Share

Bahay-Bahayan

last update Last Updated: 2021-07-12 11:13:22
 

 

Naging madalang umuwi si Limuel, Christmas break at summer na lamang ito nauwi ng Bohol. Noon ay naka dadalaw pa siya pag araw ng patay pero dahil busy sa school ay nangako na lamang siya sa ina na magbabakasyon ng matagal-tagal kapag summer.

 

Sa umpisang pag-uwi ay naiilang na si Tala sa binata. Nakikita rin ni Limuel ang pagbabago ng dalagita. Maraming ganap sa buhay ni Limuel kaya hindi rin sila madalas magka-usap nito. Kahit nakabakasyon ay madalas ang alis ni Limuel kasama ng mga barkada nitong sabik makahuntahan at kung hindi naman ay nauutusan ito ni Dalisay para asikasuhin ang maliit nilang taniman, bumisita at i-manage ang lugar para makapahinga si Dalisay. Matapos ang trabaho ay papasiyal naman ang barkadahan nila Limuel sa mga magagandang spots sa Anda kasama ng kabataang kalalakihan at minsan ay may mga kadalagahan din.

 

Kapag nawala na ang pagka-ilang at nasanay na si Tala na nakikita si Limuel ay lihim niyang hinihintay ang binata sa pag-uwi nito kahit malalim na ang gabi. Si Tala rin ang nagsisiguradong may pagkain ito at hinainan ito ng mabuti. Sa umaga ay maagang magising si Tala para lutuan ng almusal ang lahat, syempre kasama na si Limuel.

 

“Ang sarap mo na magluto Tala, kalasa na ng luto ni Mamang,” minsan ay komento ni Limuel sa kanya. Sobrang saya ng dalagita, kinilig ang puso niya. Lalo pa tuloy siyang nagpaturo kay Dalisay ng mga putaheng paborito ni Limuel.

 

Kaya naman kahit gabing-gabi na umuwi si Limuel ay sisiguraduhin ni Tala na gising siya para hainan ito ng pagkain.

 

“O, bakit gising ka pa?”

“Eh…kukuha lang ako ng tubig,” pagsisinungaling ni Tala.

“Kumain ka na ba? May tinira si Mamang na pagkain para sa iyo,” alok ng dalaga.

“Hindi pa, gutom na nga ako, eh,” uupo si Limuel sa lamesa.

“Sige, paghahain kita,” papanoorin naman ni Tala habang kumakain si Limuel

“Sige na matulog ka na, ako na ang magliligpit dito.”

“Hindi pa ako inaantok. Ako na lang, para makapagpahinga ka na,” habang naghuhugas ng plato ay parang nasa langit naman si Tala sa sobrang saya. Wala lang, masaya pala ang may asawa, kinikilig ito habang nag-iisip.

 

Minsan ay nahuli ni Dalisay na nakatitig si Tala sa larawan ni Limuel na naka-display sa sala.

 

“Tala gabi na, hindi ka pa ba matutulog? Teka, hinihintay mo ba si Limuel?” lumabas ito ng kwarto para umihi.

“Ahh… ehh..h…hindi po.”

 

Tinitigan ni Dalisay ang dalagita. Napangiti ito.

 

“Gusto mo ba siya? Gusto mo ba ang asawa mo?” napalunok si Tala saka umiling.

“Ang batang ito… kailan pa?” natawa si Dalisay.

 

Natagpuan ni Talang nagkukwento siya kay Dalisay.

 

“Bata ka pa, pwede pang magbago ang damdamin mo. Ang gusto ni mama mo ay makapagtapos ka ng pag-aaral at matupad mo ang mga pangarap mo.”

“A-ayaw n’yo po bang maging… I mean… kapag nasa edad na ako.”

“Maging kayong dalawa ni Limuel? Syempre gusto ko, pero dapat gusto niyo pareho.”

“D-dahil hindi ako gusto ni Limu…ni kuya?”

 

Inayos ni Dalisay ang buhok ni Tala.

 

“Basta bata ka pa. Hintayin mo kapag nasa tamang edad ka na. Pag gusto mo pa rin si Limuel, wala tayong dapat problema dahil kasal na kayo, mag-asawa naman na talaga kayo.”

 

Ngumiti si Tala. Iyon ang pangarap ko, ang magustuhan ako ni Limuel. Sa isip-isip ng

Bata.

 

“Halika na, pag ganitong oras eh hindi na ‘yon uuwi. Bukas mo na ‘yon makikita, pag luto mo na lang ng almusal,” disappointed man ay sumunod si Tala kay Dalisay.

 

“Limuel, samahan mo nga si Tala na mamalengke,” bungad ni Dalisay sa papaalis na anak.

 

“May lakad ako Mang, pasamahan mo na lang kay Nimuel,” magbabasketbal lang naman si Limuel.

“Ma-ipasyal mo man lang ang asawa mo,” pangungulit ni Dalisay.

“Mang… ‘wag mong…wag ninyo na pong sabihing asawa,” parang naiinis na sabi ni Limuel sa ina.

“Ay, bakit, hindi ba totoo? Asawa mo naman talaga si Tala ah,” namewang pa si Dalisay.

“Alam niyo naman may girlfriend ako sa Maynila.”

 

Parang kinurot ang puso ni Tala sa narinig. Hindi alam nila Dalisay at Limuel na naririnig niya ang usapan nila dahil mula sa likod bahay ay papasok siya sa kusina nila.

 

“Huh, si Lilybeth ba ang tinutukoy mo?”

“Hindi po, iba na. May asawa na si Lilybeth, nabuntis ng kaklase niya.” nagtatali na ng sintas ng sapatos si Limuel.

“Bago lang ito?”

“Opo.”

“Magsabi ka ng totoo, mag-aasawa ka ba? Alam mong hindi pwede,” may pag-aalala sa boses ni Dalisay.

“Alam ko po, hihintayin ko muna si Talang mag-edad 22. Nangako ako Mamang, tutuparin ko naman ‘yon. At saka magtatapos pa ako ng pag-aaral, nag-eenjoy lang ako kahit kunti.”

“Sige, pero pagkatapos ay pwede na nating i-register ang kasal n’yo ni Tala pag naging 18 na siya,” buyo ni Dalisay.

“Mamang, parang kapatid ko lang si Tala Ano ba kayo!?” naiinis na ang boses ni Limuel.

 

Hindi namalayan ni Tala na bumabagsak na ang luha niya. Umalis siya bago pa niya matapos marinig ang usapan ng mag-ina.

“Talaga lang, ha. Eh, bakit nung minsang magsisimba kami at nakaayos si Tala parang luluwa ang mata mo sa pagtitig sa kanya?” patuloy ni Dalisay.

“Si Mamang talaga! Anong tingin niyo sa akin pedopilya? Ang bata-bata pa ni Tala, eh. Makaalis na nga ang labo niyo kausap!”

“Ikaw ang Malabo, sabi ko samahan mo si Tala sa palengke!” habol na sigaw nito sa anak.

“Hindi na!”

 

Totoong nakatitig si Limuel kay Tala, pero hindi dahil madumi ang isip niya.. Nakita niya lang na nagdadalaga na ito at hindi na ito batang gaya ng dati na inaalagaan niya.

 

Wala sa sariling namalengke si Tala. Mabigat ang dala niya pero hindi niya nararamdaman. It’s just a crush, lilipas din ito. Sa isip-isip ni Tala. Tama si Mamang, mababago pa ang feelings ko. Tama rin si Limuel, kapag nasa tamang edad na siya ay magiging malaya na siyang mamuhay ng sarili na hindi makikialam ang tatay niya at ang ibang mga tao, kasama na rin si Limuel dun. Mas maganda kung mag-focus siya sa kung anumang gusto niyang mangyari sa buhay niya. Sa pangarap niya. Eh, ano ba ang pangarap niya? Parang tanga si Talang nakikipag- usap ng tahimik sa sarili.

 

“…’yong asawa ni Limuel, oh,”

 

Natigilan si Tala sa narinig. Alam niyang may basketball court sa likuran niya, malapit sa binibilhan niya ng bigas. Alam niyang madalas tumambay sina Limuel sa court para maglaro ng basketball kaya sigurado siyang siya mismo ang tinutukoy ng nagsasalita.

 

“May asawa ka na?” boses ng babaing tila nalungkot.

“Hindi…kasi…hindi talaga asawa na asawa,” boses ni Limuel.

“Hindi mo asawa?” biro ng isa pang lalaki.

“Eh, ano?!?”

“Ano ba sa tingin mo?” boses ni Limuel, parang napipikon.

“Katulong?!” sabi ng isa.

 

Ang sunod na nagregister kay Tala ay malakas na tawanan. Sa inis at napaharap siya sa mga nagkukwentuhan. Nakasalubong niya ang mga mata ni Limuel. Nakita ni Tala na nakikitawa ito. Tila nagulat ito nang Makita ang galit sa tingin niya. Hindi marahil nito alam na naririnig niya ang usapan nila. Kinuha ni Tala ang nabiling itlog sa basket na dala at saka ibinato ito sa direksyon ni Limuel. Iyon lang at umalis na si Tala. Ni hindi niya alam kung natamaan niya ito. Basta ang narinig niya ay tawanang mas lalong lumakas, sa likuran niya.

 

Hanggang makauwi ay nagngingitngit ang dalagita sa galit. Ang kapal ng mukha niya!

Katulong pala, ha! Sa isip ay gustong sumigaw ni Tala at kumprontahin si Limuel.

 

Saktong sinalubong siya ni Nimuel na halatang mang-aasar.

 

“Kung hindi mo ako tutulungan, wag kang humarang sa dadaanan ko!” sigaw niya rito.

 

Nawala ang pilyong ngiti ni Nimuel. Ngayon lang niya nakitang galit na galit si Tala. Binuhat na lang nito nang tahimik ang mga bitbit ng babae.

 

Nang gabi ring iyon ay nagpaalam ang dalagita na sa bahay muna ng tita Yasmin siya magpapalipas ng ilang araw. Ramdam ni Dalisay na hindi maayos ang mood ni Tala.

 

“Namimiss ko lang po si Mama, mamang… please doon lang po muna ako.” Pakiusap nito wala nang nagawa si Dalisay kundi payagan ito.

 

Sa bahay ng mga pinsan niya sa kabilang ibayo, malapit sa Poblacion, nagbakasyon si Tala. Bumalik na lamang siya sa bahay nila Dalisay nang umalis na muli sina Limuel, kasama na si Nimuel pa-Maynila para sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Grade 9 naging malaking bulas si Tala. Nagising na lang siya isang araw na mas mahubog ang katawan niya, mas matangkad siya, at higit sa lahat may boobs na siya. Dito rin nagsimulang magkaroon ng mga kaibigang babae si Tala sa tulong na rin ng mga extrovert niyang pinsan.

Kung hindi gumagala ay nagbabasa ng mga libro ang dalaga. Mas gusto niya pa rin sa loob ng bahay kaysa ang palaging lumabas. Kapag sawa na sa pagbasa ng makakapal na libro nobela man o hindi ay nanonood ng mga movies at series sa Youtube at Netflix ang dalaga. Mabuti at naka-abot na rin sa kanila ang signal ng internet kahit sobrang bagal pa nito. Aliw na aliw ang dalaga sa panonood ng iba’t-ibang palabas na may iba’t ibang wika. Mahina man ang signal ng internet sa lugar nilang liblib pero matyaga siyang mag-download at paulit-ulit manood ng mga paborito niyang series. Sa huli ay sobrang naging hopeless romantic niya , pero ang kagandahan ang dami niyang bagong crush na mga characters sa TV at movies, kaya naman hindi na lang si Limuel ang lalaki sa buhay niya .

 

Gaya ng ibang normal na teenager ang naging buhay ni Tala. Hindi na rin niya nagawa ng magtanim ng galit kay Limuel pagkalipas ng ilang panahon. Kahit papaano sabi ng mama niya bago ito mamatay, malaki ang utang na loob niya kay Limuel. Iyon lang pangako niya sa sarili niyang hinding hindi na niya kikitain ang binata hangga’t hindi siya 22 years old para mapawalang bisa ang kanilang kasal! Sa wakas, natalo na rin ang feelings niya para sa lalaki. Tama si mamang, feelings do change.

Nagsimula na ring pansinin ng mga lalaki sa Poblacion si Tala, lalo ang hindi mga ethnic na gaya niya. Wala itong alam tungkol sa tribo nila at sa kasalanang naganap noong 12 pa lamang siya. Pero syempre dahil nandoon si Nuel, maagap nitong pinapaliwanag sa lahat ang sitwasyon ni Tala, kaya hindi ito pwedeng lapitan ng mga lalaki. Gusto rin kasi ni Nuel na maging totoong kapatid si Tala at boto siya na sa kuya Limuel niya ito napakasal. Kaya siya ang magbabantay sa kaklase para hindi ito mapormahan ng ibang lalaki.

 

Wala namang nagugustuhan si Tala, mataas ang standard nito na alam nitong hindi na realistic kung minsan, puro mga characters sa libro at movies. Kaya naman hindi naging issue kay Tala ang mga lalaki. Kumpleto ang buhay niya kahit wala ang mga ito basta may Netflix siya!

 

Dahil sa pangakong hindi makikipagkita kay Limuel hangga’t hindi siya nasa tamang edad ay umiiwas siya rito sa tuwing uuwi sila Limuel at Nimuel. Bakasyon at pasko lang naman ito nangyayari. Nagdadahilan na lamang ito na may lakad sila ng mga pinsan at name-miss niya rin ang mga ito. Alam niyang nalulungkot si Dalisay sa tuwing umaalis siya, pero palagi naman siyang bumabawi rito. Ang totoo ang bakasyon ni Tala ay staycation lang, hindi naman siya talaga lalabas ng bahay, sapat na ang internet sa buhay bakasyon niya.

 

Kala ko ba wala ka nang galit kay Limuel? boses sa isip ni Tala. Wala nga.

Bakit ka umiiwas?

Makulit si Nimuel.

Weee? Hindi nga! May gusto ka pa rin ata.

Ay, hindi, ah! Excuse me! Para na namang tangang nakikipag-away si Tala sa sarili.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Princess Tala and Prince Uncharming   About the Author

    About the AuthorAge is just a number! Lolakwentosera is your coolest grandma with a Gen. Z heart. A motivational speaker and writer, Lolakwentosera is an advocate of empowering teens by teaching them how to deal with mental health struggles, family issues, and matters of the heart through her written works and training programs. Though she built up her career in the academe, she has been writing stories as a young girl and using the power of words in the books she has read and written to travel the world and at times, escape the realities of life. Being born in an era where internet and smartphone technologies are non-existent, Lolakwentosera used only her power of imagination to make the best of her childhood.Today, inspired and in awe of how the new generation is living with technologies always in their hands, lolakwentosera infuses the wisdom of her life experiences with the lessons in the stories

  • Princess Tala and Prince Uncharming   The Princess Bride

    “Ang ganda ganda mo, matutuwa ang mama mo kung makikita ka niya ngayon,” sabi ni Dalisay habang inaayos ang belo ni Tala. Nakasuot siya ng trahe de boda. Mabilisan lang ang pagpaplano ng kasal nila sa simbahang kristiyano. Si Limuel ang may gusto nito, gusto nitong pakasalan si Tala sa tamang edad at para mapatungan ang memorya na nagpakasal ito sa isang bata. Bilang asawa ay sumunod na lang si Tala sa gusto ni Limuel at hindi naman siya nagsisisi. Tama si Limuel, gusto niyang ikasal sa lalaki sa ganitong paraan. Halika na, umpisa na,” sabi ni Yasmin na sumilip sa kanila. Sumikdo ang puso ni Limuel nang makitang naglalakad palapit sa kanya ang asawa. It feels right. Hindi kagaya nung una nilang kasal, iba ang pakiramdam niya, hindi siya kumportable. Ngayon ang feeling ni Limuel kapag kasama niya si Tala bilang asawa niya, kaya niyang harapin kahit anong pagsubok o problema, at matutupad niya ang lahat niyang pangarap, ang pangarap nilang d

  • Princess Tala and Prince Uncharming   Awesome Thresome

    Nang tumunog muli ang gong ay hudyat ito para lapatan ng halik ni Limuel ang kanyang dibdib. Libo-libong kuryente na dumadaloy sa buong pagkatao ni Tala ang nagpalabas ng kakaibang ingay sa kanyang lalamunan. Palibhasa ay bagong experience kay Tala, nagulat siya sa reaksyon ng kanyang katawan. Sa huli ay sabay silang tila kinakapos ng hininga ni Limuel at napuno ng kakaibang ingay ang loob ng kanilang tolda. Halos makalimutan ng dalawa ang pagsunod sa bawat hakbang ng ritwal, kung hindi pa nagsalita ang isang matanda para ipaalala ang mga ito. Ngayon ay hinubaran ni Tala ng bahag ang asawa. Tumambad kay Tala ang harapan ng lalaki, handa na ito. Sa buong buhay ni Tala ay hindi niya hinagap kung anong itsura ng bahaging ito ng isang lalaki. Kahit sa internet ay hindi siya tumingin, hindi niya malaman ang magiging reaction pero alam niya kung anong dapat niyang gawin. Hinawakan ni Tala ang pagkalalaki ni Limuel, halos mapugto ang hininga nito. Matindin

  • Princess Tala and Prince Uncharming   Dangal Ng Lahi

    Saktong paglabas ng pinto ni Yasmin ay tumunog ang phone ni Tala. Si Limuel, “Hello…” sabi nito sa kabilang linya. “Gising ka pa rin?” napaupo si Tala mula sa pagkakahiga. “Yup, ikaw? Bakit gising ka pa?” “A-alam mo na rin ba? Ang plano ni papa?” PATLANG “I will fight for you!” sabi lang ni Limuel. Sinabi rin ni Dalisay dito ang tungkol sa plano ni Bayani. Ngayon ay malinaw na rin sa kanya ang lahat, pati ang tungkol sa lalaking nakasagupa niya na nagpupumilit ipasok si Tala sa kotse nito. Hindi na nila muling napag-uusapan ang tungkol sa lalaki matapos ang insidente. Hindi na rin naman ito importante. Nakahinga ng maluwag si Tala sa narinig. “Pero I will always give you a choice. Hindi kita ikukulong sa kasunduan ng mga magulang natin. Pag gusto mong i-consider ang plano ng tatay mo…” “Hala! Ipamimigay mo ako sa iba?!” nasaktan si Tala sa narinig. “Teka muna hindi pa ako tapos! Pag gusto mong i-consider ang plano ng ta

  • Princess Tala and Prince Uncharming   The Ritual

    Umamin naman agad ang dalawa. Hindi ito ang plano ni Limuel pero mukhang nangingialam ang tadhana sa kanila. Mas gusto niyang maging romantic ang proposal at announcement niya sa pamilya ng pagmamahal kay Tala pero mukhang hindi na ito matutuloy. “Sabi ko na nga ba eh…” sabi ni Dalisay na tuwang-tuwa “May nangyari na ba sa inyo sa Maynila?” prangka ang tanong ni Yasmin. Ang bilis ng iling ni Tala. “Wala po tita. Ang gusto ko po ay i-pa-register muna ang kasal, pero hindi ko alam na registered na pala. Magpapaalam pa lang ako sa inyo para pormal na hingin ang kamay ni Tala.” “I see…”Patlang. “Kayo ang masusunod, kukumpletuhin ninyo ang ritwal o hindi? Kung may nangyari na sa inyo noon siguro mas madali na ito sa inyo, pero since… birhen pa si Tala…” makahulugang sabi ni Yasmin.Tumingin si Limuel kay Tala. “Gusto ko ikaw ang magdesisyon Tala. Kung anong desisyon mo, susuportahan ko.” “P-pero ikaw ang lalaki…ikaw ang a-asawa

  • Princess Tala and Prince Uncharming   Easier Than Math

    Sige, ikaw ang bahala, tawagan mo rin ang mamang para alam niya.” 'yon lang at binaba na ni Limuel ang cellphone. “Si Nimuel?” tanong ni Tala, nasa dining table sila at nagrereview para sa finals. As usual Tala is having a hard time reviewing her Math lessons. “Oo, hindi siya sasabay sa atin sa pag-uwi sa Anda. Susunod na lang daw siya dahil mag-e-enroll siya ng summer. Naghahabol ang loko, gustong makagraduate on time.” Umupo na ulit si Limuel sa tabi niya. “Asan na tayo?” “Secant…” “Okay kuha mo na ang sine at cosine…” “H-hindi.” tumingin si Tala kay Limuel, hinihintay na pagalitan siya nito. “Eh bakit tayo pupunta sa secant, hindi mo pa pala masyadong maintindihan ang unang lesson?” “Eh kasi, iwan muna natin si sine at cosine dahil baka mas madali ang secant, ” sabi ni Tala na nagpi-feeling matalino. “Hindi gano'n ‘yon. Sa math madalas interconnected ang mga topics. Sige solve mo ulit ito, sabihin mo sa akin kung saang parte ka nalilito.” Ang haba ng pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status