Share

Chapter 11

“I’m not joking, Leah.”

Natigilan naman ako sa pagtawa sa sinabi ni Leander. Matagal akong napatitig sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Kung hindi ko pa narinig na tumikhim si Papa ay hindi pa ako mag-iiwas ng tingin.

“Ah, anak. Hindi pa ba tayo kakain?” alanganing tanong sa akin ni Papa.

Si Leander naman ay agad na bumati kay Papa nang makita niya itong nakadungaw sa pintuan ng kusina.

“Naku, pasensiya na po sa abala sa inyo. May ibinalik lang po ako kay Leah. Aalis na rin po ako.”

Umayos naman ako sa pagkakatayo at ngumiti kay Papa at tumango. Naroon naman sina Mama at mga kapatid ko sa kaniyang likuran, pare-parehong nakasilip ang mga ito sa amin.

“Aalis? Walang aalis.” ani Papa saka naglakad patungo sa amin. Lumapit ito sa akin at agad akong inakbayan.

“Gabi na hijo at maghahapunan na kami. Dito ka nalang kumain tutal narito ka na rin at isa pa, marami-ra

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Måvíç Bautista
ayieeee......️...️...️ dumada moves na si boss leander.........
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status