Home / Romance / Pregnant with my Ruthless CEO Boss / Kabanata 156 – Run Run Run

Share

Kabanata 156 – Run Run Run

Author: Mr. Rams
last update Huling Na-update: 2025-11-28 22:30:11

GISELLE

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas, pero ramdam ko sa buong katawan ko na hindi na ako papayag na makulong ulit. Hindi na ako papayag na kontrolin ako ni Bernard. Hindi na ako papayag na magmakaawa pa para lang mabuhay.

At ngayon…

Andito ako sa isang hindi ko alam na lugar, humihingal, nanginginig, at nakatitig sa tray ng pagkain na inilapag niya kanina. Naroon ang lumang tinidor na parang wala namang laban sa isang lalaki. Pero kung tama ang timing ko, baka sapat na.

“Giselle, bubuksan ko ha ang bintana, alam ko naman na mainit dito,” sabi ni Bernard habang nakatalikod.

Hindi siya nagduda. Hindi siya tumingin pabalik. Nakita ko ang pagkakataon.

Lumunok ako ng hangin.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko.

Dahan-dahan kong iniunat ang kamay ko papunta sa tray.

Hawak ko na ang tinidor.

Ang tanging sandata na pwedeng magsalba sa akin.

Giselle, ngayon na! Bulong ng isip ko.

Tumayo siya sa harap ng bintana, nakatalikod sa akin. Narinig ko ang pag-slide ng lock. Narinig
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Emilie Baylosis Forbes
ano ba nman Ang Jake nyan billionaire nga Wala nman kwenta para sa mag ina Niya Gesille
goodnovel comment avatar
Emilie Baylosis Forbes
sana nman mhuli na Ang magka patid Belle at Kevin sa masama nilang gawain
goodnovel comment avatar
Rubina Mantukay Pa
sana nmn author malaman na ni Jake ag totoo na buhay pa si Geselle, at malanan narin na silA kevin at belle ag may kagagawan ng lht.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Pregnant with my Ruthless CEO Boss   Kabanata 181 - Doubt in the heart

    GiselleAbala ako sa pagtulong kay Manang Letty at Father Arnold Cruz sa pagluto ng pancit dito sa loob ng simbahan ng Our Lady Of Hope Parish. Mamaya kasi, pagkatapos ng misa, ipapamigay namin 'to sa mga bata. Gusto ko silang mapasaya kahit sa simpleng paraan lang."Giselle, pwebang pakikuha 'yung toyo sa bodega, naubusan na pala tayo," sabi ni Manang Letty."Sige po," sagot ko.Papunta na sana ako sa bodega nang biglang dumating si Vicky. Hinila niya ako pabalik sa kwarto ko."Vicky, bakit?" tanong ko."Giselle, kailangan mong malaman 'to," sabi niya."Ang alin?" naguguluhan kong tanong."Dinalaw namin ni Sir Jake 'yung kapatid ni Belle na si Kevin sa hospital," sabi niya na nakapapailing."Oh, tapos?" saad ko habang umuupo sa kama."Malala na raw 'yung sakit niyang AIDS. Pero ang nakakainis, parang gustong pilitin ni Kevin si Sir Jake na pakasalan si Belle dahil kawawa raw ito at mag-iisa na lang kapag namatay siya," sagot ni Vicky na nakahalukipkip."Ano?" gulat kong tanong."Oo!

  • Pregnant with my Ruthless CEO Boss   Real or Fake

    JAKEHindi ako pwedeng magkamali. Si Giselle 'yun. Nakita ko siya sa hotel. Buhay siya! Pero... sino 'yung kasama niyang lalaki? Ang sweet pa nila sa isa't isa.Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang gulo-gulo ng isip ko. Buhay si Giselle? Pero bakit hindi niya ako kinontak? Bakit nagpanggap siyang patay na? At sino 'yung lalaking kasama niya?"Jake?"Napalingon ako. Si Belle."Nakita mo ba si Giselle?" tanong niyaTumango siya. "Oo. Nakita ko siya, buhay siya!""Kung ganoon ay siya nga yung nakita ko," sagot niya."Pero bakit hindi niya ako kinontak? Bakit nagpanggap siyang patay na?" tanong ko."Siguro... gusto niyang magsimula ng bagong buhay, na hindi ka kasama," sagot niya."Bagong buhay? Kasama 'yung lalaking 'yun?" tanong ko."Baka," tumango si Belle."Hindi ko maintindihan," sabi ko."Jake, kailangan mong tanggapin ang katotohanan. Hindi ka na mahal ni Giselle. May iba na siyang mahal," sabi nito kaya agad akong nainis."Hindi! Hindi ako naniniwala!" sabi ko."Jake, nakita mo naman

  • Pregnant with my Ruthless CEO Boss   Pretend as Giselle

    BELLEPadabog akong umupo sa sofa dito sa loob ng private room ni Kevin sa hospital. Kainis! Wala na ngang nangyayari sa buhay ko, pati ba naman 'tong plano namin ni Kevin, palpak din?“Belle! Walang epekto 'yung drama natin!" galit na sabi ni Kevin habang nakaupo sa kama niya."Oo nga, bwisit talaga! Pinaniwala pa natin si Jake na nagka-AIDS ka na dahil sa HIV mo, at malapit ka na mamatay para lang maawa siya sa akin at pakasalan na ako, pero wala pa rin! Dapat siguro kasi ay hindi kasama si Vicky," sagot ko."Akala ko pa naman, gagana na 'yun. Ang galing-galing ko na umarteng naghihinalo na, pero wala pa rin," sabi ni Kevin."Ewan ko ba! Ano ba kasing gusto ni Jake? Bakit ba ayaw niya sa akin?" tanong ko.“Kailangan nating mag-isip ng ibang plano," sabi ni Kevin."Plano? Ano pa ba ang pwedeng gawin?" tanong ko."Kailangan nating gumawa ng plano na mas effective. 'Yung talagang mapapaibig siya sa'yo," sabi ni Kevin."Paano? Ni ayaw niyang makipagsex sa akin, mahirap siya mapikot," sa

  • Pregnant with my Ruthless CEO Boss   Kabanata 178 – It wasn’t me

    Madam ElenaAgad pumayag si Gary sa hiling ni Mang Kanor na sa amin muna tumira ang anak niyang si Julio habang nagpapagaling. Mabuti naman at ganoon ang asawa ko, matulungin. Lumabas ako at sinenyasan si Mang Kanor na sumunod sa akin. Samantala, ang asawa kong si Gary ay nanonood pa rin ng balita tungkol sa kaso ng kaibigan niyang si Neb."Sandali lang, mahal," sabi ko kay Gary. "May pag-uusapan lang kami ni Kanor. May gusto kasi akong ipaayos sa likod."“Sige,” ani Gary.Pumunta kami sa isang sulok ng hallway. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Kanor, Ikaw ba ang may gawa ng pagputol ng... titi ni Neb? Huwag kang magsinungaling dahil alam ko ang kakayahan mo! Now, tell me, is it you?" inis kong tanong.Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. "Madam, ano'ng sinasabi niyo? Nakita naman sa balita, 'di ba? 'Yung pokpok na si Erika, 'yung kasama ni Neb, ang may gawa. Siya yung pain suspect dahil siya ang kasama, hindi naman ako.""Huwag mo akong lokohin, Kanor. Alam kong may alam ka. S

  • Pregnant with my Ruthless CEO Boss   Kabanata 177 – Pieces to Pieces

    Mang KanorKahit masakit pa ang ulo ko dahil sa kalasingan kagabi, pinilit kong bumangon nang maaga para umuwi. Kailangan kong makita si Julio, gusto kong masiguro na okay lang siya. Kaya nagpaalam na ako agad sa mga Johnson, hindi naman nila ako kailangan pang magmaneho.Pagdating ko sa aming lumang bahay, agad kong tinawag si Julio. "Julio? Anak, nandiyan ka ba?" Pero walang sumasagot. Akala ko tulog pa, pero wala siya sa kwarto. Wala rin sa kusina o sa banyo. Kinabahan na ako.Dumiretso ako sa likod ng bahay. Alam ko na madalas siyang naroon, lalo na't naiwan niya pa ang cellphone niya na nakasaksak sa charger. Hindi 'yun umaalis nang walang cellphone."Julio? Nasaan ka?" Paulit-ulit kong sigaw, pero wala pa ring sumasagot.Nang makarating ako sa dulo ng bakuran, nakita ko ang isang kapirasong papel. May nakasulat doon:Pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa ninyo.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Julio kagabi. Tumawag siya, sabi niya na

  • Pregnant with my Ruthless CEO Boss   Kabanata 176 – Guest Relation Officer

    Erika"Iyak ako nang iyak habang hawak yung mata ko na may benda. Wala na, tuluyan na akong bulag. Pagkalabas ng doctor matapos akong bigyan ng pampakalma, pumasok naman yung mga pulis para kunan ako ng statement."Handa na po ako, ikukwento ko po ang lahat," sabi ko habang pinipilit kong maging kalmado. Pero deep inside, gusto ko nang sumigaw at magwala."Sige makikinig kami," sagot ng isang pulis.Huminga ako nang malalim. "Mga Sir at Ma’am, sinusumpa ko, hindi ako yung pumutol sa titi ni Neb. Promise! Pagdating ko sa motel, nakita ko na siyang ganun nung alisin ko ang kumot. Tapos, nung nagising siya, nagsisigaw rin siya. Naglalawa na kasi ng dugo yung kama. Hinugot niya yung dildo sa pwet niya... tapos... sinaksak sa mata ko. Hindi ako nakailag sa bilis ng pangyayari. Napatakbo ako sa labas kasunod niya tapos nagkagulo na."Yung mga pulis, nagtinginan. Alam kong mahirap paniwalaan, pero yun talaga yung nangyari."Ma'am, pwede niyo bang ikwento yung buong pangyayari? Simula nung na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status