MasukGood afternoon po. Stay tuned for more updates!
Roxanne’s POVTumunog ang cellphone ko. Pagkakita ko sa pangalan ni Julian sa screen, automatic na kumunot ang noo ko. Hindi ko sana sasagutin, pero naunahan ako ni Mateo.“Sagutin mo,” mahinang sabi niya. “Baka hinahanap ka na naman niya.”Nakasandal siya sa headboard. Kita ko pa rin ang pilit niyang pagtitiis habang nakahawak sa tiyan niyang may benda. Kahit masakit, pilit pa rin siyang kumikilos na parang ayos lang siya.Huminga ako nang malalim bago sinagot ang tawag.“Roxanne, where are you?” bungad ni Julian. “Sabi ni Daddy, magkasama raw kayo ni Uncle Mateo sa birthday party ni Congressman.”“Umuwi na ako,” sagot ko, pilit pinapantay ang tono ng boses ko. “Nasiraan ako ng kotse kanina sa daan. Sinama na lang niya ako pauwi. Bakit? May kailangan ka ba?”“Napansin kayo ni Daddy,” dugtong niya, “na parang may kakaiba raw sa inyo. Hindi raw kayo nag-uusap na parang magtiyuhin lang.”Napatingin ako kay Mateo. Nakatingin din siya sa akin. Hindi siya nagsasalita, pero malinaw ang sina
Roxanne’s POVMagdamag akong hindi nakatulog.Kahit ilang beses nang sinabi ng doktor na stable na si Mateo, na wala na raw panganib at maayos ang pagkakagawa ng pagtahi sa sugat niya sa tiyan, hindi pa rin ako mapakali. Para akong hinihila pabalik sa bawat segundo ng gabing halos mawala siya sa akin.Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. Mainit pa rin naman siya. Buhay na buhay. Humihinga pa siya. Pero hindi sapat iyon para kumalma ako.“Binaril ka nila,” pabulong kong sabi kahit alam kong wala siyang sagot. “At hindi mo man lang napansin.”Tahimik pa rin siya. Mahimbing ang tulog, pero may kunot ang noo. Parang kahit sa panaginip, may laban pa rin siyang hinaharap.Umupo ako sa gilid ng kama. Hindi ko binitiwan ang kamay niya kahit sumakit na ang pulso ko.“Sabi mo hindi mo nakita kung sino,” mahina kong dagdag. “Pero alam mo, hindi ako naniniwala na basta lang ‘yon. Ikaw ang target nila kaya ka pinanunta ni Daddy Roberto sa birthday ni Congressman.”Huminga ako nang malalim at
Roxanne’s POVHabang abala si Mateo sa pakikipag-usap sa mga bisita, ako naman ay hindi mapakali. Hindi ko kayang magpanggap na normal lang ang lahat. Hindi sa ganitong lugar. Hindi sa ganitong mga tao. Kaya habang siya ay ngumingiti, nakipagkamay, at nakipagpalitan ng mga salitang puno ng pakinabang, ako ay tahimik na nagbabantay.Paulit-ulit bumabalik ang tingin ko sa lalaking naka-polo, nasa bandang gilid ng venue. Hindi siya masyadong halata, pero hindi rin siya nagtatago. May tattoo siya sa kamay. Isang disenyo na matagal ko nang alam kahit ipikit ko pa ang mga mata ko.Parehong-pareho.Hindi ko kailangang mag-isip pa. Ilang taon ko nang dala ang imaheng iyon sa isip ko. Pareho sila ng tattoo ni Daddy Roberto, sampung taon na ang nakalipas. Bago siya mamatay. Bago kami mawala.Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko, kunwari ay nagte-text, pero ang totoo ay binuksan ko ang camera. Kailangan kong maging maingat. Isang maling galaw, isang malin
Mateo’s POVPagdating namin ni Roxanne sa abandonadong law firm kung saan nagtatrabaho ang tatay niya noon, agad kong nakita ang isa sa mga assistant ko na nakaabang sa ‘di kalayuan. Hindi siya lumapit agad. Sa halip, lumingon muna siya sa paligid bago nagbigay ng senyas na lumapit kami nang dahan-dahan.“Sir,” mahina niyang sabi nang makalapit kami, “may problema.”“Ano?” tanong ko agad.“Nakita namin ang kotse ni Sir Roberto sa likod ng building,” sagot niya. “May mga kasama siya.”Nanigas ang katawan ni Roxanne sa tabi ko. Ramdam ko ang paghigpit ng kapit niya sa manggas ng polo ko.“Sigurado ka?” tanong ko.“Opo,” sagot ng assistant ko. “Itim na SUV. Plate number confirmed.”Hindi ako nag-aksaya ng oras. Lumapit ako kay Roxanne at hinawakan ang balikat niya.“Huwag kang magsasalita,” bulong ko. “Sundin mo lang ako.”“Bakit nandito si Daddy Roberto?” mahina niyang tanong. “Akala ko sarado na ‘to.”“Dahil may tinatago talaga siya,” sagot ko nang diretso. “At ayokong makita niya tayo
Mateo’s POV Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko agad siya hinarap. Parang kailangan ko munang siguraduhin kung tama ang narinig ko. Hindi ko alam kung galit ba ang una kong naramdaman o takot. Siguro pareho. “Ano’ng sinabi mo?” tanong ko, pilit pinapakalma ang boses ko. Umupo pa rin siya sa sofa, diretso ang likod, pero ramdam ko ang tensyon sa balikat niya. Hindi siya umiwas ng tingin. “Nakita ko ang mga dating larawan ni Daddy Roberto,” ulit niya. “Mga lumang larawan. Bago pa kayo yumaman. Bago pa kayo magkaroon ng kompanya.” Nilunok ko ang laway ko. “Saan mo nakita?” tanong ko. “Sa lumang storage room sa bahay ni Mommy Tess,” sagot niya. “Naghahanap ako ng mga dokumento para sa annulment. May isang kahon doon. May mga album.” Natahimik ako. Hindi ko pa rin siya nililingon. “Mateo,” tawag niya. “Sagutin mo muna ako bago ka mag-isip ng kahit ano.” Huminga ako nang malalim saka ako tuluyang humarap sa kaniya. “Anong tattoo?” tanong ko. Tumayo siya at lumapit sa akin.
Mateo’s POV Nakaupo ako sa loob ng pribadong opisina ng imbestigador na kilala sa ilalim ng mesa at sa labas ng batas. Kaibigan siya ni Atty. Tuazon—iyon ang sabi niya sa akin nang ipakilala ko ang sarili ko. Tatlo silang nandoon. May isang babae na tahimik lang, may hawak na tablet, at dalawang lalaking halatang sanay sa ganitong klase ng trabaho. “In short,” sabi ng imbestigador habang nakasandal sa upuan niya, “gusto mong hanapin ang pumatay sa mga magulang ng asawa ng pamangkin mo. Ten years ago. Walang malinaw na lead maliban sa tattoo.” “Hindi lang tattoo,” sagot ko, diretso ang tingin sa kaniya. “May CCTV. May timeline. May huling kasong hinawakan ang tatay niya bago siya pinatay.” Tumango siya. “Alam ko. N-ireview na namin bago ka dumating. Pero kailangan kong linawin sa iyo, Mateo. Mahirap ‘to. Sampung taon na ang lumipas. Pwedeng patay na ang gunman. Pwedeng binura na ang tattoo. Pwedeng may mas malaking taong sangkot na hindi basta-basta gagalawin.” Pinatong ko ang pala







