundo ng gabing halos mawala siya sa akin.Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. Mainit pa rin naman siya. Buhay na buhay. Humihinga pa siya. Pero hindi sapat iyon para kumalma ako.“Binaril ka nila,” pabulong kong sabi kahit alam kong wala siyang sagot. “At hindi mo man lang napansin.”Tahimik pa rin siya. Mahimbing ang tulog, pero may kunot ang noo. Parang kahit sa panaginip, may laban pa rin siyang hinaharap.Umupo ako sa gilid ng kama. Hindi ko binitiwan ang kamay niya kahit sumakit na ang pulso ko.“Sabi mo hindi mo nakita kung sino,” mahina kong dagdag. “Pero alam mo, hindi ako naniniwala na basta lang ‘yon. Ikaw ang target nila kaya ka pinanunta ni Daddy Roberto sa birthday ni Congressman.”Huminga ako nang malalim at

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 35

    Roxanne’s POVHabang abala si Mateo sa pakikipag-usap sa mga bisita, ako naman ay hindi mapakali. Hindi ko kayang magpanggap na normal lang ang lahat. Hindi sa ganitong lugar. Hindi sa ganitong mga tao. Kaya habang siya ay ngumingiti, nakipagkamay, at nakipagpalitan ng mga salitang puno ng pakinabang, ako ay tahimik na nagbabantay.Paulit-ulit bumabalik ang tingin ko sa lalaking naka-polo, nasa bandang gilid ng venue. Hindi siya masyadong halata, pero hindi rin siya nagtatago. May tattoo siya sa kamay. Isang disenyo na matagal ko nang alam kahit ipikit ko pa ang mga mata ko.Parehong-pareho.Hindi ko kailangang mag-isip pa. Ilang taon ko nang dala ang imaheng iyon sa isip ko. Pareho sila ng tattoo ni Daddy Roberto, sampung taon na ang nakalipas. Bago siya mamatay. Bago kami mawala.Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko, kunwari ay nagte-text, pero ang totoo ay binuksan ko ang camera. Kailangan kong maging maingat. Isang maling galaw, isang malin

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 34

    Mateo’s POVPagdating namin ni Roxanne sa abandonadong law firm kung saan nagtatrabaho ang tatay niya noon, agad kong nakita ang isa sa mga assistant ko na nakaabang sa ‘di kalayuan. Hindi siya lumapit agad. Sa halip, lumingon muna siya sa paligid bago nagbigay ng senyas na lumapit kami nang dahan-dahan.“Sir,” mahina niyang sabi nang makalapit kami, “may problema.”“Ano?” tanong ko agad.“Nakita namin ang kotse ni Sir Roberto sa likod ng building,” sagot niya. “May mga kasama siya.”Nanigas ang katawan ni Roxanne sa tabi ko. Ramdam ko ang paghigpit ng kapit niya sa manggas ng polo ko.“Sigurado ka?” tanong ko.“Opo,” sagot ng assistant ko. “Itim na SUV. Plate number confirmed.”Hindi ako nag-aksaya ng oras. Lumapit ako kay Roxanne at hinawakan ang balikat niya.“Huwag kang magsasalita,” bulong ko. “Sundin mo lang ako.”“Bakit nandito si Daddy Roberto?” mahina niyang tanong. “Akala ko sarado na ‘to.”“Dahil may tinatago talaga siya,” sagot ko nang diretso. “At ayokong makita niya tayo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status