공유

Chapter 126

작가: Sienna Fox
last update 게시일: 2026-10-08 21:54:48

Nakita ni Althea ang station director na nakangiti hanggang sa halos hindi na ito makakita sa sobrang paniningkit ng mata. Nang maisip niya si Yannis, hindi niya napigilang magtanong sa sarili. Si Yannis ba talaga talaga si Kuya Xavy? Siya rin ba ang misteryosong “Y” na taon-taon siyang pinapadalhan ng mga alahas?

“Director, nasa private room pa po ba si Yannis?”

“Wala na, halos kakaalis lang niya.”

Biglang tumayo si Althea mula sa kanyang inuupuan at nagmamadaling tumakbo palabas ng event hall
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 126

    Nakita ni Althea ang station director na nakangiti hanggang sa halos hindi na ito makakita sa sobrang paniningkit ng mata. Nang maisip niya si Yannis, hindi niya napigilang magtanong sa sarili. Si Yannis ba talaga talaga si Kuya Xavy? Siya rin ba ang misteryosong “Y” na taon-taon siyang pinapadalhan ng mga alahas?“Director, nasa private room pa po ba si Yannis?”“Wala na, halos kakaalis lang niya.”Biglang tumayo si Althea mula sa kanyang inuupuan at nagmamadaling tumakbo palabas ng event hall. Nang makita ni Celina na umalis si Althea, bahagyang kumunot ang kanyang noo. Nang mapadaan sa harap niya ang station director agad siyang nagtanong. “Direk, saan po pupunta si Althea?”Pinaliwanag ng director kay Celina na si Yannis ang magiging first guest sa unang episode ng Food Wins the World.Mariing bumaon ang mga daliri niya sa kanyang palad, na para bang gusto niyang punitin ang sariling balat sa sobrang galit. Bakit kahit nakakuha na si Althea ng tatlong daang milyong na exclusive

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 125

    Marahas na nangininig ang mahahabang pilikmata ni Althea, para bang nag-short circuit ang utak niya at wala na siyang ibang magawa kundi manataling blangko. Malalim at napakaitim ng mga mata ni Xavier, isang uri ng kadiliman na tila kayang lamunin ang lahat ng bagay sa mundo. Ilang segundo ang lumipas bago na-realize ni Althea kung ano ang ginawa nito. Agad niyang inilapat ang maliit niyang kamay sa balikat ng lalaki at mariing itinulak ito palayo. Namula ang kanyang mukha dahil kanina pa niya pinipigilan ang paghinga. Marahas na nanginginig ang mahahabang pilikmata ni Nan Zhi. Para bang nag-short circuit ang utak niya at wala na siyang ibang magawa kundi manatiling blangko.“Bakit ka naman ganoon? Ang daming nakatingin! Nakakakahiya. ”Nanatiling napakalapit ng matipunong mukha ng lalaki sa kanya, bahagyang itinaas nito ang matalas niyang kilay. “Hayaan mo nga silang tumingin at mainggit, ano naman ba ang kinatatakutan mo?”Hindi kasing kapal ng mukha niya ang babae, kumunot ang k

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 124

    Ang mga taong kanina ay gustong makita si Althea na mapahiya ay sabay-sabay na natakot at kinilabutan. Hindi nila alam kung sino ba talaga ang lalaking nasa gitna ng stage, pero kaya nitong ilagay sa bingit ng bankruptcy ang pamilya ni Mr. Sy sa loob lamang ng ilang minuto. Malinaw na hindi ito isang tao na dapat nilang kalabanin. Naalala ni Mr. Tan kung paano nakiusap ang kanyang kaibigan bago itinapon palabas, siya ang unang tumayo. Kinuha niya ang mic at yumuko sa harap ng babae. “M-miss Althea, sorry po. Pasensya na dahil naging bulag ako at nasaktan ko ang damdamin mo nang hindi ko man lang inaalam ang buong katotohanan, sana po ay mapatawad ninyo ako.”Pagkatapos niyang humingi ng tawad, ilan pang mga boss na kanina ay nakisali sa pang-iinsulto ang sunod-sunod na tumayo para humingi rin ng tawad.Habang ang babae ay nakatayo sa likuran ni Xavier, tinititigan niya ang malapad at matipunong likod nito. Ang matangkad at matatag nitong katawan, bigla niyang naramdaman na para ito

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 123

    Nakaupo ang station director sa ibaba ng stage, nang marinig niya ang sinabi ni Mr. Sy gusto sana niyang tumayo at magsalita. Pero isang tingin lang ni Xavier sa kanya ay agad siyang natigilan. Hindi naman nagwala ang lalaki at bumaba ng stage para bugbugin ang matanda, bahagya lamang niyang pinikit ang malalim at madilim niyang mga mata. Malamig, mapanganib, mayabang at matalim ang kanyang aura. Sa bawat galaw ng kanyang mukha ay bakas ang walang-awang lamig na tila nakaukit na sa kanyang pagkatao, sapat para mangilabot ang sinuman.“Bibigyan kita ng isang pagkakataon. Maghubad ka, lumuhod at humingi ng tawad.”Hindi mataas o mababa ang kanyang boses, ngunit taglay nito ang nakakakilabot na lamig at panganib.Alam ng mga taong nakakakilala sa kanya na isa itong senyales bago niya tuluyang wasakin ang sinumang humamon sa kanya.Ngunit walang kaalam-alam si Mr. Sy, nang marinig niyang pinaghuhubaf siya nito sa harap ng lahat at pinapa-luhod para humingi ng tawad pakiramdam niya ay hind

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 122

    Bago lumakad si Xavier, may ilang bagay muna siyang iniutos kay Sean. Agad naman pumasok muli si Sean sa loob ng private room habang hawak ang kanyang cellphone.Matalim na nilibot ni Xavier ng tingin ang buong event hall. Sa ilalim ng kanyang matangos na ilong, mahigpit niyang kinagat ang ilalim ng kanyang labi. Taglay niya ang likas na dominante at matinding aura na agad nag patahimik sa buong lugar. Habang naglalakad siya papunta sa stage, walang sinuman ang nangahas na magsalita. Nanatiling tahimik ang buong silid, mahigpit ang mga linya ng kanyang mukha habang nababalot ng malamig at madilim na ekspresyon ang kanyang mga mata at kilay.Nakakatakot ang lamig ng kanyang presensya, tinitigan ni Althea ang lalaking sa paglabas pa lamang ay kaya ng durugin ang presensya ng mga tao sa paligid. Biglang bumuhos sa dibdib niya ang magulong damdamin. Hindi niya inakalang ang lalaking pilit niyang iniiwasan ay bigla siyang ipagtatanggol ng ganun. Ang buong akala niya ay pumunta ang lalaki

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 121

    Isang daang milyon?Nabigla ang lahat, walang makapaniwala sa kanilang narinig. Maging sina Celina at Bernadette ay natulala. Isang host na may masamang reputasyon dahil may anak sa pagkadalaga si Althea. Sino naman ang magiging tanga para gumastos ang ganun kalaki at mag i-sponsor sa programa niya?Si Meredith ang unang nakabawi sa pagkabigla, napabuka ang bibig niya sa sobrang tuwa at akmang magsasalita na sana nang biglang muling umalingawngaw ang isang malamig at mayabang na boses. “Dalawang daang milyon!”Biglang nag-ingay ang buong silid, nakakagulat na ang isang daang milyon pa lamang. Pero ngayon ay may nag-bid pa ng mas mataas sa unang bid. Nang marinig ni Bernadette ang pamilyar na boses ng lalaki, bahagyang nanghina ang mga tuhod niya. Biglang nablangko ang kanyang isip. Samantala, namutla naman ang mukha ni Celina. Parang rumagasa ang matinding selos sa kanyang dibdib hanggang sa pumangit ang ekspresyon ng mukha niya at naging mabagsik ang kanyang tingin. Halos mahulog

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status