LOGINNapakabilis ng pagkakahawak ng taong iyon sa kanyang daliri, kaya bago pa man siya makapagreact, isang matinding sakit na ang dumaloy sa kanyang daliri."Puta—" Napasigaw sa sakit ang lalaki, namumutla ang mukha at nakamangha sa matinding kirot.Dahil sa pilit na pagkabali ng kanyang daliri, napayuko ang lalaki. Nais sana niyang magmura nang husto, ngunit nang makita ang matangkad at nakakatakot na lalaking nakatayo sa kanyang harapan na tila isang demonyo, biglang napalitan ng takot ang kanyang puso.Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang nasaktang daliri habang nanginginig ang kanyang mga labi.Tatlumpung taon na siyang nabubuhay at kilala bilang isang matapang at walang kinatatakutan, ngunit ang lalaking nasa harap niya ngayon ay may malamig at madilim na titig, matigas na mukha, at may dalang matinding bagsik at lamig na tunay na nagdulot sa kanya ng matinding takot mula sa kaibuturan ng kanyang puso."Ano uli ang itinawag mo sa kanya kanina?" Pinagpag ni Xavier ang kanyang kamay,
Lalo pang lumalim ang nararamdaman inis ni Althea sa lalaking nasa harap niya. Hindi man lang ito marunong gumalang, bawat oras ay ninanakawan siya nito ng halik nang hindi man lang itinatanong kung gusto ba niya.Habang hinahalikan siya nito kanina, biglang pumasok sa isip niya ang kagustuhang isama si Jeff at bumalik na lang sa ibang bansa. Wala na siyang pakialam sa pagiging news anchor o sa paghihiganti. Ngunit ang sakit ng anak ang inaalala niya, kahit ano pa ang mangyari kailangan niya muna makita ang taong naging compatible para sa kanyang anak bago siya gumawa ng susunod na hakbang. Marahil ay naramdaman ni Xavier na lumilipad ang isip ng babae, kaya hindi na niya ito muling ginulo. Hindi man siya isang santo, ngunit ayaw din niyang pilitin ang isang babaeng alam niyang nagmamatigas at umaayaw sa kanya. Muli pinaandar ni Xavier ang sasakyan. Nang maalala ni Althea ang sinabi nito tungkol sa picture niya na bagong ligo, hindi na niya napigilan na magtanong. “Xavier, ano ba
Nang makita ni Althea sa rear-view mirror na galit na galit at namumula ang mukha ng kanyang kapatid habang nagpapapadyak sa inis, hindi niya napigilang mapatawa. Manipis at hugis-puso ang kanyang baba, maliit at napakaganda ng kanyang mukha, at napakalinis tingnan ng kanyang mga mata. Lalo siyang gumaganda at nagiging kaakit-akit kapag ngumingiti.Ngunit nang mapansin ng lalaki ang kabilang pisngi ng dalaga na namumula at medyo namamaga pa, biglang lumabas ang lamig at galit sa kanyang malalim na mata. Bigla niya pinaliko ang manibela at saka inapakan ang preno, nagulat sang babae nang biglang huminto ang sasakyan.Hindi niya inaasahan ang biglang pagtigil nito, kaya bigla siyang napa abante. Muntik na siya mapasubsob sa kanyang unahan, mabuti na lang at mabilis siya nahawakan ni Xavier. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, napakagat-labi ang babae sa sobrang kaba.Masyado siyang nakatuon kay Celina kanina kaya nawala sa isip niya na kasama nga pala niya sa kotse ang lalaking ito. H
Wala pang sampung minuto, nakita na ni Xavier na lumabas si Sean mula sa TV station. Mukhang natapos na nito asikasuhin ang lahat ng kailangan niyang gawin. Pagtingin niya sa loob ng sports car, hindi pa rin niya maiwasang hindi bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nandoon ang kanyang amo na si Xavier, prente itong nakaupo sa driver’s seat habang suot ang kanyang sunglasses at walang pakialam na nagbubuga ng usok mula sa kanyang sigarilyo. Sa kabila ng malamig at mayabang nitong aura, hindi pa rin maikakailang napakagwapo talaga nito. Ilang taon na siyang naninilbihan kay Xavier, pero paminsan-minsan ay hindi pa rin niya maiwasang hindi mamangha sa mukha nito. Minsan pa nga ay iniisip niya na buti na lang ay hindi siya bakla. Dahil kung nagkataon na bakla siya, baka isa na siya sa mga nahuhumaling sa lalaki. Agad na tumingin sa kanya si Xavier, malamig at matalim ang kanyang mga mata.“Ano, hindi mo na ba kailangan ang mga mata mo?”Agad na nagtakim ng bibig si Sean at bahagyang umu
Kinuha na ng isa sa mga police ang kanyang posas, nang makita iyon ni Angelica tuluyan ng nablangko ang isip niya sa takot. Mabilis na nanginig ang kanyang mga labi habang paulit-ulit na dinedepensahan ang sarili. “Hindi ako ang nagnakaw ng singsing! M-mali kayo ng hinuhuli, hindi niyo ba ako kilala?! Hindi ako ang salarin kundi iyang si Isabelle!”Biglang nanghinga ang mga tuhod ng dalaga, namumula ang kanyang mga mata habang galit na galit na tinitigan si Angelica. “Tingin mo ba? Kung hindi mo ako inutusan na nakawin ang singsing at ilagay ito sa gamit ni Miss Althea. Bakit ko naman gagawin na magnakaw? Itinuturing mong kaaway si Miss Althea kaya naman gusto mong sirain ang buhay niya!”“Oo! Si Althea talaga ang nagnakaw, magkasama kami sa final interview. Sigurado akong sinamantala niya ang pagkakataong busy ako atsaka niya inilagay ang singsing ni Miss Bernadette sa bag ko!”Napailing na lang ang mga tao sa paligid, wala nang naniniwala sa mga sinasabi ni Angelica. Tuluyan na si
Halos lahat ng tao sa paligid ay natigilan, maging si Angelica ay mistulang naging estatwa sa kanyang kinatatayuan. Ang taong labis na nagulat ay si Isabelle, dahil siya ang naglagay nito sa damit ni Althea. Kaya sigurado siyang dapat si Althea ang mag mumukhang magnanakaw. Kaya iniisip niya kung paano ito napunta sa bag ni Angelica. Magsasalita na sana si Angelica nang makita niyang sumenyas si Althea kay Isabella, napansin niya rin ang bahagyang ngiti sa labi nito. Para bang silang dalawa lamang ang nakakaalam ng isang planong matagumpay nilang naisagawa. Biglang napasinghap si Angelica, may isang bagay siyang naisip kung bakit bigla siyang tinraydor ng dalaga. Marahil mas malaking kapalit ang inalok ni Althea rito kaya siya na lang ang pinahamak nito. Sa sobrang galit niya, tuluyan na siyang nawalan ng control. Masama niyang tinitigan si Isabelle. “Ikaw! Magkano ang binayad sayo ni Althea? Sinadya mong ilagay ang singsing sa bag ko, hindi ba? Bakit mo ginawa iyon? Malaki ba ang







