Share

Chapter 6

Lihim na napapangiti ako dahil nakasakay na ako ngayon sa kotse kasama si Steven, pero kaming dalawa na lang at siya ang driver, ang lakas lang ng dating niya habang lihim ko siyang tinitingnan.

"Do you still not remember anything?"

Nilingon ko siya dahil sa tanong niya at nakangiting tumango ako, hindi naman siya sumagot at seryosong nakatingin sa unahan.

Hindi kaya nakakahalata na siya? Pero siguro naman hindi dahil sa mukha ko.

"Saan ba tayo pupunta?" kuryos na tanong ko kahit pa alam ko naman kung saan kami pupunta, syempre doon sa Melissa na 'yon.

Isip ko pero hindi siya nagsalita dahil nagpatuloy lang siya sa pagpapamaneho. Hindi ko na lang siya pinansin dahil mukhanh wala naman siyang balak sabihin.

Hayaan mo hindi ako mangugulo, mas maganda nga 'yan madali lang tayo maghihiwalay.

Pero natigilan ako sa naisip ko dahil biglang sumagi sa isipan ko kung may lihim na relasyon si Steven at Melissa, alam kaya ni, Selena?

"What are you thinking?"

Napalingon ako sa tanong niya at saglit na nag-isip muna bago sumagot, saka bakit ba lagi na lang niya akong napapansin.

"Wala akong iniisip mediyo nahihilo lang ako." Ito na lang ang sinagot ko sa kaniya.

Hindi naman siya sumagot seryoso lang siya sa pagmamaneho. Binalik ko ang atensyon ko sa bintana.

---------

Isang bar ang pinuntahan namin at ngayon lang ako nakapasok sa ganito, may alam ako sa ganitong klase na lugar pero ang makapasok ay hindi ko pa nagagawa.

Akala ko pa naman kay Melissa siya pupunta, wala naman dito ang babae na 'yon. Ano kaya gagawin namin mag-iinom ulit?

Magkatabi kami na nakaupo ni Steven, malambot na sofa na kulay itim. Patingin-tingin siya sa oras niya habang ako pinagmamasdan ko ang iba't ibang ginagawa ng mga tao dito, masasaya lang lahat habang nagtatawanan at nagsasayawan sa gitna.

"Sir, parating na po si, Fidel."

Napatingin ako sa waiter na nagsalita kay Steven, tumango lang si Steven at may sinenyas.

"Lagi ka ba dito?" Tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.

Ok, ang sungit

May dala naman yung waiter isang baso na may lamang alak at isang basong tubig. Kukunin ko sana 'yung alak pero inunahan ako ni, Steven. Saglit na sinulyapan niya lang ako, wala akong nagawa 'yung tubig ang ininom ko.

Hanggang sa may dumating na lalaki na nakasumbrero at may hawak itong envelope. Para bang nagulat pa 'yung lalaki ng makita ako pero binalewala ko lang 'yun.

"Narito na lahat sir, kung may kulang pa magsabi lang kayo." sabi ng lalaki pagkaabot niya ng envelope.

Sinilip lang ni Steven ang laman at matapos 'ay nilagay sa loob ng suot niyang coat. At may inabot rin ito doon sa lalaki na sobre na parang ang kapal ng laman no'n.

Pagkaalis ng lalaki ay tumayo na si Steven, kaya napatayo na rin ako dahil parang wala siyang kasama.

"Sandali, saan naman tayo pupunta?" Habol ko sa kaniya.

"Ihahatid na kita." sagot lang niya.

"Ha? Ayoko pa." sagot ko pero hindi niya ako pinansin nagpatuloy sa paglabas sa entrance.

Inis na sumunod ako sa kaniya dahil akala ko pa naman magtatagal kami 'yun lang pala ang pinunta namin dito sa bar.

"Wow aa, salamat ang gentleman man." asar kong sabi dahil nauna na siyang pumasok sa loob.

Kunot noo niya akong tiningnan habang nakaupo ako pero hindi na ako nagsalita dahil naiinis ako. Hinatid nga niya ako at padabog na lumabas ako sa kotse niya.

--------

Mabilis na lumipas ang ilang araw at ito na nga ang kaganapan sa pagpapakasal ko. Kahit alam kong nagpapanggap lang ako bakit parang ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Napakaganda niyo ma'am, Selena."

Napalingon ako sa nagsalita si Dalia, katulong siya sa nag-ayos sa akin at ngayon nga tapos na akong ayusan, titig na titig ako sa salamin. Napakaganda ko nga pero sa mukha ni, Selena. Bumagay ang kulay krema na damit pangkasal ko, labas ang balikat at mediyo kita ang cleavage ko dito. Kitang-kita rin ang flat na tiyan ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at paglingon ko si Lolita at Henry, mga nakaayos na rin sila at mukhang handa na silang umalis.

"Lumabas na muna kayo." Utos ni Lolita kila Dalia at sa nag-ayos sa akin.

Binalik ko ang atensyon ko sa malaking salamin.

"Pagkatapos ng kasal na ito 'ay tutuloy na kayo sa bahay na regalo sa inyo ng papa mo. Araw-araw kayong magkakasama ni Steven, kaya gusto ko lang ulitin sa'yo na huwag mo kakalimutan ang kasunduan natin at mga gagawin mo."

"Naiintindihan ko." sagot ko agad.

"Mabuti at lagi mo rin ipapaalam sa amin kung ano ang ginagawa ni Steven, kung may mga ipapapirma siya sa'yo huwag mo basta-basta pipirmahan. Nagkakaunawaan ba tayo?"

Tumango lang ulit ako dahil ayoko ng magsalita dahil paulit-ulit lang naman ang usapan.

"Umalis na tayo kanina pa tayo hinihintay sa simbahan." aya ni, Henry.

"Aalis na kami at sumunod ka na dahil nandiyan na ang sasakyan mo papunta sa simbahan."

"Ok," tipid na sagot ko at lumabas na silang mag-asawa.

Muling pumasok si Dalia, inalalayan niya ako sa paglabas pati na ang iba pang kasambahay sa paghawak sa dulo ng suot ko.

Bakit kasi ang haba naman nitong damit na 'to.

Reklamo ko sa isipan ko habang dahan-dahan akong bumaba, nakarating naman ako hanggang sa labas at pumasok ako sa kotse.

------------

Nakatayo na ako ngayon sa labas ng simbahan dahil ito ang sabi ng babae na hindi ko kilala. Marami rin ang panay ang kuha ng litrato sa akin, kahit ayokong kabahan ewan ko ba kinabahan ako, hanggang sa sumenyas na sa akin na pumasok na ako.

Habang naglalakad ako at may takip na belo ang mukha ko, hindi ko maiwasan na hindi sulyapan ang mga narito. Bawat madaraanan ko 'ay mga nakatingin sa akin at wala akong kakilala kahit na sino dito pero may isang nahagip ng mata ko at walang iba kung hindi si, Melissa.

Grabe naman ang babae na 'to talagang nandito siya sa kasal namin? Ang tibay niya hindi ba siya nasasaktan?

Umiling na lang ako dahil hindi ko dapat problemahin pa 'yan dahil kaya lang naman ako nandito para magpangap at para sa mama ko na nasa maayos na kalagayan na.

Isip ko hanggang sa makarating na ako sa harapan at saglit na natigilan ako dahil sa napakgwapo ngayon ni, Steven. Hindi ko inaasahan ang biglang paghawak nito sa kamay ko at pinahawak sa kanya at sabay na naglakad kami. Napapatingala ako sa kanya, hanggang sa magsalubong ang mga mata namin. Nakita ko sa mata niya ang pagtataka ngunit agad rin 'yun napalitan.

"Are you happy now?"

Narinig ko na mahinang tanong niya at naramdaman ko ang paghawak niya ng mahigpit sa kamay ko. Tiningala ko siya upang sagutin ang tanong niya.

"Happy? Sa kasal na 'to?" Sagot dahil pakiramdam ko may ibig sabihin ang tanong niya.

Tiningnan niya lang ako at hindi na nagsalita. Sinumulan na ang seremonyas at inip na inip na ako hanggang sa i-anunsyo na kasal na kami at ganap ng mag-asawa na. Magkaharap kami at tinaas niya ang belo ko, parang gusto ko siyang itulak dahil naalala ko na kapag tapos ay hahalikan ka na. Pero narito si Lolita, nakatingin sa akin.

Natigil ako sa pag-iisip ng biglang lumapat ang labi niya sa akin at hindi ako handa doon. Pakiramdam ko nanigas ako sa kinatatayuan ako dahil ngayon pa lang ako n*******n.

Sandali? Hinalikan niya ako?

Tulala lang ako at naramdaman ko ang kamay ni Steven na humawak sa bewan ko, tiningala ko siya habang nakatingin siya sa maraming tao.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status