Reborn: Now I Choose My Brother-in-Law (SSPG)

Reborn: Now I Choose My Brother-in-Law (SSPG)

last updateLast Updated : 2026-10-13
By:  Chocomint WinchesterUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
13views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

The Third Bloodline. The Hendricks. Luther Hendricks . . . . Erin was reborn two years before her tragic death inside the walls of a mental hospital. In her past life, she was betrayed by the two people she trusted most—her husband and her best friend—who stripped her of everything she owned. Now that she has been given a second chance, she chooses her brother-in-law to be her ultimate shield. But protection comes with a steep price: she must give him her heart and her body.

View More

Chapter 1

EPISODE 1- REBORN ON MY WEDDING NIGHT

SUMAKIT na lang bigla ang aking ulo. Pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang bagay na walang ginawa kundi ang magpagulong-gulong. Panandalian akong nawalan ng pandinig, at isang nakatutulig na static na tunog lang ang siyang pumapasok sa aking tainga.

"Ano'ng nangyari?" singhap ko, habang marahas na naghahabol sa aking paghinga.

Nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata, isang malabong repleksyon sa salamin ang tumambad sa akin.

Sandali. Kinakabahan kong hinawakan ang aking leeg, mabilis kong tiningnan ang aking mga braso. Bakit ganoon? Walang sunog, lapnos, o mainit akong nararamdaman ngayon? Nanaginip pa ba ang tao kapag namatay na?

Nagpalinga-linga ako ng tingin hanggang sa makita ko ang aking cellphone na nakapatong sa side table. Agad ko itong hinablot upang tingnan ang petsa ngayon.

March 20, 2024. 12:00 AM.

Ito ang petsa ng kasal ko kay Allen. Ilang oras na ang nakalipas nang ikasal kami. Saka ko lang napansin ang puting trahe de boda na suot ko—ako mismo ang nagdisenyo nito kaya kilala ko ang bawat detalye ng lace at tahi niyon.

Ngunit ang huli kong alaala... sumisigaw ako ng tulong dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy mula sa aking silid sa Mental Hospital.

Tumayo ako at sinipat ang aking sarili sa malaking salamin sa aking harapan. Makinis pa ang mukha ko rito, walang bakas ng eyebags at wrinkles na dulot ng labis na pagpapahirap sa akin noon. Naaalala ko ang eksenang ito. Nagsasaya na ang mga bisita sa ibaba habang ako naman ay nagpaalam muna upang makapagpahinga sa itaas.

"Erin? Are you still there? Hindi ka na ba talaga bababa? Hinahanap ka ng mga investors at business partners ng kumpanya. Bumaba ka muna at makihalubilo, 'wag mo akong ipahiya rito."

Ang boses na iyon... si Allen.

Biglang kumirot ang puso ko sa galit. Parang nandidiri ako nang marinig ang boses ng aking asawa. Agad na rumeshistro sa aking utak ang mga huling sinabi niya sa akin bago ang sunog sa Mental Hospital.

“Kung hindi mo pipirmahan ang annulment papers ay mapipilitan akong daanin sa dahas ito, Erin. Kailangan ko ang pirma mo sa lalong madaling panahon!” Hinawakan niya pa ako noon sa dulo ng aking baba at itiningala sa kaniya habang nakagapos ako.

“Allen, baby, sabi ko naman kasi sa 'yo hindi ba? Magmamatigas 'yang si Erin. She loves her money more than you, hindi niya basta isusuko 'yon para sa 'yo.”

Hirap man ay tinapunan ko pa rin ng tingin ang magaling kong best friend na si Luisa. She conspired with my husband. They betrayed me behind my back kaya nga nila ako pinatapon sa Mental Hospital upang makabwelo silang dalawa.

Ilang beses ko siyang tinulungan lalo na noong naghihirap siya sa College. Ako pa ang nagpakulong sa abusado niyang tatay dahil itinuring ko siyang tunay na kapatid. Pero kamatayan ang isinukli niya sa akin. At ang magaling kong asawa na minahal ko nang lubusan, nakipagtalik at nakipagsabwatan sa kaniya.

Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko sila mapapatawad. Labis ang sakit at paghihirap na naranasan ko sa mga kamay nila sa nakaraang buhay ko. Paulit-ulit akong pinarusahan sa mental institution na iyon dahil sa mga utos nila. Ipinagkalat nila sa board members na baliw ako at hindi capable na mag-handle ng kumpanya. At ang pinakamasakit... namatay ang grandma ko nang hindi ko man lang nasilayan dahil ipinagkait nila iyon sa akin.

Mahigpit kong hinawakan ang tela ng suot kong gown. "Ngayong nabigyan ako ng second chance, sisiguraduhin kong pagbabayarin ko kayong lahat sa ginawa niyo sa akin."

At sisimulan ko iyon sa pagpili ng tamang kakampi sa panahong ito. Kinuha ko ang aking cellphone at agad na dinayal ang numero ng aking brother-in-law—si Luther Hendricks. Ang kilalang black sheep ng pamilya Hendricks, ang ikalawa sa tatlong magkakapatid.

Sa panahong ito, patapon pa ang buhay niya. Music lang ang passion niya, rebelde, at walang pakialam sa kumpanya. Ngunit dahil alam ko ang mangyayari sa hinaharap—isang taon mula ngayon, siya ang kikilalaning pinakamayaman at pinakamakapangyarihang idol sa industriya ng musika. Sisikat siya, mapupuno ang lahat ng arena sa mga concert niya, at aapaw ang mga billboard niya sa buong bansa hanggang sa siya na ang humawak ng buong Hendricks Group dahil malululong sa bisyo at utang si Allen.

Nag-ring ang tawag ko. Inabot ng halos limang segundo bago iyon nasagot.

"Yes, speak. What do you want?"

Mababa, walang kasigla-sigla na tila ba tinatamad pa ang boses ni Luther. Sanay na ako sa ganoong paraan ng pakikipag-usap niya sa akin. Isang taon lang naman ang agwat ng edad niya sa akin maging kay Allen kaya hindi ko siya nagawang tawaging kuya noon. Pero ngayon, ang boses niyang iyon ay nagdulot ng kakaibang kuryente at panginginig sa aking kalamnan.

"Luther, make a deal with me," sabi ko. Diretso ang boses ko, walang kahit anong pag-aalinlangan. Sigurado na ako sa planong ito.

"What do you mean? It's your wedding. I am at your party."

"Yeah, I know." Siya ang best man ng kasal na ito.

Kasabay ng pagbuga ko ng hangin ay ang pagpikit ng aking mga mata. "Help me punish your brother. He is having an affair with my best friend."

Nabalot ng mabigat na katahimikan ang pagitan naming dalawa. Naghintay ako sa kaniyang sagot. Hindi ko siya tinawag; hinayaan ko lang na maramdaman niya ang seryosong aura ko.

"And?" tanong niya. Mas lalong bumaba ang boses niya, na para bang bumubulong na lang sa akin. Ngunit naramdaman ko ang pagbabago sa background ng tawag—pahina nang pahina ang ingay ng party mula sa garden.

I sighed, looking at myself in the mirror. "You can have me, Luther. Take me, I'm yours." Hindi ako nag-alinlangan na sabihin iyon. Desperada akong mabuhay at sulitin ang pagkakataong ito.

At isa pa, I knew Luther would never harm me. In my past life, he was the only one who tried helping me out during the fire. Kahit sa huling sandali ng buhay ko, alam kong dumating siya upang iligtas ako. I saw him banging on the door and trying to reach out to me. I saw the tears in his eyes. Kahit na hindi ko marinig ang mga sinasabi niya dahil well-built ang steel door at tanging ang maliit na salaming parte lang ang naging daan upang masaksihan ko ang ginawa niya—I still treasure it.

At iyon ang nagpabago ng tingin ko sa kaniya.

"Where are you?" Sa wakas ay sumagot si Luther, may halong bigat at nag-aalab na pagnanasa sa kaniyang boses.

"Guestroom. Iyong ginawa kong changing room."

"Open the door. I'll be there in a minute."

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status