Share

CHAPTER 04

Penulis: Paupau
last update Terakhir Diperbarui: 2023-11-10 15:50:26

Tatlong buwan...

Sa bilis ng araw, halos hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong inuugat dito sa America. Sinong makapagsasabi na matitiis ako ni Blue sa loob ng tatlong buwang magkasama kami sa iisang bubong? Sino pa nga ba, seyempre si author lang!

Kahit na halos isumpa namin ang isa't isa ni Blue at magsakalan ng leeg araw-araw ay hindi pa rin kami naghihiwalay. Noong nag away kami ng limang oras dahil sa nasunog kong uniform niya, hindi niya rin ako natiis. Siya rin ang unang nakipag bati dahil kung hindi au susunugin ko rin ang terno ng uniform niya.

Sa loob ng tatlong buwan, nakatatlong trabaho na rin ako. Palipat-lipat dahil lagi akong palpak. Noong unang apply ko ay isa akong crew member sa Mc Donalds. Okay naman sana, pero makalipas ang tatling araw ay tinanggal ako dahil muntik ko ng masunog ang buong fast food na pinapasukan ko. Di ko naman sinasadya at aksidente lang ang lahag.

Sa ikalawang trabaho ko naman ay di rin ako nagtagal. Assistant keme raw kasi ako sa isang barber shop, pero hindi ko naman alam na all around Assistant ang beauty ko. Kaya noong may nagpamasahe sa akin na matandang lalaki na mukhang mahilig ay nag alangan ako. Sa kapipilit niya sa akin na masahehin ko siya... sinakal ko ang leeg niya. Di naman siya namatay, muntik lang hindi makahinga. Ayon, muntik na akong makasuhan kaya nag resign na lang ako kaysa matuluyan ko pa ang ang matandang mahilig na iyon.

Ang hirap din ng buhay sa ibang bansa, akala ko ay madali lang... hindi pala. Lalo na kapag wala kang pamilya o kamag-anak man lang na mahihingian ng tulong kapag nangailangan ka. 

Minsan nga naiisip ko na lang na ibenta si Blue sa black market, o kaya ay i-auction siya. Mukhang malaki naman ang kikitain ko kapag may bumili sa kanya. Pero dahil kaibigan ko naman na siya at closed na kaming dalawa... baka isanla ko na lang siya kapag kinapos na akong talaga.

At ngayon nga'y narito ako sa Agency na pinapasukan ko. Ito ang ikatlo kong trabaho habang nag- o-online study ako sa gabi. Magdadalawang linggo na rin akong nagtatrabaho bilang Personal Assistant ng isang sikat na Modelo. 

Hindi madali sa una, lalo na noong daig ko pa ang all-around muchahca ng Agency. Ilang beses akong napagalitan, sinigawan at pinahiya. Minsan iniisip ko kung tama pa ba itong ginagawa ko? O dapat sigurong umuwi na lang ako, at harapin kung ano ang nakatadhana para sa akin. But then I realized na sa dinami-rami na ng kalyo ko sa palad kalalaba ng damit naming dalawa ni Blue, at sama ng loob dahil sa walang humpay na pang-iinsulto niya sa mga niluluto ko'y ngayon pa ba ako bibitaw. Aba not, coconut!

And just when the time that I decided to back out and quit to my job... 

___flashback ___

.

.

"I don't like my Assistant. He's getting on my nerves! Instead of doing something for me, he's there! Moaning like a fucking cow in someone's arms! Pesteng bakla, nadadawit pa ang pangalan ko ng dahil sa mga ginagawa n'ya!" galit na sigaw ng babae na sa tantiya ko'y halos kaedad ko lang. 

Abala ako sa pagpupunas ng mesa rito sa loob ng opisina ng pinaka boss ko, nang bigla na lang pumasok ang isang babae. Hindi man sinasadya'y naririnig ko ang pinag-uusapan nila. 

Bahagya rin akong nagulat ng biglang nagtagalog ang halos kapapasok na babae. Dahil sa pagkakaalam ko'y mga purong Amerikano at Amerikana ang mga nagtatrabaho rito sa Agency. 

"Calm down Ayesha. I can't find another person to replace Raffy as your PA right now. Just don't mingle into Raffy's business, so that paparazzi won't bother you." sagot naman ng boss ko.

Oo boss ko! Dahil isa lang naman akong ulirang yaya rito sa Agency na pinapasukan ko. Tulad nga ng sinabi ko'y nasa kalahating taon pa lang ako sa kolehiyo, kung kaya't walang ibang trabaho na umakma para sa akin. Bukod pa sa wala akong karanasan sa mga trabaho, wala rin ibang tumanggap sa akin kun'di ang Agency na ito. At iyon nga'y upang maging isang pinakamagandang yaya ng opisinang ito. 

"That's bullshit! If you can't find me another PA, better full out that fucking Raffy as my PA." Galit pa ring sagot ng babae na Ayesha pala ang pangalan. 

Muntik ko pang mabitawan ang dala kong floor moped at balde nang dahil sa lakas ng sigaw niya. Kanina'y narinig ko na Ayesha ang pangalan niya. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang nangungunang Modelo ngayon sa bansa. 

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto nang nakayuko, upang lumabas na sana. Ngunit napahinto ako ng walang anu-ano ay tinuro ako ng boss ko at sinigawan. 

"You! Are you done cleaning the bathroom?" Mariin niyang tanong sa akin. Bwisit! Kung hindi lang ako nangangailangan ng pera baka i-flush ko pa sa inodoro itong peste kong amo!

Akala mo kung sinong nakakaganda sa akin at kung pagtaasan ako ng kilay ag abot hanggang bunbunan niya. Kekembo-kembot at trying hard pa ang pagboboses babae, may law!t naman!

"Yes Sir," imbes na gumanti ng singhal ay iyon lang ang nasabi ko. 

Ramdam ko pa ang paninitig sa akin ni Ayesha na mas lalo kong ikinahiya. Nakakapang-liit naman kasi ng dignidad kung sigaw-sigawan ako ng mga tao rito. Mga buwisit! Palibhasa'y hindi nila kilala ang isang Alinnyta Carmi! Huwag lang talaga silang magagawi sa Rancho namin, kung hindi, ipapapugot ko ang ulo nila at ipa-aapak sa mga kabayo!

"What's your name?" Bigla namang tanong sa akin ni Ayesha. 

Naiilang man ay sinalubong ko ang tingin niya bago sumagot. "Lenny, Miss."

"Perfect! From now on you'll be my new Personal Assistant. Take it or leave it?" baliwalang saad niya. 

Hindi ko naman alam kung sasagot ba ako ng yes o no dahil hindi naman siya ang amo ko. Kung kaya't yumuko na lang ako at hinintay ang desisyon ng boss ko. Ngunit narinig ko pa ang mahinang sinabi niya na ikinangiti ko ng palihim. 

"Mas mabuti nang ang magandang tulad ko ang makasama at makita mo araw-araw, kaysa sa panot na narito sa harap ko. Akala mo naman kung sinong magaling na amo. Sarap kalbuhin at kapunin ng itlog!"

Nang marinig ko ang mga katagang iyon mula sa kanya, sigurado na akong makakasundo ko siya. Akala niya siguro'y hindi ako nakaka-intindi ng tagalog, kaya panatag siya. Sabagay tama naman siya, at hindi rin naman kasi naiitindihan ni panot...este ni boss ang mga sinasabi niya. 

"But she's a maid. She doesn't have any idea how to be a PA! She may cause you trouble," sagot ni panot!

"I don't care! She'll be my PA," baliwalang sagot naman ni Ayesha bago hinawakan ang kamay ko at hinila na palabas. 

____END OF FLASHBACK____

.

.

MATAPOS ang insidenteng iyon ay naging magkaibigan na kami ni Ayesha. At ngayon nga'y hinihintay ko siya rito sa opisina, dahil sa kinasasangkutan niya na namang gulo. 

Bilang Assistant at Manager niya na rin, ako ang lagi niyang takbuhan. At syempre tungkulin kong linisin ang pangalan niya sa lahat ng kaguluhan, na wala naman talaga siyang kinalaman. Sadyang nakatutok lang ang lahat ng mata sa kanya dahil sa kasikatang tinatamasa niya. 

Ilang minuto rin akong naghintay, halos kalyuhin na nga ang pang-upo ko, at mabasag na ang eardrum ko kasasagot ng mga phone calls hanggang sa dumating na nga siya. 

"Sorry, I'm late! So, anong ganap?" baliwalang tanong niya bago umupo at nangalumbaba sa harap ko. 

Sa tinagal-tagal na naming nagkakasama, alam ko nang may bumabagabag sa kanya kapag ganyan ang itsura niya. 

"Ano na naman ang lilinisin kong problema mo?" Nakataas ang kilay na balik tanong ko sa kanya. Tumikhim na muna siya at sinimulan na nga ang pagkukwento mula sa umpisa. At ng matapos ay yumuko na sa mesa. 

Akala mo talaga'y aping-api. Samantalang kasalanan niya rin naman talaga. Sino ba naman kasi ang taong susugod sa isang sikat na telebisyon para sabunutan ang babae ng ex niya? Si Ayesha lang! Siya lang ang namumukod tanging gagawa no'n. Kaya naman heto, nakailang sagot na ako sa mga lintek na media!

"Eh sa ang pangit niya naman talaga! Hindi pa nga pantay ang lipstick niya dahil sa kapal ng nguso niya!" Kulang na lang ay tumirik ang mga mata ko dahil sa kabrutalan ng bibig niya. Maanong tama na 'yong salitang pangit lalo na't pangit nga talaga. "What should I do Lenny?" Nagsusumamong tanong niya pa. 

Hirap din talaga ang buhay ng mga sikat. Parang mga walang kalayaan. Bawat galaw ay dinumero. Ultimo pag utot nga ay nagiging komplekado na rin sa kanila.

Bumuntong-hininga ako at nag-isip na lang ng maganda-gandang paraan. Hanggang sa makita ko ang magazine sa gilid ng table ko. Para akong nagkaroon ng bumbilya sa ulo, lalo na ng makita ko ang mga views sa magazine. 

"I have an idea," nakangiting saad ko sa kanya. 

"Ano?"

Itinaas ko ang magazine sa mismong mukha niya at ipinakita ang mga larawan doon. "Take a break. Magbakasyon ka muna. Subukan mo sa Pilipinas, kahit isang buwan lang," sunud-sunod kong sagot sa kanya. 

Tila nagningning naman ang mata niya. Nataranta pa yata ang gaga, dahil mabilis na kinuha ang magazine sa akin bago binuklat-buklat 'yon. 

"That's a brilliant idea! Let's take a break then," aniya na ikinalaki naman ng mga mata ko. 

Wala akong planong magbakasyon. At lalong wala sa isip ko ang umuwi sa Pilipinas! Bukod sa wala pa akong masyadong ipon, wala rin naman akong uuwian doon. Hindi ko na nga alam kung tatanggapin pa ba ako sa Rancho kapag umuwi ako? O kung itatakwil lang ako ng mga magulang ko.

"Ikaw lang ang kailangan ng bakasyon Ayesha. Marami akong trabaho, at dapat gawin. So yeah...enjoy your vacation." I told her then smile widely.

Ano na nga ba ang nangyari sa bansang kinalak'han ko? Ano na ang lagay ng mga magulang ko? Ni hindi man lang nila ako kinukumusta. Naaalala pa kaya nila na may anak silang nagngangalang Alinnyta? O baka naman kasabay ng pag-alis ko'y nilimot na rin nila ako?

"Minsan kailangan mo rin magpahinga. Nasaan ba ang pamilya mo? Ang tagal na nating magkaibigan pero parang wala pa akong alam masyado sa'yo." Nginitian ko na lang ang tanong na 'yon ni Ayesha. Kung makatagal kasi siya kala mo'y taon na kaming nagsasama, samantalang tatling buwan pa lang ako rito sa America.

Tsaka sa totoo lang, hindi ko alam kung may matatawag pa ba akong pamilya. 

Si Blue na lang nga yata ang natira sa akin. Pero kaunting kembot na lang, matatapos na siya sa pag-aaral niya. Uuwi na rin siya. Iiwan niya na rin ako. Hindi ko naman siya maaaring itali sa lugar kung anong mayroon ako. Madilim. Malungkot. Nakakapagod. Pero...paano na? Paano ako kung pati siya ay mawawala rin sa akin?

Napabuntong-hininga na lang ko sa kaisipang 'yon. Hindi na rin muling nagtanong pa si Ayesha nang 'di ko sinagot ang tanong niya. 

"Gusto mo bang ako na ang mag book ng flight mo? Aayusin ko na rin ang lahat ng schedules mo. Sana matapos kang magbakasyon ay hindi na madawit ang pangalan mo sa mga gulo. Tatanda ako ng maaga Ayesha! Ayaw kong mangulubot ng hindi man lang nakakatikim ng luto ni Lord! Ni hindi ko pa nga nararanasan ang sinasabi nilang ika pitong glorya!" Pabiro kong singhal sa kanya. 

Lahat naman kasi ay idinadaan ko sa biro. Pero ang totoo...ang lungkot. Nasasaktan din naman ako. Hindi nga lang nila alam at nakikita, dahil hindi ako puwedeng maging mahina sa harap nila. 

"Don't worry, reregaluhan kita ng vibrator para maranasan mo ang sinasabi mong ika pitong glorya!" sagot niya naman saka humagalpak ng tawa. Pero kung ayaw mo ayos lang din...hindi kita pipilitin. Nandyan naman si Blue, beke nemen." Nakangiti at makahulugang giit niya pa. 

Kahit gaano pala kalungkot at boring ng buhay ko, ang suwerte ko pa rin. Dahil nakilala ko ang mga taong bubuo at magpapasaya sa araw-araw na ilalagi ko dito sa mundo. Sana nga lang talaga ay samahan nila ako hanggang dulo. Hanggang sa... hindi na malungkot. Hanggang sa hindi ko na kailangan pang magsisinungaling. At hindi ko na rin kailangang pagtakpan kahit ang sarili ko. 

And with that thought in mind, pangakong po-protektahan ko sila hanggang sa abot ng aking makakaya. Kahit ang kapalit noon, ay habang buhay na pagsisinungaling at pagpapanggap na okay lang at masaya.

*****

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Promesa Rota   NOTE

    Promesa Rota has ended. Salamat po sa oras na ibinigay nyo upang basahin ang kuwento ni Lenny. Sa totoo lang, hindi talaga kasama si Lenny sa The Neighborhood Series. And yes, Series po talaga ang story ng mga Macho Gwapitos na una kong isinulat sa W*****d. It was originally The Neighborhood Series, at ang story ni Lenny ay pasilip lang mula sa “Forget Me Not” na story ni Pauline at Blue, at “Te Quiero” na story naman ni Nico at Ely. Hindi ako sure kung mailalagay ko ba ang kuwento dito ni Nico dahil plano ko po sana ‘yon na ipasalibro.Muli, maraming salamat po sa inyong lahat na sumuporta at nagbasa. Sana ay suportahan at basahin nyo rin ang iba ko pang mga s. Salamat po heart heart.SNEAK PEEK of TE QUIERO:"I, Eliana Lopez promised to love and cherish you, from the beginning till end; for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. And I... set you free." ~Ely~ " ***Eliana 'Ely' Lopez woke up feel

  • Promesa Rota   EPILOGUE

    It was my last day here in Linden Hall as a Business Management student. After this boring ceremony, I will stay for almost two weeks before I go back to the Philippines. Kahit papaano ay marami naman akong natutunan na puwede kong dalhin at gamitin sa pagpapatakbo ng business namin. Sa loob ng halos tatlong taon na pananatili ko rito sa U.S wala naman akong ibang inatupag kun'di ang mag aral, kumain at matulog. Wala rin akong masyadong kaibigan dito na matatawag kong sanggang dikit tulad ng mga naging kaibigan ko sa Pilipinas noon. Ganoon pa man, may matatawag pa rin naman akong tropa and that was Azul Dela Vega. Pinoy rin kaya naman kaagad kaming nagkasundo. Nauna nga lang siyang nagtapos kaysa sa akin, kaya nauna na rin siyang bumalik sa Pinas."One cappuccino for Mr. Niccolo!" dinig kong sigaw ng kahera kaya naman kaagad akong tumayo at lumapit sa cashier. I just bought a cup of coffee to take-out and then plan to go back to my unit. Wala naman akong ibang gagawin kun'di ang ma

  • Promesa Rota   CHAPTER 40

    [Trigger Warning]My chest hurts so bad! Halos liparin ko na ang pinto palabas ng library room kung saan ko siya iniwan. Hindi ko kayang tignan ang malungkot niyang mga mata. Ang pag luha niya. Ang sakit na bumabalatay sa mukha niya habang binabanggit ang pangalan ni Zara. Pangalan ng panganay niyang anak na kinuha sa kanila... pangalan ko."Fuck! Not now, please!" Dali-dali ko nang tinakbo ang pagitan mula sa sala hanggang sa pinto ng hacienda Mejia."Seniorita!" tawag sa akin ni Ara pero hindi ko na siya nilingon pa.Kaagad akong sumakay sa aking sasakyan at nag maniobra paalis. Hindi ko na alam. Iba ang aking pakiramdam. Para akong nakalutang sa kawalan at naglalakbay ang diwa sa nakaraan."Oh God... not now!" My voice is shaking and I can feel that my body is trembling. As I looked at my hands on the steering wheel, it was shaking too. I have to calm down... I need to. But I can't, fuck!I drive as fast as I can just to stay away from where I am. Gusto kong makatakas sa nakaraan

  • Promesa Rota   CHAPTER 39

    "ALINNYTA CARMI AVILLA!"Hindi pa man ako nakakababa ay dinig na dinig ko na ang matining na boses ni Zafy. Nakakamiss din, pero nangingibabaw pa rin 'yong irita. Bukod kasi sa napaka tining at masakit sa tenga, binanggit niya pa talaga ng buo ang napakabantot kong pangalan!Pagbaba ko ng sasakyan ay kaagad akong sinalubong ni Zafy at niyakap ng mahigpit. "Na miss kitang bruha ka! Ano na? For good ka na ba dito? For bad? O tamang visit lang? Sumagot ka!"Kusang umikot ang eyeballs ko, wala pa rin siyang pinagbago. Napakataklesa pa rin kahit na happily married with two children's."Zafy puwede ba pagpahingahin mo muna ako. Okay lang ba 'yon? Puwede ba 'yon?" Inirapan ko siya."O.A mo ha! Pasalamat ka nga at sinalubong pa kita!""Oh edi thank you!" pasaring kong sagot. Akmang sasagot pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng kotse at bumaba doon si Ara."Kumusta Seniorita Zafira?" aniya ng nakangiti. Zafy wanted to greet Ara, but here comes the cutest one."Holla!" my daughter said

  • Promesa Rota   CHAPTER 38

    "SENIORITA!"Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko ngunit muli ring napapikit ng dahil sa nakasisilaw na liwanag."Mommy..."But when I heard Nica's voice, doon ako tuluyang nagising. "Anong nangyari?" tanong ko habang palipat-lipat ng tingin kay Ara at kay Nica na halos mangulay papel ang mga mukha habang nakatitig sa akin."Mommy are you feeling better now?" balik tanong ni Nica sa akin. "You passed out a while ago... you scared me, mom."Nagtatakang napatingin ako kay Ara. Nag trigger na naman ang depression ko kaya nag papanic attack ako. Pero pagkatapos niyon ay hindi ko kaagad maalala kung ano ang eksaktong nangyari."Mabuti na lang at nagising si Nica," ani Ara. "Ginising niya ako kaagad, ayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? Tatawag na ako ng doktor-""No... n-no need Ara, I'm okay." Napabuntong hininga ako. Hindi kaagad umepekto ang gamot kong pangpakalma kaya nagkaganon. Hindi na rin naman masakit ang dibdib ko. Maliban sa mga kalmot sa aking braso, leeg, a

  • Promesa Rota   CHAPTER 37

    [PRESENT...]"Mommy... are you oh-tay?"Nilingon ko si Nica, ang tatlong taon gulang kong anak. With her deep gray eyes, pointed nose, rosy cheeks, kissable lips, and curly eyelashes... she really looks like her father. Wala nga yatang nakuha sa akin kun'di ang kepyas.I smiled and pinched her rosy cheeks. "Yes, mommy's okay. You should sleep now Nica, hindi magandang magpuyat ang batang katulad mo.""Mommy, can you sing foh me?" I smiled again. Hanggang ngayon kasi ay medyo bulol pa siya. May mga salita at letra pa rin na hirap siyang bigkasin ng tama. "Ara used to sing a lullaby so that I would sleep fast, but you know what mommy... her voice is panget. Sakit sa ears, that's why natutulog nalan ako."Bahagya akong natawa saka siya hinawi ang buhok niyang bumagsak sa makinis niyang pisngi. "I don't sing, but maybe your Dad can sing-" Huli na ng maisip ko ang lumabas sa aking bibig. Nang tignan ko si Nica ay kunot ang noong nakatitig siya sa akin."Daddy?" nagtatakang tanong niya. "Wh

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status