Mag-log inInangat ni Xavier ang kanyang ulo mula sa leeg ng babae. Nang makitang tahimik lang ito at walang anumang reaksyon, bahagya siyang tinaasan ng kilay. Umangat ang sulok ng kanyang labi sa isang mapang-asar na ngiti."Parang kahoy ka naman." Bahagya siyang tumawa. "Ano? Hindi pa ba tapos ang regla mo?"Biglang namula ang mga tainga ni Althea, agad iyong napansin ng lalaki. Mas lalo siyang napangiti at komportableng sumandal sa upuan. Ipinasaklob niya ang dalawang kamay sa likod ng ulo habang pinagmamasdan ang babae."Bakit namumula nang ganyan ang mukha mo?"Alam ng babae na sinasadya siyang asarin ng lalaking ito. Mahigpit na kinuyom ni Althea ang kanyang mga kamay. “Tingin mo ba, gawain iyan ng isang disenteng lalaki? Eh wala naman tayong kahit anong relasyon.”Matalim siyang tiningnan ni Xavier. "Sa harap ng babaeng gusto ko..." tamad niyang sagot, "bakit pa ako magpapanggap na gentleman?"Napanganga nanaman si Althea sa sinabi ng lalaki. Naisip niyang hindi na talaga ata normal a
Agad na napakunot ang noo ni Althea, hindi niya maintindihan ang sinasabi ng lalaki. Paanong paglaruan siya? Eh wala naman sila naging anumang ugnayan nitong mga nakaraang araw. Kaya kailan pa niya ito pinaglaruan? Dahil hindi niya kayang makipagtitigan nang matagal sa madilim nitong mga mata, tahimik niyang ibinaba ang kamay. "Kung ayaw mo, huwag mo."Ngunit bago pa niya tuluyang maibalik ang candy, narinig niya ang malamig at mapang-utos na boses nito.“Subuan mo ako.”Natigilan si Althea, hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Napatingin sa kanya ang lalaki."Ayaw mo na bang makarating sa TV station?"May mapaghamong ngiti sa labi nito, na para bang sinasabing—"Hangga't hindi mo ako sinusubuan, hindi ka makakaalis."Sa loob-loob ni Althea, gusto na niyang pagsisihan ang lahat.bakit ba kasi niya naisipan na sumakay sa kotse nito noong araw ng unang audition? Edi sana hindi sila nagkakilala ng mayabang na lalaking ito. Huminga siya nang malalim bago sumagot sa lalaki."Sige,
Samantalang sa club abala pa rin si Xavier sa pagtitig ng chatbox sa facebook/Ilang minuto na ang lumipas, pero wala pa ring tugon mula sa babae.Bahagya niyang iginalaw ang mga daliri at nag-type ng isang question mark. Gusto niyang itanong kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga pinaggagawa nito. Pagkapindot niya ng send, nanlaki ang mata niya sa lumabas sa screen."You can't message this account" Napakunot ng noo ang lalaki, abala siya palagi sa trabaho at iilan lang ang nasa friends list niya sa facebook. Kaya hindi niya agad naiintindihan ang ibig sabihin ng lumabas sa screen. Pero isang bagay ang sigurado, lalo pang dumilim ang kanyang mukha. Samantalang nasa loob pa rin ng VIP room si Gerald at hinihimas ang binti niyang sinipa kanina.Bigla...BANG!Isang malakas na sipa ang tumama sa makapal na pinto ng VIP room. Halos lahat ng nasa loob ay napatalon sa gulat. Sabay-sabay silang napalingon sa may pintuan, nakita nilang nakatayo roon si Xavier tila nababalutan ng madilim
Walang nagawa si Gerald kundi ang magkibit-balikat. Ngunit may mapanuskong ngiti pa rin sa kanyang mukha. “Teka may napapansin ako sayo, mukhang brokenhearted ka.”Bago pa makapagsalita si Xavier, mabilis nang tumakbo palayo ang lalaki. Takot din naman pala siyang masuntok. Pagkaalis ni Gerald sakto naman na tumunog ang cellphone ni Xavier na nakapatong sa sofa.Agad niya itong kinuha at binuksan, nang makita niya ang notification bahagya siyang natawa. Nakita niya na in-accept na ng babae ang friend request niya.“Grabe rin talaga tong babaeng to, kanina lang todo tanggi sa akin tapos ngayon naman in-accept na ang friend request ko. Galing talaga ng style ng babaeng iyon.” bulong niya sa kanyang sarili. Sa isip niya, normal lang iyon. Dahil sa single mom ito, kung gusto niyang makaakit ng lalaki dapat marunong siyang dumiskarte.Walang emosyon niyang binaliktad ang cellphone at muling ipinatong sa sofa.Pagkatapos ay inutusan niya ang waiter na buhusan siya ng isang baso ng alak.Sa
Bahagyang nadismaya ang nurse.Balak pa naman sana niyang ipakilala ang ina nito sa pinsan niyang bagong uwi mula sa pag-aaral sa ibang bansa."Kapag may pagkakataon, ipakilala mo naman sa akin ang Ultraman boyfriend ng mommy mo."Cool na cool na gumawa si Jeff ng ok sign."Sige."Pagkatapos kunan ng temperatura si Jeff, umalis na ang nurse.Napatingin ang bata sa cellphone ng mommy niya na nakapatong sa kabinet.“Nasa opisina pa ng doctor si Mommy. Kung tungkol sa sakit ko ang pag-uusapan nila, malamang matatagalan pa siya.” bulong niya sa kanyang sarili.Sinilip niya ang lamesa sa tabi ng kanyang kama kung nandoon ang cellphone ng kanyang ina. Nang nakita niya iyon ay agad niya itong dinampot. Mabilis niyang binuksan ito dahil alam naman niya ang password. Hinanap niya ang Facebook at tinignan kung inaccept na ng kanyang ina ang friend request ni Tito Pogi. Halos matawa siya nang makitang hindi pa ito ina-accept ng Mommy niya, napatingin siya sa username ng lalaki. Isa lang itong tu
Nang makarating sila sa ika-anim na palabang, ilang mahahabang hakbang agad ang ginawa ni Xavier palabas ng elevator. Mabilis siyang hinabol ni Jane, huminga muna siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili bago marahang nagsalita. “Ah Sir…si Jeff po ba ang hinahanap niyo?” nahihiyang tanong nito. Nagulat siya nang hindi man lang lumingon ang lalaki, para itong walang narinig. Patuloy lamang itong naglakad nang may malamig at mapagmataas na tindig.Sa buong buhay ni Jane sa entertainment industry, ngayon lamang siya nabalewala ng ganito. Ngunit ang isang taong may kakayahang makabili ng sobrang mahal na sportscar ay hindi niya maaaring bastusin. Kaya lalo na lang niya pinalambot ang kanyang boses.“Sir…kilala ko po ang batang hinahanap niyo, inaanak ko po si Jeff. Kaibigan din po ako ni Althea, kung gusto niyo po ay sumabay na po kayo sa akin dahil papunta rin naman ako sa kanila.”Sa unang pagkakataon…huminto ang lalaki at dahan-dahan itong lumingon. Kahit may ilang hakbang ang p







