ログインNagulat siya nang marahan siyang itinulak ng lalaki palayo. Bahagya siyang tiningnan ng lalaki, marahil nakita nito ang makapal niyang make-up kaya naman agad na kumunot ang noo nito.“Iba ang nakita ko,” malamig niyang sagot, “ikaw ang nang-api kay Althea hanggang sa umiyak at umalis na lang siya. Ano ba ang sinabi mo sa kanya para maging ganun ang reaction niya?”Nanlaki ang mga mata ni Celina, hindi siya makapaniwala na magagawa siyang hindi paniwalaan ng lalaki. “Impossible!” agad niyang tanggi. “Nakita lang niya na paparating ka, kaya naman umarte lang ‘yon na siya yung aping-api.”“Baby, baka nakakalimutan mo niloko ka na niya noon. Huwag mong kalimutan ang ginawa niya sayo apat na taon na ang nakalipas. Mukha lang siyang inosente, pero sa totoo lang…napakagaling niyang magpanggap.”Nang marinig ng lalaki ang sinabi niya, muli siya nitong niyakap. Ipinatong ng lalaki ang kanyang baba sa ulo ng babae. Ngunit hindi niya napigilang mapatingin sa payat na babae na palabas ng lobby
Naging gawain ni Althea ang dalawang beses kada linggo siyang mag upload ng mga video ng kanyang mga nilulutong pagkain. Unti-unti rin dumami ang kanyang mga followers. Ngayon, umabot na sa mahigit isang milyon ang kanyang mga followers. Dahil dito, nagkaroon na din siya ng maayos na monthly income. Ngunit noong nakaraang buwan, nang malaman nila ang tungkol sa sakit ni Jeff. Naging abala na siya sa pag-aayos ng kanilang pagbabalik sa bansa. Halos isang buwan siyang hindi nakapag-post, marami sa kanyang loyal followers ang nag-aalala at hinihintay ang kanyang pagbabalik. Siyempre, hindi rin nawawala ang mga bashers. Kasama talaga ata iyon sa pagiging sikat, kumbaga masasabi mo ng sikat ka na pag may bashers ka na. Ilan sa mga comments na nababasa niya,— Isang buwan nang walang paramdam ang ate mo gurl. Baka naaksidente na?— Simula nang gumawa siya ng account, hindi pa naman niya ipinakita ang mukha niya. Baka kamay lang ang maganda sa kanya.— Ang ganda ng mga kamay niya, pero da
Natahimik si Althea sa tinanong sa kanya ni Gerald, nagdadalawang isip siya kung sasagutin ba niya ito o hindi. Dahil sa tingin niya, wala naman siyang ginawang mali. Sinampal niya ito dahil hinalikan siya.Natural lang sa isang babae na magalit at lumaban kapag hinalikan nang walang pahintulot. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin ng babae ang sakit ng kanyang leeg. Parang sinusunog iyon sa hapdi, at ang lalamunan niya ay tila hiniwa ng matalim na patalim.Wala siyang ganang sagutin ang tanong ng lalaki. Kung tutuusin, wala siyang magandang impresyon sa lalaking iyon. At lalong wala sa kaibigan nitong mukhang mapaglaro at tila laging may binabalak. Tahimik siyang pinagmasdan ng lalaki mula sa driver’s seat. “Matigas din pala ang batang ito,” isip-isip niya.Napatingin siya sa nangingitim na bakas ng pagkakasakal sa leeg ni Althea. Naglaho ang pilyo niyang ngiti at naging seryoso ang kanyang mukha."Sa totoo lang," mahinahon niyang sabi, "hindi mo rin masisisi si Xavier kung muntik ka n
Nang marinig ni Althea ang boses ni Gerald, saka lamang niya napagtanto na nakaharap pala ang mukha niya sa sinturon ng lalaki. Agad na namula ang kanyang pisngi, marahil iba na ang nasa isip ni Gerald. Bahagyang pumikit si Xavier. Habang nag-iisip pa ang babae kung paano aalisin ang sinturon nito, bigla siyang hinawakan ng lalaki sa braso at marahas na itinayo.Hindi pa man siya nakakabawi sa gulat, malakas na siyang naitulak sa malaking salaming bintana.Kasunod noon ay idinikit ng lalaki ang matangkad nitong katawan sa kanya.Napatingala si Althea.Sa isang iglap, napakalapit na ng gwapo ngunit malamig nitong mukha.Bubuka pa lamang sana siya upang magsalita nang biglang dumampi ang malamig ngunit matatag nitong mga labi sa kanya.Mahigpit nitong hinawakan ang kanyang baywang, na para bang ikinulong siya sa pagitan ng dibdib nito at ng salamin.Walang anumang pag-aalinlangan.Mapang-angkin at mabagsik nitong hinalikan ang kanyang mga labi.Masyadong mabilis ang lahat.Nanlaki ang mga m
Walang nagawa ang babae kundi ang hayaan ang lalaki na takpan ang kanyang mga mata. Habang itinatali nito ang tela, dumampi ang malamig nitong mga daliri sa kanyang pisngi. Parang dila ng ahas ang haplos nito kaya hindi niya napigilang manginig. Nakaramdam ng kaba si Althea, pero pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Alam niyang hindi niya kayang kalabanin ang lalaking ito. Mas mabuting alamin muna niya kung ano talaga ang pakay nito sa kanya bago siya gumawa ng anumang hakbang,. Hindi niya alam kung gaano katagal ang lumipas bago tuluyang huminto ang sasakyan. Hindi rin naging magaan ang paghila sa kanya ni Xavier palabas ng sasakyan. Patuloy siyang hinila nito habang naglalakad sila. Ilang minuto pa ang lumipas bago sila tuluyang huminto. Binitawan nito ang kanyang kamay saka malamig na nag-utos. “Bigyan siya ng malinis na damit. Pagkatapos niyang maligo, dalhin mo siya sa kwarto ko.” Pagkasabi niyon ay diretso nang umakyat ang lalaki sa ikalawang palapag ng bahay. Maya-maya, m
Mabilis na sumakay si Althea sa elevator. Habang pababa, nag-message siya sa group chat nilang magkakaibigan. “Girls, kailangan ko na umuwi. Hindi na ko makakasama sa bonding niyo, biglang dumating ang monthly bisita ko. Bawi na lang ako sa susunod, ako na ang taya.”Pagdating sa ground floor, saka lang siya tuluyang nakahinga ng maluwag. Ngunit ilang hakbang pa lamang ang kanyang nalalakad nang bumukas ang exclusive elevator sa pinakadulong bahagi ng lobby. Sunod-sunod na lumabas ang mahigit sampung bodyguard na nakaitim. Maayos silang pumuwesto sa magkabilang gilid. Ilang sandali pa, lumabas ang isang matangkad at makisig na lalaki.Pagkakita ni Althea sa pamilyar nitong malamig na mga mata, biglang sumikip ang kanyang dibdib. Siya na naman!Napalingon din ang ibang babaeng nasa lobby.Hindi nila mapigilang mapahanga sa gwapo at napakalakas ng presensya ng lalaki.Talagang imposibleng hindi siya mapansin.Wala sa isip ni Althea ang humanga sa matipunong katawan o sa nakakamanghang







